CHAPTER 7
HILLARY formally stood straight when the Chairman turned around right after he hangs the call. She kept her lips and stared into his damn blue eyes. Umawang bibig ni Vandrix para magsalita, pero napatingin iyon sa kanyang pusa.
“What the f**k?!” kaagad na mura nito kaya napaitlag siya.
Ang lakas kasi ng boses nito at lukot na lukot pa ang noo dahil sa p***y niya.
“Why the f*****g hell did you bring a cat here?” napaatras ito na parang diring-diri.
Bakit ba ang cruel ng taong ito sa kanyang balahibuhing alaga? Ang cute-cute naman.
“B-Bakit po Chairman?” hinimas niya at tiningnan si Angel. “What’s wrong with my warm, furry, soft and foxy p***y po?” painosenteng tanong niya. She even raised her shoulders and shrugged it after.
Lalong umawang ang bibig ni Vandrix at nag-iba ang titig sa mukha niya. “You really mean p***y, young lady? You’re talking to me with that greeny word…” he quoted. “p***y?” sabay sulyap nito sa ibaba ng legging niya – sa sentro niya, to be exact.
SHIT! ALL CAPS! Bastos ang chairman! Wala naman siyang ibig sabihin na ibang p***y.
Nanginit ang pisngi niya dahil sa ginawa nito. Nakalimutan niya na soon to be married na nga pala sana ang kaharap niya at may anak na. Plus his age, thirty five na lipas na ng apat na araw sa kalendaryo. Sanay kasi siya sa mga ganoong usapan kapag kaharap ang mga kaibigan niya. Wala naman iyon sa kanila, tamang katuwaan lang nila.
“I – mean… Cat! C. A. T!” she spelled it, but almost scratched her own nape.
Bakit ba hindi niya naisip na well experienced na nga pala ang lalaki dahil may edad na at may asawa na?
He smirked. “Be careful next time. You might get caught stranded in your own damn greeny mouth. You’re still innocent, no matter how hard you may try to hide it. I spent most of my entire life facing different people, and I’m quite good characterizing one from the other. Baka mapahamak ka.” anito kaya napalunok na naman siya ng laway.
“Get that f*****g hell away from me!” biglang singhal nito kaya tumaas ulit ang mga balikat niya.
Nasa ikapitong bundok ba siya para sigawan pa nito? Hindi naman siya bingi, sa pagkakaalam niya. Baka ito ang bingi. Sabi kasi, kapag mahina ang pandinig ng tao ay pasigaw daw kung magsalita. Bingi ba ang Chairman Devil na ito? Sayang, pogi pa naman.
“Chairman, wala po akong mapag-iiwanan kay Angel. Wag niyo naman pong ipagtabuyan ang kawawang p***y, I mean p-pusa ko.” rason niya at hinmas ang pusa at hinalik-halikan pa niya.
“Jeez!” sambit nito na parang diring-diri na naman. “I’m allergic to it!” anito at biglang bumahin.
Oh no! Allergic nga! Natatarantang naglakad siya papunta sa may pintuan at inilapag ang pusa sa couch.
“Okay na po rito, Chairman?” she smiled at him – a beautiful one.
Inis na nakagat ni Vandrix ang labi. “Better.” sagot lang nito kaya napahagikhik siya.
Hindi naman pala nakakatakot ang lalaki. Ang sungit lang magsalita kung minsan, at naninigaw. Bagay nga yata ang Laurice na iyon dito, dahil sabi nito ay hindi sumisigaw ang babae. Mapagpasensya yata. Mukhang may similarities pa silang dalawa. Baka nga magkapatid sila. Ang chairman kaya ay maging masungit pa rin sa kanya, kapag nakasama na siya? O maging mabait kaya? O baka lalaong magsungit kung malaman na siya ang pumatay sa asawa nito?
Saka na niya iyon iisipin. All that she needs now is to pretend like she knows nothing about it. Saka na ang drama kapag nagkabukingan na.
Pinagpagan na muna niya ang damit bago lumapit ulit sa may mesa ng lalaki. Itinuro nito sa kanya ang isang silya, kaya para siyang sundalong naupo naman doon nang tahimik. Grabe! Kahit walang salita ay bossy ang dating. Gesture lang, alam na kaagad dapat ng empleyado ang gagawin.
May kinuha itong envelope sa loob ng drawer tapos ay lumapit sa kanya. “I don’t find you involved in a financial crisis, lady. That pair of boots you’re wearing cost 1,200 US Dollars or almost fifty-five thousand pesos. How come you were trying to apply as a janitress and now applied, as a nanny while you could afford that kind of expensive shoes?” anito sa kanya.
Ano ba ‘yan? Interview na naman? Ano bang pakialam nito sa boots niya? Saka paano nito alam na ganoon ang halaga ng kanyang sapatos? Hindi naman ito mukhang nagsusuot ng boots na pambabae. Hindi naman ito mukhang bakla. Lalaking - lalaki ito sa paningin niya, kaya nga may amats siya rito eh. Amats, means – tama. May tama siya kay Chairman Devil. Ibig sabihin ay may crush siya.
“Local po ito. Sa Divisoria ko binili. Four hundred lang po.” ngumisi pa siya.
He smirked and glanced at her without moving his head. Parang isang nakakatakot na ngisi at tingin.
“You can’t fool me, Miss Hiralde. My wife loves wearing branded shoes. Unang tingin ko pa lang sa sapatos mo, alam ko na hindi ‘yan peke. She owns that kind of design, just a black one.” parang biglang nalungkot ang lalaki nang sabihin iyon.
Mukhang masesesante pa kaagad siya dahil sa letseng boots niya. Nareremind niya rito ang asawa nito.
Para tuloy siyang inabot ng pagkakonsensya na naman. Napapormal tuloy siya. Wala namang masamang sabihin niya ang totoo. Hindi naman siguro makakaapekto kapag nalaman nito na mayaman din siya.
“My kind of living doesn’t necessarily connect with the chosen job that I wanted to get involved in. Gusto ko lang pong magkatrabaho, I think that’s enough reason for me to get hired. Yes, it’s 1, 200 US Dollars. I didn’t steal it, yo’n po ang importante.” paliwanag niya.
Walang sagot ang lalaki kaya tumahimik na rin siya. Lumapit ito sa silya at inilapag sa harap niya ang mga papel, kasama ang envelope.
“Read the policies. Then, sign. You’ll sign here. You’ll sign there.” Itinuro nito ang isang pad na may autopen.
Grabe namang pagkasigurista, yaya lang ay dala-dalawa pang pirma?
Binuklat niya ang mga papel at ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita na ang kapal ng policy. Juskopo! Baka naman abutin siya ng mahal na araw sa pagbabasa. Buti pa sa google account, check the box lang and click accept, ay okay na. Dito, mano-mano ang basa.
Tumingin siya sa binata na para siyang isang policy sa mga mata nito. Para kasing siya ang binabasa, habang busy naman siya sa pagsulyap sa mga papel. Nakapatong ang mga siko nito sa mesa at magka-krus ang mga daliri.
Ngumiti siya rito pero wala itong reaksyon. Nahiya tuloy siya dahil nakatitig ito sa mukha niya.
“Pwede po bang pirmahan ko na lang chairman?” she bit her lip.
Kaagad na dismayadong nagbungguan ang mga kilay ni Vandrix at umiling. “Can’t you spend enough time reading it? You’ll sign without even trying to soak just a single word in your head? Preschool teacher ka pa naman.” anito na masungit na naman.
Nanulis pa ang mga labi nito kaya nanulis din ang labi niya. Parang ang sarap kasing halikan mapupukang labi nito. Napahagikhik siya sa isip.
“Meron namang na-soak, Chairman. POLICY, nabasa ko po at naintindihan ang salitang yo’n, tama na po yo’n. Wala naman yata ritong nakalagay na masama. Pipirma na po ako.” aniya.
Umiling ito at inilis ang paningin sa kanya.
“Ayoko ng pusa.” anito bigla kaya napatigil siya sa pagpirma. Umawang ang bibig ni Hillary at napangaga sa binata.
“Eh chairman, wala pong mag-aalaga sa kuting ko. Hindi po ‘yan tama na iiwan ko siya. Please naman, maawa po kayo. Wala na po akong ibang pamilya, si Angel my baby na lang po. Please.” she made puppy dog eyes and twinkled.
Lalong nabugnot ang mukha nito. “Bring your kitty its own cage and bed.” mabalasik na utos nito, pero ngumisi siya.
Sunod-sunod ang kanyang pagtango. “Thank you po!” masayang sabi niya. She smiled while biting her bottom lip.
“Stop doing that!” anito at sumulyap sa labi niya.
She kept her lips and nodded, saka siya tumungo. Ang sungit ng damuho. Palagi na lang seryoso.
“May NBI record ba sa resume mo? I didn’t notice if you attached one.” anito na medyo kalmado na.
“Yes po. I have.” sagot niya habang pumipirma.
“GOOD.” ani Vandrix sa dalagang nakatungo. Kanina pa niya ito pinagmamasdan. This young woman reminds him about her fiancée, Laurice. May mga similarities ang babaeng ito at ang asawa niyang namatay. Iyon lang ay medyo pormal si Laurice, samantalang ang isang ito ay mukhang pormal na may kalokohan sa katawan. Minsan seryoso, madalas ay maloko.
He glanced at the cat with a glint of dismay in his eyes. Anong klaseng aplikante ang ganito na magbibitbit ng pusa sa kumpanya ng pinag-aaplayan? To the extent that she’ll bring it inside the Chairman’s office? Sira ulo yata ang babae na ito. But he admits she’s diverting his attention. Nawawala sa isip niya ang lungkot na nararamdaman niya. Rasonable kasi ang babaeng ito at parang ang hilig makipagbangayan. Hindi yata patatalo sa rason, basta maisipan, at madaldal pa. Bagay ngang maging teacher. Pero, teacher nga ba? He’s quite wondering. She’s too sexy to become a preschool teacher who dares to wear sexy outfits.
Noong una medyo pormal, but looking at this young woman now, mas lalong nagdududa siya kung graduate at lisensyado nga ito bilang isang guro. May liscense naman na naka-attached sa resume. It’s just that, this woman is so bold and daring. He can barely say that this woman is a modern type of, Maria Clara. Mahinhin na hindi niya maintindihan.
To the fact na nagbibit ito ng pusa ay ano ba ang sasabihin niya? Makapal yata ang mukha nito at walang hiya. Kung hindi lang siya iniyakan ni Vin noong umuwi sila at inaway-away ang tinanggap niyang yaya na graduate ng nursing ay walang tsansa niya itong i-hire.
Ayaw niya kasing madagdagan ang lungkot ng anak niya, so as much as possible, he wanted to give his son the happiness, to make him forget about losing his mother. And if this woman who’s in front of him is the key, then why not?
Isa pa naman ang anak niya na mahilig sa pusa. May alaga rin iyon, lalaki naman. Kaya lang ay allergy siya kaya isolated siya sa sarili niyang pamamahay. Ang anak niya at ang pusa ang may-ari ng kabuuan. Siya ay sa kwarto lang niya, sa theater room at sa mini office.
He sighed. How he misses Laurice. Kapag ganito na naaalala niya ang asawa niya ay napupuno ng galit ang puso niya para sa pulis na iyon na nakapatay sa babaeng pakakasalan na niya. Kung kailan naman pumayag na, after six years of them living together – saka naman namatay, siya iniwan. Ang tagal niyang naghintay na um-oo iyon sa kasal. Nakipag-live in na muna sa kanya si Laurice para raw kung sa anim na taon ay may magustuhan pa silang iba, bukod sa isa’t isa ay wala silang magiging problema. Until then when they finally concluded that they’d no longer love anybody else, she said yes to his proposal.
But now she’s gone and made him so damn mad and hellish. Parang nawalan na siya ng gana, kung hindi lang dahil sa anak nila ay baka pinabayaan na rin niya ang kanyang sarili.
Tapos ngayon ay nakatingin siya sa isang babaeng parang may aura ng asawa niya. Mas masayahin lang ito, pero may pagkakahawig ang dalawa. Morena type of beauty lang si Laurice with a short black hair, while this one has a very fair skin tone, pinkish indeed and really ashy blonde. Hindi peke ang buhok at gray ang mga mata. Maganda talaga, kung sa maganda – sobra.
He must not look at her like that but when he sees glints of Laurice’s face in this woman’s face, he can’t stop himself.
This woman has the most sensual lips he ever laid his eyes on. The upper lip is a little bit thinner than usual but heart in shape and slightly pouting, while the lower is full and really sexy.
“Chairman!” sigaw nito sa harap niya kaya makailan siyang napakurap.
“Don’t yell! I heard you.” inis na litanya niya.
Ang ingay ng babaeng ito at sa lahat pa naman ay ayaw niya ng maingay. Baka plasteran lang niya ang bibig nito kapag nagkataon.
“Tulog na po kasi kayo.” anito pa na lalong ikiasalubong ng mga kilay niya.
Wala pa sa kanyang nakikipag-usap sa ganoong paraan. Kahit na heads ng kanyang kumpanya ay wala. Kahit na ang kapatid niya sa ina na si Kristoff ay hindi. Only Nexus can. Then, how come that this woman is talking to him right now at that kind of approach? Para lang itong nakikipag-usap sa kaibigan, samantalang tingin niya rito ay matatakutin itong babae. Pamasid-masid kasi na parang pumapasok sa lungga ng kalaban.
“I’m not. Saan ka nakakita ng tulog na dilat ang mata?” inis na asik niya.
“Sa TV po.” sagot pa nito.
Hindi siya umimik pero gumalaw ang mga panga niya.
Hillary pressed her lips together. Parang sasabog na ang lalaki sa inis sa kanya. Kailangan na niyang manahimik. Pilit niya kasing nilalabanan ang takot, kaya kung ano-anong lumalabas sa kanyang bibig.
Marahan niyang ibinalik sa binata ang mga papel.
“Get your f*****g face out of my sight! Magpahatid ka na sa bodyguard sa eskwelahan at sunduin mo ang anak ko.” masungit at galit na utos nito.
At first, she can’t really imagine he’ll yell like that. Para kasing tahimik naman ito. Baka masungit lang dahil namatayan ng asawa. Sino nga ba naman ang magiging masaya kung mawala ang fiancée, ‘di ba?
She stood up like a soldier. Tuwid na tuwid ang kanyang likod at nakaliyad ang may kalakihang dibdib. Bigla tuloy doon napatingin si Vandrix at bumaba ang mga mata sa pusod niya.
Maya-maya, parang nadidismayang nag-iwas ito ng paningin. “How OLD are you, again?” anito na tumayo rin.
“I’m twenty four, Chairman.” aniya na parang proud pa.
“Then why acting like a six year old little girl?” nagpatiuna itong humakbang.
Gaga naman kasi siya, baka mamaya ay mahalata siya nito na agent sa klase ng mga tindig niyang full back, chin up, stomach in and chest out!
“In born na po yo’n, Chairman. Saka po ‘di ba, preschool teacher ako kaya normal na ang kilos ko ay parang bata rin.” paliwanag niya at sumunod sa lalaki.
“Well you don’t exactly look like a child and the way how you walk. Come, I’ll introduce you to my bodyguards. Baka gahasain ka pa sa loob ng kotse dahil sa hitsura mo, kasalanan ko pa.” anito at saka tumingin sa kanya nang buhatin niya si Angel.
“Meters away, young woman or else I’m gonna throw your p***y out of the building!” he commanded snappishly.
Sungit mo! Pakalmos kita sa p***y ko, makuha mo eh!
She glared at him but he looked back, so she faked a beautiful wide smile. Buti na lang sanay siya sa plastikan dahil sa pagiging undercover agent niya. Nagagamit niya ngayon sa poging devil na ito ang kanyang special skills…