Two years later...
3rd year na si Pamela sa kolehyo, kumukuha ito ng Nursing. Ito ang ginusto nyang kunin noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Gusto nya kasing personal na alaagaan ang ina noon na meron Cancer. Kaya lang ay hindi na sya nahintay na mag tapos dahil maaga itong namatay.
Ang ama naman nya ay laging nasa ibang bansa dahil sa kanilang mga negosyo.
Isang araw ay umuwi si Pamela ng Hacienda. Nadatnan nyang maraming sasakyan ang loob ng kanilang parking. Mga mamahaling sasakyan ang mga ito at sa city lang nito nakikita ang ganoong uri ng sasakyan.
"Kanino kaya ang mga sasakyan na ito?" tanong nya sa sarili habang papalapit sya sa harapan ng malaking bahay.
Tinigil nya ang kanyang kotse sa gilid at nag madaling lumabas.
Napansin din nya ang maraming lalaki na naka paligid sa bakuran at may mga baril pa ang mga ito.
Kinakabahan man pero tumuloy parin sya sa loob ng bahay.
Nadatnan nyang maraming tao ang loob ng bahay. Nagulat din sya dahil nakita nyang tinatanggal ang mga malalaking frame na Portrait ng mga ninuno nya kasama ang mommy nya.
"Sino kayo? at bakit nyo tinatangal ang mga larawan na yan?" sigaw nya sa mga taong abala sa pag tanggal ng mga portrait.
"Pasensya na miss, napag-utusan lang kami." sagot naman ng isang lalaki
"Sinong nag bigay sa inyo ng karapatan upang tanggalin ang mga 'yan? Alam nyo bang antique ang mga frame na yan at galing pa ng Europe." galit na sabi nya sa mga lalaki.
"Ako ang nag-utos sa kanila na tanggalin ang mga yan. At lahat ng mga gamit dito na ayaw kong makita." wika ng isang babaing pababa sa hagdanan ng Mansion.
"At mag mula sa araw na ito, ako na ang masusunod sa bahay na ito! naiintindihan mo?" patuloy ng babae na tumigil na sa may puno ng hagdan at humithit pa ng sigarilyo saka ibinuga sa kanya.
Napa ubo naman si Pamela dahil sa usok na kanyang nalanghap.
"Si-sino kaba at bakit ka nadito sa bahay ko?" asar na tanong nya sa babae.
Humalakhak muna ang babae bago ito muling nag salita.
"Ako lang naman ang bagong asawa ni Felix Lopez, at ako na ang bagong rena sa bahay na ito." nakaka pang insultong wika ng babae.
"A-asawa ka ng Da-daddy ko?" takang tanong nya dito.
"Yes my dear step daughter at mag mula ngayon, ako na ang masusunod sa bahay na ito! nagka kaintindihan ba tayo?" wika pa nito sabay hawak sa baba ni Pamela
"Nasaan ang Daddy ko? Daddy! Daddyyyy!" Sigaw nya at patakbong umakyat sa itaas.
Agad nyang pinuntahan ang silid ng ama pero wala ito sa loob ng kuwarto.
Tumakbo na naman sya palabas at tinatawag ang ama. Pero wala parin sumagot sa kanya.
Binalikan nya ang babaeng nagpakilalang asawa daw ng daddy nya at tinanong kung nasaan ang kanyang ama.
Tinawanan lang sya ng babae at saka hinawakan ng mahigpit sa kanyang braso.
"Aray ko, nasasaktan ako!" sigaw nya dahil sa higpit ng pagka kahawak sa kanya.
Kinaladkad sya ng babae patungo sa Clinic ng kanilang mansion.
Pag bukas ng pinto ay bigla naman syang itinulak ng babae patungo sa loob.
"Oh! hayan ang ama mo. Nakaratay na sa kama, at hindi na rin mag tatagal ang buhay nya. Hindi kana rin nya kayang ipag tanggol pa kaya matuto kang sumunod sa lahat ng gusto ko!." bulyaw sa kanya ng babae
Umiiyak si Pamela habang pinag mamasdan ang ama na mahimbing na natutulog.
Nag-iba na rin ang hitsura nito dahil halos hindi na makilala.
Wala na ang dating kakisigan nito na kahit may edad na ay maalaga sya sa kanyang katawan.
Ilang buwan na ang lumipas mag mula ng umalis ito patungong Maynila.
Kaya pala hindi na nakakatawag sa kanya ang kanyang ama dahil may sakit ito.
"Daddy! daddy ko! anong nangyari sayo dad?" tanong ni Pamela sa natutulog na ama.
Iyak sya ng iyak dahil hindi nya matanggap na nakaratay na ito at hindi na rin maka usap.
Napakaraming naka kabit na aparato sa katawan ng kanyang ama.
"Inataki sa puso ang iyong ama. Wala na akong perang pambayad sa hospital kaya ini uwi ko na sya dito." wika ng babae na panay ang hitit sa sigarilyo.
"Mag-mula din sa araw na ito ay hindi kana lalabas ng bahay na ito. Dahil ikaw na ang magiging nurse ng ama mo." sabi pa nya
"Bakit mo ako gagawin nurse ni daddy? kaya kong kumuha ng private nurse na mag-aalaga sa kanyan. Hindi pa ako tapos sa pag-aaral ko, at bahay ko ito kaya wala kang karapatan na pag bawalan ako." sigaw ni Pamela sa babae na akala mo kung sinong umasta.
"Aba! at lalaban ka sa akin ha!" galit na sabi ng babae sabay hila sa buhok ni Pamela.
"Aray ko! nasasaktan ako!" daing nya
"Talagang masasaktan ka sa akin kung hindi ka matutong sumunod sa lahat ng gusto ko." madiin na sabi ng babae
"Simulan mo ng linisin ang ama mo, ang baho-baho. Hayan sa gilid ang mga diaper na gagamitin mo sa kanya." utos nito bago umalis at isinara ang pinto.
walang nagawa si Pamela kun'di pag silbihan ang kanyang ama.
May kaunting kaalaman na rin sya sa pag-alaga ng may sakit dahil mahigit dalawang taon na rin sya sa pag-aaral bilang Nurse.
Isang buwan lang ang lumipas ay namatay din ang kanyang ama.
Natigil na rin sya sa kanyang pag-aaral dahil hindi na sya pinalabas ng kanyang madrasta.
Isang gabi, lalabas sana sya sa kanila Terrece upang magpa hangin.
Narinig nya ang boses ng kanyang bruhang madrasta na may kausap sa telepono at pinapauwi nya ito.
Nag tago sya sa likod ng halaman at nakinig sa mga sinasabi ng babae.
Malinaw nyang narinig gusto syang ipapakasal sa taong kausap nito sa telepono.
Anak pala ito ng babae at nag-aaral sa ibang bansa.
Kailang syang pakasalan nito para makuha nila ng tuluyan ang lahat ng pera at ari-arian na minana nya.
Wala kasing nakuha ang kanyang madrasta kahit singko dahil sa kanya lahat naka pangalan ang mga ari-arian nila.
Inilipat ito lahat ng kanyang mommy sa pangalan nya bago ito nawala.
Pati mga bank account nila ay na transfer na rin sa kanya.
Matapos nyang marinig ang mga plano ng bruhang babae ay agad na syang bumalik sa kanyang silid.
Hindi pweding mag tagumpay sa mga binabalak nya ang babae.
Nag - empaki ng mga damit si Pamela, ilang piraso lang ang dala nya dahil maliit lang ang kanyang bag.
Dinala din nya lahat ng mga importanting papeles mga alahas na ipinamana sa kanya ng kanyang ina at ang mga Bank book at Credit Card.
May Cash din na naiwan sa kanya kaya kinuha nya ito upang may magamit sya sa kanyang pupuntahan.
Dumaan sya sa secret door mula sa kanyang kuwarto.
Ipinagawa ito ng kanyang mga lolo at lola noon para sa kanyang mommy.
Tanging taga pag mana lang ng mga Castillo ang nakaka alam ng secret door.
Kahit ang daddy nya ay hindi nalaman na meron lihim na lagusan dito sa kuwarto nya na dating kuwarto noon ng kanyang mommy.
Isinara nyang mabuti ang pinto mula sa loob ng tunel.
Hindi ito mapapansin ng kahit sino dahil maliit na butas lang ang nilusutan nya mula sa loob ng cabinet.
Kinuha nya ang flash light at bumaba sa Spiral Staircase pababa ng basement.
Mula sa basment ay may daan na patungo sa quadra ng mga kabayo.
Lumabas sya sa loob ng bodega ng maliit na kuwarto doon.
Sumakay sya sa kabayo at matulin na pinatakbo ito patungo sa taniman ng mga tubo.
Sa dulo ng taniman ay daan papuntang bayan, kaya doon sya nagtungo upang maka sakay ng bus patungong Maynila.