CHAPTER 5
MATAMLAY na dinudutdot ni Hillary ng kutsara ang kanyang paboritong rocky road ice cream. Mukhang hindi pa yata siya matatanggap bilang yaya. Tatlong araw na siyang naghihintay ng tawag at halos hindi na nga niya maitikal ang kanyang cellphone sa kanyang katawan dahil baka biglang tumawag si Mr. Poging devil. Pero minumuta na siya nang husto ay wala pa rin hanggang ngayon.
“Mare!” sigaw ng isang pamilyar na boses sa labas ng bahay niya.
Kaagad siyang tumayo at sinilip ang tumatawag, at tama nga siya ng hinala – si Sidney.
She opened the door for her best friend. Linggo, kaya alam niyang day off ngayon ang kanyang kaibigan.
“Mharz!” nakangiting bulalas niya rito.
Nakatalikod pa iyon at kaharap ang asawa na mukhang inihatid lang ang misis.
Napailing siya nang walang kahiya-hiyang maghalikan ang dalawa sa may tabi ng kalsada. Her best friend Sid and Royce are the least two people who make her believe that there’s still an existing proof of true love. Yet, she’s so afraid that it might not happen to her. Nakakainggit dahil masaya si Sidney kay Royce, bagay na hindi naranasan ng kanyang Mommy sa piling ng sarili niyang ama.
She leaned against the doorpost and clasped her arms on her chest. Pati ang ulo niya ay tinatamad na isinandal niya sa hamba habang hinihintay niya ang dalawa na matapos sa paghaharutan. Apat na taon na ang nakalilipas pero para pa ring nagliligawan ang mga iyon.
“Hi, Mharz!” Sidney greeted her as the woman walked toward her.
Nagbeso pa ito sa kanya.
“Hi. Pasok.” anyaya niya rito.
Sumunod naman ito sa kanya at pasalampak na naupo sa kanyang white couch.
“How are you? ‘Di mo ako binibisita sa office.” anito.
Tinanggal niya ang twalyang nakapulupot sa kanyang baywang at walang pakialam kung naka-panty man siya sa harap ng kaibigan. Ganoon naman silang dalawa kapag nagsasama, common na iyon sa kanila na nakabra at panty lang. May sando naman siyang suot sa mga oras na iyon.
Dumiretso siya sa kanyang fridge at kinuha ang isang solo ice cream para sa kaibigan. “Mainit ako roon. Baka dumating na naman si Mr. Devil, mahirap na mabuko ako na tinatago ni Inspector.” aniya na lang.
“Malapit na rin matapos ang suspension. From six months, napababa na ni Jace sa three months and he’ll pursue it down to two months. But, we still have to work for it. Mukhang nilalakad ni Rix ang termination mo talaga.” imporma nito sa kanya.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. At least nakaka-good vibes na tatlong buwan na lang pala ang suspinde niya. Ang hindi nakakatuwa ay ang malaman na ayaw pa rin magpatalo ng Vandrix na iyon.
“May isa pang problema.” ani Sidney na nagpatigil sa kanya sa pag-scoop ng ice cream.
Hillary’s eyes flew to her and furrowed.
“‘Yong mother noong babae, pumunta sa opisina at naghahanap din ng hustisya. Nakausap daw ni Jace. Pinaliwanagan naman na hindi mo kasalanan ang nangyari. It wasn’t your fault that at the same time time when you pulled the trigger, the culprit covered the woman for his own safety.” anito pa.
Napabuntong hininga na lang siya. Kung siya lang ay haharapin na niya lahat ng rekalamo. Kaya lang hindi naman niya masasabing kasalanan naman talaga niya iyon kaya mas pinipili ng mga superiors niya ang itago muna siya habang inaayos ang kaso, at kapag totoong may reklamo na hindi mapigil ay saka siya lalantad talaga.
“Anong sabi?” tila balewalang tanong niya, pero ang totoo ay ninenerbyos na naman siya.
Ayaw niyang masira ang kanyang record bilang isang agent. Iyon na lang ang meron siya, pati ba iyon ay mawawala pa?
“Ilalapit daw sa DOJ. Haharangin naman ni Ghuix at ni Jace. Malalaman natin ang desisiyon kung haharap ka sa kaso, pagdating ni Direktor. Mahaba pa ang oras, mharz. Dalawang buwan pa si Direk sa Jamaica. You can still prepare. But don’t worry, ‘di ka pababayaan ng kapatid ko.” anito.
Naupo siya sa tabi nito at niyakap ito na parang isa niyang ate. Matanda kasi si Sidney sa kanya. Anim na taon ang tanda nito sa kanya.
“Salamat. Willing naman akong humarap at patunayan ang sarili ko. Ang meron lang ako ngayon ay pagkakonsensya. Kahit hindi ko iyon sinasadya, hindi ko matanggap na nakapatay ako ng inosenteng tao. Other than that, inalisan ko ng Mommy ang isang walong taong gulang na batang lalaki at asawa ang Chairman ng VDL Hardware.” malungkot na sabi niya.
“Sus. Normal lang yo’n. Masakit lang yo’n na tanggapin ng mga taong naiwan, pero sa mga kagaya natin, hindi. Imagine how many people could be dead at that time, compared to one. Malala pa, kung ‘di ka nakipagsabayan ay baka pati ang bata na yo’n at mismong ikaw ay patay na rin ngayon. But of course, we’re open for whatever possible opinion and feelings of Laurice’s family toward the incident. Masakit talaga yo’ng tanggapin.” alo naman nito sa kanya.
“Sinabi rin ni Ghuix sa akin ang pag-apply mo raw na… nanny, sa anak ni Kuya Rix?” anito at umarko pa ang mga magagandang kilay.
Umayos siya ng upo at isinandal ang buong kabigatan sa backrest. “Oo, gusto kong personal na makahingi ng tawad. Gusto ko kasing ipakita na mabait naman ako at hindi ako singsama ng gustong isipin ng Vandrix na iyon. Isa pa, naaawa ako sa bata. You know where I came from and what kind of parents I’ve had. Wala akong perpektong pamilya kaya mostly, nararamdaman ko iyong awa para sa mga tao na katulad ko. I feel the pity for that poor boy. Imbes na may nanay siya na totoong magmamahal sa kanya, baka makakuha pa ang tatay niya ng madrasta niya na sampal dito, sampal doon.” she followed it with a sigh.
“Ayan ka na naman. Sinisisi mo na naman ang sarili mo. Tapos na, ano pa? Dapat kasi maging matapang ka. Ang bait mo kasi na sobra.” anito na hinimas ang hita niya.
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang si Hillary nang tagusan sa baso. Mabait talaga yata siya at malambing. Dapat nga ay hindi siya naging agent. Pusa nga ay iniiyakan niya kapag namamamatay o naiipit, tao pa ba kaya?
Bigla siyang napaitlag nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone sa counter top. Parang tumalon ang puso niya dahil sa kakaibang tensyon. My gosh! Baka si Mr. Devil! Kaagad siyang tumayo at pasimpleng kinarga ang kanyang alagang Persian cat na si Angel.
“Anong pangalan nga pala no’ng nanay ni Ma’am Laurice na magsasampa ng demanda?” pasimpleng tanong niya kay Sidney para maitago kahit paano ang excitement dahil sa pagtunog ng kanyang aparato.
“Maricar Montelibano Alberts.” ani Sidney na nagpatigil sa kanya sa tangkang pagdampot ng cellphone.
Daig pa niya ang tinakasan ng lakas dahil sa kanyang narinig. Napahawak siya sa edge ng counter. Gusto niyang linungin si Sidney pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay putlang-putla na siya.
Maricar Montelibano? Alberts? Ang kabit ng Daddy niya kung saan may kapatid siya roon sa ama?
“Mharz, phone mo.” untag ni Sidney sa kanya kaya napatingin siya sa aparato.
Unknown number calling…
She hastily picked up the phone and answered the call. Nawala sa isip niya iyon dahil nakatuon ang isip niya sa pangalan ng ina ng babaeng kanyang nabaril. Posible ba na isa sa mga kapatid ng asawa ni Vandrix and kapatid niya sa ama o baka si Laurice mismo ang kapatid niya?
Jusko! ‘Wag naman po. Nanubig ang kanyang mga mata. She felt pain and felt hurt. Parang may gabundok na bato ang bumara sa kanyang lalamunan dahil sa kaisipan na iyon. She couldn’t forgive herself if she killed her own sister. Mas dobleng pagkakonsensya at pagkainis sa sarili ang kanyang mararamdaman kung ganoon nga ang nangyari – na huwag naman sana.
Hillary blinked back her tears. “H-Hello?” wala sa loob na tanong niya sa nasa linya.
Hinang-hina ang boses niya at lumilipad pa rin ang kanyang isip.
“Miss Hiralde?” anang boses ng lalaki na minsan lang niyang narinig pero kabisadong-kabisado na niya.
Si Mr. Devil!
Kaagad na napatayo siya nang tuwid at parang nadribol ang kaluluwa niya dahil sa biglaang pagtawag ni Vandrix.
“Yes, speaking. Who’s this?” kunwari tanong niya pero naman alam na niya kung sino.
“Good morning! I’m the Chairman of VDL. I just want to inform you that you’re hired as my son’s, nanny. You can start tomorrow, and please come to my office to sign some important papers and know the policies.” pormal na sabi nito.
“Talaga po?!” napalakas ang boses niya at napatalon pa siya sa tuwa.
“Your gaddamn voice. Lower your tone. Babasagin mo ang eardrum ko.” anito na nagsusungit na kaagad.
Nakagat niya ang labi. “S-Sorry po Chairman, excited lang.” aniya.
“I’m telling you, I’m strict. Starting today, if you’re really sure about entering into my world, then you should know that I hate noisy people. Come tomorrow, if you’re decided. Are you?” agarang tanong nito na nagpakurap sa kanya.
“Yes.” agaran din naman na sagot niya.
“Good. See you at 8:00 AM, sharp.” anito at pinatay kaagad ang tawag.
“Y-ye ― “ naputol siya at natingnan na lang ang aparato.
Hmmp! Antipatiko ang menopause na dyablo! Bwisit! Ngali-ngali niyang ibatikal ang aparato sa noo ng lalaking lagi na lang nakakunot. Palibhasa matanda na kaya ang sun.