KABANATA 7

1616 Words
Krystal Point Of View Hindi naging madali ang unang araw ko sa trabahong ito. Hindi pa man ako nakapagseserve ng mga bote ng alak ay kaliwaan na ang may gustong i-table ako pero tinanggihan ko ang mga ito. Hindi pa ngayon ang oras para sa bagay na 'yon. Habang palalim ng palalim ang gabi, lalong dumarami ang dumarating. Gayunman, makikita mo ang pagiging disiplinado ng mga tao dito. Kung sa ibang bar ay magugulo at walang patid na tawanan at sigawan ang maririnig, dito ay parang mga mata ang naglalaban. Naging kalmado naman ako sa paglipas ng bawat oras. Inaabangan ko ang pagdating ni Henry. Kung sino at ano ang itsura niya, wala akong ideya. Sa pagkakaalam ko, nakikisalamuha ito sa mga customer pero hindi siya basta basta nakikilala ng ordinaryong tao lamang. Hindi mo rin maririnig sa mga tao dito ang pagbati sa kanya, gaya ng napansin ko, mata sa mata ang usapan dito. Kilala siya ng matatagal na dito at mga pinagkakatiwalaang tao lamang. Sabi pa nila, sa oras na nakilala mo si Henry, maaari mo na din bilangin ang bawat araw na buhay ka.. Hindi ako maka-upo man lang upang makapagpahinga. Napansin ko na parang tatlo nalang kaming waitress ang nagseserve dahil nai-table na yung iba. Bagama't tumatayo naman ang mga ito paminsan-minsan, iyon ay para lamang kumuha ng maiinom nila at ng costumer nila. Napansin ko na papalapit si Mila sa akin habang naghihintay ng drinks sa counter. "Maupo ka do'n." Dominanteng utos niya sa akin habang tinuturo ang pinaka-madilim na part ng bar na iyon. May pandalawahang upuan do'n at maliit na lamesita. "Pero…" Sasabihin ko sana na alam naman nitong hindi ako magpapatable sa unang araw ko pero mabilis naman itong kumontra kaagad. "Wala nang pero pero! Basta mauupo ka do'n o una't-huling gabi mo na ito dito?" May gigil sa bawat salita niya. Napakunot-noo nalang akong sumunod na sa kanya. "Ibigay mo 'yang order sa ibang waitress." Pahabol na utos niya sa bartender, ako dapat ang magseserve no'n. Nakita ko ang pag-tango ng lalaki sa counter bago ako tuluyang hinatak ni Mila. Nang medyo malapit na kami sa pwesto ay do'n ko lang napansin na exclusive lang pala ang lugar na 'yon para sa isang tao. Wala pa naman ibang naroon kung hindi ako lang. "Dito ka lang, 'wag kang aalis!" Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero parang galit na galit ang mga mata ni Mila. Halos panlakihan ako no'n. Hindi ko na lang pinansin at tumango ako bilang pagsang-ayon sa utos niya. Maya-maya pa ay nawala na ito sa harap ko. May ilang minuto pa lang akong nakakaupo ng makita ko ulit si Mila, may kasama itong lalaki, medyo malaki ang tiyan, may katangkaran naman subalit parang napapanot na ang tuktok ng ulo nito. Nakasuot ng suit pero halatang hindi iyon nakaayos, lalo na ang panloob na long sleeve. mukhang mayaman naman dahil sa mga gintong abubot na nakasabit sa katawan nito. Patungo sila sa dereksyon ko! Sino naman kaya ang taong ito na pwede akong ipatanggal sa aking trabaho kapag hindi napagbigyan? Napataas ang kilay ko sa isiping 'yon. Nang makarating sila sa tapat ko ay nanatili itong nakatayo at pinagmamasdan ako. Nakakaasiwa ang paraan ng pagtitig n'ya. Kung hindi ko lang naturuan ang sarili ko maging kalmado ay baka nasapak ko na ang matandang ito.. daig pa ang manyakis kung makakilatis! "You must be Krystal," panimula niya. Kahit ang boses nito ay hindi maganda! Napatayo naman ako at maayos pa rin na nagpakilala.. "That's right, sir." Kiming sagot ko. "You are stunningly beautiful and sexy!" Nakita ko ang pagkamangha sa mga mukha nito. Halos tumulo ang laway niya habang sinasambit ang mga salitang iyon.. "Thank you, sir." Nagpakimi ako ng konte bago ngumiti. Napansin ko ulit ang pag-sama ng tingin ni Mila sa akin. Napaisip tuloy ako kung may mali ba sa ginagawa ko? Siya naman ang may gusto na papuntahin ako dito. Ang weird niya talaga. "Anyway, hindi na 'ko magtatagal, paalis na din ako. Dumaan lang ako para makilala ka, Krystal. I will be with you very soon." Hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil, halos pabulong pa ang huling sentence na binanggit nito sa akin. "I'm looking forward to that day, Mr.?" Simpleng paraan upang makilala ko siya. "Mr. Badboy! nalang sweet Krystal." Nakangising sagot niya sa akin. Nadis-appoint man ako ay nginitian ko siyang muli ng matamis. Lalo naman lumagkit ang tingin nito sa akin. "Bumalik ka na sa trabaho mo!" pabulong ngunit animo'y reyna na utos ni Mila sa akin. Hindi naman ako kumibo at hinintay ko nalang na makaalis sila sa tapat ko bago ako tumayo at bumalik sa pwesto ko kanina, sa counter. Pansin ko na walang masyadong ginagawa ang bartender kaya sinubukan ko siyang tanungin. Lalaki ito at nakikita ko din na panay ang sulyap niya sa akin lalo na sa dibdib ko, nakakaasiwa man ay pasadya kong iniliyad ang dibdib ko bago ko siya tawagin, susulitin ko muna ang pagkakataon.. "Psst, kuyang pogi." Panimula ko. Agad naman itong lumingon sa gawi ko at kusang nagtanong ang mga mata niya. Lumapit din ito ng bahagya sa akin. "B-bakit?" Tanong niya. "Kilala mo ba 'yon?" Sabay turo sa kinaroroonan ni Henry at Mila. Nag-uusap pa ang dalawa sa bandang pinto ng bar. Hindi pa pala sila tuluyang naka-alis. Agad kong ipinokus ang atensyon ko sa bartender pagkatapos ko maituro sila Mila pero parang nag-iwas bigla ng tingin sa akin ang lalaki. Naging malikot ang mata nito at dumistansya pa. "Naku, h-hindi ko kilala 'yon, e." Pagkakaila nito sa akin. "Ganun ba, sayang naman pala. hindi kasi ako sumama sa kanya, gusto ko kasi mga bata at machong kagaya mo, e." pinakatitigan ko pa siya lalo at nakita ko kung paano umangat ang mukha nito, may pagnanasang dumaan sa mga mata niya pero napalitan 'yon ulit ng pagkabalisa... "A, e- wag ako, iba nalang, M-miss." uutal-utal na sabi niya sa akin. sukat dun ay napataas naman ang isang kilay ko. huminga ako ng malalim bago tumalikod sa lalaki... "Mukhang mahihirapan ako sa isang 'to!" bulong ko sa sarili. iginala ko ang mga mata ko. Kailangan ko mas maging maingat, susubukan ko sana maghanap ng ibang mapagtatanungan pero nakita kong nakabantay na si Mila. Paki-ramdam ko nga sa akin lang siya nakatingin! ako lang ba ang sinusubaybayan niya? natawa ako ng lihim sa katotohanang 'yon. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero kailangan ko ng matibay na ibidensya kung si Henry na nga ito, o hindi. Siya lang naman ang tanging tao na pwedeng mag-alis sa akin sa trabaho. Bakit kaya gano'n nalang ka-loyal ang mga tao niya sa kanya? Kung sabagay, marahil ay alam ko na ang sagot, siguradong takot ang mga ito.. takot ipapatay! Mag a-alas kwartro na ng magsara ang bar, bilang waitress, naiwan kami sa loob para maglinis. May ilan pa ring nag-iinuman, ang sabi ay anak ito ng mayor kaya hindi gano'n kadaling paalisin. Kusa namang nagsilabas ang mga ito. Pinapa-uwi na din ako ng bartender at siya na daw ang bahalang maglinis ng naiwan pa do'n. Nagpasalamat ako bago dumeretso sa locker room para magpalit ng damit at kunin na din ang naiwan kong bag dito. Paglabas ko ng pinto ng bar ay biglang may humatak sa akin. Sila yung tatlong naiwan sa loob kanina! "Miss, tara..paliligayahin ka namin!" Sabi ng isang lalaking medyo matangkad at payat. Nakahawak ito sa braso ko ng sobrang higpit habang ang isang matabang lalaki ay nakaakbay sa akin at nasa harap ko naman ang isa pang medyo mataba din at pandak na lalaki. "Hindi ba mali 'tong ginagawa niyo? May guard pa dito. Hindi niyo din ba nakikita?" Walang bahid ng takot ang boses ko. Kalmado lang. Hindi rin ako umaalis sa kinatatayuan ko… Biglang nagtawanan ang tatlo. Nang lingunin ko ang mga guard ay parang wala nga silang nakikita. Dedma lang kumbaga.. Napaigtad ako ng haplusin ng lalaking matangkad ang braso ko, sinasabayan na ito ng dalawa pa, ang isa ay sa buhok ko nakahawak habang ang isa pa ay dahan-dahang bumababa ang kamay sa pang-upo ko. Mabilis akong umatras, pero nahawakan nila ang bag ko. Parang mga demonyong nakangisi lang ang tatlo at patuloy na lumalapit sa akin hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis na umigkas ang kanang kamay ko, sapul sa panga ang lalaking matangkad, nakita ko ang paghandusay nito sa semento, hindi malaman kung mukha ba ang hahawakan o ang balakang na unang tumama sa semento. Sukat do'n ay agad na sumugod ang dalawa sa akin, nahawakan ko agad ang kamao ng isang lalaking akmang susuntok, pinilipit ko iyon patalikod habang ang isang lalaki pa na akmang tatadyakan ako, nahawakan ko din ang paa nito at sa isang pitik lang ay umiikot itong bumagsak sa lupa.. Parang tuod na natulala ang mga guard sa nakita nila, napaatras pa nga ang mga ito ng akma kong kukunin ang bag ko na noon ay nasa lupa. Tahimik kong pinagpag ang sarili ko bago hinarap ang tatlong lalaki na noon ay nakatayo na ngunit nakangiwi sa sakit. Tinaasan ko lang sila ng kilay, nakita ko kung paano manlisik ang mga mata ng lalaking matangkad. "You're not my type." Pa-sarkastikong sambit ko. "Ikaw, makukuha din kita! makikita mo, magiging akin ka!" Dinuduro niya 'ko habang nagsasalita bago mabilis na umalis. napansin ko na may bahid din ng dugo ang bibig nito. Napailing-iling nalang ako. Ilang lalaki pa kaya ang mai-injured habang nandito ako sa lugar na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD