Chapter 71

1237 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) Alam kong hindi magiging madali ang unang misyon ko kasama ang team ni Lychee pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang aabutan namin sa lugar kung saan huling namataan ang target namin. “What the hell is happening here?” bulong ko kay Lychee. Nauna kasi siya sa akin dito dahil siya nga ang mag-i-instruct ng mga dapat gawin sa ibang local police na kasama namin. Kapag ganito kasing kriminal ang target ay nakikipag-ugnayan sila sa mga otoridad nang sa gayon ay kapag natapos na ang kanilang misyon na ihiwalay ang parasites sa taong apektado nito ay agad nila itong maisu-surrender dahil hindi naman nila maaaring hayaan na makatakas ang mga iyon. Kahit pa sabihin na ang mga parasites ang dahilan kung bakit ito gumagawa ng mga krimen ay delikadong tao pa din ang mga ito. At pagdating ko nga dito sa lugar kung nasaan ang target namin ay nagkakagulo ang lahat habang itinuturo ang isang bangko. “Our target is now commiting a robbery and another murder inside that bank,” ani Lychee. “At dahil masyado nang maraming tao sa paligid ay hindi na natin magagawa ang misyon natin.” “Then, what are we going to do?” “We will let the local police handle this one,” sabi pa niya. “But we will act as their backup since this parasite is already a middle level that can use some of its skills to make sure not to get caught.” “Pero paano naman siya mahuhuli ng mga local police?” tanong ko pa. “Sa nakikita natin, nasa advantage ng sitwasyon na ito ang lalaking iyon dahil sa mga hostage na hawak niya.” Bumuntong hininga siya. “I don’t know, Katana,” sagot niya. “Sa mga ganitong sitwasyon, tanging ang local police lang ang may karapatan na makialam sa kasong ito. Kikilos lang tayo kapag kumilos na din ang parasite kaya please, just stay besides our team and wait for my signal.” Hindi na ako nakipagtalo pa at tumayo na lang sa tabi ng mga kasama ko sa team niya. Aba, baguhan lang ako kaya wala din naman talaga akong magagawa para tumulong sa sitwasyon na ito. Pero hindi ibig sabihin ng pananahimik ko ay sang-ayon ako sa desisyon nila na ipaubaya na lang ito sa mga pulis. Nabanggit naman nila sa akin na ang mga middle level parasites ay may kakayahan ng mag-isip na parang tunay na tao. Mayroon na din silang sariling ability na talaga namang makakaapekto sa ibang tao sa paligid ng taong kanilang dinidikitan. Kaya kung hahayaan namin ang mga pulis ay baka may masaktan muna bago kami kumilos. At hindi ko gusto ang ganoong bagay. “Then, do you want to do something,” Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ni Umi. Well, ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ako ng talagang ipinaparinig niya sa akin ang boses niya kaya hindi ko naiwasan na magulat. Wala akong ideya na may kakayahan pala siyang makipag-communicate sa akin ng ganito kadali. Pero lagi pa niya akong pinapahirapan sa pagbabasa ng mga isinusulat niya para lang makapag-usap kami. “Well, sorry about that,” sabi niya. Marahil ay nababasa niya ang iniisip ko at higit iyong magiging madali dahil hindi ko na kakailanganin pang magsalita. “I don’t really know that I can communicate with you like this. As far as I know, this is just a new skill that I acquired after I trained your body.” ‘Hmm.’ Bahagya akong tumangu-tango at nagpanggap na nagtitingin-tingin sa paligid nang sa gayon ay hindi mahalata ng mga kasama ko na kausap ko si Umi na ngayon nga ay mukhang may paraan para hindi lang kami tumunganga dito. ‘You have something to take down that man and extract the parasites away from him? Without getting notice by Lychee or even the police?’ “Yes,” sagot niya. “There is a secret door at the right side of the bank. Go there and I will give you your next instruction.” Muli akong bumaling kay Lychee na abala sa pakikipag-usap sa mga pulis. Sunod kong tiningnan ang mga kasama namin sa team na may kanya-kanya ding ginagawa at mukhang walang pakialam sa akin. Kaya naman huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang naglakad palayo sa kanila at tinahak ang direksyon na itinuro ni Umi. Alam kong si Lychee ang kasalukuyan kong leader dahil sa team niya ako isinama. At dahil nasa iisang organisasyon kami ay kailangan kong sumunod sa kung ano ang magiging desisyon niya. Kaya alam kong hindi magiging maganda ang sitwasyon ko kapag itinuloy ko kung anuman ang pinaplano ko. Pero higit ko namang kakayanin na maparusahan dahil sa pagsuway ko sa bilin ni Lychee kaysa makakita na naman ng isang tao na nasaktan o namatay ng dahil lang sa isang parasites. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip at agad na pumislit sa gilid ng bangko at hinanap ang lihim na daan na sinasabi ni Umi. Hinaplos ko ang bawat pader hanggang sa gumalaw ang isang parte nito na mukha lang pa lang bato ngunit ang totoo ay isa itong bakal na siyang kinulayan at pinintahan lang para magmukhang pader. “Sa manager’s office ang labas niyan,” sabi pa ni Umi. “Sa ngayon ay ligtas ang silid na iyon kaya wala kang magiging problema. Nakasara din ang mga blinds nito kaya hindi ka makikita ng target.” ‘Okay.’ Agad akong lumusot sa maliit na pintuan na iyon at ang bumungad nga sa akin ay ang manager's office. Yumuko ako at lumapit sa salamin na bintana nito kung saan tanaw ang mga nangyayari sa loob ng bangko. And to be honest, hindi na maganda ang sitwasyon na ito. May nakikita kasi akong limang katawan na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Ang dalawa ay hindi na gumagalaw dahil sa ulo ang mismong tama ng bala dito habang ang tatlo ay sa iba’t-ibang parte pa kaya buhay pa ang mga ito. Ngunit bakas sa kanilang mukha ang labis na sakit dulot ng mga sugat nila na pinipigilan nilang magdugo. “You only have one chance, Katana,” ani Umi. “But you have two choices. Kill him immediately by shooting him in his head.” Sinilip ko ang ulo ng target. Open iyon at madaling asintahin dahil nasa iisang lugar lang naman siya nakatayo habang nakatutok sa paligid ang dalawang baril na hawak niya. Medyo malayo din sa kanya ang mga hostage niya kaya pwede kong tuluyan ito mula sa kinalalagyan ko. “Or you will just shoot his hand that is holding the gun that he is using.” Shooting his hands will only give us chances to survive. At kung ito ang gagawin ko ay magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makapanakit dahil sigurado naman na agad siyang magtatago oras na patamaan ko ang isa sa kamay niya. “The choice is yours.” ‘Why don’t you just help me?’ alma ko. Aba’y tinulungan na niya ako kaya bakit hindi pa niya sulitin, hindi ba? Pero wala na akong nakuhang sagot mula sa kanya na ikinailing ko. Wala talaga siyang planong tulungan ako. Huminga ako ng malalim at pinag-isipang mabuti kung ano ba ang dapat kong gawin dahil masyadong mabigat ang consequence ng gagawin ko. I just hope that no one will get hurt again once I made up my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD