Chapter 39

1182 Words
Nanami Yoshino (Katana) Lihim akong napamura nang mabugaran ang pagmumukha ni Xhylem paglabas ko pa lang ng bahay. Bakas pa ang matinding saya sa kanyang mga mata habang ikinakaway sa akin ang dalawa niyang kamay habang ang kapatid naman niyang si Ashen ay nakasimangot sa gilid niya. “What the hell are you doing here?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Sandali akong bumaling kay Ashen at nginitian ito ngunit nang muli kong ibinalik ang tingin kay Xhylem ay agad naglaho ang ngiti ko at muli siyang tinaasan ng kilay. “Ouch.” Maarte niyang hinawakan ang kanyang dibdib na para bang may kung anong tumama doon. “Huwag mo namang harap-harapang ipamukha sa akin na ayaw mo akong makita at si Ashen lang ang gusto mong makasama.” Napailing ako. “Ang arte mo.” Hinawi ko siya at nagsimula nang maglakad dahil papasok na ako sa school ko. Naramdaman ko na lang na sumunod sila at sa magkabilang gilid ko pa pumwesto para masabayan ako sa paglalakad. “Ang totoo niyan ay nandito lang naman ako para batiin ka,” sambit ni Xhylem. “Nabanggit kasi nitong si Ashen na tulad namin ay magtatagal ka din sa pananatili sa bansang ito at nagkataon pa na nag-aaral kayo sa iisang eskwelahan.” “Nabati mo na ako, hindi ba?” sabi ko. “Makakauwi ka na.” Muli ay umarte siyang na parang nasaktan at hinawakan ang kanyang dibdib. “Nakakarami ka na, Katana,” aniya. “Huwag mo namang ipamukha sa akin na ayaw mo akong makita.” Inis akong bumaling sa kanya at akma sana siyang babatukan ngunit agad siyang nakalayo sa akin. “Okay, chill na,” natatawa niyang sabi. “Hindi ko alam na hindi ka pala pwedeng biruin kapag ganitong maaga pa.” “Ano ba talagang kailangan mo?” tanong ko sa kanya. “Sigurado naman kasi na hindi ka mag-aaksaya ng panahon na puntahan ako at pabayaan na mag-isa si Vierra para lang batiin ako.” Ngumiti siya at itinuro ako. “Ang galing mo talaga.” Inirapan ko siya at bumaling kay Ashen. “May sapak na ba itong kapatid mo?” tanong ko sa kanya. “Hindi naman siya ganito noong nasa Canada tayo at sa pagkakaalala ko ay matino pa din siya noong nagkita-kita tayo sa train papunta dito.” “Nababaliw na iyan kaya huwag mo nang pansinin.” sagot nito. “Hoy!” Inakbayan kami ni Xhylem. “Huwag kayong ganyan sa akin!” “Just tell me what you need,” singhal ko sa kanya at kinurot ang kanyang braso na nakaakbay sa akin kaya mabilis siyang napabitiw. “Wala ako sa mood makipaglokohan. Inaantok pa ako.” “Ang taray nito,” ismid niya habang hinihimas ang brasong kinurot ko. “Anway, serious time na nga.” Eksaktong nasa tapat kami ng isang vending machine na puno ng mga inumin kaya tumigil muna kami sa paglalakad at nagsimulang pumili ng bibilhin dito. “What is it?” “I heard that you are kinda close to the student council president,” sabi niya na ikinalingon ko sa kanya. “Kay Lychee?” Tumango siya. “Oh? Anong mayroon sa lalaking iyon?” “Hihingi lang ako sa iyo ng pabor dahil may impormasyon kaming kailangan sa lalaking iyon.” diretso na niyang sabi. Sa pagkakataong ito ay wala nang halong biro at bumalik na siya sa pagiging seryoso niya kaya naman nasisiguro kong importante ang impormasyon na kailangan nila kay Lychee na maaaring dahilan kung bakit sila magtatagal sa bansang ito. “What do you want me to do?” Ibinalik koa ng tingin sa bending machine tsaka nagpasok ng pera dito at pinindot ang button ng inumin na siyang pinili ko. “Do you want me to get that information or I will just introduce you to him and you will be the one who will get the information yourself?” “I don’t think he will give it to me if he knew who I am,” sagot nito. “The information that we need is about the certain sword that Vierra’s clan owned,” singit ni Ashen na kumuha na din ng inumin para sa kanilang magkapatid. May malapit din na park dito kaya doon na namin naisipang ipagpatuloy ang pag-uusap namin since masyado pa namang maaga para sa klase namin ni Ashen. Naupo ako sa duyan habang ang magkapatid ay naupo sa bench na hindi kalayuan sa kinauupuan ko. “Ninakaw ang espada na iyon matagal na panahon na ang nakakalipas at isa ito sa dahilan kung bakit pinayagan si Vierra na libutin ang buong mundo,” dagdag ni Ashen. “So, this sword is the reason why you are able to stay here as long as you want?” tanong ko na tinanguan nilang dalawa. “May nakuha kaming lead na nanggaling dito ang huling may hawak ng espada kaya naman nakumbinsi namin ang mga magulang ni Vierra na payagan kaming magtagal dito nang sa gayon ay mainbestigahan namin ng mabuti ang tungkol sa espada,” kwento pa ni Xhylem. “Pero hindi naman pwedeng puro salita lang namin ang panghawakan nila kaya kailangan nila ng impormasyon tungkol sa espdad bilang patunay na ito ang dahilan ng pananatili namin dito.” “Then?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kung kayo mismo ang kakausap kay Lychee tungkol sa impormasyong hawak niya ay malalaman niyang kabilang kayo sa yakuza clan na tunay na nagmamay-ari noon at tatangging ibigay iyon sa inyo?” Tumango silang dalawa. “Hindi namin alam ang dahilan pero pilit iyong inilalayo sa angkan ni Vierra,” ani Ashen. “At alam ni Vierra na may dulot na hindi maganda ang espada na iyon kaya ayaw niya talaga sanang hanapin iyon.” “Pero ngayon na kailangan niya ng idadahilan upang magtagal pa ang kalayaan na tinatamasa niya ay wala na siyang pakialam sa epekto ng espadang iyon,” sabi naman ni Xhylem. “Nakahanda na siyang hanapin iyon kahit na ano pa ang mangyari.” “Hmm…” Ibinaling ko ang tingin sa mainit-init na kapeng binili ko sa vending machine kanina. Masarap sa pakiramdam ang init na nararamdaman ng palad ko mula dito kaya naman kahit na hindi maganda ang bungad sa akin ni Xhylem kanina ay unti-unti nang gumaganda ang tingin ko sa araw na ito. Kaya nang ibalik ko sa magkapatid ang tingin ko ay tinanguan ko sila. Isang tango na agad nilang ikinangiti dahil nangangahulugan lang nito na nakahanda akong tulungan silang makuha kung ano ang impormasyon na kailangan nilang makuha kay Lychee. Though, I am sure that Lychee will surely ask for something in exchange for the information that I need. And to be honest, I have a bunch of ideas about what he will possibly ask and most of it are actually things that will surely favor him so I still need to plan everything before asking that man. He will surely use this chance to make me join the organization that slays parasites. But of course, I will not let him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD