KABANATA 5

1429 Words
Pangatlong beses na itong pagdadalang tao ni Joy, ini-insert lamang sa kanyang matres ang pinagsamang sperm at eggcell ng mag-asawa at ang tanging gagawin ng katawan niya ay buhayin ang sanggol. Naroon ang kagustuhan na angkinin ang sanggol dahil siya ang nagpakahirap dito pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Ni piso ay wala siyang napapala sa ginagawa niya. Lahat 'yon ay napupunta kay Henry. Bayad niya daw sa lahat ng binigay nitong rangya sa kanya noon... Pakiramdam niya ay ito na ang araw na muli niyang isisilang ang anak na hindi naman sa kanya. Tolerable pa naman ang sakit pero hirap na din siyang makahakbang sa tuwing hihilab ito. Nasa ganun siyang posisyon ng abutan ni Adolf, ang doktor sa buong hospital na ito at kausap ni Henry kanina lang. Napagtanto naman agad ni Adolf ang nangyayari kaya naman pinatawag nito ang ibang nurse upang makatulong. Medyo napaaga ang panganganak ni Joy, nasa ika-37 weeks pa lamang siya ng pagbubuntis. Siguro ay dahil na rin sa stress na madalas niyang maramdaman. Kinakailangan pa siyang turukan ng pampatulog minsan para makapagpahinga lamang ng tama.. Tanging hiling nalang ni Joy, na sana ay matapos na ang lahat ng paghihirap niya pagtapos ng panganganak niya ngayon. Alam niyang mali ng pumayag siyang maging kabit ni Henry at matagal niya ng pinagsisihan 'yon. Siguro nga ay ito na rin ang karma niya. Palala ng palala ang nararamdaman ni Joy, umuungol na din siya sa sobrang sakit. Agad namang kumilos ang mga nurse at doktor. Inayos nila ang delivery area at hihigaan ni Joy. Agad na nahiga ang dalaga nung makita niyang ayos na ito habang patuloy na umuungol. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya physically. Sa loob ng tatlong taon na halos walang pahinga ang katawan niya sa panganganak, hindi niya pa rin nakakasanayan ang hirap na ito. Lumipas pa ang isang oras na nakahiga lamang si Joy at nakikipaglaban sa sakit ng labor. Kasalukuyan siyang ina-ie ng nurse ng maramdaman niya ang pagputok ng kanyang panubigan. Kasunod n'on ay ang impit na pag-ire ng dalaga. Halos kapusin ng hininga si Joy. Pansamantala siyang nagpahinga ngunit ng maramdaman niya ulit ang hilab ay muli siyang umiri nang mahaba, inulit-ulit niya ito ng tatlo pang beses kahit lupaypay na ang katawan niya hanggang sa tuluyan niya ng marinig ang iyak ng isang sanggol. Sa pagkakataong ito ay unti-unti nang nanlabo ang paningin ni Joy, ni hindi niya man lang nasulyapan ang itsura ng sanggol. Kaagad siyang nawalan ng malay-tao dahil na rin sa lubos na pagod. "Welcome back, Boss!" Kaagad na tumayo si Christof mula sa pagkakaupo ng iluwa ng pinto ang nakangiting mukha ni Henry. Naka suit ito ngunit halatang lukot-lukot ang white long sleeve na panloob. Bagama't naitatago ng kulay itim na shades ang mga mata ng matanda, alam ni Christof na may ningning ang mga iyon. Tanda ng kasiyahan na nararamdaman nito. Alam niya, siguradong maganda ang naging paglalakbay nito. Agad na naupo si Henry sa sofa na katapat ng inuupuan niya. Kumuha ng sigarilyo sa bulsa dahilan upang mapalapit si Christof sa kanya at sindihan ang sigarilyong nasa bibig nito. Kasalukuyan silang nasa office ni Christof ng mga sandaling iyon. "How's our business going, Young man?" Panimula ni Henry, young man ang kadalasang itinatawag nito sa kanya. "Everything is fine, Boss. Thank you for trusting me. The packages are ready to ship. We are just waiting for your command." Mabilis na sagot ni Christof. Packages, ito ang mga droga at cocaine na pinapadala sa iba't-ibang probinsya ng pilipinas. Sa kanila nanggagaling ang mga suplay na mula naman sa ibang bansa. "I have no doubt about your skills, Christof. Besides, maraming beses mo ng pinatunayan sa'kin na karapat-dapat kang pagkatiwalaan." Patango-tangong sagot nito. Itinaas nito ang mga kamay kaya naman kusang lumapit ang isa sa mga tauhan niya na nasa loob din ng kwarto. May iniabot itong animo'y box na kahoy sa kamay ni Henry bago yumuko upang mamaalam ulit. "This is very special." Ani Henry habang nilalabas ang laman ng kahon. Isang mamahaling brand ng alak pala ang laman nito. "Do you know how much this cost me?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Henry kay Christof. "How will I know if you never told me, boss?" Sarkastikong balik-tanong ni Christof. Biglang natawa si Henry sa tinuran ng binata. "That's what I've missed about you, Christof. But anyway, this cost 6 million and half. I think you deserve such kind of a gift, didn't you?" Nakangising turan ni Henry. "Thank you for that, boss." Walang alinlangang kinuha ni Christof ang bote ng iabot ito ni Henry sa kanya. Pabilog na may isang dangkal at kalahati lamang ang taas, may nakasulat na M sa bandang bunganga nito at natatakpan ng kahoy ang bibig nito. Isa pala itong Macallan Whiskey na mula pa sa Scotland. Alam niyang may kapalit ang pagbibigay sa kanya ni Henry ng ganito kamahal na regalo.. "So, what do you want, boss?" Deretsong tanong ni Christof kay Henry. Ibinaba ni Henry ang suot na salamin at pinakatitigan ng mariin si Christof. "You really know me by now, young man." Animo'y iniisip nito kung ipagkakatiwala ba sa kanya ang isang bagay. Akma na sanang magsasalita si Henry ng mag-ring ang kanyang cellphone. "Just a minute," saglit na tumayo ito at tumalikod kay Christof bago sinagot ang cellphone. "She gave birth?" Napalakas ang tanong na iyon ni Henry. Parang gulat na gulat ito. Napakunot-noo naman si Christof sa narinig. Alam niyang babaero si Henry pero hindi ito nambubuntis. Wala din naman itong anak na babae at siguradong hindi ang asawa nito ang nanganak. Na-intriga tuloy si Christof sa kausap nito sa kabilang linya. Mataman lamang siyang nakinig. "Okey, that's better. I will inform the parents now and I will be there to get the baby right away. Tell one of your nurse to be prepared, someone needs to come with me." 'Yon lang at pinatay nito ang cellphone. Saglit itong bumuntung-hininga bago muling nag-dial ng numero. "Your baby is ready, I will see you at your house. Prepare my money." Gayundin at muling pinatay nito ang cellphone. Tuluyan ng nilamon ng kuryusidad si Christof. Sa loob dalawang taon na naging kanang-kamay siya ni Henry at kasosyo sa bar nito, ano pa ang itinatago nito sa kanya? Lumakas ang kutob ni Christof na may mas malaking bagay pa itong kinukubli sa kanya. "See you around the bar, Christof. Kailangan ko munang umalis." Pagpapalam nito sa kanya, ni hindi na ito nag-abala pang lingunin siya. "But wait,.." habol ni Christof. "Diba, may sasabihin ka sakin, boss? Hindi kaya ito na 'yon?" Pagbabasakali niya. Sukat dun ay lumingon ito sa gawi niya. "Soon, young man." Nakangising sagot ni Henry bago tuluyang lumabas kasunod ang apat na lalaking alalay nito. Hindi naman mapakali si Christof sa kinauupuan. May isang nagbabantay sa kaniya sa loob ng opisina, sanay naman siya dito at kilala niya na ito. Alam na alam niya din na loyal ito na parang aso sa amo nila. "Pwede mo na akong iwan, Norman." Malamig ang boses na utos niya sa lalaki. "Gusto ko magpahinga. I need privacy." Dugtong pa niya. "Sige po, sir. Pero nandito lang po ako sa tapat ng pinto niyo sa labas. Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo." Anito bago tuluyang lumabas. Agad na ni-lock ni Christof ang pinto mula sa loob. Hindi siya pwedeng maupo na lang dito. Kumuha siya ng maaaring isuot sa closet. Isang itim na jacket ang napili niya, nagsumbrero ng kulay itim din at Inalis ang suot na salamin. Dahan-dahan niyang binuksan ang sliding door sa mismong loob ng closet niya. Hindi ito halata sapagkat mapagkakamalan lamang itong pinakalikod ng closet. May mahaba at maliit na pasilyo dito patagos sa isang dingding ng happy ending bar. Sa kabilang parte ng makipot na pasilyo ay ang kinalalagyan ng kanyang mga gamit gaya ng baril at mga patalim. Kumuha siya ng dapat niya lang dal'hin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi mahahalata ang paglabas niya doon sapagkat maingay at nagkakagulo ang mga tao. Idagdag pa na lasing at lango sa droga ang mga taong andoon. Dumeretso siya sa Garahe. Pagkasakay niya sa loob ng kotse ay pinindot niya ang push button kung saan maaaring magpalit ng kulay ang kotseng gamit niya. Sa ganitong paraan, hindi mamamalayan ni Henry ang pagsunod niya dito sapagkat hindi nito makikilala ang kotse niya. Kailangan niyang alamin ang tinatago nito sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD