CHAPTER 1
TULALA si Hillary habang kaharap ang kanyang superior. The final investigation about the shootout came out and it didn’t sink in her mind what her superior just said.
“Proven that due to your lack of concern and excessive anxiety, you made a wrong move. Napatay mo ang isang inosenteng babae sa bangko, kaya pasalamat ka at suspinde lang ang aabutin mo.” anang kanilang Assistant Director na si, Brandon Jace Arguelles.
Nakatitig ito sa kanya na parang inaanalisa nang husto ang reaksyon ng kanyang mukha.
Ano nga bang dapat na maging reaksyon niya ba? As usual, a great discouragement was written all over her lovely face. Ang baba na naman ng tingin niya sa kanyang sarili at sa halip na madagdagan ang kanyang self confidence ay parang nabawasan na naman lalo.
Mali ba talaga ang ginawa niya? Mali ba na isinakripisyo niya ang isa, para sa kabutihan ng karamihan? She had a go signal from the mother of the child to fight with the culprits at a time, but where is the damn proof that the woman wanted to save her own child from death? And she never expected it. Wala sa hinaganap niya na hihilahin pabalik ng sanggano ang babaeng iyon, kaya ang katawan noon ang sumalo ng bala na dapat ay para sa holdupper.
Isang holdup sa bangko ang pangyayaring iyon na gumugulo sa isip at buhay niya ngayon, lalo pa nga ba at galit na galit ang asawa ng babaeng napatay niya nang makipagbarilan siya. She knew that gorgeous guy, pinsan ni Inspector Ghuix de Lorenzo. That devilish guy, such a charming devil, but a real devil when gets mad.
Nakita niya ang lalaking iyon na nagwawala at pinipilit na alamin ang katauhan ng agent na nasa likod ng pagkamatay ng asawa noon, pero ang mismong pinsan ni Mr. Vandrix de Lorenzo XI ang nagtago sa kanya, si Insp. Guilherme Rix. Hindi ihilantad ang kanyang pagkatao dahil bilang isang agent at pulis, alam malamang ni Ghuix ang trabaho at tungkulin nila.
Yes. She maybe so very anxious that time, but she did her best not to hurt anybody. It was out of fate.
“Agent Hiralde, are you with me?” Jace asked her which brought her back to her reverie.
She was lost.
Marahan siyang tumango. Bagay na ganitong pormal ang Assistant Director na madalas ay kolokoy, alam niyang seryoso ito sa mga sinasabi nito ngayon. And who the hell does she think can even fire a joke this time?
“Don’t worry. I’ll help you. Just for a little courage, to fight for your suspension order – I was suspended, too when I tried to save only one woman and made her the center of my mission. Nasuspinde ako noon sa dahilan na mas pinili ko si Lhauren na iligtas at kamuntik na makatakas ang mga miyembro ng sindikato sa club dahil sa ginawa ko. Ikaw naman, nasuspinde dahil sa pagpili mo sa karamihan at pagsakripisyo ng isang tao nang hindi sinasadya. ‘Di ba nakakalito? It’s a matter of choice, Hillary. Kapag nasa gipit ka na, alin na ba ang pipiliin mo? ‘Di mo naman ‘yon kasalanan, kaya lang dapat intindihin mo ang asawa ng babaeng namatay. I will work for it. Babalik ka sa trabaho sa loob ng isa o dalawang buwan at hindi ka magre-retraining at mawawala sa sebisyo, tulad ng ipinupursige ni Mr. Vandrix de Lorenzo. Hindi pa naman final ang resulta at marami pang pwedeng mangyari. I will help you.” anito sa kanya kaya kahit na paano ay napangiti siya.
Iyon ang gusto ng lalaki, mag-retraining siya, pero sisibakin din siya sa trabaho pagkatapos na dumating ang Direktor.
“Thank you, AD.” sagot lang niya, pero sa loob niya ay napabuntong hininga siya at naiiyak.
She loves her job, her workplace, the people that surround her but it’s time to gather some space to unwind.
Ang akala naman yata ng Mr. de Lorenzo na iyon ay hindi siya nakukonsensya. Halos gabi-gabi siyang hindi pinatutulog ng babaeng iyon, lalo pa nga at may isang batang lalaki ang naiwan noon.
Paano ba siya pormal at personal na hihingi ng tawad at makikiusap na huwag namang ituloy ng Mr. de Lorenzo na iyon ang pagpa-terminate sa kanya? Knowing how wealthy and powerful a certain de Lorenzo is, walang duda na baka ang suspension niya na anim na buwan ay mauwi sa pagkatanggal niya sa trabaho. Sayang ang pinaghirapan niya. Sayang ang lahat ng paglaban niya sa takot, para lang mauwi sa wala ang lahat.
She almost sacrificed her own life, many times. Kahit takot siya ay pinipilit niyang labanan ang sariling karuwagan dahil ang ina niya ay namatay sa pagiging duwag, duwag na ipaglaban ang sarili sa ama niyang babaero, sugarol at mapanakit sa sariling asawa. Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ng kanyang ina ang sarili ay mas pinili na lang noon na magpakamatay at iniwan siyang nag-iisa. Siya ang naging tagasalo ng lahat ng kasamaan ng ugali ng ama niya. Hanggang sa magsawa na siya na nanginginig na lang sa takot sa isang sulok ay pinasok niya ang mundo ng pagiging isang agent, a risky decision but she still embraced it; mawala man lang sa kanya ang kawalan ng tiwala sa kanyang sarili dahil sa mga panlalait sa kanya ng ama niya bago iyon mamatay, na isa siyang talunan at duwag na tulad ng Mommy niya.
“When will the suspension order fully take effect, AD?” tanong niya rito.
“Today.” maikling tugon ni Jace sa kanya saka tumingin sa mukha niya.
She filled her lungs with air and calmed herself.
She stood up and surrendered her badge and her gun named, One. Medyo matagal-tagal yata silang hindi magkikitang dalawa ng best buddy niya. Ilang taon na niyang kasama ang baril niya at parang ang bigat sa loob na nakikita niya ang sarili na inilalapag ito sa mesa ni A.D Jace Arguelles.
“You won’t wait long. I assure you that, Yon-Yon.” anito sa kanya, pero isang saludo lang ang iniwan niya at malungkot na ngiti.
She lazily walked out of the office. Sa paglabas niya ay nasalubong niya ang isa pa niyang superior noong kasama pa niya ito sa pagiging agent, si Sidney na kapatid ng second in command director.
“What happened? What’s the order of the Director?” usisa kaagad nito sa kanya sabay yakap.
“Suspension, Mr. de Lorenzo’s pursuing retraining and pursuing termination, too. Those are the worst scenarios, Mharz.” naiiling na sabi niya.
Nameywang ito nang walang kasing angas. “Ganoon ba? Expected ko na. Kakausapin ko nga si Jace. Ghuix understands the whole situation, but his cousin…” umiling ito. “Mukhang mas matigas pa sa granite rock ang paninindigan ng lalaking yo’n. Walang magawa si Ghuix. Hinaharang lang ni Ghuix nang palihim ang mga pleads nila kasi pinupursige pa namin ang further investigation. Yo’n lang, kapag nabuko naman siya, baka raw hindi lang black eye ang abutin niya. Vandrix XI is a real devil, Yon. That’s what Ghuix told me. Ano nga bang magagawa mo sa first grandson ng mga de Lorenzo. Devil, may be an illegitimate child, but he inherited all the de Lorenzo’s devilish attitudes.” mahabang sabi nito.
And devilish looks, too! s**t! Humahanga pa yata siya sa bwisit na de Lorenzo na iyon. Unang kita niya ay napa-second look na kaagad siya sa lalaking iyon. Paano ba naman kasi ay tuwid na tuwid maglakad na parang si Superman, macho, gwapo at matangkad. Hindi niya alam na iyon pala ang asawa ng babaeng napatay niya, nang makasalubong niya sa may entrance ng building. Nagkatinginan pa sila at sabay pang lumingon sa isa’t-isa, at para siyang kinuryenteng linta nang magtama ang mga mata nila, kaya kaagad siyang napabawi ng tingin.
She doesn’t easily get attracted to anybody, especially to her opposite s*x. Wala siyang ibang pinapantasya maliban sa mga Hollywood actors na nagpapalaglag ng panty niya. Pero ngayon ay parang meron na, that Vandrix XI na nagpalalag hindi lang ng panty niya, kundi pati na mga mata.
She bit her lower lip, remembering how those pair of blue eyes burn in rage that moment. Puno ng galit ang mga mata noon na parang mata ng dyablo na nagniningas sa kulay na asul. Pero naman, bakit parang akit na akit pa siya at hindi niya alam na para sa kanya pala ang galit na iyon?
“What’s with that smile?” nanunudyong tanong ni Sidney sa kanya na nagpabalik sa kanya sa katinuan.
“H-Ha?” napakurap siya nang makailan.
Sidney gave her a different grin. “Hindi ka ngumingiti ng ganyan, unless ay nakikita mo ang mga kinababaliwan mong Hollywood actors. Imposible na Hollywood actor ang naalala mo eh… Si Vandrix de Lorenzo ang topic natin.” umangat ang mga kilay nito kaya umiling siya nang husto.
“No. He’s an old man. Bakit naman ako magka-ka-crush sa kanya? Ang tanda na niya. Thirty five na at lipas na lipas na sa kalendaryo. May anak pa at… galit sa akin.” bulalas niya pero mas lalo lang tuloy siyang nabuking kasi defensive siya at nanginginit ang mga pisngi niya.
Knowing Sidney so well, wala siyang maitatago sa babaeng ito na daig pa ang machine ang utak sa pagbasa sa iniisip ng tao. She’s really so good and with the way how Sidney stares at her, mukhang nakikiramay na kaagad ito sa kagagahan niya.
“Then make him love you.” simpleng sagot nito.
Napanganga siya saglit, pero nang maisip niya kalokohan iyon dahil kahit kailan ay wala sa isip niya ang pag-aasawa. Masyadong kritikal ang buhay ng pag-aasawa. Duwag na kung duwag pero magiging old maid na lang siya. Ayaw niyang matulad sa Nanay niya. Lalo po kung tulad ng Vandrix na iyon na parang sinapian ng demonyo ang tabas ng mukha noong magwala sa opisina ng Direktor, baka naman esophagus lang niya ang walang latay kapag binugbog siya noon. Kung ang Chief Ghuix ng mga kapulisan ay takot sa lalaking iyon, paano pa ba siya na isang babaeng may mortal na kasalanan? At sa laki noon na malaki pa sa pinsan na pulis, aba, baka naman isabit lang siya noon sa sampayan at ibilad maghapon.
“Wala ‘yan sa isip ko, Sid. Kung meron man, gusto kong humingi ng tawad sa kanya at sa bata, ‘yon lang. More than that is a big no, no. Ayokong maging suicidal kapag nasaktan ako kagaya ng Mommy ko.” pumait bigla ang dila niya dahil sa pagkakaalala sa ina.
She saw how her Mom climbs up to hide inside a cabinet when her father comes home really drunk. He forced her Mom to have s*x though her mother never wanted to. Naririnig niya ang mga daing ng ina niya kaya natakot din siya sa salitang s*x. Kasi ang tumanim sa utak niya ay napakasakit na kailangan na ipagmukmok ng Mommy niya sa isang sulok. Martir lang ang ina niya o sadyang takot ― napakaduwag.
Parang nanubig ang mga mata niya kaya isang mainit na yakap ang naramdaman niya.
“Don’t dwell in the past. Not because it happened to your Mom, means it would happen to you, too. People such have different fates. Yours is different, so stay strong and positive.” Inayos pa ni Sidney ang buhok niya.
Wala siyang naging sagot. Ang bilis niyang ma-absorb ang mga salitang iyon, pero ang hirap sa kanyang panindigan at paniwalaan. Pwera na lang kung mismong ma-experience niya na magmahal, pero hindi masasaktan, na ewan niya kung mangyari kasi wala siyang balak na ma-experience iyon.