Chapter 70

1069 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) Umi trained my body so hard to make sure that it will become compatible with her strength even though she is not the one who is in control over my body. And I am really grateful to her for that. But now that she achieved her goal, she suddenly turned over my body to me and even though I kept calling her, she refused to answer me. Lalo na ngayon kung kailan magsisimula na ang unang misyon na ibinigay sa amin ni X pagkatapos lang ng isang oras. Kanina ko pa nga siya tinatawag pero ni hindi man lang niya makuhang magparamdam kaya nakakaramdam na ako ng inis. “Mukhang wala ka namang choice,” ani Lychee na kasabay ko sa paghahanda para sa pagpunta namin sa area kung nasaan ang parasite na aming na-detect. “Inihanda ka lang ni Umi para makipaglaban pero hindi ibig sabihin noon na siya ang lalaban para sa iyo.” Nagdesisyon si Xhylem na isama na lang ako sa team ni Lychee dahil kulang naman sila ng miyembro. At ang grupo lang din nito ang walang problema sa pakikipagtulungan sa isang tulad ko na mayroong parasite na naninirahan sa loob ng katawan ko. “Did she say something to you?” Umiling siya. “Si Ashen ang madalas niyang kasama nitong nakaraang isang buwan kaya hindi ko din alam kung ano ba talaga ang plano niya,” paliwanag niya. “Pero sa nakikita ko ngayon ay para bang sinanay lang niya ang katawan mo nang sa gayon ay magawa mong magamit ang lakas niya nang ikaw mismo.” “Hindi ba mas magiging maayos ang misyon kung siya mismo ang makikipaglaban sa mga parasites?” “Well…” Napahawak siya sa baba niya habang nag-iisip tsaka bumaling sa akin. “To be honest, it will give us advantages and disadvantages.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” “Having her in our team will surely make this mission accomplish fast,” aniya. “With the ability that she has, even though she will not hold any anti-parasites weapons, she will be able to kill our prey with her bare hands. That is our advantage.” “And the disadvantage?” “She will be exposed to other parasites and I am sure, the other high level parasites will surely go after her because she will become a threat to their existence,” dagdag niya. “And I think that is what she is thinking. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng marami ang tungkol sa kanya.” “Then, she will act as my back up?” Nagkibit-balikat siya. “I am not sure but that is possible.” Kahit naman kasi nasa loob ng katawan ko si Umi ay wala pa din akong kakayahan na malaman kung ano ang nararamdaman o naiisip niya. Hindi ako tulad niya na alam ang nararamdaman at iniisip ko kaya naman hindi na niya ako kailangan na tanungin kapag may kailangan kaming pag-isipan. Maliban pa doon ay aware siya sa nangyayari sa paligid ko kahit na ako ang dominant sa amin sa loob ng katawang ito. Samantalang kapag siya naman ang dominant ay mahimbing akong natutulog kaya wala akong alam sa ginagawa niya at sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Bumuntong hininga ako. “Why don’t you just do what she might possibly want?” tanong ni Lychee. “Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala ka namang choice dahil ayaw niya talagang lumabas, kahit man lang makipag-usap sa iyo.” Muli akong bumuntong hininga. “Sabi mo nga, wala akong ibang choice kundi ang lumaban ng ako mismo.” Wala na akong aalalahanin kung pakikipaglaban lang sa mga parasites. Siniguro niya na handa ang buong katawan ko sa kahit na anong klaseng laban at siniguro din niya na magagamit ko ang lakas niya kapag nalagay ako sa alanganing sitwasyon. Matapos kong mailagay ang lahat ng gamit na kakailanganin ko sa loob ng bag ko ay agad ko na itong isinukbit sa balikat ko. “So? Ano ang info ang mayroon tayo para sa misyon na ito?” tanong ko. “This is kind of dangerous.” Sinimulan ni Lychee na ipakita sa akin ang mga files na mayroon sa tablet na hawak niya. “Bruce Leti, thirty seven years old. May patung-patong na kaso ng pagpatay mula sa iba’t-ibang parte ng Valier and we don’t really know if he did all of those crimes because he is affected by a parasites. Pero nitong nakaraan lang may nakapansin sa kanya at sa isang middle level parasites na nakasampa sa kanyang balikat.” “In short, we are possibly dealing with a true criminal.” Tumango siya. “So, convincing him to surrender might not be in our option.” aniya. “At kung sakali man na ma-corner natin siya ay nasisiguro kong gagawa pa din siya ng paraan para makatakas kaya kailangan pa din nating maging maingat sa kanya. Hindi tayo basta makakalapit sa kanya para alisin sa katawan niya ang parasites na siyang target natin.” Tinitigan ko ang mukha ng lalaking tatrabahuhin namin ngayon. “Are we allowed to kill someone?” “No,” aniya. “If it is a personal decision. But if you think that your life or your team’s life is in danger, you can shoot even if he is still a human.” Medyo tricky kasi ang proseso ng mga Xterminators sa pagpatay ng mga parasites at masyado itong mahirap dahil kakailanganin muna naming ihiwalay ang parasites sa taong dinidikitan nito. They said that most of the time, they can manage to do this easily because the people that they encounter who have parasites attached to them are cooperating with them openly. Pero mayroon ding tulad nitong si Bruce na isang kriminal kaya hindi naiiwasan na mauwi sa madugong engkwentro ang simpleng pagpatay sa parasites na kanilang hinahabol. At may ilang pagkakataon na kinailangan nilang patayin ang mismong tao dahil ito na ang naglalagay sa buhay nila sa delikadong sitwasyon. And I should be expecting that kind of situation in my first mission as Xterminator because Bruce is also a criminal who will surely not cooperate with us. “So, you better prepare yourself,” dagdag pa ni Lychee. “You are going to witness the real life of the people who have been given the sight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD