Chapter 52

1104 Words
Nanami Yoshino (Katana Light) Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang tanging naaalala ko lang ay mayroong bumagsak sa harap ko at nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin ang duguan at lasog-lasog na katawan ni Lulu. Doon naghalo-halo ang nararamdaman ko lalo pa nang makita kong mayroong parasite na nakadikit sa kanya. At galit ang pinakanangibabaw sa akin kaya naman handa na sana akong sugurin ang parasite na iyon ngunit bigla na lang akong binalot ng dilim. At ang sumunod ko nang naalala ay nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid limang araw mula nang mangyari ang aksidente kay Lulu. Wala akong kilala sa mga taong bumibisita at nag-aasikaso sa akin maliban kay Lychee pero dahil sa sobrang lungkot, sakit at galit na nararamdaman ko ay wala akong lakas para kumilos. Ni wala din akong ganang kumain at kahit anong pilit nila sa akin ay wala silang magawa. At makalipas pa ang dalawang araw ay si Lychee na ang dumalaw sa akin at ipinaliwanag ang lahat nang nangyari sa limang araw na wala akong maalala. Mayroong parasite sa loob ng katawan ko na nagngangalang Umi Weiya. At ito ang pumaslang sa parasite na naging dahilan ng pagkamatay ni Lulu. May kakayahan itong kunin sa akin ang kontrol sa sarili kong katawan dahil higit itong malakas sa akin kaya naman nang maramdaman nito na pinangungunahan ako ng galit ay agad niya akong pinatulog nang sa gayon ay hindi ako makagawa ng bagay na lalong magpapagulo sa lahat. At doon din ipinaliwanag sa akin ni Lychee ang tungkol sa Umi. Maging ang pagkakaroon nito ng sariling emosyon at ang desisyon nitong sumali sa organisasyon na kinabibilangan niya upang sugpuin ang mga parasite. Nabanggit din ni Lychee na kung si Umi lang ang tatanungin ay hindi na niya kailangan ang permiso ko para lumaban sa mga ito dahil kaya naman niyang kunin sa akin ang kontrol dito pero nirerespeto pa din niya ako bilang tunay na may-ari ng katawan kaya gusto niyang ako ang magdesisyon kung gusto ko ba talaga na lumaban sa mga parasite. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa katotohanan na mayroong parasite sa loob ng katawan ko. Pero doon ko naalala na bagaman malakas ang pagkakabangga sa akin noong naaksidente ako ay hindi ko masyadong naramdaman ang impact nito kaya nasisiguro kong ang parasite na ito ang may gawa noon. At kahit hindi sabihin ni Lychee, alam kong nabanggit din sa kanya ni Umi na ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pinsala na natamo ko ay nagawa ko pa ding maka-survive nang walang permanent damage. Kaya unti-unti kong natatanggap ang kanyang existence. Naisip ko rin ang posibilidad na mayroon din siyang naitulong sa akin noong hinang-hina na ako sa dami ng eksperimento na ginawa sa akin ng ZeRL, pero nakaya ko pa ding tumayo at makagawa ng paraan upang makatakas sa laboratory noon kasama ang mga kaibigan at anak ko. Pero naisip ko, bakit kaya ngayon lang siya nagpakita sa akin? “Sa dami ng itinulong niya sayo, tingin ko ay ngayon palang siya tuluyang naka-recover,” sabi ni Lychee. “Halos nagkalasog-lasog ang buong katawan mo noong maaksidente ka pero himala at wala kang permanenteng damage. Maayos at mabilis kang nakarecover kaya tingin ko ay siya ang sumalo ng lahat ng iyon.” “It actually makes sense,” sabi ko. “Though, iniisip ko noon na sadyang malakas lang ang pangangatawan ko kaya mabilis akong gumaling. Which is hindi pala dahil may isang makapangyarihang nilalang lang pala na nasa loob ng katawan ko na siyang sumasalo sa lahat ng damage na tinatamo ko.” “So, ano na ngayon ang plano mo?” tanong pa ni Lychee. “Are you going to join the X and help us hunt down the parasites?” Hindi agad ako sumagot. Pumunta ako dito para magkaroon ng normal na buhay. At dahil sa pagiging malapit ko sa isang bata, hindi ko inaakala na doon pala mati-trigger ang lahat ng sikreto na mayroon sa pagkatao ko na siyang magiging dahilan kung bakit napaka imposible na para sa akin ang magkaroon ng simple at normal na buhay. Dahil hindi naman ako normal. At lalong hindi simple ang sitwasyon ko. Noon ay ginawa ko ang lahat upang hindi ako ma-involved sa kahit na anong may kinalaman sa mga parasite. Iniwasan ko sila at pilit na nagpapanggap na hindi sila nakikita nang sa gayon ay hindi nila ako guluhin. Kaya kahit na anong gawin ni Lychee noon ay hindi ako pumapayag na kalabanin sila. Pero ngayong maging ako ay pinakialaman nila, wala na akong dahilan para tumanggi pa. Sila ang unang nang-argabyado. Kaya huwag silang magtatanim sa akin ng sama ng loob kung ano naman ang uubos sa kanila. “Katana?” Huminga ako ng malalim tsaka bumaling sa kanya. “Sige, pumapayag na ako na sumali sa X at maging isang ganap na xterminator.” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at mabilis na hinawakan ang kamay ko sa sobra niyang kasiyahan. “Salamat, Katana. Maraming salamat,” aniya. “Hindi mo alam kung gaano kalaki ang tulong na maibibigay mo para sa X ngayong nagdesisyon ka nang sumali dito.” Then, I should start my training,” sabi ko. “But you are already strong.,” sabi niya na inilingan ko. “Si Umi ang malakas at kailangan kong i-train ang katawan ko nang sa gayon ay maging compatible ito para sa kakayahan niya,” paliwanag ko. “Alam mo naman kasi na kapag masyadong malakas ang kaluluwa ng isang tao ay hindi ito kinakaya ng katawan na nagiging dahilan ng pagkabagsak nito mula sa loob.” “Oh…” Tumangu-tango siya. “I understand. Kakailanganin mo nga namang tapatan ang lakas ni Umi nang sa gayon ay hindi ka niya masira.” “Right.” Bumangon na ako at tumayo ng kama. “Wala na akong panahon para magmukmok sa isang sulok. Kailangan kong simulan ang pagsasanay ko nang sa gayon ay makapagsimula na din agad ako sa pagha-hunting ng mga parasites na walang ibang ginawa kundi ang manakit ng mga inosenteng nilalang.” Sa ngayon, itinatapon ko na ang ideya ko na magkaroon ng normal na buhay. Dahil alam kong hinding-hindi ko na iyon matatamasa pa. Pero okay lang iyon. Dahil alam kong sa pagiging hindi ordinaryo ay magagawa ko namang protektahan ang mgamahal ko sa buhay kaya gagawin ko ang lahat para para sa kanila. Kahit pa muli akong lumusong sa nag-aapoy na impyerno. Kung para naman iyon sa mga taong mahal ko, nakahanda akong gawin kahit pa anong manngyari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD