"Paano nakatakas ang babaing 'yon? hindi ba't kabilin bilinan ko sa inyo na bantayan nyo ang bawat galaw nya? mga wala kayong silbi, nasira na ang mga plano ko dahil sa katangahan nyo. Hanapin ninyo ang babaing 'yon at ibalik nyo rito sa Hacienda." galit na galit na wika ni Chona sa kanyang mga tauhan. Isa-isa rin nitong binatukan ang mga lalaki.
"Pu***g inang babaing 'yon, Kinakalaban talaga ako." nang gagalaiti sa galit na wika ni Chona.
....
Nagising si Pamela sa mga katok at pag tawag sa kanyang pangalan.
Mabilis naman s'yang bumangon at saka tinungo ang pinto ng kanyang room.
Agad n'yang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang harapan si Lisa.
"Good Morning ate! pasensya na ate, napasarap ang tulog ko." ani nya.
"Good Morning Pam, ibibigay ko lang sayo itong mga damit na hindi ko na naisusuot. Magagamit mo ito, lalo pa't magkasing katawan naman tayo." wika ni Lisa, saka itinulak ang malaking maleta na kanyang dala.
Nag pasalamat naman si Pamela, at nag paalam na maliligo na ito.
"Sumunod kana lang sa dinning room, para sabay sabay tayong mag breakfast." wika pa ni Lisa sa kanya.
"Opo ate." sagot nya rito.
Agad naman dinala ni Pamela ang maleta sa loob. Binuksan nya ito at nakita ang mga damit na binigay sa kanya. Napaka dami nito, mga bago pa ito at karamihan ay may Tag Price pa. Meron din mga undies at puro bago ito.
Napangiti si Pamela, dahil hindi nya inaasahan na makakatagpo sya ng pamilyang mababait at ituturing s'yang kapamilya.
Matapos maligo ay nag suot sya ng isang summer dress na bigay sa kanya ni Lisa. Nag suot lang sya ng sleeper dahil wala s'yang dalang sandals maliban sa sneakers na suot nya kahapon.
Bumaba sya sa hagdan at naglakad patungo sa Dinning Room.
"G-good morning po!" nahihiyang pagbati nya sa pamilya Sanchez.
Kasalukuyan ang mga itong nag- aagahan.
"Good morning hija. Halika na at nang makakain kana." wika sa kanya ni Joanne.
Tumayo pa ito at saka hinila ang upuan sa tabi nya, saka pina upo si Pamela.
"Salamat po t-tita." alanganin pa n'yang sagot sa ginang.
"Hija, nakatulog kaba ng maayos kagabi?" tanong naman sa kanya ni Gil.
"Opo tito." magalang na sagot nya at tipid na ngumiti ito.
"Bagay na bagay pala sayo ang damit ng asawa ko." wika naman ni Patrick.
Ngumiti lang si Pamela sa mga kaharap nya. Nahihiya pa rin kasi ito sa kanila, kahit na puro kabaitan ang ipinapakita sa kanya ng pamilya.
Naging maayos ang lagay ni Pamela sa bahay ng mga Sanchez. Ginawa rin s'yang Assistant ng kanyang tita Joanne. Hindi daw kasi bagay sa kanya ang maging waiter lang. Laging kasakasama ni Joanne si Pamela. Kung nasaan ang ginang ay nandoon din si Pamela.
Nag patuloy na rin sya sa kanyang pag-aaral. Maaga s'yang pumapasok sa University at sa hapon naman ay dederetso na sya sa Restaurant.
Unti-unti na rin naka sanayan ni Pamela ang kanyang bagong buhay. Masaya sya sa buhay nya ngayon. Lalong naging closed sila ni Lisa, tunay na kapatid ang turing sa kanya ni Lisa. Mag-isa s'yang anak ng kanyang magulang kaya sabik din s'yang magkaroon ng kapatid.
Malapit nang manganak ang kanyang ate Lisa, kaya naman nae-excite din sya na mag karoon ng baby sa bahay.
Lagi n'yang sinasamahan si Lisa sa pag lalakad nito sa malawak na harden ng Mansion. Pabalik na sila sa bahay ng may matanaw s'yang lalaki na naka tayo sa may pinto.
"Migs! kanina kapa ba dito? kailan ka dumating?" masayang tanong ni Lisa sa lalaki.
Agad din sumalubong ang lalaki, saka niyakap si Lisa at hinalikan.
"Kumusta kana ate? mukhang malapit kana talagang manganak ate, magiging tito na ako." masayang wika ni Miguelito.
"Si Pamela pala, bagong kapamilya namin." pagpapakilala sa kanya ni Lisa.
"Hi!" tipid na pagbati ni Pamela sa lalaki.
Hindi naman sumagot ang lalaki, nakatingin lang sa kanya at para ba'ng kinikilatis sya ng husto nito. Ang lalim ng pagkaka titig sa kanya ng binata, para bang hinuhubaran sya nito sa pakiramdam nya.
"Suplado!" wika ni Pamela sa isip nya.
"Ate, mauna na ako sa loob. May tatapusin pa pala ako." paalam nya kay Lisa.
Agad na tumalikod si Pamela. Bigla din s'yang nainis sa lalaking 'yon.
"Antipatiko!" muling sabi nya sa kanyang isip.
Matapos n'yang mag bihis ay agad na s'yang lumabas ng kanyang kuwarto. May exam sya ngayon, at kailangan n'yang makarating ng maaga sa University.
Pasakay na sana sya sa kanyang kotse nang biglang may mag salita sa kanyang likuran.
"Ako na ang mag hahatid sayo." wika nang lalaki sa kanya.
Napalingon naman sya sa lalaking nag salita. Parang iba din ang dating sa kanya ng sinabi nito. Tila inuutusan sya nito at hindi nya 'yon matatanggap dahil hindi nya kilala ang lalaki.
"May kotse ako, kaya hindi ko kailangan mag pahatid sa kung sino man." mataray na sagot nya sa lalaki. Masama din nya itong tiningnan, saka mabilis na binuksan ang pinto ng kotse saka ito sumakay.
Isasara na sana nya ang pinto ng kanyang kotse nang biglang iharang ni Migs ang kanyang kamay.
Malakas ang lalaki at kahit anong hila nya sa pinto ay naka pasok pa rin ito.
Tila batang binuhat pa sya nito upang maka upo ito sa drivers seat. Ang labas tuloy ay naka kandong na sya sa lalaki.
Nanlalaki ang mata ni Pamela dahil sa ayos nila ni Migs sa loob ng kotse. Naramdaman din nya ang matigas na bagay sa harapan ng lalaki, kaya mabilis ang kilos n'yang lumipat sa katabing upuan nito.
Balak buksan ni Pamela ang pinto, pero agad naman nag locked ang kotse.
Asar na asar tuloy s'yang bumaling sa lalaki.
"Ano ba! palabasin mo nga ako rito. Sino kabang bigla na lang sumulpot dito at uutusan ako ha?" nanggagalaiting tanong nya sa lalaki.
"Ihahatid lang naman kita. Kung hindi ka nag matigas at pumayag kana lang, hindi kana sana mahihirapan." seryosong sagot nito habang pinapaandar ang kotse.
Inis na inis si Pamela sa kapreskuhan ng lalaking ito na nasa tabi nya. Sa buong buhay nya, ngayon lang ito naka kita ng ganitong uri nang tao. 'My God!'
Hinatid nga sya ni Migs sa University na kanyang pinapasukan. Pagka park ng kotse nito sa parking lot, ay agad na bumaba si Migs saka umikot ito at pinag buksan sya.
Naka simangot na lumabas si Pamela sa kotse. Saka tuloy-tuloy na naglakad palayo sa binata.
Nagulat pa sya dahil biglang may humapit sa kanyang beywang at niyakap pa sya.
"Ano ba! bastos!" galit na winaksi nya ang kamay ni Migs. Pero hindi man lang ito gumalaw sa pagkakayakap sa kanyang katawan.
"Kapag hindi ka tumigil sa kakaangal mo, hahalikan na talaga kita." pag babanta ni Migs sa kanya.
Nanlilisik naman ang mga mata ni Pamela na tumingin sa binata. Kung naka mamatay lang sana ang masamang tingin na 'yon ni Pamela ay kanina pa bumagsak ang binata.
"Sumunod kana lang kasi. Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang masusunod. Sige na, pumasok kana. Hintayin mo ako mamaya at susunduin kita." wika ni Migs bago nito hinayaan si Pamela na pumasok sa loob ng University.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Pamela na pumasok sa loob ng kanilang Room. Nagdadabog din ito at bubulong bulong.
