Tanghali na nakarating sa Maynila ang bus na sinasakyan ni Pamela.
Bumaba sya sa bus at nag lakad papunta sa isang maliit na karenderia. Kakain muna sya dahil nagugutom na sya. Tanging tubig lang ang binili nya sa bus na sinakyan nya. Natulog lang kasi sya sa buong biyahe patungong Maynila.
Matapos n'yang kumain ay agad na s'yang lumabas sa karenderia. Naisipan n'yang mag hanap muna ng matutuloyan nya upang maitago na rin nya ang kanyang bag. Hindi nya maaring dala-dala ito sa labas dahil napaka halaga ng laman nito sa loob.
May natanaw s'yang Hotel sa di kalayuan, kaya nag lakad sya patungo roon. Doon muna sya pansamantalang tutuloy, saka sya mag hahanap ng bahay na pwede nyang upahan.
Malapit na sya sa Hotel nang mapansin nya ang karatula sa labas ng isang High end Restaurant.
"Wanted Waitress!" malakas na basa nya sa naka sulat.
Napa isip si Pamela, dahil ngayon nasa Maynila na sya. Kailangan din n'yang mag karoon nang trabaho, dahil hindi nya maaring gamitin ang mga Credit Card at Bank Book nya. Baka dito pa sya ma trace ng kanyang Bruhang Madrasta at ipahanap sya sa mga tauhan nitong mukhang halang ang mga kaluluwa.
....
Bumaba si Joanne sa kanyang kotse sa harap mismo ng kanyang Restaurant. Agad namang s'yang binati ng lalaking Valet driver saka sumakay ito sa kotse upang e parked ang kanyang sasakyan sa VIP Parking Lot.
Papasok na sana si Joanne nang makita nya ang isang babae na naka tingin sa ipinalagay n'yang karatula dito sa labas ng kanyang Restaurant.
Naka tingin lang ang babae sa karatula at mukhang nag-iisip ito ng malalim. Kahit naka talikod ang babae sa kanya, alam n'yang may problema ito na dinadala. Baka nag dadalawang isip na mag-apply ito o kaya'y walang sapat na requirements para sa trabaho.
Agad n'yang nilapitan ang babae. " Hi, can i help you?" panimula nya sa babae.
Agad naman na humarap sa kanya ang babae. Nagulat pa sya dahil napaka bata pa nito, napaka ganda rin ng mukha ng dalaga.
"Ha?" gulat na bumaling sa kanya si Pamela.
Ngumiti si Joanne sa dalaga upang hindi ito matakot sa kanya.
"Pa-pasensya na po, may iniisip lang po ako." wika ni Pamela sa ginang na nasa kanyang harapan.
Tumango lang si Joanne sa kanya saka muling nag salita.
"Napansin kong kanina ka pa nakatitig dyan sa karatula. Gusto mo bang mag-apply?" tanong ng ginang sa kanya.
"Opo ma'am." magalang na sagot nya sa ginang.
"Come! follow me in my office." wika ng ginang at hinawakan pa sya sa kanyang pulsuhan at hinila papasok sa loob ng Restaurant.
Hindi na nakatanggi pa si Pamela, nagptianod na lang sya sa ginang.
Dinala sya nito sa loob ng kanyang opisina at saka pina upo sa sofa. Tumabi rin ang ginang sa kanya saka sya tinitigan sa mukha.
Nailang si Pamela sa klase ng pag titig sa kanya ng babae, kaya nag baba ito ng tingin.
"Anong pangalan mo?" narinig n'yang tanong sa kanya ng ginang.
"Pamela Lopez po." nahihiyang sagot nya sa ginang.
"Ilang taon kana Pamela? at anong natapos mo?" tanong ulit sa kanya ng ginang.
"Twenty pa lang po ako ma'am. Nursing po ang Course ko, pero nahinto na po ako sa pag-aaral, mula po ng mag kasakit ang Daddy ko at namatay." agad naman n'yang sagot sa ginang.
Nahabag naman si Joanne sa dalaga. Kita rin nya ang lungkot sa mga mata ni Pamela.
"Taga saan ka hija?" malumanay na tanong ni Joanne kay Pamela.
"Taga Sta. Monica Province po ako ma'am. Lumuwas po ako dito sa Maynila para po mag hanap ng trabaho at maka pag patuloy sa pag-aaral." mahabang sagot nya sa ginang.
Lalong nahabag ang ginang sa kanya, dahil sa galing pala ito sa napaka layong Probinsya.
"Saan ka naman tumutuloy dito sa Maynila hija?" tanong ulit nya sya dalaga.
"Ahm! ang totoo po n'yan ma'am ay kararating ko lang po dito sa Maynila. Papunta po sana ako sa Hotel na katabi nitong Restaurant para doon mag check-in, at nadaanan ko po 'yon karatula sa labas." pag-amin nya sa ginang.
"Wala ka bang ibang kaanak dito sa Maynila na pweding matuloyan?" tanong ulit ng ginang.
"Wala po ma'am. Ulilang lubos na po kasi ako." wika nya sa ginang.
Hindi naman napigilan ni Joanne ang kanyang sarili. Bigla na lang n'yang niyakap ang dalaga. Awang-awa sya sa dalaga, at napaka bata at inosente nito upang mag-isang maki pagsapalaran dito sa Maynila. Nag-aalala din sya sa kaligtasan ng dalaga, maganda ito at hindi ordinaryo ang kanyang kagandahan. Asul din ang mga mata ni Pamela, kaya alam n'yang may dugo itong banyaga.
"Sige, tinatanggap na kita. Pero sa isang kondisyon, gusto kong mag stay-in ka sa akin. At gusto ko rin na ipag patuloy mo ang iyong pag-aaral. Isasama kita sa mga Schoolar namin ng asawa ko upang maka pag tapos ka ng iyong pag-aaral." wika sa kanya ni Joanne.
Bigla naman umiyak si Pamela dahil sa labis na kasiyahan. Hindi nya akalain na makakatagpo sya ng mabuting tao na tutulong sa kanya. Agad n'yang tinanggap ang alok sa kanya ng ginang.
Tuwang tuwa naman si Joanne at agad pa'ng tinawagan ang kanyang asawa.
....
Namangha si Pamela sa laki ng Mansion ng kanyang magiging amo na si Missis Joanne Sanchez.
Hindi nya akalain na napaka yaman pala nito.
Mayaman naman sila ng pamilya nya, pero hindi ganito karanya ang kanilang buhay. Ang bahay nila ay makalumang desinyo nang mga sinaunang spanyol dito sa pilipinas. Ang mga kagamitan nila sa bahay ay mga luma at antigo mula sa Europe. Ang mga sasakyan nila ay mga lumang modelo din. Kaya ganon na lang ang kanyang pagka mangha sa loob at labas ng Mansion ng mga Sanchez.
"Pasok kana hija, kanina pa nag hihintay sa atin ang pamilya ko. Gusto ka rin nilang makilala." pagyaya sa kanya ng ginang.
"Sorry po ma'am, nagagandahan lang po ako dito sa bahay nyo." nahihiya n'yang wika.
Hinawakan na naman sya ng ginang sa kanyang pulsuhan at dinala sa Dinning Room.
Agad naman tumayo ang mga nadatnan nila na naka upo sa may dinning table.
"Hi sweetheart, sya ba si Pamela?" tanong ng lalaking may edad sa ginang saka ito humalik sa asawa nya.
"Yes sweetheart. Sya nga si Pamela at simula ngayon ay dito na sya titira sa atin." sagot naman ng ginang.
"Good evening po sir." pag bati ni Pamela sa lalaki.
"Tito na lang ang itawag mo sa akin hija, dahil mag mula ngayon ay parte kana ng pamilya." sabi sa kanya ng lalaki.
Nahihiyang napangiti si Pamela. Naiilang pa rin sya hanggang ngayon, dahil hindi nya inakala na magiging mabait sa kanya ang kapalaran.
"Salamat po t-tito." parang alanganin pa s'yang tawagin ito na tito gaya ng gusto ng lalaki.
"Dapat tita na rin ang itawag mo sa akin ngayon hija. At ito pala ang kuya Patrick mo at ang asawa nya, ang ate Lisa mo." pakilala rin nya sa anak daw nito at asawa ng anak nya.
Napa isip din si Pamela kung ilang taon na ang mga ito, dahil mukhang bata pa sila. Parang kaedad lang yata nya ang babae.
Agad na tumayo si Lisa at niyakap pa sya saka hinalikan sa pisngi.
"Ang ganda mo naman Pamela. Ang ganda ng mga mata mo, may lahi ka bang banyaga?" agad na tanong sa kanya ni Lisa.
"Opo ate, European po ang Mommy ko." may lungkot sa mata na sagot nya.
"Hi Pamela, pag pasensyahan mo na ang ate Lisa mo. Mukhang napag lilihian kapa yata. Maupo kana at nang makakain na tayo." wika naman ni Patrick.
Agad naman pinaupo ni Joanne si Pamela sa tabi nya. Sya na rin ang nag lagay ng pagkain para kay Pamela.
Matapos nilang kumain ay hinatid pa ni Joanne si Pamela sa magiging kuwarto nito.
Dinala sya sa isang guest room at 'yon na daw ang magiging kuwarto nito.
Niyakap pa ni Pamela ng mahigpit ang ginang at saka nag pasalamat.
Pagka alis ng ginang ay agad s'yang pumasok sa cr. Kanina pa nya gustong maligo, nanlalagkit na sya sa maghapon at mag damag na nasa labas sya.
Matapos n'yang maligo ay tinuyo rin nya ang kanyang buhok. Kompleto rin ang lahat ng kailangan nya sa banyo. Pati damit pantulog ay meron din naka lagay sa ibabaw ng kama.
Dahil sa sobrang pagod ay agad na naka tulog agad si Pamela. Bago nito ipinikit ang kanyang mga mata ay umusal muna sya ng maikling panalangin. Nag pasalamat sya sa poong may kapal dahil hindi sya nito pinabayaan. Binigyan pa sya ng bagong pamilya na mag-aalaga sa kanya.