CHAPTER 6
LUMILIPAD ang utak ni Hillary habang nakasandal siya sa pader at naghihintay sa pagdating ni Vandrix. Nasa loob na siya ng building at nakatayo sa may gilid ng pintuan sa office ng binata. She clasped her arms on her chest with her crossed legs. Para siyang isang modelo ng puting pintura ng pader. Her messy ashy blonde hair which covers her beautiful eye, makes her more look like a hot young maiden, waiting for flashes of a camera to capture her.
Laman ng utak niya ang sinabi ni Sidney sa kanya na ina ng kanyang nabaril na inosenteng sibilyan – Maricar Montelibano Alberts. Hindi niya alam na Montelibano ang middle initial ng Laurice Jeanny na kanyang nabaril. Possible ba na kapatid niya iyon o kapatid sa ina ng kapatid niya? ‘Wag naman sanang kapatid niya dahil dobleng sakit ang kanyang mararamdaman. Her father may never had loved her as his own daughter, but still she doesn’t feel any hatred for her half-sister. Babae kasi iyon, sa pagkakaalam niya. Other than that information, she knows nothing anymore. She asked for Sidney’s help about figuriny out the real identity of that Laurice. Kapag nalaman niyang blood related sila, ‘di niya yata mapapatawad ang kanyang sarili. Mas lalong dapat siyang humingi ng tawad sa kanyang pamangkin, kung totoong kapatid niya ang babae. Siguradong masasaktan nang husto ang bata. Kapag namuhi iyon sa kanya nang husto ay saka siya lalayo. She’ll live in a deserted, isolated place, iyong walang nakakakilala sa kanya, and will live there for the rest of her life up until she dies.
Tapos ang nakakainis pa ay parang nagkaka-crush siya sa asawa ng babae na iyon. Haaay!
She pulled her thoughts away when numbers of men darted out from a certain room, mga grupo ng hapon. Mga singkit! Mukhang tapos na ang meeting ni Vandrix de Lorenzo. Nakita niyang lumabas din mula sa silid na iyon ang binata. Pormal na pormal at ang tangkad sa lahat. May kausap iyon na dalawang may edad na babae at lalaking hapon.
Gwapong-gwapo na naman ang chairman devil. Kaagad siyang napasulyap sa kanyang alagang si Angel, ang kanyang Persian cat na six months old. Regalo iyon sa kanya ng isang manliligaw na binasted naman niya, matapos niyang angkinin ang kuting. Masuwerte pa raw ang pusa dahil naibigan niya, samantalang ang tao raw ay isang taon ng nanliligaw ay puro na lang daw, no ang kanyang sagot.
“Ohayo gozaimasu.” anang isang hapon na tumapat sa kanya.
Yumukod pa iyon kaya yumuko rin siya at bahagyang ngumiti. Naiintindihan niya iyon, good morning daw.
Nakita niya ang pag-araro sa kanya ng tingin ni Vandrix. Sexy naman siya ah! Black legging and violet cropped top blouse, and her furry violet flat boots. Sinong hindi aararo sa kanya ng tingin kung lumalabas ang pusod niya at kung hindi dark ang legging niya ay malamang na bakat din ang kanyang kayamanan.
“Kanojo ga wa kerei desu.” anaman ng isa.
“Hai.” sagot ng isa pang Japanese at tumango-tango pa.
Tapos ay tumingin ang mga iyon kay Vandrix na nakatingin sa kanya nang tagusan na naman. Tagusan ba o mapanunaw?
“Kanojo ga imasen.” aniyon kay Vandrix.
“Hai.” pormal na sagot naman ng binata.
Hai raw! Oo raw. Anong oo? Baka naman binibenta na siya ng devil chairman na ito sa mga Yakuza! Aba! Ayaw niya. Ayaw niya sa maliit ang t**i, gusto niya ay sa malaki na abot sa ngala-ngala. Naloloka na naman siya. Sa pagkakabalita niya kasi ay malilit ang kwan ng mga hapon. Hindi naman siguro lahat. Hindi pa naman kasi siya aktwal na nakakakita ng t**i sa personal, more in p**n movies lang. At base sa mga Japanese porns, may kaliitan nga ang mga kwan ng hapon. Inay! May sanib na naman siya.
Kasalanan ito ni Sidney. Sabi kasi sa kanya ay XL ang kay Royce. Bwisit na babaeng yo’n. Ibinida pa sa kanya ang kwan ng asawa at mukhang pinaiinggit siya. Pinayuhan pa siya na kung magbo-boyfriend ay isa dapat daw sa qualifications ay malaki ang kayamanan. Susmi! May isa pa rin na nagsabi sa kanya, dahil may katrabaho silang papalit palit ng boyfriend at hindi raw makuntento sa maliit, maliit na at sablay pa raw sa performance. Kaya dapat raw ay maghanap siya ng XL at yoong to the max ang performance level! Jusmiyo!
Eh ang kay Vandrix kaya, malaki? Kita kasi sa hitsura nito ang ibang lahi kaya malamang ay may chance na hindi iyon maliit. Ngii! Mukhang Russian kasi ito at parang may ibubuga. Sa laki ba naman ng katawan na mas malaki pa sa inspektor nila, ano bang aasahan niya?
Iba ang tama niya sa lalaking ito. Para itong isang Hollywood actor sa paningin niya kasi kaya parang humahanga siya kahit pa nakita niya kung paano itong nagwala sa opisina noong mga nakaraang araw, dahil sa pagkamatay ng asawa.
Nangunot ang noo ng binata habang nakatingin sa mukha niya. She felt her cheeks flushed, so she hid it a bit. Napasulyap pa siya sa zipper ng slacks ng binata, to check if his s*x is protruding.
Ano na Marionne? Sira ka talaga! Inaabot ka na naman!
Wala siyang makita. Itim kasi ang slacks ng binata. Dapat naka side view ito para makita niya kung nakaumbok iyon. She bit the inner of her lower lip. Grabe ang kamandag ng mga kaibigan niya, namamanyak tuloy ang utak niyang inosente. At least man lang ay ma-experience niyang mabasagan ng hymen, bago siya tumanda. s**t! Kung ano-anong iniisip niya.
Nang makapag-paalam ang mga hapon ay binuksan ni Vandrix ang pintuan ng opisina at iminuwestra ang kamay para bigyan siya ng go signal na pumasok.
She literally looked up at him. Ang gwapo talaga nito at ibang-iba ang karisma. Totoong babae nga yata ang nanliligaw dito at hindi ito mismo. Niluluwagan nito ang suot na necktie at binubuksan ang ilang butones ng long sleeves na suot kaya napalunok na naman siya at napanganga sa isip.
“Get in, Miss Hiralde. Do you know what those Japanese nationals said?” anito kaya nauna siyang humakbang papasok.
Nakakasunog kasi ang titig nito at malamang kung araw-araw na ganoon ay baka nga pakiramdam niya ay nasa impiyerno siya palagi.
“H-hindi po, Chairman.” aniya. Hindi naman talaga.
“You’re pretty.” anito kaya napaubo siya.
Nasampal pa niya ang sariling dibdib. Maganda raw siya? Eh ikaw? Nagagandahan sa akin?
“Ah, akala ko po sabi nila ay ibebenta niyo ako sa Yakuza.” aniya sabay hakbang.
“Excuse me?” anito sa may likod niya.
Buti bingi ka! Hindi narinig ang sinabi niya. Nakagat niya ang labi at napangiti. Pilya rin talaga siya.
Nakailang hakbang pa lang siya nang bigla niyang maalala si, Angel. Naiwan niyang nakaupo sa waiting area ang kanyang pusa! Hindi pwede iyon! Baka mawala! Kaagad siyang pumihit at napapikit nang mariin na bumundol siya sa malabakal na dibdib ni Vandrix.
“Jeez!” anito at nahawakan kaagad ang mga siko niya habang siya naman ay tutop ang sariling noo.
Nahilo siya. Daig pa niya ang dinagukan gamit ang polohan ng isang kwarenta y singko na baril.
“Are you gaddamn hurt? “ inalog nito ang braso niya nang saglit siyang hindi makagalaw.
Nahurt nga ba ako? Nahilo siya, oo, pero hindi naman nasaktan. Kinilig? Ay ewan!
“I-I’m sorry C-Chair – man,” she swallowed. “I-I’ve m-missed something. I’ll - I’ll be back po.” aniya at saka nagmamadaling lumabas.
Umuurong na naman ang dila niya. Hindi niya pinansin ang mga kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga ugat. Ang korni! Paano ay ang init ng lalaki. Parang may lagnat kahit wala naman. Tapos ang bango. At ang tigas… ng kwan, ng dibdib.
Ni hindi niya iyon tiningala dahil sumalubong na sa mga mata niya ang balahibuhing dibdib nito na parang dinarang sa baga sa tigas.
She looked towards the direction, where she left her cat. She smiled. Oh! There was her p***y, sleeping safe and sound. Parang may umaaligid na ngang lalaki roon at hinihimas na ang balahibuhing p***y niya.
“Hey! That’s my p***y!” natutop niya ang bibig dahil pinagtinginan siya ng ibang naroon at nagkatawanan.
“I mean, p-pusa pala. Pusa ko ‘yan.” pabulong na sabi niya at deadma lang ang mga tiningnan.
“Sorry, Miss. I thought nobody owns the kitty.” anang lalaki.
Napakurap siya kasi, gwapo pero hindi niya type.
“It’s mine. I own it.” mabilis niyang dinapot ang pusa at ipinakita sa lalaki ang locket ni Angel. Naroon ang picture niya at picture ng pusa niya. May initial pa siya sa pure white gold na chain na suot ni Angel, MHHiralde – Angel
“These letters mean, Marionne Hillary Hiralde. Ako yo’n, so back off. This is my pussy.” aniya nang may katarayan.
Napangiti ang lalaki at nagtaas ng dalawang kamay sa ere. “Okay. I won’t claim your pussy.” pagdidiin nito sa salitang, p***y.
Mukhang iba ang pakahulugan nito. Mukhang p***y niya ang tinutukoy ng lintik.
“Better, or else I’m gonna shoot your head!” aniya sabay ismid.
Narinig pa niyang tumawa ang lalaki sa kanya.
“Ganda mo Miss. I’m Kristoff Servantes - CMO.” aniyon pero hindi niya pinansin.
CMO raw. Chief Marketing Officer. Eh ano naman? Akala naman yata ay nadadala siya sa pagiging CMO. Mayaman din naman siya, kaya lang simple lang ang buhay niya. Kaligayahan na niyang bumili ng signatured na sapatos at boots, iyon lang at walang iba. Sa damit hindi siya mapili, basta sexy, kahit pa galing sa ukayan ay bibili siya basta trip niya.
“Did he touch you, my little p***y? Papatayin ko ang hahawak sa iyo. Akin ka lang.” daldal niya habang hinihimas ang kuting na nakasiksik sa kanyang dibdib.
Nang pihitin niya ang knob sa office ni Vandrix ay nilingon pa niya ang lalaking si Kristoff. Nakatingin pa rin iyon sa kanya at nakapameywang.
May hawig iyon kay Vandrix, mas mukha lang mabait at palangiti.
Hindi niya ulit iyon pinansin. Sumulyap siya sa secretary na Xena pala ang pangalan. She smiled at the woman and the woman smiled at her, too. Tapos ay napanganga iyon sa pusa, pero tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng opisina.
“T-teka…” aniyon pero hindi niya pinansin.
Isinara niya ang pinto at saka naglakad papalapit sa mesa ng Chairman.
Nakatalikod ang lalaki at may kausap sa smartphone habang ang isang kamay ay nakapameywang.
Nakagat niya ang labi. Ang pogi kahit nakatalikod. Ilang taon kaya nito pinaghirapan na ma-achieve ang ganoong built? He’s so manly and so very sexy. Nag-blush pa siya nang maalala na nabundol niya ito at nauntog siya sa maskuladong dibdib. Nayakap niya nang mahigpit si Angel at nahalikan pa. Pero, nang sumirit sa isip niya ang kanyang kasalanan ay nawala ang kilig na kanyang nararamdaman. If there’s a big possibility for Vandrix to fall for another woman again, she can’t accept the fact if he’ll only fall to cover up his loneliness. Hindi niya gugustuhing maging isang tapal vulcaseal na panakip butas lang. And how foolish of her to think that he might fall for her, while she killed the woman he loves. Saka hindi niya maaatim na saluhin ang pamilya na dapat ay sa kapatid niya, kung sakaling kapatid man nga niya ang Laurice na iyon. Malalaman niya iyon ilang araw mula ngayon, pagkatapos ng imbestigasyon ni Sidney.
She took a deep breath and heaved out a sigh. How disgusting, Marionne. She should stop this nonsense, before it’s too late to turn her back and run away.
Kawawa naman ang kapatid niya kung sakali, napatay mismo niya tapos aagawin pa niya ang pamilya na dapat ay doon? Hindi pwede iyon. Hindi siya pwedeng maging masaya. She doesn’t deserve to be happy. All that she needs is forgiveness. After that, she’ll stay out of the picture. Forever…