"Hoy! anyari sayo? para kang binagsakan ng langit at lupa dyan?" puna sa kanya ni Minchie na kaibigan ni Pamela.
"Wala! may naka salubong lang akong Dracula kanina habang pasakay ako ng kotse ko." pabalang na sagot ni Pamela sa kaibigan.
"Ayos ka lang? hindi kaba nilalagnat friend? paanong nagkaroon ng Dracula sa paligid?" nagugulohan na tanong ni Minchie sa kaibigan.
Sasagot pa sana si Pameka nang biglang pumasok ang kanilang Professor.
Ipinilig na lang nya ang kanyang ulo upang mawala sa sestima nya ang nangyari kanina.
Kina hapunan. Palabas na sa University si Pamela, dahil wala s'yang sasakyan ngayon ay nag pasya na lamang s'yang sumakay ng Taxi papunta sa Restaurant.
Naglalakad sya kasama si Minchie palabas ng University nang bigla na lang may humablot sa kanyang braso.
Dahil sa gulat kaya napatili sya at nag pumiglas. Pero nang harapin nya ang may kagagawan nito sa kanya ay laking gulat nya dahil ang galit na mukha ni Miguelito ang kanyang nakita.
"Ikaw na naman! hindi mo ba talaga ako titigilan." singhal nya sa binata.
Lalong dumilim ang mukha ng binata at mariin s'yang tinitigan nito. Nag igtingan din ang mga panga ng binata kaya naman napa lunok ng laway si Pamela.
"Hindi ba't sinabi ko na sayo na susunduin kita? tapos dito ka pupunta sa Taxi stand." mahinang sabi ni Migs at halatang nag titimpi ito sa galit.
"Hindi mo naman kailangan na sundu..." hindi naituloy ni Pamela ang sasabihin nang bigla na lang s'yang halikan sa labi ni Migs. Nanlalaki ang mga nya sa pagka gulat, gusto n'yang itulak ang lalaki pero hindi naman sya makagalaw.
Hindi naman naka pag salita ang kaibigan ni Pamela. Nagulat din ito sa bilis ng pangyayari. Bigla din s'yang kinilig dahil sa dalawang nag hahalikan sa harapan nya.
Hingal na hingal si Pamela nang bitawan sya ni Migs. Parang nanghina din ang kanyang katawan at nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Napaka lakas din ng kaba sa kanyang dibdib, parang tinatambol ito sa lakas.
"Hummm!" tikhim ni Minchie ang nagpa balik sa kanya sa huwisyo.
"Sino 'yan boyfriend mo?" pabulong na tanong ni Minchie sa kaibigan.
Hindi naman agad naka sagot si Pamela. Napipi na rin ata sya dahil sa lapastangan na binata. Hindi nya matanggap sa sestima nya na itong lalaking ito ang kumuha ng first kiss nya.
"Hi! I'm Migs." pakilala ni Migs sa sarili nya.
"H-hi!" alanganin na bati nya sa binata. Kinikilig din sya dahil sa napaka guwapo nito. Lalaking lalaki ang dating, at halata pa ang mga abs nito sa suot n'yang Polo shirt.
"Minchie Ancheta!" bulalas ni Migs habang naka tingin sa id ng dalaga na naka sabit sa leeg nito.
"Minch, gusto kong bantayan mo itong kaibigan mo. Huwag kang mag palapit ng kahit sinong lalaki sa kanya, nagka kaintindihan ba tayo?" utos pa ni Migs sa kaibigan ni Pamela.
Tumango tango na lang si Minchie, hindi nya alam kung ano ang isasagot sa binata.
Matapos mapapayag ni Migs si Michie ay agad na n'yang hinila si Pamela papunta sa kotse nito. Pinag buksan muna ni Migs ang dalaga saka nilagyan ng seat belt.
Halos hindi naman humihinga si Pamela dahil sa sobrang lapit na ni Migs sa mukha nya. Baka halikan na naman sya nito na walang pahintulot.
Matapos mailagay ang seat belt ay umikot naman si Migs sa drivers seat at agad na pinaandar ang kotse.
Naka simangot lang si Pamela at ayaw din n'yang tingnan ang binata. Inis na inis sya rito. Parang gusto n'yang pagmumurahin ang lalaki, pero nag-alala naman sya baka halikan na naman sya nito. My god! ano bang klasing nilalang itong kasama nya. Para ngang si Dracula ito, bigla-bigla na lang susulpot at mangangain.