Christof Point Of View
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi mawala sa isip ko kung paano nakayang patumbahin ni Krystal ang tatlong lalaki ng ganun kabilis. Bihira mapukaw ng isang babae ang atensyon ko, kadalasan ay trying hard ang mga ito sa pagpapapansin sa akin ngunit walang epekto iyon.
Sa loob ng mahigit limang taon, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagkabalisa tungkol sa isang babae.
Siguro ay dahil kakaiba si Krystal sa lahat.
Bumalikwas ako ng bangon at nagtungo sa lamesita kung saan naroon ang laptop ko. Sa ilalim ng lamesita nakalagay ang mga resume ng mga aplikante, hinanap ko ang kay Krystal. Sa ibabaw lang naman iyon nakalagay kaya hindi ko na kinailangan magkalkal pa. Agad kong chineck ang details nito sa resume gayundin online.
Mukhang hindi mahilig sa social media si Krystal, tanging email address lang at cellphone number ang meron ito at wala ng iba.
Accurate naman lahat ng details niya online. Maliban nalang siguro kung may iba pang pangalan ang dalaga.
Napailing ako sa isiping iyon. Masyado na yata akong napapraning. Hindi naman bago ang mga babaeng marunong dumepensa sa sarili nila. Sa panahon ngayon, mas maigi naman talagang matuto ang mga kababaihan. Siguro ay dahil si Krystal ang kauna-unahang babaeng nakita kong lumalaban ng gano'n kabilis at husay at aaminin ko na na-amazed ako sa kanya. Matagal na panahon na din ang lumipas nung huling beses kong maramdaman ang amusement na gaya ng nararamdaman ko ngayon. Sa isiping iyon ay bigla akong nalungkot.
Ipinilig ko ang ulo at pinilit na kalimutan ang isang damdaming nais mabuhay sa aking dibdib. Nagtungo ako sa mini bar na nasa loob din mismo ng silid ko at nagtagay ng paborito kong alak. Sa ganitong pagkakataon, nahihirapan akong pakisamahan ang sarili ko. Tanging alak lamang ang nakakatulong upang maipahinga ko ang isip ng maayos at payapa.
….
Sa kabila ng medyo tinamaan ako kagabi sa nainom ko ay maaga pa din akong nagising, 6:45 am pa lang.
Nagpasya akong lumabas para makapag-jogging sandali. Pag-balik ko nalang ako magkakape at mag-aalmusal.
Mabilis akong nakapaghilamos at nakapagpalit ng outfit pang workout. Dahil dito ako nakastay sa office ng bar, ito na rin ang nagsilbing bahay ko sa loob ng dalawang taon, malaki ang kwarto ng office ko, sapat lang para sa akin..
Nadaanan ko ang kabuuan ng bar, kasalukuyang malinis at tahimik ito kapag ganito kaaga.
Pagbukas ko ng pinto upang lumabas sana ay nagkagulatan pa kami ni Ryza dahil nasa tapat lang pala ito ng bar. Isa sa mga entertainer namin si Ryza, hindi lingid sa akin na siya ang pinaka-sikat at mabenta.
Napansin ko na parang may inaabangan siya,
“Good morning, Sir Christof.” malambing na bati niya sa akin, nakasuot ito ng fitted leggings at sports bra. Sinasabing sexy ang dalaga, pero hindi para sa akin. Mukhang magwowork-out din ito. Isa din si Ryza sa pilit na nagpapapansin sa akin.
"Hi, good morning." Simpleng bati ko bago ito nilagpasan, nagsisimula na kong magwarm-up ng lumapit ito sa akin at humawak sa braso ko.
"Can I join you, Sir?" Sinabayan niya pa iyon ng matamis na ngiti. Hindi ako nagkamali, inaabangan niya nga ako. Hindi ko ugaling mambastos ng babae kahit pa nga todo pakita na ito ng motibo.
"I'm good. Besides, I like to work-out alone. See you around, Ryza." Malamig ngunit maayos na tugon ko.
"Well, then. Let's go." Balewalang sagot niya sa akin bago nagpatiunang naglakad.
Napailing naman ako sa ginawa nito. Nagsimula na din akong maglakad ng medyo mabilis, maya-maya lang ay nagdya-jogging na rin ako ngunit iniba ko ang dereksyon ko mula kay Ryza.
Alam kong napansin niya 'yon. Akala ko ay maililigaw ko siya pero sinundan pa rin ako nito.
Wala akong nagawa kung hindi ang pabayaan na ito. Sumasabay na siya sa akin, kitang kita ko kung paano magningning ang mga mata nito. Tahimik akong nagpokus sa ginagawa ko pero parang nawalan na ako ng gana.
Hindi pa man nag-iisang oras ang pag-iikot ko ay muli akong bumalik sa Happy Ending Bar. Pagpasok ko ng Bar ay nagulat ako dahil dumeretso din si Ryza sa loob!
"What are you doing?" Takang tanong ko sa kanya.
Wala naman itong naging tugon maliban sa isang mapang-akit na ngiti.
"Gusto ko lang subukan kung totoo ang sinasabi nila tungkol sayo, Sir." Aniya habang dahan dahang lumalapit sa akin.
Kusang kumunot ang noo ko, " About what?" Hindi ko plinanong umatras o lumayo man lang. Dinikit niya ang katawan sa katawan ko, pinaglakbay ang mga daliri sa dibdib ko pataas sa braso ko.
Napatingkayad ito ng kaunti upang abutin ang mga tainga ko bago siya bumulong, "Tungkol sa pagiging tunay mong lalaki." Lalong nangunot ang noo ko.
Marahan ko siyang tinulak palayo. Natawa ako ng bahagya bago umiling, "Look, I don't care what you're thinking and I don't need to prove anything." Malumanay na sambit ko sa kanya.
"Oh, c'mon, Sir." Napapalatak ito at nagtangka na muling idikit ang katawan niya sa akin pero kusa na akong umatras. "If you're not, then why don't you prove it to me and let me know how expert you are?"
"Stop right there, do you think you can get me by using those words?" Naiiling na tanong ko sa kanya.
"I can." Determinadong sagot niya.
"Hindi mo gugustuhing ipagtulakan pa kita palabas, Ryza. Now go, at hindi ko na iisiping nangyari ang bagay na 'to." Seryosong utos ko sa kanya.
Bahaw na tumawa ito at umiling.
"You are unbelievable. I will leave, pero wag mong isipin na dito tayo matatapos, Sir!" Sarkastikong pahayag niya bago tumalikod at naglakad palabas ng Bar.
Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga. Kakaiba na talaga ang panahon ngayon, babae na ang lumalapit at pilit na nang-aakit sa lalaki.
Muli akong napailing, dederetso na sana ako ng office/kwarto ko ng marinig ko ang pagpalakpak ng isang nilalang.
Si boss Henry! "Wow, what an amazing scene!" Sobrang laki ng mga ngiti nito. Nakaupo siya kung saan siya palaging pumupwesto tuwing nandito sa Bar. Hindi ko namalayan na nandoon pala siya dahil napokus ako sa pagsunod ni Ryza sa akin dito sa loob.
Ngumiti ako at agad na lumapit dito. Naupo ako sa tapat ng inuupuan niya.
"Akala ko mamayang hapon ka pa babalik, boss?" Sabi ko habang pinupunasan ang buhok ko ng tuwalya, basa ito ng pawis gayundin ang mukha, likod at dibdib ko.
"I've change my mind. I think it is the right time for you to know the oth side of my business." Seryoso ang mukha niya. Hindi ako kumikibo. Mataman akong nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay pinatay na nito ang hawak na sigarilyo at tuluyan ng tumayo.
"I'll see you again after lunch." Anito bago tuluyang naglakad palayo...