Mat'yaga akong nag-abang ng masasakyang taxi. Hindi naman ako nahirapan makahanap dahil nga alas-kwatro na din ng madaling araw. Parang hindi natutulog ang maynila, marami na ding tao ang naglalakad. Nakarating naman ako agad sa bahay na pag-aari ni Andriette, isa sa kasamahan ko. Ito ang pinakamalapit sa Happy Ending Bar kaya naman dito muna ako mananatili habang di pa natatapos ang misyon ko. Agad kong inilapat ang likod ko sa higaan pagkarating ko sa kwarto. Nanakit yata ang mga binti ko sa ilang oras na pagtayo suot ang heels na halos three inch ang taas.
Flat shoes ang kinasanayan kong suotin. Kahit pa nga medyo matagal ko ng prinaktis ang pagsusuot ng medyo mataas na heels, iba parin pala kapag aktuwal mo na itong ginagamit. hindi lang basta ilang oras, higit sa walong oras pa na walang pahinga man lang. Siguro ay makakasanayan ko din ang pagsusuot nito sa katagalan.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May tumatawag! Naalala ko, may meeting nga pala kami sa hide-out ngayong alas-nuebe. Si Armani ang tumatawag. Siya ang tinuturing naming lider sa aming grupo. Agad ko 'yong sinagot.
"May report ka bang nakahanda ngayong araw?" Bungad na tanong niya sa 'kin.
"Meron." Mabilis na sagot ko.
"Okey, then. See you at nine sharp!" Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.
Wala ng bago kay Armani. Isrikto at seryoso ito palagi. Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan. Napansin ko na nakamake-up pa pala ako, napailing ako. Naalala ko ang sabi ni Aziza na 'wag patatagalin sa mukha ang make-up. Pero dahil hindi ako sanay na may kolorete sa mukha ay nakalimutan kong tanggalin ito kanina bago ako nakatulog. Naligo ako ng mabilis at nagbihis.
Gamit ang motorsiklo, mabilis ko itong pinaandar palabas. Habang nasa biyahe, napansin ko ang isang kulay pulang kotse sa likuran ko mula sa side mirror. Kinutuban ako, Sinubukan kong umiba-iba ng direksyon at hindi ako nagkamali, sumusunod nga ito sa akin!
Hindi na 'ko nakapagpigil. Tinungo ko ang medyo maluwag at hindi mataong kalye. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng motorsiklo, pero bumilis din ang kotseng pula.
Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob nito.
Nang matant'ya ko ang distansya sa pagitan namin, agad kong inihinto ang motor ko sa gitna mismo ng kalsada, paharang sa dadaanan ng kotse. Kitang-kita ko kung paano biglang magpanic ang driver sa loob nito. Agad nitong tinapakan ang preno dahilan para bumasag sa katahimikan ng lugar ang langingit ng gulong nito.
Alam kong hindi ito aabot sa pwesto ko, halos isang dangkal nalang ang layo ng kotse nito mula sa motor ko ng huminto ang sasakyan. Pinakatitigan ko ang salamin ng kotse sa harapan bago ako dahan-dahang bumaba sa motor ko.
Gumilid ako sa driver's seat at kinalampag ang bintana nito.
"Hoy! Bababa ka diyan o babasagin ko 'tong salamin ng kotse mo?" Sigaw ko habang patuloy na kinakalampag ang bintana...
Ngayon ay aninag ko na ang bulto ng tao sa loob, lalaki ang anyo nito.
Hindi ito kumibo, lalo lang akong nabwisit kaya naman mas nilakasan ko na ang pagkalampag sa bintana niya. Napansin ko na medyo nagpapanic ang lalaki sa loob kaya mas tinakot ko pa ito. Maya maya ay kusang bumukas ang bintana ng sasakyan.
"I-ikaw?" Isa ito sa lalaking humarang sa akin kagabi. yung mataba at maliit.
nakayukyok ito, ni hindi makatingin sa akin ng deretso.
Nanliit ang mga mata ko, agad ko siyang dinakma sa loob, nahawakan ko ang k'welyo ng damit niya at hinila ko siya palabas ng bintana! Nanlalaban man ay mas nangibabaw ang lakas ko. Nakadungaw na ang mukha nito sa bintana ng tanungin ko siya.
"Bakit mo 'ko sinusundan?" Mahinahon ngunit may diing tanong ko sa kanya. Kahit may ideya na ko sa isasagot nito ay gusto ko pa rin marinig 'yon.
"A-ano, kasi.." nginig ang labing sambit niya..
Sinapok ko siya, "Magsasalita ka o babasagin ko 'yang mukha mo?" nanggigigil na tanong ko ulit.
"S-si Aldrin! Pinapasundan ka niya sa 'kin. G-gusto niyang dukutin kita at dal'hin sa kanya." Hirap sa pagsasalita ito dahil na rin sa pagkakasakal ko sa kanya..
"Aldrin? Sino siya?" Lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak sa k'welyo niya. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bunganga nito!
Namumula na ang mukha niya, "Y-yung sinapak mo kagabi!" Pinipilit nitong tanggalin ang kamay ko, sa pagkakataong iyon ay niluwagan ko ng kaunti ang pagkakahawak sa kanya. Bumuntung-hininga ako at nagpasyang ibinalandra ito pabalik sa loob ng kotse niya. Nag-uubo ito at halos habulin ang hininga.
Umikot ako sa likod ng kotse nito, inilabas ko ang patalim mula sa bulsa ko at binutas ang gulong nito sa likuran, pagkatapos ay bumalik ako sa lalaki..
"Call that Aldrin, now!" Utos ko sa lalaki, agad naman itong dumukot sa bulsa at inilabas ang cellphone niya. Maya maya pa ay duma-dail na ito ng numero.
Nang makita kong sinagot na ito ay agad ko iyong inagaw sa lalaki.
"Nakuha mo na ba siya?" Sagot agad ng nasa kabilang linya.
"f**k you, b***h! Sa susunod na mag-uutos ka, siguraduhin mong hindi mahina ang tuhod! teka, bakit kaya hindi nalang ikaw mismo ang dumukot sa 'kin? I think it will be very exciting, isn't it? O, baka naman natatakot ka din? f*****g coward!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at agad ko na iyong pinatayan.
Binato ko sa lalaking mataba ang cellphone nito at tinalikuran na. Late na ko sa meeting namin, nasayang lang ang oras ko sa mga walang kwentang nilalang na 'yon.
Pasakay na ko ng motor nang maramdaman ko ang presensya sa likuran ko, sinusundan pala ako ng lalaking mataba at akmang susunggaban mula sa likuran pero nakaiwas na 'ko kaagad. Nahablot ko ang nasa kamay nitong panyo na planong itatakip sana mukha ko. Napunta ako sa likuran niya, sinakal ko siya gamit ang braso ko at itinakip sa mukha nito ang panyo. Medyo malakas ito, nahirapan akong hintayin ang epekto ng pampatulog sa panyo kaya sinakal ko nalang siya ng todo para mawalan na ng malay-tao.
Bumagsak ito ng kusa sa semento, napailing-iling ako.. “Walang kadala-dala!” bulong ko sa sarili.
Pinagpag ko ang katawan ko at pinunasan partikular na ang braso kong nabasa ng pawis ng matabang lalaking 'yon.
Tumawag ako ng mga pulis at inireport ang lalaking nakahandusay sa semento dahil sa kalasingan, pagkatapos ay mabilis akong sumampa sa motor at iniwan ang lalaki sa gano'ng ayos.
Alas nueve pasado na ako nakarating sa hide-out. Tanging ako at si Andriette nalang pala ang hinihintay.
Napako ang anim na pares ng mata sa akin pagpasok ko sa silid. Nakaupo na ng paikot ang anim na kasamahan ko.
"What take you so long?" Seryosong tanong ni Armani sa akin. Kasunod ko lang dumating si Andriette na agad namang naupo sa pwesto niya na parang wala lang, ngumunguya pa ito ng chiklit.
"May naka-encounter lang ako na plano akong dukutin." Kalmadong sagot ko kay Armani, naupo na din ako sa pwesto ko.
Napansin ko ang pagkunot ng noo nila, naghihintay ng iba ko pang sasabihin ngunit si Armani ay walang reaksyon man lang. Hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa amin, halos lahat kami ay nakakaranas ng ganitong pangyayari sa bawat misyon na mapupunta sa amin..
"Let's start." Malakas na panimula ni Armani.
Namatay na ang ilaw at gaya ng nakasanayan, tanging ang smart table nalang namin ang nakabukas kung saan makikita namin lahat ng report at plano para sa misyon ng bawat isa...