Chapter 51

1128 Words
Nanami Yoshino (Umi Weiya) Idinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang silid na halos salamin ang apat na pader. Though I am sure that this is a one sided mirror kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para pumasa sa pagsusulit na gusto nilang gawin ko nang sa gayon ay makasigurado sila na kakampi nila ako. Tumayo ako sa kamay na nasa gitna ng silid at dahan-dahang lumapit sa salamin. Diretso ang tingin at nagpapanggap na nakatingin ako sa sarili ko pero ang totoo ay kanina pa ako nakikiramdam sa kung ano ba ang nasa kabila ng mga salamin na ito. Bahagya akong natigilan nang makarinig ako ng mahinang tunog na para bang may kung anong gas silang ipinapasok sa silid na ito. At dahil sa dami ng eksperimento na dinanas ng katawang ito ni Katana ay madali kong nalaman kung anong klaseng gas ang ginagamit nila. Citrine stone. Pinulbos nila ang batong iyon at ngayon ay kinakalat na sa buong silid. Siguro ay gusto nilang masiguro kung wala ba talagang epekto sa akin ang itinuturing na kahinaan ng mga parasite. At dahil naboboring ako sa ginagawa nila ay dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kama ko at nagpanggap na nahimatay. Pero syempre, agad din akong dumilat pagkuwa’y humikab. Senyales na nakakaantok lang ang ginagawa nila. Matapos ang ilang sandali, sunod naman silang nagpasok ng hydrogen fluoride gas. Mababa lang ang dosage nito at may halong tubig kaya naman hindi ito nakamamatay para sa tao pero malaki pa din itong kahinaan ng mga parasite. At tulad kanina ay humikab lang ako habang nakahiga sa kama. Maybe they are just trying to test if they can harm me with everything they got. At kapag wala ni isa sa mga ito ang tumalab sa akin ay tuluyan na silang papayag na sumali ako sa kanilang organisasyon. Well, not that because they really wanted me here. Wala lang talaga silang choice kasi hindi naman nila gugustuhin na maging kalaban ako. At kailangan talaga nila ni Katana dito. At dahil package kami ni Katana ay wala talaga silang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ako. Hindi na ako kumilos at hinayaan sila sa trip nilang gawin. Pinakikiramdamam ko na lang ang emosyon ni Katana dahil nagsisimula na itong kumalma kaya naman nalalapit na ang oras na kailangan ko na munang ibalik sa kanya ang kontrol dito. Alam kong kailangan niya ng panahon para ipagluksa ang pagkawala ng batang iyon kaya ibibigay ko iyon sa kanya. Kahit sabihin na hindi pa ganoon katagal ang pinagsamahan nila ay naging malapit ng lubusan sa kanya ang batang si Lulu. Ang batang si Lulu kasi ang nahulog sa mismong harap ni Katana kagabi. At dahil sa nangyari ay hindi niya kinaya ang galit at sakit na kanyang nararamdaman. At bakit namatay si Lulu, dahil sa high level parasite na nagawang makapagtago sa katawan nito nang hindi ko man lang nade-detect. Siguro ay dahil malakas ang negative energy sa katawan ni Lulu kaya natatabunan nito ang presensya ng parasite sa katawan nito. At dahil hindi pa ganoon kalakas ang kakayahan ni Katana ay hindi din niya nakita na nasa panganib na pala ang kanyang kaibigan. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil ramdam ko ang kalungkutan ni Katana. Hindi ito ang unang beses na nakaramdam kami ng ganito. Pero ito ang unang pagkakataon na nakaramdam si Katana ng labis-labis na galit dahil isang bata ang namatay. Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung papayag ba si Katana sa ginagawa kong ito pero naisip ko, ngayon ay mayroon na siyang dahilan para labanan ang mga parasite. Pero alam kong hindi niya ito lubusang mapapanindigan. At doon ako lalabas. Oh well, handa naman akong gawin ang lahat ng bagay kung hindi ito kaya ni Katana. Siguro ito ang purpose ko sa katawan niyang ito. Ang maging dahilan para kumilos siya dahil sa takot na gawin kung ano ang nararapat. “Oy!” sigaw ko. “Nagugutom na ako. Baka pwedeng pakidalhan na ako ng pagkain dito?” Alam ko naman na nakikinig at nanonood sila sa akin. Wala akong nakuha na sagot ngunit ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan sa kisame ng silid na ito at bumungad sa akin ang mukha ni Lychee. “Hindi ko akalain na nagsayang lang kami ng effort para i-test ka,” aniya. “Lahat na ng anti-parasite weapon na mayroon kami ay ginamit na namin sayo pero hindi ka man lang naapektuhan.” Ngumisi ako at itinuro ang sarili ko. “Sorry pero protektado na ang katawang ito kaya kahit anong gawin niyo ay hindi ito basta tatablan ng kahit anong anti-parasite weapon na mayroon kayo.” Naglaglag na siya ng hagdan kaya agad na akong bumangon at umakyat doon. “What do you mean by that? Paanong protektado ka ng mga anti-parasite weapon na mayroon kami?” “Hindi pa ba naikwento sayo ni Katana?” tanong ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo. “Ano ba iyon?” “Naging experiment human subject si Katana twenty years ago,” sabi ko. “And those bitches build up immunity against anti-parasite weapons in this body which they successfully did so I can say that I become invincible because of those people who make Katana feel like hell.” Ah, ngayon ko lang na-realize na siguro ay kaya nila ginawa iyon sa katawan ni Katana ay dahil plano nilang gawin itong vessel para sa isang high level parasite na kanilang mako-kontrol. “Though, too bad for them because I manage to give Katana some of my strength so that she will be able to get out of that laboratory together with the people that she loves.” Nag-inat ako tsaka bumaling sa kanya at napakunot ang noo ko nang makita ang seryosong mukha ni Lychee. “Bakit ganyan ang mukha mo?” “Iyong laboratory na pinanggalingan nyo, anong pangalan noon?” “ZeRL,” sabi ko. “Damn it!” mahina niyang mura at naikuyom niya ang kanyang kamao. “Akala ko ay napabagsak ko ang ang lugar na iyon.” “Oy, anong sinasabi mo?” tanong ko sa kanya ngunit tinalikuran niya lang ako at hindi na nagpaalam pa sa akin nang umalis. Naiwan ako sa dalawang kasama niya at kung hindi ako nagkakamali ay sina Telly at Penny ang dalawang ito. Sila din iyong kasama niya noong pinakuha niya ng citrine stone si Katana sa cemetery maze. “So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Hindi pa ba ako kakain?” “Sumunod ka na lang sa amin,” ani Telly at nauna nang maglakad. Kaya naman agad na akong sumunod dahil gusto ko na talagang kumain muna bago ibalik kay Katana ang kontrol sa katawang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD