CHAPTER 3

1934 Words
  CHAPTER 3           NAKATULALA si Hillary matayog na building na pag-aari ni Vandrix de Lorenzo XI, isang kumpanya na may hawak ng naglalakihang mga hardwares sa bawat syudad sa lahat ng sulok ng Piliisang, at mayroon din sa buong Asya. She did a background check before she decided to come and apply as a nanny. Kung luho at yaman ang pagbabasehan ay parang langit ang katumbas ng mundo na kanyang papasukin, pero alam niya na kabaliktaran iyon. She made a mistake which is truly unforgivable, but she just can’t stand there and wait until the world collapses for her to die without asking for forgiveness. Kakaunti na lang nga ang mga taong natitira sa buhay niya at nagmamahal, maghahanap pa ba siya ng kaaway sa mundo? Bumuga siya ng hangin bago tuluyang humakbang papasok sa building. Grabeng higpit ng security na kung hindi pa siya humingi ng saklolo kay Ghuix para makapasok ay hindi siya papapasukin talaga. Thanks because she always has  that man’s back. What he’s doing is too risky, nagri-risk ng pagkasira ng relasyon ng magpinsan, dahil lang sa kanya. Ghuix is protecting her, and once Vandrix learned about it, lagot ang Inspector nila. Well, iyon na ang huling hingi niya ng tulong sa lalaki. Hindi na siya hihingi ng saklolo kailanman, kahit pa ibitay siya ng magiging amo niya, kung saka-sakali. Makailang ulit siyang  tiningnan ng isang sekretarya, habang binabasa ang kanyang resume. “Sigurado kang yaya ang pag-a-apply-an mo, Miss at hindi secretary o kaya model ng tindang yero at vulcaseal sa Global and City Hardware?” anang babae na may salamin, kaya napangiti siya. Tingin niya ay nasa thirty five na ang edad nito at sa unang analisa niya, mabait ang secretary. Kung may isang tao man siya na hindi kayang gamitan ng kanyang mapanuring instinct at character analyzer, it’s the man who’s going  to be her boss. Mahirap basahin ang aura ng Vandrix na iyon at mahirap sabihin kung anong ugali ang meron iyon, dahil kung pagbabasehan ang kilos, pananamit at pananalita… oh mommy! Mukhang mas seryoso pa iyon sa kapitan na barko ng lumubog na Titanic. Mukhang mahigpit ang Vandrix de Lorenzo na iyon at parang hindi basta-basta mapapangiti, kahit kakarampot lang. Pero bakit ba iyon ang iniisip niya? Biglang binundol siya ng kaba nang maalala ang matatapang noong mga mata na tagusan kung tumingin. Kailangan niya iyong paghandaan araw-araw dahil, sisiguruhin niyang matatanggap siya bilang yaya. “H-hindi, yaya po talaga.” aniya lang. “Para ka kasing model. Baka naman magkagulo lahat ng boy, hardinero at driver sa subdivision ng mga de Lorenzo kapag natanggap kang yaya ni Vin Rixor?” anito pa. Umiling lang siya at nahihiyang napayuko. Maganda naman talaga siya at hindi lang kung ilan ang madalas na magsabi noon. Kung pagbabaseahan ay hindi sila maghuhuli ng ganda ng pinakamaganda at sexy na agent sa Republika ng Pilipinas, na si Sidney. Ngayon nga ay parang siya na ang pumapalit dahil may asawa na ang kumare niya. Sino bang hindi tatawag sa kanyang sexy? She may not have the perfect pair of numbers with regards to her vital stats, proportion pa rin ang bust measurement niya sa kanyang balakang. 35 - 24 - 35. Samahan pa ng maganda niyang mukha at tindig, her pointed nose, pair of beautiful eyes and full sexy lips. Marami nang nagtangkang magmanyak sa kanya at magnakaw ng halik, para raw kasing gustong lagi ng labi niya na magpahalik. Palusot ng mga manyak na pulis, na hindi pa man lang lumalanding ang nguso sa labi niya ay nasapak na kaagad niya ng kanyang name board sa mesa. “Marami na kayong aplikante. Nakakatawa dahil puro kayo mga may titulong pwedeng panghawakan. Iyong iba, licensed engineer na walang trabaho. Yung iba naman ay midwife na wala ring trabaho. Ikaw naman, preschool teacher?” anang babae. Tumango lang siya. Peke iyon. Naisip niyang iyon ang ilagay na degree na tinapusan niya. Plus factor kasi iyon dahil bata ang anak ng Mr. de Lorenzo na iyon. She can be a tutor, for instance. Pero ang totoo, hindi siya guro. Graduate siya ng Accountancy at isa siyang CPA. She’s studying Forensic Pathology, but she stopped. Tumigil siya dahil nga sa kaso na kinaharap niya. Naabala ang schooling niya para maging isang PhD. She’s aiming to be one of the upcoming Directors of NBI. Kahit hindi sana direktor, basta nasa posisyon siya. Kapag ubos na ang takot niya sa pagiging agent ay papasok na siya para maging isang commanding ranked officer. She can’t pursue it by now. She’s not ready enough. Ayaw niyang tawagin na Director or Assistant Director or even Regional Director duwag! “May napili na po ba siya, if you don’t mind me asking.” aniya sa babae. “Wala pa. Basta may aplikante ay ini-interview niya kaagad. Pipili na lang siya sa huli. Hands on siya rito dahil para ito sa anak niya. Hintay ka na lang Miss, isisingit kita kapag lumabas na ang manliligaw ni Chairman Rix.” anito at iminuwestra sa kanya ang upuan. Takang napanganga siya. Manliligaw? Babae ang nanliligaw sa Chairman devil na iyon? Grabe! Naupo siya sa silya at hindi pa man lang nagtatagal ay may lumabas na batang lalaki mula sa office ng Chairman, ang bata sa bangko. Kaagad iyon na tumingin sa kanya tapos ay ngumiti. “You. It’s you.” aniyon kaya bigla siyang kinabahan. Baka naman natandaan na siya ng bata na siya ang nakabaril sa ina noon. My god. Anong gagawin niya? Mukhang mapapaaga ang pagsabit sa kanya sa sampayan ni Mr. de Lorenzo. Pero, nakangiti naman ang bata. Ibig sabihin ay natutuwa iyon sa kanya. “H-Hi!” kunwari ay bati niya. The boy ran towards her and to her surprise, he hugged her. Biglang napuno ng pagkaawa ang puso niya. s**t! Nadagdagan ang pagkakonsensya niya nang maramdaman na parang nangungulila ito sa isang ina. Nakasubsob ang kalahating parte ng mukha nito sa dibdib niya at yakap siya sa baywang. Parang naalangan pa siyang yakapin ito pero kusa namang kumilos ang mga kamay niya at hinaplos ang ulo ng bata. “Do you know her, Vin?” tanong ng secretary sa bata na tumango naman. “Yes. She saved me and covered herself so those bad guys wouldn’t be able to shoot me. Si Mommy ang binaril nila.” malungot na sabi nito nang ipihit ang ulo paharap sa sekretarya, pero nakasubsob pa rin ang mukha sa katawan niya. Ako ang bumaril sa Mommy mo, hindi sila. Anang konsensya niya. If she’s only brave enough to tell the truth at this instant, why the hell not? Hindi pa kasi panahon. Gusto niyang makita muna ng bata na mabuti rin siyang tao, para kung sakaling humingi na siya ng tawad at masabi ang totoo ay madali naman dito kahit paano ang patawarin siya. “She’s in heaven. She’s looking at you, right this very moment. That’s what Moms usually do.” aniya para pawiin ang lungkot ng bata. Pero siya, duda rin doon kasi ang Mommy niya, mas pinili na iwan siyang mag-isa nang sukuan noon ang lahat. Hindi niya alam kung sinisilip din ba siya niyon ngayon mula sa langit. “Is she?” tumingala ito sa kanya. Saglit niyang natitigan ang mukha nito sa malapitan. Kamukhang-kamukha pala nito ang ama, lalo na ang mga mata – Asul. “Yes.” ngumiti siya kahit pilit. “Why are you here? Liligawan mo rin si Daddy?” anito sa kanya. “H-Ha?” saglit siyang nawala. Napatingin siya sa sekretarya na natawa lang at natakpan ang bibig. “B-Bakit? B-Babae ba ang n-nanliligaw sa Daddy m-mo?” tinik naman niya! Ngayon lang siya nakarinig ng ganoon, babae ang umaakyat ng ligaw sa lalaki? Baka naman lalaki na rin ang nagsusuot ng thongs at babae ay boxers. Malamang. Baliktad na nga kasi ang mundo. Baka sa susunod ay ulo na ang gamitin na panlakad ng mga tao. Utak nga ngayon ay nasa talampakan na dahil sa sobrang katangahan, ‘di malayo na mangyari iyon sa hinaharap na ang ulo ay nasa lupa at ang paa ay nasa ere na nakabitin. Susmi! “Yata. Lagi nilang gustong palitan si Mommy kahit noon pa. Ayaw naman ni Daddy. He loves my Mommy, and they’re planning to get married if she didn’t ascend to heaven. Hindi na matutuloy ang pag-ring bearer ko. ‘Di na magpapakasal si Daddy sa iba. Wala na akong Mommy.” malungkot na sabi nito habang tinitingnan ang mukha niya. Nawalan tuloy siya ng isasagot dahil parang sinasaksak na naman siya. “Ang ganda mo.” anito kaya parang namula siya. Grabeng luka-luka na yata niya. Pati sa bata ay nagba-blush siya. Dinaig pa nito ang mga pulis na nagpapa-charming sa kanya. Ni isa sa mga iyon ay walang nagpapula ng pisngi niya. Ito na isang bata ay parang nahihiya siya na sinabihan na maganda? Umawang ang bibig niya para magsalita nang biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kaagad siya roon. Literal na nakanganga na lang siya nang magkatinginan sila ni Vandrix de Lorenzo. Nangunot ang noo ng binata, habang tinitingnan siya at ang bata. “Vin!” saway noon sa bata na lumingon lang sa ama, saka marahan na tumikal sa kanya. Ang babaeng katabi ng lalaki ay hindi mapatigil sa paghila sa blusa, paibaba. Parang mas lalo pang ipinakikita ang dibdib. Ang blonde na buhok ay iwinawasiwas papunta sa likod at sinusuklay pa ng mga daliri sa kamay. She knows that the woman is not really blonde, unlike her who has a natural touch of blonde hair color. Nag-aagaw na brown at puti ang kanyang buhok. British-American kasi ang Mommy niya at ang Daddy niya ay isang Latin - Pilipino. Iyon lang  ay ewan kung bakit hindi siya katangkaran. “So, I’ll expect you tonight, Rix.” anang babae at humawak pa sa braso ng lalaki. “Yes. Tell your Dad, I’m coming tonight.” pormal na sagot noon. “Yes. come, tonight.” the woman touched Vandrix’s chest seductively. Parang iba ang pakahulugan noon sa mga salitang sinasabi. Kita niya ang pag-angat at pagbaba ng malalapad na dibdib noon dahil sa tensyon. Pero, kapagkuwan ay bumalasik ang anyo at marahas na tinanggal ang kamay ng babae na dumadausdos sa dibdib nito. “Stop this nonsense, kung ayaw mo na huwag ka ng makaapak pa sa kumpanya ko! Leave!” sabay turo niyon sa direksyon papaalis. She gulped. Pahiya ang babae talandi kasi. Inis na nagmartsa iyon papaalis at umirap pa sa kanya. Napahabol pa siya ng tingin pero ibinalik ulit niya ang mga mata sa binata. Napakurap si Hillary dahil nakatingin iyon sa kanya habang nakapameywang, saka iyon tumingin sa bata. “Get in, buddy.” aniyon sa anak at parang nawala ang bugnot sa mukha. Hindi sinigawan ang bata at ang lambing ng boses kahit na mamang-mama ang dating. His voice was deep and full. Iyong tipong katatakutan pero kapag hindi naman pala sumisigaw ay hindi naman nakakatakot. And he has an English accent, too. Kahit  tagalog ang salita ay may diin ng pagiging englisero. Nang lumapit ang bata roon ay saka iyon tumalikod at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Isnaberong dyablo! Sinenyasan siya ng sekretarya na maghintay kaya tumango siya. The woman stood up and followed the Chairman. Pormal ang sekretarya, ibig sabihin ay masungit talaga ang lalaki…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD