Chapter 65

1265 Words
Nanami Yoshino (Umi Weiya) “Sigurado na ba siya sa desisyon niya?” tanong ni Lychee sa akin habang abala kami sa pag-i-sparring. “Talagang hindi niya gustong makasama sa training si Ash Eiren?” Tumango ako. “Iyon ang napag-usapan nila eh.” Tatlong araw mula nang malaman ni Katana ang tungkol sa magkapatid na Aozaki. Tatlong araw mula nang makumpirma ni Katana ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng koneksyon sa magkapatid na iyon. Ganoon na katagal ang lumipas mula nang mag-usap sila ng Ashen. Well, nagkasundo naman silang dalawa ni Ashen. And I understand that Katana really does need to take things seriously, especially everything between her and Ashen. Lalo na ngayong mayroon pa lang koneksyon si Khio sa magkapatid. She needs time. Pero hindi ko naman inaasahan na ang time pala na hihingin niya ay ang nagtago at hayaan na ako ang humarap sa lahat. At kahit pilit ko siyang pinapalabas ay hindi ko magawa kaya ingat na ingat ako sa pagkontrol sa katawan na ito. "Iyon ang napag-usapan nila pero hindi naman ako na-inform na ako pala dapat ang humarap sa mga bagay na iyon." Bumuntong hininga ako. "Naloloka na ako kay Katana." "Hindi mo ba naiintindihan ang ginagawa niya?" "Sa tagal ng panahon kong naninirahan dito sa katawan niya, ako pa ang higit na nakakaintindi sa sarili niyang nararamdaman," sabi ko. "Pero syempre, mas gumagana na kasi ngayon ang emosyon niya sa pagdedesisyon kaya nahihirapan akong mag-keep up sa mga gusto niya." Before, Katana always set aside her emotions and thought logically in every situation she was in. Never… As in never in those twenty years na pinangunahan siya ng emosyon niya sa pagdedesisyon dahil alam niya na marami ang dumedepende sa kanya. But now that Khio was already gone and the island is still functioning even though she was not there, she finally let herself become a human again. A normal human being who, most of the time, uses their heart to make a decision in a certain problem instead of using their brain. And I don't want to take that away from her Ang tagal na niyang naging malakas para sa mga taong pinahahalagahan niya. Ang tagal na niyang naging matigas para maging sandalan ng mga nangangailangan sa kanya. And now that she finally has the chance to become a human who can think only for herself, aba'y walang karapatan na kumondena sa ginagawa niya. Besides, sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay hindi pa din siya sumusuko at patuloy pa din sa paglaban kahit na kung tutuusin ay wala na siyang pananagutan sa mga kaibigan niya. Malalaki na din naman ang dalawa niyang anak kaya hindi na din niya iyon kailangan pang intindihin. At nasisiguro ko na maiintindihan nila Leion at Karina kung pipiliin na ng kanilang ina na mamahinga. But she didn't do that. Because she is still using her brain to think logically for the sake of her family and friends. Itong sitwasyon lang niya kay Ashen ang ginagamitan niya ng puso dahil talaga namang tinamaan din siya sa lalaking iyon. Which I know that has nothing to do with Khio or the connection that they both feel for each other. They fell in love with each other because of the time that they spent together these past months. So, I was actually hoping that they would end up together once Katana finally processed everything in her. "Anyway, hayaan na muna natin siyang matulog ng mahimbing," sambit ko. "Mas kailangan ko naman kasi talaga ang katawan na ito nang sa gayon ay masanay na ako dito at makapagsimula na sa trabaho ko." Katana can take care of herself so I don’t really have to worry about her. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang training ko. Kailangan na may gawin ako nang sa gayon ay hindi ko na paulit-ulit na ma-trigger ang defense mechanism ng katawang ito ni Katana sa tuwing makakaramdam ako ng matinding emosyon. Hindi ito ang tamang timing para ibalik sa kanya ang kontrol dito lalo na sa sitwasyon ngayon. Pero wala akong maisip na paraan para magawa iyon. Natigil ako sa pag-atake kay Lychee at napakamot ng ulo. "To be honest, hindi nakakatulong ang sparring na ito." Nagkibit-balikat siya. "Well, sorry to disappoint you, milady." "I don't mean to offend you, Lychee," sabi ko sa kanya. "But you certainly know that fighting you is just a child's play to me. I am a parasite and you are a normal human so don't take it to your heart." Bumuntong hininga siya. "Naiintindihan ko naman," sabi niya. "Pero anong magagawa natin? Eh wala sa lugar na ito ang may kayang tapatan ang lakad mo. Kahit nga si Ash Eiren na isa ding parasites ay wala ding laban sa iyo." Nagulo ko ang buhok ko. "Kung bakit ba naman kasi ang hina ng lalaking iyon kahit pa maa mataas pa sa akin ang level niya." "You can't blame him for not absorbing negative energy from people, Umi," aniya. "He has been living among the normal people so he learns how to be a human. Hindi tulad mo na naka-stuck lang sa hindi ordinaryong pamumuhay ni Katana." "Yes, I am still absorbing negative energy but I am not the one who causes it, for your information." Inirapan ko siya. Hindi kasi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya eh. Aba'y kahit hindi kami mag-cause para makaramdam ng negative emotion ang isang tao, pu-pwede pa din naming i-absorb ang negative energy sa paligid namin. And to be honest, iyon ang dahilan kung bakit mabilis akong nag-level up. I take negative energy from the people around me. At hindi man lang iyon naisip ni Ashen gayong hindi din naman healthy ang environment niya sa mga Ryougi. "At kung tingin mo na puro positive energy ang mayroon sa paligid niya sa kinalakihan niyang lugar, then you are wrong," sabi ko. "Ashen told Katana that he has been targeted by other Ryougi's men and bullied him before. He is a fast learner and he advances quickly compared to the people who have been there before he arrived. And his teacher kept praising him in front of them so it built envy." "Then…" "It is not his intention to make those people feel that way but he should at least use that situation for him to absorb their negative energy," dagdag ko pa. "Nang sa gayon ay malakas sana si--Ah!" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Ano iyang pumasok sa utak mo?" "Well, naisip ko lang na para maging malakas ako, kailangan ko ng malakas na ka-sparring, di ba?" Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "And there is no way a normal human can help me with that because you have your own limitations." "Yeah." "But Ashen can still make himself stronger because he is a parasite." Ngumiti ako. "So, I was thinking of making him stronger first." "You…" Itinuro niya ako. "...are intended to spend some time with him?" Tumango ako. "Naiintindihan mo naman siguro na hindi pa handa si Katana na makasama at makaharap ang lalaking iyon, hindi ba?" "Tulog si Katana sa loob ng katawang ito at hindi niya malalaman na nakasama ko si Ashen," sabi ko pa. "Well, not unless you told her." Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin niya at agad na lang tumakbo papunta sa kanilang training field kung nasaan si Ashen. This is the only thing that I can do to help this body get used to me. And I think, ito lang din ang maitutulong ko kay Katana para mai-sort out na niya ang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD