Third Person Point of View:
Samantala, sa ilalim ng Happy Ending bar, sa isang tago at mala-hospital na underground, matatagpuan ang mga babaeng buntis. Inaalagaan ang sanggol sa kanilang tiyan. Pinapasadya ng mga hindi na magkakaanak na mag-asawa ang ganitong bagay at tunay na napakamahal ng bayad sa ganitong procedure.
Kung sa ibang bansa ay legal ang ganito, dito ay hindi.
Sapagkat ang mga babaeng ginagamit nila ay kinikidnap, o mula sa mga dancers o waitress nilang nakakaalam ng sikreto at nais na patahimikin.
Masasabing hindi basta-basta ang ganitong gawain dito sa pilipinas.
"Kumusta ang mga babae natin?" Tanong ni Henry habang naglalakad sa makipot na pasilyo. Dumiretso ito doon mula sa byahe upang i-check ang kalagayan ng mga buntis, lalong-lalo na si Joy.
"Maayos naman po sila, Boss. Yun nga lang, si Joy ay nagtangka na namang magpakamatay," sabi ng isang lalaking nakasuot ng unipormeng pang doctor, "Tinurukan lang namin ng pampakalma para makatulog,” pagpapatuloy pa nito.
"Gano’n ba, pang ilang pagbubuntis niya na ba ‘yan?" muling tanong ni Henry.
"Pangatlo na boss, sa loob lamang ng tatlong taon,” sagot na muli ng lalaking doctor.
"Ilan pa ang kakayanin ng matres niya? May bagong kliyente tayo, may asawang inoperahan sa matres, wala ng pag-asang magkaanak at gusto niyang maganda ang magiging nanay ng anak n'ya. Gusto n'ya rin na siya mismo ng maglalagay ng sperm niya sa loob ng katawan ng babae. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin?" Nakangising sabi ni Henry.
"Ngayong buwan nakatakdang manganak si Joy, Sir. Kailangan niya ng kahit isang buwan na pahinga bago makipagtalik mula sa araw na makapanganak siya,” pagsang-ayon ng doctor.
"Hindi ba masyadong matagal ang isang buwan?" Naiiling na tanong muli ni Henry.
"Hindi sir, kailangan din ng panahon para mahinog muli ang eggcell niya." Paliwanag na sagot muli ng doctor.
"Gano’n ba, siya sige, ikaw ang humawak sa mga dapat gawin kay Joy. Bibigyan kita ng isang buwan at kalahati para dito,” utos nito sa doctor.
"That's noted, boss." Patango-tangong sagot ng doctor.
Pumasok si Henry sa loob ng kwarto na kinalalagyan ni Joy. Hindi maitatanggi na napakaganda pa rin nito sa kabila ng malaking tiyan.
Isa si Joy sa mga babaeng mabenta pagdating sa mga gustong magkaanak. Bukod sa maganda ito, alam ng mga kliyente na malinis at maayos ang babae.
Nakita ni Henry na nagkakamalay na ito.
Unti-unti nitong dinilat ang mga mata ngunit nanlaki naman iyon bigla nang matanaw nito kung sino ang nasa harap niya.
"H-henry! Ba't ‘di mo na lang ako patayin?" Pinipilit nitong tumayo pero halatang hilo pa rin ito mula sa pampakalma at pampatulog na itinurok sa kanya.
"Hindi pa ngayon, Joy." Parang asong nakangising sagot ni Henry sa babae habang hinahaplos nito ang mga binti at hita ni Joy.
Gusto mang manlaban ni Joy subalit alam niya na wala rin 'yong magagawa. Mauubos lang ang lakas niya. Isa pa, sanay na siya sa mga ginagawa nito sa kanya.
"Nabalitaan ko na nagtangka ka na namang magpakamatay?" Pagalit na tanong ni Henry kaya naman medyo napadiin ang pagpisil ni Henry sa hita ng babae.
Napaigtad naman si Joy sa ginawa ni Henry ngunit hindi ito sumagot.
"Hindi ba at nagkasundo na tayo? Baka naman gusto mong makita rin dito ang kapatid mo?" Nakalapit na ang bibig ni henry sa tainga ng babae sa mga oras na ‘yon.
Sukat do’n ay namuo ang luha sa mga mata ni Joy. Agad itong napaharap sa kinaroroonan ni henry.
"Paki-usap! ‘Wag na ‘wag mong idadamay ang kapatid ko. Pangako, hindi na iyon mauulit." May pagsusumamo sa tinig ng babae.
Hinaplos naman ni Henry ang pisngi nito bago padakot na hinawakan ang panga ni joy at pinisil ang pisngi nito gamit lamang ang isang kamay niya.
"Siguraduhin mo lang, Joy. Kulang pa lahat ng ginagawa ko sa ‘yo sa mga pagkakautang mo sa ‘kin!" Nanlilisik ang mga matang pahayag ni Henry.
Umiiyak namang tumango na lang si Joy.
"Good!" Bago siya nito binigyan ng isang mariin na halik sa labi.
Halos masugat ang labi ni joy sa ginawang iyon ni Henry.
Pumikit na lamang si Joy at nagpatianod sa mga nangyayari. Gaya ng nakasanayan, wala siyang magawa.
Winarak ng matandang lalaki ang duster na suot niya, tumambad sa harap nito ang may kalakihang hinaharap ng babae, parang asong naglalaway naman si Henry habang nakatitig sa kabuoan ng babae.
"Isa ito sa kinasasabikan kong gawin sa loob ng dalawang linggo, Joy! Huwag mo na subukang manlaban kung ayaw mong mangyari ulit ang nangyari dati." Mala-demonyong sambit ng matanda.
Muli, tiniis ng dalaga ang lahat.
Kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata ay ang pagbabaka-sakaling mahugasan nito ang napakarumi niyang pagkatao. Sa ganitong pagkakataon, gusto na lang ni Joy na sana ay kainin na siya ng lupa nang sa gayon ay matapos na ang lahat ng ito. Pero sa kabilang banda, may isang bagay ang nagbibigay ng lakas sa kanya.
Ito ay ang kanyang kapatid na si Madeline.
Maaga silang naulila sa mga magulang, desi-otso lamang siya nang tambangan ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo ang sinasakyan ng mga magulang nila. Dead on arrival ang mga ito pagdating sa hospital.
Kagagaling lang mula sa paniningil ng mga magulang nila ng pagpapatayin ang mga ito. Samantala, labing-tatlong taong gulang lamang si Madeline ng mga oras na iyon, wala siyang magawa kung hindi tumayong ina at ama sa kapatid.
Dahil sa pag pa-5-6 lang umaasa ang pamilya nila, wala ng nagkusa pang magbayad simula ng mamatay ang mga magulang nila. Hindi rin naman niya kilala ang mga taong may utang sa mga ito kaya simula no’n ay unti-unting naubos ang naitabing pera ng mga magulang niya para sana sa kanila.
Napilitan si Joy na huminto sa pag-aaral at magtrabaho para sa kanila ng kanyang kapatid. Naging waitress sjya sa isang kilalang restaurant kung saan niya nakilala si Henry. Namalayan niya na lang na isa na pala siya sa mga kabit nito. Hindi niya rin sukat akalaing hindi na pala niya magagawang takasan pa si Henry.
Nagsimula na rin ang kalbaryo ni Joy nang tangkain niyang makipag-hiwalay sa matanda subalit hindi niya ito pinaalam sa kapatid. Ang buong akala ni Madeline ay nasa maayos at malinis na trabaho ang ate niya sa Maynila.
Alam naman ni Joy na matalino ang kapatid niya, pero hindi niya pwedeng isakrispisyo ang kaligtasan nito. Hangga't buhay siya, sisiguruhin n'yang ligtas ang kapatid sa mga demonyong nandito. Pipilitin niyang lumaban. Kahit papa’no, ang isiping muli silang magkakasama ng kapatid niya balang araw ang nagpapalakas na lang sa loob ng niya...