Pamela's POV
Tahimik lang akong naka upo dito sa kina uupuan ko sa loob ng kotse ni Migs. Hindi ko matanggap na meron lalaki na biglang susulpot sa buhay ko at didiktahan ako.
Dati ko pa naririnig ang pangalan nya, mula kay ate Lisa at sina tita Lucille at tito Miguel. Lagi nilang pinag-uusapan ito dahil sa mga babaing nag hahanap sa kanya.
Maraming babae ang nag hahabol sa isang Miguelito Salvador. Hindi ko alam kung anong nagustuhan nila sa Draculang ito sa tabi ko. Napaka bastos at antipatiko nito. Akala mo rin kung sino na bigla na lang susulpot sa haralan ko at biglang makikisawsaw sa buhay ko.
Habang nag-iisip ako nang malalim tungkol kay Dracula, ay hindi ko maiwasan na sulyapan sya.
Kitang kita ko ang pag kindat nya sa akin sa tuwing mapapatingin ako sa mukha nya.
Masakit na tingin na lang ang ibinigay ko sa lalaki saka ako humalukipkip at ipinikit ko na lang ang mata ko. Mabuti na ang ganito, upang hindi ko na makita ang pag mumukha ng Dracula na ito.
Hanggang sa maramdaman kong huminto na ang kotse, kaya nag handa na rin ako sa aking pagbaba.
Laking gulat ko nang hindi naman pala sa Joanne's Grill kami pumunta. Nandito kami ngayon sa tapat ng Starbucks.
"Anong ginagawa natin dito?" inis na tanong ko sa kanya.
"Kakain." tipid na sagot nya sa akin, saka bumaba sa kotse at umikot dito sa gawi ko.
Agad din n'yang binuksan ang pinto ng kotse, saka dumukwang sa harapan ko. Nanigas ako sa aking kina uupuan dahil napakalapit na naman ng mukha nya sa aking mukha.
Kulang na lang ay mag lapat ang mga labi namin dahil sa lapit nya sa mukha ko.
Naka hinga pa ako ng maluwag nang umalis sya sa harapan ko matapos n'yang matanggal ang seat belt ko.
Dios ko! ano ba itong napasok ko? Akala ko ligtas na ako sa bahay ng mga Sanchez, pero bakit hinayaan mong may maka pasok na Dracula sa buhay ko ngayon?
Nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ni Migs palabas sa kanyang kotse.
Hihilain ko na sana ang aking kamay nang samaan nya ako ng tingin. Kaya napalunok na lang ako, saka nag patangay sa kanya.
Wala naman akong magagawa pa, napaka lakas nito at ang laki pa ng katawan.
Pumasok nga kami sa loob ng Starbucks at umupo sa pinaka dulo nitong caffè.
Lumapit naman ang isang waiter at kinuha ang order namin.
Nakita kong kinuha ni Migs ang Menu saka tiningnan ang mga pagkain doon.
"Anong gusto mong kainin babe?" narinig kong tanong nya sa akin.
Teka muna, 'babe' bakit may endearment na agad sya sa akin? naku masama ito, ayaw kong mapalapit sa antipatikong lalaki na ito. Hindi ito maari, hindi!.
"Ma'am, ano po ang order mo?" magalang na tanong sa akin ng lalaking waiter.
"Red Velvet Cake and Lattè kuya, thank you!" sagot ko na naka ngiti sa waiter.
"Gawin mo nang dalawa at paki bilisan dahil nagugutom na ang girlfriend ko!" narinig kong sinabi ni Dracula sa waiter, ipinag diinan pa talaga ang salitang Girlfriend.
'My God!' kailan kaya nya ako naging girlfriend? bakit ngayon ko lang nalaman? ay! iba na ito. Hindi na ako natutuwa sa Dracula na 'to. Kailangan iwasan ko na ito habang maaga pa. Baka pag nag tagal pa kaming mag kasama nito, baka sa mental hospital ako pupulutin.
Hindi na lang ako umimik, pero hindi rin ako tumingin kay Dracula. Bahala sya dyan, mamuti ang mata nya sa kakatitig sa akin.
Maya-maya pa'y dumating na ang order namin. Dahil sa nagugutom na rin ako kaya nilantakan ko na ang aking Red Velvet Cake na paborito ko. Humigop din ako ng Lattè at napa pikit pa ako dahil sa napaka sarap naman talaga nito.
Bigla din akong napa dilat ng aking mata dahil may narinig akong click ng camera.
Nakita kong naka ngiti si Dracula na naka tingin sa kanyang cellphone. Ano kayang nakakatawa sa cellphone nya? hmmm bahala sya sa buhay nya. Baka nababaliw na sya, naku po baka ako pa ang mapag balingan nito.
Nang matapos kaming kumain ay hinatid na nya ako sa Restaurant.
Akala ko ibababa lang nya ako sa may entrance. Pero bumaba din pala ito at ihinagis pa ang susi ng kanyang kotse sa valet driver.
Hindi ko na lang pinansin si Dracula, agad na akong pumasok sa loob at hinanap si tita Jo. Nakakahiya naman sa kanya, dapat kanina pa ako nandito.
Pumasok muna ako sa loob ng opisina ni tita Jo, upang makita sya at mabati na rin.
"Hi tita..." malambing na tawag ko sa napakabait na si tita Jo.
"Hello Pam, how's you're exam?" tanong nya sa akin.
"Mabuti naman po tita, isa na lang po ang tatapusin namin bukas tita." sagot ko naman sa kanya.
"Kumusta naman ang Date mo hija?" tanong pa nya sa akin.
Nagulat tuloy ako sa tanong ni tita sa akin. Ano daw? Date? kailan at saan?
"Ah, eh... tita hindi naman po ako naki pag Date." sagot ko kay tita habang hinihilot ko ang aking noo.
Nakita kong nag kibit balikat lang si tita, pero naka ngiti ito.
"Tita, lalabas muna ako, para ma check ko ang mga costumer natin." paalam ko na lang sa kanya.
"Sige." sagot nya sa akin, kaya dali-dali na akong lumabas.
Inisa-isa kong tiningnan ang mga kumakain na Costumer dito sa Joanne's Grill. Tinatanong ko rin sila kung masarap ba ang ihinain sa kanila o may probkema kaya sa lasa.
Lahat naman ay maganda ang ibinigay na feedback sa service namin kaya sa kusina naman ako nag tungo.
"Good evening po!" bungad ko sa mga cook namin dito sa Joanne's Grill.
Agad naman silang sumagot sa akin at binati rin nila ako pabalik.
Tuwang tuwa din sila sa pag punta ko sa loob ng kitchen. Gustong gusto daw nila akong pumupunta dito dahil nawawala daw ang pagod nila kapag kausap nila ako.
Pero hindi naman ako maaring mag tagal dito. kailangan ko pang tingnan ang sales namin ngayong gabi. Kaya nag paalam na ako sa kanila.
Pag labas ko ng kitchen, ay nakita ko ulit si Dracula na may kasamang mga lalaki na kumakain. Hindi ko na lang sya pinansin dahil hindi naman ako enterisado na maki pag- usap sa kanya.
Pinuntahan ko na si Hannah, ang Casher dito sa Restaurant at inalam ko kung maganda ba ang Sales namin ngayong gabi.
Nag kuwentuhan pa kaming dalawa, bago ako nag paalam sa kanya.
Nag lalakad ako papunta sa opisina ni tita, ng bigla na lang may umakbay sa akin. Agad kong naitulak ang pangahas na umakbay sa akin. Pero hindi man lang ito natinag, lalo pa akong ikinulong sa kanyang malalaking bisig.
"Ano ba! bitawan mo nga ako, nakakahiya sa mga taong nakakakita sa atin." pabulong na pag saway ko kay Dracula na hanggang tainga ang pagkakangiti.
"Busy kapa ba babe? samahan mo muna akong kumain, para mapakilala rin kita sa mga kaibigan ko." sabi nya sa akin.
"Ikaw, tumigil kana. Hindi na ako natutuwa sayo." bulong ko sa kanya habang nanlilisik ang aking mata na tumingin sa kanya.
"Huwag kana kasing umangal. Umayos ka, at huwag kang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan." pag babanta nya sa akin at masama rin akong tiningnan.
Mahigpit rin nyang hinawakan ang pulsuhan ko at dinala nya ako sa table nila ng mga kaibigan nya.
Sumunod na lang ako, dahil baka dito oa nya ako ibalibag kapag nagalit ito sa akin.
Agad namang tumayo ang dalawang lalaki upang batiin ako.
"Hi miss beautiful!" magkapanabay na wika ng dalawa.
Itinaas din nila ang kanilang kamay upang maki pag kamay sa akin.
Agad naman sinalag ni Dracula ang mga kamay nila.
"Bawal hawakan ang babe ko. Umayos kayong dalawa ha!" malakas na pag kakasabi nya sa kanyang mga kaibigan.
Ako naman ay napa maang sa lalaking katabi ko. Baliw ba sya? bakit nya ako inaangkin? hay nahu maloloka na talaga ako sa lalaking ito.
"Ang ganda naman ng bata mo bro. Baka naman may kapatid sya, pakilala mo naman kami." sabi pa ng isa na guapo rin, pero mas guwapo si Dracula dito.
Teka lang, sinabi ko bang guwapo si Dracula? hay! nababaliw na rin yata ako.
"Sorry na lang kayo, dahil mag-isang anak ang babe ko. Kaya hanggang tingin na lang kayong dalawa." sagot ni Dracula sa kanyang mga kaibigan.
Huh! paano kaya nya nalaman na mag-isang anak lang ako? ah baka nag tanong kay ate Lisa.
Hinila din nya ang upuan papunta sa tabi ng kanyang upuan. Saka ako pina upo sa tabi nya. Ibinigay din nya sa akin ang isang plato na may laman na steak.
"Kain kana babe, isasabay na rin kita mamaya sa pag-uwi." mahinang sabi nya, habang hinihiwa ang steak sa aking plato.
Dahil sa inis ko kay Dracula ay sa pagkain ko na lang ibinuhos. Tahimik lang akong kumain, hindi rin ako nag-angat ng paningin ko sa mga kasama ko dito sa table.
Bahala sila sa buhay nila. Basta ako kakain para mabusog.
Matapos kong maubos ang steak sa plato ko ay busog na busog na ako. Naalala kong may gagawin pa pala ako, kaya agad akong tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Dracula, habang hawak nito ang kamay ko na agad n'yang hinuli pag tayo ko.
"May kailangan pa akong gawin, pasara na ang Restaurant kailangan ko nang taposin ang trabaho ko." sagot ko at saka ko hinila ang kamay ko na hawak pa rin ni Dracula.
"Sige babe, hintayin na lang kita rito." pahabol pa nya sa akin.
Hindi ko na lang pinansin, agad akong lumapit sa table ng isang pamilya at kinausap ko sila.
Maya-maya pa, ay mag sasara na kami kaya kailangan ko na rin mag handa.
Pumasok ako sa opisina ni tita Jo upang tingnan sya kung naka handa na, at sasabay na lang ako sa kanya sa pag-uwi.
Pero wala na akong tita Jo na nadatnan. Wala na rin ang mga gamit nya, umuwi na siguro siya.
Muli akong lumabas upang tingnan ulit ang Sales namin. Naabutan kong nag-i inventory na si Hannah.
"Pam, umalis na pala si Madam. Pinapasabi nya na sumabay kana lang daw kay sir Migs." sabi sa akin ni Hannah.
Anak ng taukua naman oh. Makakasama ko na naman ang Dracula na 'yon? Marahas na lang akong nag buntong hininga. Parang bigla tuloy akong nag karoon ng napaka bigat na problema dahil sa biglang pag sulpot ni Dracula sa buhay ko.
"Are you ready babe!" napa liyad pa ako dahil bigla na lang may nagsalita sa tabi ko at sobrang lapit ng mukha nito sa tainga ko. Naramdaman ko pa ang init ng hininga nito. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko, my god!
"Bakit ba ang hilig mong mang gulat!" inis na wika ko kay Dracula.
Mahinang tumawa lang ito sa akin. Ang sarap pukpokin ng tray ang lalaking ito. Nakakainis! ang kulit- kulit pa, gusto nya sya lagi ang nasusunod.
Nag paalam na lang ako kay Hannah na sya na ang bahala dito sa Restaurant. Agad na akong nag tungo sa opisina ni tita upang kunin ang mga gamit ko.
Pag labas ko ng Restaurant at nakita kong naka tayo si Dracula sa labas ng pinto. Kausap pa rin nya ang dalawa nitong kaibigan.
Pag labas ko, agad naman akong sinalubong ni Dracula at kinuha pa ang dala kong bag.
"Akin na 'yang bag mo babe." sabi nya sabay kuha sa akin ang bag ko.
Agad din nya akong inakbayan na para kaming mag jowa.
"Ano ba! nakakarami kana ha!" singhal ko sa kanya.
"Huwag kana kasi umangal. Wala ka rin naman magagawa." pabulong na sagot nito sa akin. Nag tayuan na naman ang mga balahibo ko dahil sa pag ihip nya sa punong tainga ko.
Dios ko po, itigtas mo po ako sa Draculang ito na kasama ko...