Chapter 9 TCH

2142 Words

DAVID ANTHONY POV Kagabi pa ako hindi mapakali, birthday ko ngayon pero pakiramdam ko namatayan ako. Nang mabasa ko ang sulat na kasama ng regalo ni Alexa ay hindi na ako mapalagay. Kinakain ng takot ang puso ko, takot na muli siyang mawala sa buhay ko. Hindi na natuloy ang celebration ko ngayon dahil nataranta ang lahat dahil sa sulat ni Alexa. Kagabi pa ako lumuwas ng Manila para sana hanapin ito. Pagkadating ko rito sa Manila ay dumiretso ako sa condo ko. Nagbabakasali akong nasa condo nito si Alexa, pero bigo ako. Ang sabi ng receptionist ay hindi pa ito bumabalik mula nang umalis kahapon. Nanlulumong napaupo na lamang ako. Natatakot ako sa sinabi nito sa sulat, na hindi na ito babalik kahit kailan. Nanggigigil na sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis at galit. Ang tanga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD