CHAPTER 4

2201 Words
  CHAPTER 4       ABOT-ABOT ang kaba ni Hillary habang nakaupo siya sa silya at naghihintay nang paglabas ng sekretarya. She will now formally meet the man behind what she so called, Mr. Hot Devil. Wala man iyong alam tungkol sa kanya, hindi maiwasan na nerbyosin na naman siya. Iyon kasi ang hindi sa kanya mawala-wala talaga. Iyon din ang dahilan na kamuntikan niyang ikamatay nang sumabak sila ni Sidney sa pag-a-undercover. Siya ay bilang isang virgin teaser sa isang club. Dinala siya sa isang barko na maglalayag papuntang Russia, iyon lang ay may nauna na palang mga agents sa kanila, at isa roon si Ghuix. Iyon ang naging dahilan nang pagkawala ni Sidney ng halos ilang buwan, at siya naman ay naospital din nang matagal. Paano ay hindi na siya nakalaban noon sa loob ng barko. Umiyak na lang siya nang isinabak na siya sa kwarto kung saan naghihintay ang lalaking makakatalik niya sana at ang kukuha ng video sa kanila. Mabuti na lang at nabulabog na ang lahat, bago pa man lang masimulan ang palabas. Umiiyak man ay lumaban na rin siya, sa huli; iyon lang ay napuruhan din siya. Kung minsan nga, gusto niyang itanong sa sarili kung paano ba na nakapasa siya sa training, kung sa aktwal na labanan naman ay bagsak siya? Ganoon kawala ang kanyang self-confidence at iyon ang gusto niyang magkaroon siya, tapang at paninindigan. “Nene.” untag sa kanya ng babae na kanina pa pala nasa may harap niya. Hillary blinked. “P-Po?” nawawala pa sa sariling tanong niya. Nene talaga? “Pasok ka na raw. Nakay-Chairman na ang resume mo.” anito kaya parang lalo na siyang kinabahan. Juskolord! Pilit siyang tumayo. She can’t back off. She has to face it. “Salamat.” aniya lang sa babae, saka siya humakbang papunta sa pintuan ng office ng Chairman. She knocked twice and entered when she heard no response from him. Warning knock naman iyon, so kung hindi pa ready ang lalaki ay magsasalita iyon syempre. Hinigit niya ang paghinga at kinalma ang sarili. She chinned up and walked like she never committed any mistake; like she had never killed anyone accidentally. Kita niya ang bata na nakaupo na sa isang dambuhalang solohang sofa at nagbubuklat ng libro, habang ang ama noon ay nakatutok ang mga mata sa kanyang resume na nakapatong sa ibabaw ng mesa. At a single glance, she can say that Vandrix is too bossy. Ni hindi siya nito tiningnan kahit tumigil na siya eksakto sa harap ng mesa nito. Saglit niyang inilibot ang mga mata sa paligid. Anong aliwalas ng loob ng office sa pinturang puti at navy blue. May litrato ng babae sa mesa nito at iyon ang babaeng nabaril niya. Mahal talaga nito ang asawa kaya siguradong mahihirapan siyang humingi ng tawad at makiusap na itigil na ang pagkasa ng termination sa kanya. Magkahawak ang kanyang mga kamay sa harap niya at naghihintay na mag-angat ang lalaki ng paningin. “Dad, Miss maganda is waiting.” biglang sabi ng bata kaya nakagat niya ang ibabang labi niya. That’s when Vandrix lifted his face. He looked at the child first and shook his head. Kaagad na tumungo naman ang bata na nakuha na kaagad ang ibig sabihin ng ama. Shit! Ganoon itong magdesiplina? Isang tingin lang ay dala na? Is he a strict disciplinarian? Ganoon ba dapat, makuha ka sa tingin? Tone-toneladang kaba ang bumundol sa dibdib niya nang lumipat ang tingin nito sa kanya. Vandrix’s brows wrinkled when he glanced at her lips. Kagat-kagat niya kasi kaya bigla niyang pinakawalan iyon, saka bahagya pang itinago. “Good morning, Chairman de Lorenzo.” she greeted him. “Please be seated.” pormal na alok nito sa kanya. “Thank you.” ngumiti pa siya nang kaunti saka naupo. Tiningnan niya ang lalaki na parang isang hari na sumandal sa swivel at tinititigan siya nang masinsinan. Hawak nito ang ballpen at nilalaro gamit ang mga daliri. Jusko! Ano ba ang titig niya? Nakakahimatay! Tensyunado na ang utak niya pero pilit niyang  nilalabanan. Matapos yatang masawa itong araruhin ang mukha niya ng titig ay saka ito nagsalita. “So, why are you here, Miss…” sumulyap ito sa resume. “Miss Hiralde? This is the main building of VDL City and Global Hardware. The last time I checked, I don’t have here a preschool class.” turan nito na lihim niyang ikinaismid. Ang sungit! Bwisit! Ano ba ang tingin nito sa kanya? Tanga? Alam naman niya iyon, bakit iniinsulto pa siya? She mentally swallowed the lump in her throat. “I know, Mr. De Lorenzo. Inspector Ghuix told me you need a nanny for your, son. I want to apply personally while I’m waiting for another spare job opportunity regarding about my career as a, preschool teacher.” aniya. She seemed so very confident but her knees were trembling like those were hit by a 7.5 magnitude earthquake, may aftershock pa! “Nanny?!” excited na bulalas ng batang lalaki. “Yes! Yes, Daddy! Yes!” kulang na lang ay mapatalon iyon sa tuwa at ang laki-laki ng ngiti. Buhay na buhay ang asul na mga mata ng bata at parang nakalimutan na kaki-cremate lang ng ina kahapon. “Son, stop it.” pormal pero malambing na saway ni Vandrix sa bata na kaagad namang tumahimik. “I’m sorry, Daddy.” aniyon at ibinalik ang mga mata sa tinitingnan na libro. Saglit na tumahimik ang paligid. Nakatingin lang siya sa mukha ng binata na nakatingin sa resume niya. Ang gwapo palang lalo ng lalaki sa malapitan, ang kinis ng mukha at ganda ng mga mata. May ilang gatla sa noo, pero hindi naman nakakabawas sa kagwapuhan nito. Stop it Hillary. Kaaway ka niya! “Aren’t you too beautiful to become a nanny?” biglang tanong nito sabay tingin sa mukha niya. Santisima! Kung sa bata kanina ay nagblush siya, ngayon yata na galing sa ama noon ay parang nagliliyab na yata ang pisngi niya sa hiya. Compliment iyon, sigurado siya. Kinikilig siya! Bwisit! Parang galing sa isang kinababaliwan niyang hollywood actor ang papuri na iyon, in a form of a question. “H-Hindi po n-naman. H-Hindi naman p-po…” ano na? Nagkakada-utal-utal na siya kaya napatigil siya at humigop ng hangin. Natameme siya nang mapangiti ang lalaki at umiling, saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Hesus!mahabaging langit! Ngumiti ang dyablo! Mukha na siyang anghel! Ang gwapong lalo. Ang puti ng mga ngipin at nakakapanganga kapag ngumingiti. ‘Wag kang epal Marionne! Kapag nalaman niya ang ginawa mo, hindi na ‘yan ngingiti. Isasabit ka niyan sa sampayan  hanggang sa matuyo ka na parang daing na isda! “I-I’m sorry. Ang ibig ko pong sabihin, wala naman pong kinalaman ang hitsura ng tao sa trabahong papasukin ko.” dire-diretsong sabi niya. Salamat at nabawi niya ang kanyang sarili. Tumango - tango ito. “My son likes you, but I’m still having a hard time deciding who to choose out of my hundred applicants. I’m very much careful with this, Miss Hiralde. My wife was a full time Mom, mahihirapan na mag-adjust ang anak ko kasi nasanay siya na hands on ang Mommy sa lahat ng bagay, even when putting him to sleep. She doesn’t yell nor will she pinch him. Just in case I will give you the chance to be his nanny, What can you offer and what punishnent will you accept once you lose your merits regarding about your job?” naroon na naman ang mapanukat nitong mga tingin gamit ang mga matang nagliliyab sa pagka-asul. “I can offer the same, as what your wife has given. I could accept any punishment you would intend to make, if I failed doing my best for my job, especially for your son. “ diretsong sagot niya pa rin kahit na ba barado na ang lalamunan at arterial vein niya. Parang hihimatayin na siya sa nerbyos dahil sa lalaking ito. Hindi naman siya palainom ng kape pero talagang nerbyosa siya. Ganoon kasi ang father niya, pormal at maawtoridad…mapanakit. Biglang gumuhit ang lungkot sa puso niya. She grew up and never had the better chance to feel a fatherly love. Her Daddy died and never in his life of existence he even told her that he also loves her. Hindi siya mahal ng ama niya, at iyon ang totoo. Bunga kasi siya ng pamimikot ng kanyang ina sa kanyang ama. Kaya nga nag-iisang anak siya dahil hindi na siya nasundan, dahil walang pagmamahal ang ama niya sa kanya. May kapatid siya sa ama. Sa babaeng totoong mahal noon simula pa. Hindi niya lang alam kung sino, ni hindi niya rin kilala. Basta ang alam niya, ang pangalan ng babae na kerida ng ama niya ay Maricar Montelibano. May asawa rin iyon sabi ng Mommy niya noon pero kabit din ang Daddy niya. Ang kapatid niya roon na mas bata sa kanya ng isang taon o baka nga magka-edad sila ay hindi niya kilala. Hindi niya rin pinagkaabalahang kilalanin at hanapin dahil nakakasakit lang iyon ng kalooban niya. “In that case, I’ll just give you a call Miss Hiralde.” ani Vandrix na nagpabalik sa kanya sa realidad. Tumayo siya. “I’ll wait for the call, Chairman. I’ll… expect it?” patanong na paraan, but it was more of a declaration. Saglit na napatingin sa kanya si Vandrix. “Such a clever young lady, Miss Hiralde. Wala kang job experience pero mukhang sanay sa mga interviews. It seems like you don’t actually fit to be a nanny.” anito na hindi ihinihiwalay ang mga mata sa kanya. Naroong pinasadahan pa siya ang tingin mula ulo hanggang paa. Desente naman siya. Nakabestida siyang bago umabot sa tuhod at hindi naman lumalabas ang may kalusugan niyang dibdib. Naka blazer siya at naka-heels. She looks like a corporate head than an applicant. “Please, I need a job. Alam ko na mas malaki po ang sahod ng pagiging yaya sa anak niyo kesa sa trabaho sa mga eskwelahan na pwede kong pasukan.” pakiusap niya. Dapat matanggap siya. Hindi pwedeng hindi. Habambuhay siyang makukonsensya kapag hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin at patunayan. “Why? How much do you expect?” tanong pa ni Vandrix. “Saka hindi lang naman pera Chairman. Pwede ko kasing magamit ang skills ko para sa anak niyo, as well as pwede niya akong tulungan kung paano ba dapat iha-handle ang isang bata na tulad niya. As what I’ve stated there, I’m a preschool teacher. Walang masyadong difference yo’n, being a nanny. Both will land on the same categories of taking care and dealing with a child or children. I could use it as an experience when I decided to apply as a teacher in the near future.” she explained. Defensive na kung defensive, basta dapat matanggap siya nito. Tumingin ito sa bata ulit. “I’ll give you a call once I’ve already decided. Goodbye, Miss Hiralde.” anito. Hmmmp! Bwisit ka! Napairap tuloy siya nang wala sa oras. Iyon pala ay nakatingin ito sa kanya kaya nagkunwari siyang napuwing. “O-Okay Chairman.” she offered her hand. Tumingin pa roon ang lalaki at umangat ang mga kilay. “Germ free. Wala po akong pinaghawakan niyan.” aniya rito para naman mainsulto ito. Para kasing ‘di pa man lang tinatanggap ang kamay niya ay nandidiri na. Gumalaw ang panga ni Vandrix at parang napikon yata sa kanya. Hillary bit her lower lip. Inaabot na naman kasi siya ng kalokohan at paminsan-minsan kasi ay may sanib din siya. “How dare you talk to the Chair…” naputol ang sasabihin nito nang bigla niyang hawakan ang kamay ng binata at kinamayan. “Bye.” she smiled boldly, then bit her lip. Wala na itong naisagot kung hindi pagbubungguan ng mga kilay, kasi ay tumalikod na siya. She needs to be jolly, dapat positive aura ang makita ng lalaki at ng bata sa kanya, para matanggap siya. Tiningnan niya ang bata at kinawayan. “Bye little handsome!” she winked at the boy. Ngumiti  iyon at saka kumaway sa kanya. “Bye-bye, nanny ganda!” aniyon pero parang  malungkot pa rin naman. Iminuwestra niya ang isang drawing ng ngiti  sa kanyang labi gamit ang sariling hintuturo kaya tumango ang bata. One point na siya kasi gusto siya ng bata, ay ang ama, gusto rin ba siya? Saglit siyang lumingon bago pihitin ang doorknob. She found his blue eyes gawking at her. Lantaran ang titig noon na parang lalamunin siya nang buo, pero binalewala niya. “May contact number po ako riyan, Chairman.” paalala niya sa lalaki na tango lang ang isinagot pero nakatitig pa rin sa kanya. Shit! May magnets yata ang mga mata niya! Parang ayaw niya tuloy lumabas. Lalaban siya ng maghapong titigan kung ganito naman kagwapo ang kaharap niya. Iyon ay kung hindi darating ang araw na ito mismo ang papatay sa kanya, sa laki ng kanyang kasalanan…    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD