Chapter 12

1210 Words
Katana’s Pov “Nanami?” Agad akong natigilan nang marinig ang pangalang matagal ko nang kinalimutan. “Is that really you?” Dahan-dahan akong bumaling sa nagsalitang iyon. Nakita ko pang naguguluhan na tumingin sa akin si Ashen pero hindi ko na muna siya pinagtuunan ng pansin dahil sa lalaking nasa harap ko. “It is you, Nanami.” Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki at bigla na lamang akong niyakap ng mahigpit. “It has been a long time since the last time I saw you. Nanami, I miss you so much.” “I…” I don’t really know what to say. I don’t even know how to react kaya nanatili akong nakatayo habang siya ay mahigpit na nakayakap sa akin. “Teka nga lang, bro…” Lumapit sa amin si Ashen at agad na inihiwalay sa akin ang lalaking ito. “Sino ka ba at bakit bigla ka na lang nangyayakap ng babaeng hindi mo naman sigurado kung kilala mo?” Kunot na noo siyang nilingon ng lalaking iyon. “I am sorry for my rude approach. I just miss Nanami. That is why I couldn't help myself but to hug her tight.” “So, you really know her?” tanong pa ni Ashen habang nakaturo sa akin. Mabilis namang tumango ang lalaking iyon. “She is Nanami Yoshino. She is my sister, Mitsubi’s best friend.” Bumaling naman sa akin si Ashen. “Totoo ba ang sinasabi niya?” Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin. “I am telling you the truth,” giit ng lalaki. “I am sure that she is Nanami. It has been ten years since she left our country because of her father’s order and she was bound to land at Valier Kingdom but–” Natigilan siya pagkuwa’y tumingin sa akin at bakas ang kanyang kalituhan. “It has been ten years since the last time I saw you but… why do you still look the same as if you never get old?” Marahas akong tumalikod sa kanila at nagsimula nang maglakad. Wala kaming oras para magkwentuhan ng mga walang kwentang bagay lalo na kung tungkol ito sa buhay ko. Higit naming dapat pagtuunan ng pansin ang mga zombie na nagkalat sa buong syudad dahil higit pa kaming mahihirapan kung lalong lumala ang sitwasyon dito. “Wait…” Habol sa akin ni Ashen at sinabayan akong maglakad. “I understand that you don’t want to say anything about your past. But I still need to make sure if that man is really saying the truth.” Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad tsaka bumaling sa kanya. “What do you want to know?” “Are you really Nanami Yoshino?” tanong niya. “I mean, kung talagang totoo ang sinasabi ng lalaking iyon, hindi ba dapat ay isinasama natin siya sa atin or dinadala natin siya sa isang ligtas na lugar?” “I don’t have time to deal with him,” sabi ko. “Pero posibleng manganib ang buhay niya dito kung iiwan lang natin siya,” giit niya at itinuro pa ang lalaking iyon. “Nakikita mo naman na injured na din siya at hindi basta makakatakbo ng mabilis.” “Right,” sambit ko pa. “Injured na siya kaya wala siyang maitutulong sa atin at lalo lang siyang mapapahamak kung sa atin siya sasama.” “Pero–” Marahas akong huminga ng malalim tsaka ginulo ang buhok ko. “Look, if you want to help him, I will not stop you,” sabi ko. “I only have limited time to clear the whole area or else, the government of this country will bomb this place to destroy all the zombie.” Nanlaki ang mga mata niya. “W-what?” “That is the only thing that they can do to secure the other parts of the country,” sabi ko. “So, get out of here and bring him along with you.” “Fine,” sagot niya. “But–” Tinaasan ko siya ng kilay. “You still didn’t answer my question,” aniya. “Are you really Nanami Yoshino?” At talagang gusto niyang malaman ang totoo kong pangalan. “Does that even matter?” “Yes it is,” sagot niya. “Paano pala kung nagloloko lang ang lalaking iyon at nag-iimbento ng pangalan para tulungan natin siya.” Bumaling ako sa lalaking iyon na nakatingin pa din sa akin. Bakas ang pagkalito sa kanyang mga mata at alam kong sari-sariling katanungan ang gusto niyang sabihin ngunit nag-aalangan siya lalo na’t hindi naman ako sumasagot sa lahat ng sabihin niya. “Ano na?” hindi makapaghintay na tanong ni Ashen. “Ikaw ba talaga iyong babaeng sinasabi ng lalaking iyan?” Huminga ako ng malalim tsaka ibinalik ang tingin sa kanya tsaka tumango. “Yes, I am Nanami Yoshino. At totoo din ang sinabi niya na matalik kong kaibigan ang kapatid niyang si Mitsubi.” “Oh,” aniya. “Then he is really telling the truth.” Muli ay tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad papunta sa area kung saan nagkukumpulan ang mga zombie. “I will take him to the river and make sure that he will be safe there,” sigaw niya sa akin. “Then, I will come back to you, Katana.” Natigilan ako nang muli niya akong tawagin sa pangalang ibinigay niya kaysa sa totoo kong pangalan na nalaman na niya ngayon. At hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. Gusto ko pa din sanang lingunin siya ngunit agad ko nang napigilan ang sarili ko dahil higit kong kailangan na unahin ang problema ng lugar na ito. Kaya itinaas ko na lang ang kanang kamay ko at binigyan siya ng thumbs up bilang tanda ng pagsang-ayon sa kanyang gagawin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking ito at kung bakit ganito na lang ang attachment na nararamdaman ko sa kanya. Ever since I saw his annoying face full of regret while thinking he is dying. Those emotions that he can show to me whenever he talks to me. Those genuine gestures that he keeps showing to me as if he cares. And he is treating me like that even though he doesn’t know anything about me. Maliban pa doon ay hindi din niya ako pinipilit na magkwento sa kanya kahit pa alam kong marami-rami na siyang tanong. Agad kong inalis ang ngiti sa labi ko nang ma-realize na masyado na akong nadadala ng emosyon ko. Bahagya ko ding iniling-iling ang aking ulo at tinapik pa ang aking mukha upang magising ako sa katotohanan na laging pinamumukha sa akin ng reyalidad. “I am a monster,” mahina kong sambit. And once the people knew everything about me, there is no doubt that they will choose to hate and leave me without even trying to understand what happened to me in the past. “Kailangan ko nang tapusin ang lahat ng ito.” Huminga ako ng malalim tsaka tumingala upang tumitig sa kalangitan. “Mas makakabuti sa aming dalawa kung maghihiwalay na kami sa lalong madaling panahon kaysa lalo pang lumapit ang loob namin sa isa’t-isa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD