Chapter 1

935 Words
Masayang nag-iikot sa Plantation ng mga tubo si Don Felix Lopez. Kasama nya ang kanyang unica hija at mahal na princesa. Ang napaka ganda na si Pamela Lopez. Tag-isa silang mag-ama ng kabayo at mag kasamang nag-iikot. Laging sumasama si Pamela sa pag- iikot sa taniman ng mga saging at niyog. May malawak din silang taniman ng mga tubo. May quadra din sila ng mga kabayo. Napaka lawak ng kanilang lupain, halos sakop na nila ang buong island ng ng Sta. Monica Province. Ang mga Obrero ng Hacienda de Castillo ay binigyan nila ng mga lote para tayuan ng kani-kanilang bahay. Dito sa probinsya nila, kilala ang pamilya Castillo-Lopez. Ang Hacienda Castillo ay pagma may-ari ng pamilya Castillo na magulang ng ina ni Pamela. Ang mga Castillo ay mga lahing Espanyol. Ang napaka ganda at napaka bait na si Doña Lourdes Castillo-Lopez, the only Heir of the Hacienda de Castillo at Castillo Corporation. Ipinag kasundo sya noon ng mga magulang at ipinakasal sa anak ng Governor noon ng Sta. Monica na si Don Felix Lopez. .... Eni-export nila ang mga saging at niyog na pananim nila. Ang mga tubo naman ay ginagawa nilang asukal. May sarili silang Companya na nag export sa product nila. " Daddy! pwede po ba tayong dumaan sa ilog? ang tagal na nating hindi nagawi doon, gusto ko po maligo sa falls. Please daddy! " paki-usap nya sa ama, saka nag puppy eyes. Napa-iling na lang si Don Felix sa kanyang makulit na unica hija. Hindi nya talaga matanggihan ito. Mahal na mahal nya ang kanyang prencissa at lahat ay gagawin nya para dito. " Okay! pero sandali lang tayo. Baka kanina pa tayo hinihintay ng Mommy mo. Baka nag-aalala na 'yon." wika naman ng Don Tuwang tuwa naman si Pamela. Lagi silang pumupunta sa falls noon kasama ang mga magulang nya. Nag pi-picnic pa sila noon at namimingwit pa ng isda ang Daddy nya at iihawin naman ng Mommy nya. Maraming masasayang alaala ang kanilang Falls. Natigil lang ang pag punta-punta nila sa falls nang mag kasakit ang Mommy nya. Her Mother was Diagnosed with Cervical Cancer. May taning na din ang buhay nito. Malala na ang sakit nya ng matuklasan nila. Halos manghina silang mag-ama noong malaman nila ang sakit ng Mommy nya. Halos bumagsak din sya sa mga Grade nya, dahil hindi sya maka focus sa pag-aaral. Gusto lang nya noon ay bantayan ang ina sa Hospital. "Dad! halika dito! ang sarap maligo... ang lamig ng tubig..." sigaw ni Pamela sa ama na nag hihintay sa kanya sa pampang ng Falls. " Pamela! tama na yan at hinihintay na tayo ng Mommy mo. Baka sobrang nag-aalala na 'yon sa atin. Alam mong masama sa Mommy mo ang ma-estress." tawag sa kanya ng ama Agad naman umahon si Pamela. Kahit gusto pa nya sanang maligo sa falls, pero ayaw din nyang mag-alala ng husto ang mommy nya. " Dad! pwede ba tayong bumalik ulit dito kasama si Mommy? " tanong nya sa ama. " Anak! kung ako lang ang masusunod. Kahit ngayon din dadalhin ko dito ang Mommy mo. Pero anak, alam mong mahina na ang katawan ng Mommy mo. Hindi na nya kayang sumakay sa kabayo at matagtag sa daan habang tumatakbo ang kabayo. Baka lalong mapadali ang buhay ng Mommy mo. " paliwanag ni Don Felix sa anak. "Ok Daddy, i understand po." sagot nya pero bakas sa mulha nya ang lungkot. Tanghali na sila nakarating sa kanilang tahanan. Agad nilang pinuntahan ang kanyang ina na naka higa sa sariling hospital bed. "Mommy!" bungad ni Pamella sa ina Ngumiti naman ang mommy nya at itinaas pa ang mga kamay nito upang yakapin sya. Masaya si Pamela sa buhay nya. Kahit na hindi na sya nakaka pamasyal dahil lagi lang syang nag babantay sa mommy nya. "Pamela anak, tandaan mo lagi na mahal na mahal kita anak ko. Huwag mo rin sana kakalimutan ang lahat ng mga bilin ko sayo..." wika ng ginang habang hinahaplos ang mukha ng kanyang anak. "Opo mommy! lagi ko pong tatandaan lahat ng sinabi mo sa akin. I love you mommy!" sagot nya sa ina sabay yakap dito. "Felix, alagaan mong mabuti ang ating anak." wika nya sa asawa "Pinapangako ko, kaya huwag kanang mag-isip ng kung anu-ano. Mag pahinga kana muna dito at mag bibihis lang kami. Natuyuan na ng damit ang anak mo, ayaw paawat at talagang naligo sa falls." paalam ng Don na tinawanan naman ng kanyang asawa. Matapos maligo ni Pamela ay bumaba na ulit sya upang kumain ng pananghalian. Magana syang kumain dahil sarap na sarap sya sa ulam nya na tinolang native na manok. "Dahan-dahan sa pagkain, baka mabulunan ka." saway sa kanya ng ama. Tumango tango lang sya sa ama. Inubos muna nya ang pagkain sa kanyang plato bago nag salita. "Daddy, ang sarap talaga ng tinolang manok. Sana kasama natin si mommy na kumain." wika nya ngunit biglang lumamlam ang mga mata. Hindi na lamang sumagot ang Don. Masakit sa kanya na makitang maungkot ang kanyang anak. "Don Felix! Don Felix! si Doña Lourdes po!" sigaw ng nurse na nag babantay sa kanyang asawa. Agad na tumayo ang mag-ama at pinuntahan ang kanyang asawa sa Clinic na ipinagawa nya sa loob ng bahay nila. "Don, wala na po si Doña Lourdes!" sabi ng nurse Biglang umiyak si Pamela ng malakas at niyakap pa ang kanyang ina. "Mommy! mommy ko! huwag mo akong iiwan mommyyyy!" sigaw nito. Tahimik naman na umiyak si Don Felix, masakit man sa kanya na iniwan na sila ng kanyang asawa ay kailangan nyang mag paka tatag para sa kanyang nag-iisang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD