KABANATA 6

1623 Words
Christof Point Of View. Inabangan ko ang paglabas ni Henry mula sa bar. Hindi naman ako naghintay ng matagal at nakita ko ang papalapit na bulto nito sa kanyang sasakyan. Ngunit nagulat ako ng makita ang nurse na kasama nito! Hindi ko maisip kung saan niya ito sinundo sa loob ng ganun kabilis na oras lamang. Halos kalalabas lang nito mula sa office ko! Nakita ko din ang baby na karga-karga ng nurse. Lalong sumidhi ang pagnanais ko na alamin ang mas malalim pang inililihim ni Henry sa akin. Hinintay kong makalayo ng higit sa 10 meters ang mini van nila bago ako sumunod. Buo ang loob kong alamin ang lahat. Papuntang norte ang binabagtas ng sasakyan nila Henry. Mataman lang akong nakasunod dito ng tumunog ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. "Boss" ang nakarehistro sa screen, si Henry! Agad ko itong sinagot.. "Where are you?" Bungad na tanong ni Henry sa akin. "In my office. Matutulog na sana, boss. Why?" Malumanay na sagot ko sa kanya.. "Well, nothing. I just called to inform you that I will not be around until tomorrow afternoon. Take care of the packages very well." Anito sa kabilang linya. "I will, boss." Mabilis kong sagot sa kanya. Sukat dun ay nawala na ito sa kabilang linya. Sa tant'ya ko ay nasa isang oras at kalahati din akong nakasubaybay sa sinasakyan nila hanggang sa mapansin ko ang pagpasok ng mga ito sa isang private na subdivision. Pamilyar ang lugar sa akin, madalas akong magpunta dito noon bago pa man ako maging kasosyo ni Henry sa Happy Ending Bar at iba pang 'negosyo' nito. Lumiko ako sa kaliwang kanto at pansamantalang nagpahinga dito. Inilabas ko ang isang cellphone mula sa jacket ko at tinawagan ang kaibigan kong nakatira din sa private subdivision na 'yon. Agad naman itong sumagot kahit pa nga medyo malalim na ang gabi.. "Yow, Brother. Napatawag ka? Gabing-gabi na, a?" Agad na bungad niya sakin mula sa kabilang linya. "I need your help, Brother. Nandito ako sa labas ng subdivision mo ngayon." Panimula ko. "Okey, then. I will call the guard now." Mabilis na sagot niya sa akin.. Naghintay pa ko ng ilang minuto bago muling pinaandar ang sasakyan patungo sa gate ng subdivision. Pagkatapos mai-check ang ID ko ay agad naman akong pinapasok dito. Sinubukan kong mag-ikot ikot muna, nagbakasakali na makita ko ang mini-van nila Henry. Hindi naman ako nahirapan. Halos katapat lang ng bahay ni Rudy, ang pinagpark-an ng sasakyan ni Henry. Saktong sakto, nakita kong nakabukas na ang tarangkahan ng parking area ng bahay ni Rudy sa loob, agad kong ipinasok ang kotse ko at pinasara ko din sa kanya ang gate upang di nakabinbin ang kotse ko sa labas, mabuti nalang at isang motorsiklo lang ang sasakyan ni Rudy sa parking area na 'yon. Pumasok ako sa bahay nito, walang pinagbago mula no'ng huling bisita ko dito, maliban sa kulay siguro ng pader ay wala ng nadagdag pa. dumeretso ako sa taas at naupo sa balcony habang sinusubaybayan ang paglabas ni Henry mula sa katapat na bahay. "So, what brings you here, Chris? Magtatagal ka ba at kailangan mo pang ipasara ang gate ng parking area ko?" Bungad na tanong ni Rudy habang mataman na nakatingin sa akin. Nasa second floor ang balcony na kinauupuan ko ngayon. Nakapatay ang ilaw at sinadya kong 'wag iyon pabuksan. Tanging ang liwanag ng buwan at ang ilaw na nanggagaling mula sa poste sa ibaba ang nagsisilbing liwanag namin. "Just part of the plan, Bro. Iyan ba talaga ang ibubungad mo sa 'kin? hindi mo yata ako na-miss man lang?" nakangiting tanong ko kahit hindi ko siya nililingon, ang mga mata ko ay nakapokus sa garahe ng katapat na bahay. Napako din ang mga mata ni Rudy sa lugar ng makita niya 'kong nakatingin dito. Nakita ko na napailing-iling siya. "Wanna have some beer?" Hindi pa man ako sumasagot ay kusa na itong bumaba sa first floor para kumuha ng alak. Mabilis naman itong nakabalik at inilagay sa tapat ko ang can ng redhorse. Agad ko itong binuksan at ininom. "It's been years now, how are you and your mission going?" Panimula ni Rudy. "Hindi ka maniniwala, Brod. Sa loob ng two years, ngayon lang mukhang magiging malinaw ang lahat sa akin." Sagot ko sa kanya. Kahit madilim, nakita ko ang kuryusidad sa mga mata nito. Sumilay ang isang ngisi sa kanyang mga labi bago sumindi ng sigarilyo at muling nagsalita. "You are not the black panther I've known, Christof. Dati, in less than a year, natatapos mo ang isang misyon, anong nangyari sayo?." Pailing-iling na tanong niya sakin. Ito na nga yata ang pinakamahirap na misyong napunta sa akin. Hindi basta basta si Henry, ilang beses ko na ding itinaya ang buhay ko para ma-gain lang ang tiwala nito. Pero ngayon, mukhang may mas malalim pang bagay ang 'di ko pa nalalaman. At tama nga si Rudy, mabagal ang pag-usad ng misyon na ito. "You're right. Pero madulas pa sa palos si Henry. Take a look at this," Sabay pakita sa kanya ng tahi ko sa kanang tagiliran at ang daplis ng bala sa kaliwang balikat ko. "Halos itaya ko ang buhay ko para lang pagkatiwalaan niya at matapos na ang misyon na 'to. Ngayon nga ay pakiramdam ko, malapit ng matapos 'yon." May tiwalang sambit ko.. Tatango-tango naman si Rudy at nakikinig lang. "How about you? What happened to your last mission? I heard that you suddenly ask for a break? Is that true?" Pagpapatuloy ko. Aaminin ko, masyado ako naging maingat habang nasa paligid ni Henry, ni hindi ko na nagawang kumustahin pa si Rudy at ibang katrabaho namin, nag-aupdate lang ako madalas sa pinakamataas. Dati kaming partner sa bawat misyon at d'on nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa. Napansin ko ang paglungkot ng awra niya. Ngayon ko lang din napansin na medyo mahaba na ang buhok nito at parang stress. Gayunpaman, hindi nabawasan ang gandang lalaki nito. "Yeah, that's right. I don't want to talk about it for now, Brother." Anito. Napansin ko ang pag-iwas ng tingin nito sa akin. Tumayo siya at nagpaalam na bababa muna. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Muli akong napaisip, siguro nga ay may mabigat na dahilan ang paghingi ng break nito mula sa trabaho.. Kilala ko si Rudy, masyado itong dedicated sa aming trabaho, hindi ito basta aalis ng gan'on lang kung walang sapat na dahilan. May dalawang oras din akong mat'yagang naghintay sa paglabas ni Henry. Agad kong inilabas ang night vision telescope ko ng mapansin ang paglabas ng mga ito mula sa katapat na bahay. Napansin kong wala na ang sanggol na bitbit nila kanina kung hindi isang malaking attache case na ang kanyang dala dala. Kasama parin nila ang nurse. Mabilis silang sumakay muli sa mini-van. Agad akong bumaba, nakita ko na nanunuod pa si Rudy sa kanyang laptop kaya agad na din akong nagpa-alam dito. Hinatid niya naman ako sa labas at pinagbuksan ng gate. "I will call you one day, Brother." Tanging sabi niya sa'kin bago ako sumakay ng kotse. Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya naman tumango nalang ako at tuluyan ng lumabas. Susundan ko ulit sila Henry, nabanggit nito kanina na mawawala parin siya hanggang bukas ng hapon. Siguro ay malalaman ko na ang sagot sa mga katanungan ko ngayon. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe, napansin kong pabalik pa din sa Happy Ending Bar ang binabaybay ng sasakyan nila. Napansin ko na huminto ang mini van nito sa gilid ng Bar, bumaba si Henry mula sa sasakyan kasama ang nurse at dalawang tauhan nito. Kasalukuyan akong huminto sa may di kalayuan, sapat lang na nakikita ko sila. Nakita kong luminga-linga sa paligid si Henry bago naglakad patungo sa gilid ng bar. Dito nawala ang bulto ng matanda at nurse. Naiwan naman sa tapat ng lugar ang dalawang body guard niya at mat'yagang nagbantay doon.. Napahawak ako sa aking batok! Mukhang mahihirapan akong sundan pa sila ulit. Isinandal ko ang katawan ko sa sandalan ng kotse at pumikit. Wala pa mang ilang sandali ay muli akong dumilat para sana bumalik na sa office ngunit napansin ko ang isang pamilyar na babaeng lumabas mula pinto ng Happy Ending Bar. Tama! Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun! Teka, ano na nga bang pangalan niya? Krystal? Oo, siya nga yun. Napansin ko din ang paglapit ng tatlong lalaki sa kanya, parang pinipilit siyang hatakin at tila pinagpipyestahan ng mga ito. Napansin ko din na walang ginagawa man lang ang mga guard na nasa tapat ng bar. Animo'y natutuwa pa sila sa nakikita nila.. "Hay, lalabas O hindi?" Paulit-ulit kong iniisip ito habang nakatingin sa gawi ng dalaga. nakita ko kung paano tantsingan ng mga 'yon si Krystal. Sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis! Ano bang paki-alam ko sa babaeng 'yon? ngunit sa huli ay nasunod pa rin ang kunsensya ko. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng sasakyan ng makita ko ang paglipad ng isang lalaking medyo may kataasan ngunit payat na nakahawak lang kanina sa kamay at braso ni Krystal! Lumagapak ito sa semento at napangiwi sa sakit, sapo ang panga at balakang. Gayundin ang dalawa pang medyo matatabang lalaki, halos mabalian ng buto ang dalawa sa bilis ng kilos ni Krystal. Nakita ko kung paano mapa-atras ang mga guard na nandoon at nakasaksi sa mga pangyayari. Agad nagbago ang pasya ko, nanatili na lamang ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko maitatanggi na napahanga ako ni Krystal. Hindi lang pala siya basta babaeng bayaran! "Sabi ko na, hindi ka naparito para magtrabaho lang, Krystal!" tanging naibulong ko sa aking sarili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD