KABANATA 4

1061 Words
Bakas sa mukha ni Henry ang kasiyahan matapos n'ya magawa ang gusto kay Joy. Para itong demonyo na ngumisi bago nagsalita. "Babalik ako sa susunod na araw, bago ka man lang manganak ay mapakinabangan muna kita." Anito bago tumawa ng malakas at tumalikod na para umalis. Magkahalong awa at galit ang nararamdaman ni Joy ng mga oras na 'yon. Awa sa sarili dahil sa isang maling desisyon na nagawa niya noon, heto at nagdurusa siya ngayon. Galit dahil sa mga taong matindi pa yata sa demonyo, siguro nga ay matatakot si satanas kay henry once na magkita sila. Pwede na rin marahil itong pumalit sa pwesto ni satanas 'pag nagkataon. Pitong taon din siyang sunud-sunuran kay Henry. Itinago niya sa kapatid na si Madeline ang katotohanang iyon hanggang sa makapagtapos ito ng kursong Criminology. Gustuhin man ni Joy na ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral noon ay hindi niya nagawa. Masyadong seloso si Henry at halos ikulong siya nito sa loob ng condo unit na kanyang tinitirahan. Sa tuwing uuwi naman si Joy sa probinsiya para bisitahin ang kapatid ay may nakamanman sa kanya sa 'di kalayuan. Lingid sa kaalaman ng ni Madeline ay may dalawang lalaki ang palaging nakasunod sa bawat lakad nilang magkapatid. Mag-aanim na taon na sila ni Henry nang matuklasan mismo ni Joy ang isang katotohanan na gumimbal sa pagkatao niya. Nang minsang dal'hin siya ni Henry sa private property nito sa Tagaytay, napadako si Joy sa tagong basement ng hindi sinasadya habang nag-iikot ikot sa likod bahay. Dito ay nakita niya ang plaka ng isang motorsiklo. Bagama't medyo mahabang panahon na ang nakalipas, hindi niya maaaring makakalimutan ang tanging ibedensiya na alam niya sa pagkamatay ng kanilang magulang. Ang plate number ng sasakyan ng mga bumaril sa mama at papa nila na nairecord mismo ng CCTV, Naroon ito at halos hindi na mabasa dahil sa alikabok at sapot ng gagamba na bumabalot dito! Biglang kumabog ang dibdib ng dalaga ng mga sandaling 'yon. Hindi mawari kung ano ang dapat na maramdaman. Nagbaba-taas ang dibdib niya at parang nagsisikip ito sa labis na pagpipigil. Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya. Mababakas ang galit at poot dito. Dali-daling kinuha ng dalaga ang plate number at sinugod si Henry sa loob ng kwarto ng hindi nag-iisip. Sa loob ng anim na taon ay naging mabuti naman ito sa kanya bagama't seloso ay masasabi ni Joy na hindi siya nito pinabayaan. Kaya naman malakas ang loob ng dalaga na kumprontahin si Henry ng mga oras na 'yon. Gusto niya marinig ang paliwanag nito at bigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang mga magulang. Pero taliwas sa inaasahan ni Joy ang naganap. Nang malaman ni Henry na anak siya ng mag-asawang pinapatay niya at natuklasan mismo iyon ng dalaga ay nanlisik ang mga mata nito. Lumabas ang tunay na pagkatao ni Henry na kahit minsan hindi sumagi sa isip ni Joy. Magkahalong sampal at suntok ang inabot ng dalaga, nagawa pa siya nitong itali sa kama pagkatapos. Inamin nitong pinapatay niya ang mga magulang nila dahil masyado na silang maraming nalalaman. Doon niya lang din napagtanto na kay Henry nagmula ang capital ng kanilang magulang upang makapagsimula ng Lending o negosyong pagpapautang. Minsang nasundan ng kanyang ama si Henry sa loob ng underground mini-hospital. Hindi nito iyon sinasadya at natuklasan niya dito lahat ng illegal na ginagawa ni Henry. Kahit nangako ang kanyang ama na mananahimik ay hindi naging kampante si Henry kaya naman inutos nitong tapusin ang kanyang ama. Hindi inakala ni Henry na kasama nito sa loob ng sasakyan ang kanyang ina kaya naman nadamay ito at napatay din. Simula no'n ay mas naging mahigpit si Henry, nakakandado na mismo sa kwarto si Joy at dinadalhan na lamang ng pagkain, wala din itong kahit anong cellphone. Inilipat siya nito sa isang subdivision na walang masyadong nakatira. Kahit nagmakaawa pa ang dalaga na pagbigyan siya nitong makauwi sa huling pagkakataon upang maka-attend sa graduation ni Madeline ay hindi siya nito pinayagan. Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang umiyak at humingi ng tawad sa kapatid sa paraang kaya niya. Samantala, nagkaroon ng pagkakataong makatakas si Joy, dumaan siya sa bintana gamit ang pinagsama-samang kumot, kobre-kama, damit, at tuwalya. Medyo bitin man ay wala ng halaga sa dalaga, ang importante ay makatakas siya. Mula sa ikalawang palapag ay nakababa siya. Napilayan man mula sa medyo mataas na pagtalon ay pinilit niya paring makalayo. Pero nalaman ito agad ni Henry. Agad siyang pinahanap, maging ito ay tumulong sa paghahanap sa kanya. Hindi pa man nakakalapit sa mismong labasan ng subdivision ay naabutan siya ni Henry at ng mga tauhan nito. Agad siyang isinakay sa kotse ngunit hindi na binalik pa sa dating bahay na pinagtirahan niya. Dumeretso nga sila sa isang bar, pero sa kabilang gilid sila pumasok, nakita ni Joy na medyo makipot ang daanan, hawak ni Henry ang kamay niya habang nakasunod ang tatlong tauhan nito sa likuran. Iika-ika si Joy pero mabibilis ang hakbang na hinahatak parin siya ni Henry. Nang makalampas sa makipot na daanan ay isang pintong bakal ang agad na binuksan ni Henry, itinapat lang nito ang mga mata nito sa censor na nandoon at kusa na itong bumukas. Doon tumambad sa dalaga ang hagdan pailalim.. Mababakas sa mukha ni Henry ang labis na galit kaya naman ganun nalang siya kung hatakin nito habang bumababa. Isang de-tiles at maliwanag na lugar ang bumungad kay Joy. Sinalubong sila ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng unipormeng pang doktor. Hindi nga nagkamali si Joy sa hinala niya, parang isang hospital ang lugar na iyon. Mula nang araw na 'yon, hindi inakala ni Joy na doon na siya mananatili magpahanggang ngayon. Pinupuntahan siya dito ni Henry pero upang magparaos na lang at ni minsan ay hindi niya na nakita pa ang mundo sa labas. Sa loob ng tatlong taon, sa lugar lang na ito umikot ang mundo niya. Sa tuwing sasagi sa isip ni joy lahat ng pangyayari sa buhay niya, may parte ng isip niya ang gusto na bumigay. Sa kabilang banda, bilib parin siya sa sarili dahil kinakaya niya ang lahat. Akma sanang tatayo si Joy upang uminom ng tubig nang biglang humilab ang tiyan niya. Napakapit siya sa bakal ng higaan niya at pinakiramdaman ang sarili. Mukhang manganganak na nga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD