Chapter 38

1179 Words
Nanami Yoshino (Katana) “Oy…” Napakunot ang noo ko nang makarinig ng sutsot mula sa kabilang bakod kaya agad akong bumaling doon at isang batang babae ang bumungad sa akin. “Sino ka?” Mababa lang naman ang bawat bakod ng mga bahay dito. Hanggang baywang ko lang ang taas nito kaya naman madali ko lang nakita ang batang makulit na kanina pa tawag ng tawag sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa garden. Malakas ang hangin kaya naisipan kong magpahinga muna dito bago gawin ang ilang activity na ibinigay ng mga professors ko. Pero natigil ako sa pagre-relax ko dahil sa batang iyon. Nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay. “Tinatanong kita, di ba?” “I am Lulu,” aniya. “Ikaw, sino ka?” Bahagya pa siyang sumilip sa likuran ko at itinuro ang bahay nila Tita Ayami. “Kaano-ano mo sina Mami Aya?” Inilahad ko ang kamay sa harap niya. “People called me Katana.” “Hmm.” Tumangu-tango siya tsaka nakipagkamay sa akin. “And to answer your question, my parents are Tita Ayami’s friend,” sabi ko sa kanya. “But they are not in this country anymore so I temporarily live here until I finish my study.” Akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit mabilis niyang binitiwan ang aking kamay pagkuwa’y bumaba sa kanyang tinutungtungan at tumakbo ng mabilis papasok ng kanilang bahay. Medyo nabigla pa ako sa ginawa niyang iyon dahil akala ko ay makikipagkwentuhan pa siya sa akin gayong nakikita ko ang kuryosidad sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sa huli ay napailing na lang ako tsaka bumalik sa garden. I am not actually good at entertaining a child. Hindi din kasi ako mahilig makipag-usap and small talk are actually bore me so I rather shut my mouth and read instead of talking to other people. Kaya okay na ding hindi na dinagdagan ng batang iyon ang tanong niya. “Na–I mean, Katana…” Nilingon ko si Tita Ayami na siyang tumawag sa akin. “I will go to the grocery store,” aniya. “May ipabibili ka ba?” Umiling ako. “I have everything I need.” “Okay,” sabi pa niya. “Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay.” Tumango ako. “Ah, wait…” pigil ko sa kanya bago pa niya tuluyang mabuksan ang gate. “May itatanong nga pala ako.” Agad siyang lumapit sa akin. “What is it?” Itinuro ko ang kabilang bahay. “Did you know the girl living there?” “Lulu?” Tumango ako. “I just met her and I don’t know why I am feeling this but something is not right about that girl.” “Oh, that poor girl,” aniya. “Parehong nagtatrabaho ang mga magulang niya sa umaga kaya naiiwan siya sa mga yaya nila. At sa gabi naman pagkauwi ng mag-asawa ay imbes na maglaan ng panahon sa kanya ay pag-aaway ang inaatupag kaya naman hindi na nakakapagtaka kung makikita mo agad ang lungkot sa kanyang mga mata sa ganyang edad.” “Hindi ba siya pinapayagan na lumabas at makisalamuha sa ibang bata?” Umiling siya. “Iyan pa nga ang nagpapadagdag sa lungkot ng batang iyan.” Naupo na siya sa tabi ko habang nakatingin sa kabilang bahay. “Pinagbabawalan siya ng mga magulang na makihalubilo sa ibang bata at hindi pinalalabas ng bahay sa takot nila na maulit ang muntik nitong pagkawala three years ago.” “Ibig sabihin ay tatlong taon din siyang hindi nakakalabas ng bahay?” Tumango siyang muli. “Home schooled lang din siya at minsan naman niyang nakakausap si Aika pero madalas ay sandali lang dahil lagi siyang binabantayan ng mga yaya niya.” “Ipinagkakait nila sa bata ang maging masaya,” mahina kong sabi. “Well, I am sure that they are aware of that.” Bumaling siya sa akin. “Pero mas pinangungunahan sila ng takot na mawala ang kanilang anak kaya ginagawa nila ang lahat para protektahan ito.” Hindi na ako sumagot at ibinalik na lamang ang tingin sa kabilang bahay na tinitirhan ni Lulu. Tsaka bumuntong hininga. Hindi ako masyadong mahilig sa bata. Hindi ko naman kasi naalagaan ang mga anak ko nang ipanganak ko sila. At medyo malaki na sila nang makaharap at makasama ko kaya hindi ko din alam kung paano ba mag-handle ng isang bata. Hindi na din ako nagtangka pang pag-aralan iyon dahil kailanman ay hindi ko inisip na makihalubilo sa mga bata. But then, that Lulu really caught my attention. And I can't help but feel bad because of what is happening to her. "I know that Lulu's situation is kinda bad but please, don't try and meddle with their affairs, okay?" banta niya sa akin. "Mr. and Mrs. Acosta is not a nice person. They will surely think bad of you if you try to approach their daughter." "Even if Lulu was the one who talked to me first?" "If it was Lulu, then they would not bother you," aniya. "But they will make sure that Lulu will not talk to you again so don't try to approach her, okay?" Tumango na lang ako. Wala din naman akong choice kahit pa naaawa ako sa sitwasyon ng bata. Hindi ko siya kaano-ano para makialam ako kaya mas mabuti nang hindi ko na ito pagtuunan ng pansin. "Great." Tumayo na siya. "Sige na, aalis na ako." Tumango ako. "Ingat po." Umalis na siya at iniwan na akong mag-isa sa garden. At plano ko na din sanang ipagpatuloy ang paggawa ng mga school activities ko ngunit ramdam kong may nakatingin sa akin kaya agad kong iginala ang tingin ko sa paligid at namataan ko si Lulu. Nasa loob na siya ng bahay nila at nasa second floor siya kaya tingin ko ay nasa loob na siya ng kwarto niya. Nakasilip lang siya sa bintana at nakatingin sa akin habang walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Nag-aalangan pa nga akong ngumiti sa kanya dahil sa bilin sa akin ni Tita Ayami kanina ngunit isinantabi ko na din iyon at itinuloy ang pagngiti sa kanya kasunod ng pagkaway. At hindi naman ako nakakuha ng response mula sa kanya dahil agad din siyang umalis sa pagkakasilip sa bintana kaya nakasimangot kong ibinaba ang kamay ko. Ka-suplada ng batang iyon eh. But then, I can't blame her. Masyadong mahigpit sa kanya ang mga magulang niya kaya sigurado akong kahit gusto niyang makipag-usap sa ibang tao ay siya na din ang umiiwas upang hindi na makagawa pa ng gulo. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin habang ako ay ipinagpatuloy na ang mga dapat kong gawin. I only have until tomorrow to finish everything but I am planning to finish it today so I can have the whole day tomorrow only for myself. Kailangan ko na din kasing mag-shopping ng ilang gamit para sa sarili ko dahil iilan lang ang dala ko. Kaya dapat ay matapos ko na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD