CHAPTER 2

1888 Words
CHAPTER 2     Papunta pa lang sa parking lot si Hillary nang makita niya kaagad ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa may isang itim na Bugatti. Kusot ang mukha noon at halatang galit, pero hindi maitatago na walang kasing gwapo talaga. Sa pangalawang pagkakataon ay nag-krus ulit ang landas nila ni Vandrix de Lorenzo XI. Hawak noon ang pulsuhan ng isang batang lalaking malungkot na nakatungo. Kaagad siyang napaatras nang kaunti at biglang nakaramdam ng kakaibang kaba. Saan ba siya kinakabahan? Sa kagwapuhan ng lalaki o sa katotohanan na siya ang pumatay sa inosenteng ina ng bata na parang umiiyak sa mga oras na iyon? Shit! This is her fault. Mabuti na lang at hindi alam ng bata na siya ang nakapatay sa ina noon, kung hindi ay sobrang pagkasuklam siguro ang nararamdaman noon para sa kanya. She felt strikes of pain assaulting her chest. Naranasan na niya kung paano ang mawalan ng ina, kaya dobleng awa ang nararamdaman niya para sa bata. Hindi naman niya tatakbuhan ang responsibilad. Handa nga siyang makipagharap sa mag-ama kung saka-sakali, pero itinatago siya ng mga nakakataas sa kanya. Hindi mapilit ng lalaki na mapalabas siya. Wala rin naman kasing traces ng footage sa CCTV ng bangko dahil sira ang mga iyon at sa dami ng nakipagbarilan ay walang makakapagturo kung sino ang sino. At kaya siguro nandito na naman ang kalaki ay dahil magpipilit na naman na makita siya. “Gaddemit Ghuix! Once I find out that you are liable for trying to hide the ass of that s**t, better get yourself ready!” singhal noon kay Ghuix. Umecho pa iyon dahil sa sobrang lakas. Parang lubid na nagbubuhulan ang mga kilay noon na may kakapalan. Galit na galit na naman. Parang over na sa pagka-presssure ang aura ng lalaki. “Kuya please, don’t be like this. I’m protecting you, too. Ayokong makasakit ka ng tao, paano kung babae halimbawa siya?” kalmado naman na sagot ng Inspektor. “I don’t f*****g care! I’ll put her to her own graveyard. She killed my wife and so I have to make my own justice for Lourice. If I will be given the chance to do so, I’ll kill her with my bare hands!” galit pa rin na sagot ni Vandrix sa pinsan. Napatingin siya sa bata. Hindi ba nangingimi ang lalaki na magsalita ng ganoon sa harap ng sariling anak?  Sabagay, isang de Lorenzo si Vandrix at likas na yata sa mga magpipinsan ang maging ganoon. Pasasaan ba at darating ang araw na ang batang tinitingnan  niya ngayon ay magiging ugaling de Lorenzo rin. Sa pagkakakilala naman niya kay Ghuix ay hindi naman masama. Mapagpasensya ang pulis at malambing. Ang Vandrix ba na kaharap noon ngayon ay ganoon din kaya kapag hindi galit? Papatayin daw siya gamit ang mga kamay. Bigla siyang napalunok at tumingin sa dibdib ng lalaki. Sa macho ng herodes, mukhang isang pilipit lang sa kanya ay damay na yata lahat ng internal organs niya. She’s an agent and 5’4 in height, but compared to that man… Diyoskopo! Ang liit pa rin niya. Matangkad pa kay Ghuix ang lalaki, samantalang ang tangkad na sobra ng Inspector nila. Hindi maiwasan na biglang tumingin sa kanya ang batang lalaki at kapagkuwan ay ngumiti iyon. She smiled, too but it’s kinda bitter. Nakakalungkot na makita ang mukha noon na pogi rin kahit sobrang bata pa, pero may lungkot. Magtutuloy-tuloy na sana siya sa paglalakad nang bigla na lang na tumingin sa kanya ang ama ng bata. With that angry blue eyes, sinong hindi mapapalunok? Parang susunugin siya sa talim ng sulyap na iyon. Sunod na tumingin sa kanya si Ghuix, at hindi lang siya pinansin, ni hindi siya nginitian ng Inspector. Alam na niya iyon, ayaw no’n na magpahalata na magkakilala sila. Maya-maya pa ay sumakay na sa kotse ang mag-ama. Natuod na yata siya sa kanyang kinatatayuan, hanggang sa lapitan siya ni Ghuix. “Kumusta?” anito sa kanya, saka tinapik ang kanyang braso. “Will I answer that positively, while the truth is really negative?” aniya rito. Ghuix pressed his lips together, and then smiled. Ginulo pa nito ang ibabaw ng ulo niya. “Kagagaling lang nila sa pagpa-cremate kay Laurice. Hinahanap ka na naman niya, buti na lang limot ‘yong bata na ikaw ang nakapatay sa Mommy niya. Sa dami ng may baril doon, ‘di niya matandaan kung sino na ba. Ngumiti pa siya sa iyo ‘di ba? Ang sabi niya noon ay naroon ka rin sa bangko, but he wasn’t sure who you are. Vin thought you were just an ordinary civilian, who fought with the culprits. Ang tumatak sa isip niya ay noon niyakap mo siya para mailayo sa mga holduppers.” Nagkibit-balikat siya. “Well, at least akala niya mabuti akong tao ‘di ba?” “Mabuti naman talaga. Hindi naman ‘yon sinasadya, Hillary.” pakunsuelo nito sa kanya pero umiling siya. “Will your cousin pursue terminating me after my retraining if I was really good enough saving innocent lives? I guess, not. Hindi ako kasinghusay ng isang matinik na agent, kaya iyon ipinagpipilitan ng kuya mo, na tanggalin ako sa serbisyo. I might kill so much more, accidentally.” aniya at hindi naman umimik ang lalaki. Pinakatingnan lang siya nito nang husto. “Aalis na ako. Mukhang matagal tayong hindi magkikita. Kapag natuloy ang binabalak ng kuya mo, hindi na tayo magkikita habambuhay, Inspector. Sana lang makahingi ako ng sorry doon sa bata. Hindi ko man sinasadya, kasalanan ko pa rin kung bakit nawalan siya ng ina. Mahal na mahal siya ng Mommy niya. Such a lucky little guy. Sana makakuha ang Daddy niya ng Mommy na kagaya ng Mommy niya, na napatay ko.” umiling siya saka bahagyang lumabi. “Who knows. Baka gusto mong mag-apply na yaya, habang suspendido ka.” ngumisi ito. Kaagad na napatingin siya sa mukha ng Inspector. “You mean, papasok ako sa impyerno?” aniya kay Ghuix na tumawa nang  malakas. “Pati ba ikaw, alam mo na hellish si Kuya Rix?” naiiling na tanong nito sa kanya. “Rumors.” she qoutes. “Hindi naman ganoon kasama. Mabait naman kaya lang hindi mawawala sa kanya ang pagiging ganoon. He’s a de Lorenzo, remember? Walang duwag pagdating sa pagpapakita ng galit.” “Yeah right, sulyap pa nga lang ng kuya mo eh parang papatay na ng tao. What about that nanny thing again? Baka na lang tumapang ang sikmura ko ay maisipan kong pasukin ang mundo ng mala-devil mong kuya.” aniya rito. Devil sa kagwapuhan, nakakatuksong titagan. Ganoon naman ang gawa ng mga dyablo eh, nakakaakit. Kaya maraming nagkakasala sa mundo dahil sa lakas ng karisma ng mga demonyo. “Naghahanap ng yaya para sa anak niya. Babalik na siya sa office at walang pwedeng mapag-iwanan. Hands on and full time Mom kasi si Laurice. So, ngayon na wala na, dapat ay may nanny na si Vin. Wala na kasing mag-aalaga sa bata.” She heaved a heavy sigh. Full time Mom pala ang napatay niya. Kaya pala ganoon na lang kabwisit ang asawa dahil mabait at mapagmahal na babae ang Laurice na iyon. Ang laki talaga ng pagkakonsensya niya na ngayon ay kailangan na matuto ng bata na mag-adjust sa isang Yaya, at hindi sa totoong pag-aalaga at pagmamahal ng isang ina. Mahihirapan na mag-adjust iyon, malamang. Kawawa naman. “Mag-a-apply ako.” buong-buo na sabi niya na parang ikinagulat ni Ghuix. Umangat ang kilay nito at lumaki nang kaunti ang mga mata. “Sure? ‘Di ka ba manginig kapag narinig mong sumigaw ‘yon?” anito. Umiling siya. “Part time lang. Hihingi lang ako ng sorry sa bata. If possible, sa ama na rin kapag kinaya ng apog ko.” “Suicide ‘yan, Hillary.” parang hindi ito sang-ayon sa desisyon niya, pero buo na ang pasya niya. Saglit pa siyang napaamang. Suicide? Ganoon ba kasama ang ugali ng Vandrix na iyon para sabihin ni Ghuix na suicide ang gagawin niya? Kailangan niya itong subukan. Para matanggal ang kung anong takot pa man na meron siya sa katawan. Ang letseng takot niya na matagal na niyang inaalis pero may naiiwan at naiiwan pa rin. Palagian na nga siyang sumusugod sa kamatayan, pero hanggang ngayon ay may natitira pa rin sa kanyang karuwagan. Kapagkuwan ay ngumiti ito nang makahulugan. “Suicide ‘yan kasi ‘di mo alam kung gaano katinik yo’n sa babae. Hindi pa bumubuka ang bibig no’n para bumuladas, nakapila na ang chicks.” nangisi-ngisi pa ito, kaya nangingiti na napailing siya. Halata nga. Ang katulad noon ang hindi kailangan na mambola para lang mapa-oo ang babae. Baka nga titig pa lang noon ay daang babae na ang sasagot ng oo, kahit walang tanong. “Sobrang ganda mo naman,malay – “ “Stop Inspector. Wala akong balak. Gusto ko lang na tanggalin ang takot ko at ang pagkakonsensya. Hihingi ako ng sorry sa bata. If your cousin would still pursue the termination, wala na akong magagawa. Failure yata talaga ako, kagaya ng sabi ng Daddy ko.” she felt bitterness in her throat. Hanggang  ngayon ay kakambal pa rin niya ang salitang iyon na failure. Wala naman kasing involve na pagmamahal sa pagitan ng mga magulang niya. If there is, galing lang iyon sa Mommy niya. For her father, she’s a failure because she was the reason why he was forced to marry her Mom. Pinikot daw ng Mommy niya ang kanyang Daddy, kaya ang kapalit noon ay habambuhay na pag-iyak ng ina niya sa piling ng lalaki na iyon na hindi niya minsan masikmura na tawagin na Daddy. “Don’t be disgusted. Somehow,someday you’ll know your worth, too. Time will come, that you won’t call yourself a failure. Trust me Hillary.” anito na puno ng pakikisimpatya sa kanya, pero darating pa ba yo’n? Duda siya. Sarili nga niyang ama, hindi nakita ang halaga niya noon bilang isang bata at anak, ibang tao pa ba kaya ang makakakita noon? “Salamat nga pala. Aalis na ako. Kung Mag-a-apply ako na, yaya? Saan ako pupunta?” aniya rito. “Sa Vandrix de Lorenzo Global Hardware.” anito. Tumango siya. “Wish me luck, Inspector.” sumaludo siya sa lalaki at humakbang nang ilan pababa sa segmentadong hagdan. “Nga pala, sabi ko sa kanya ay pinsan ka ni Sidney. Nag-a-apply ka kako na janitress dito..Nakita ka niya. Tinanong ako, kung sino ka.” ani Ghuix at ngumiti pa. Saglit siyang natulala. Bakit naman magtatanong ng tungkol sa kanya? Baka naman naghihinala nga. Alangan naman na nagandahan sa kanya? Kamamatay pa ng lang asawa, titingin kaagad sa babae? Ano, babaero lang? May babaero ba na ganoong kung timingin sa babae? Parang laging mangangain? Tumikhim siya bago tumango. Saka siya tumalikod ulit at naglakad para sumakay sa motor niya. Papasukin niya ang mundo ni Vandrix de Lorenzo, bilang isang yaya. Para matahimik ang konsensya niya, gagawin niyang masaya ang buhay ng bata na inalisan niya ng ina; kahit na ba ang ama noon ay parang devil daw, devil sa kagwapuhan!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD