Chapter 4: Saved

1307 Words
“DISMISSED!” Nagsitayuan ang nasa loob ng conference pagkarinig ng sinabi ni Supremo. Napatitig lang siya sa dalawang folder na hawak. Panibagong misyon at magkasabay pa. Pero may isang linggong binigay sa kanya si Supremo para magsimula. Alam nitong may inaasikaso din siyang negosyo. At least twice a week nasa opisina siya noon. Pero ngayon, hindi niya masabi. Saglit niyang tinawagan si Rogelio bago lumabas. Nakasalubong niya naman si Axel, sinamahan siya nito hanggang sa pangpang. “Babalik ka naman kaagad, ‘di ba?” Tumango si Dennis sa kaibigang si Axel. “Okay. See yah!” Nagyaya kasi ang iba nilang kasamahan na mag-inuman. Bukas na kasi ang balik nila. Pero dito lang naman. Kaso may lakad siya ngayon at hindi niya alam ang oras nang balik, kaya sabi niya, habol na lang siya.. Kumaway na lang siya sa papalayong kaibigan. “Malapit lang naman ‘yon, Manong, ‘di ba?” aniya sa maghahatid sa kanya. “Medyo-medyo, boss,” sagot ng matanda sa kanya. Asawa ito ng cook dito sa headquarters. Papunta siya ngayon sa kabilang isla para kitain ang owner na tinutukoy ni Supremo. Nabanggit nito kanina na may binebentang isla kaya nagkaroon siya nang interes. Alam kasi nito ang mga tipo niyang lugar. Bangkang de motor ang gamit nila. Siya lang naman at ang magmamaneho kasi. Mahigit bente minutos lang ang biniyahe nila bago marating ang sadyang isla. Medyo matao sa dinaungan nila. Saktong may mga nagbebenta ng mga isda kaya maraming mga tao. Tinulungan niya si Mang Alimar na mai-park ang motor nito. May kinausap na ito na kakilala nito kaya safe naman daw. Saka lagi raw dito ang mga ito dahil dito madalas na namimili ang mga tauhan sa kusina ng alleanza. “Dito po tayo, boss.” Iginiya siya ng matanda sa isang eskinita. Isang malawak na daan na ang bumungad sa kanya mayamaya. Sinuyod nila ang pakaliwa at bandang dulo niyon, sa likod ng malaking kainan ay may malaking bahay. “Dito na ho ba ‘yon?” “Yes, boss.” Pumindot ito sa doorbell kapagkuwan. Naipagpasalamat niya dahil may signal. Naka-ready na rin si Rogelio kung sakaling tatawag siya para sa negosasyon sa may-ari. Isang burly man ang humarap sa kanila. Wala nang paligoy-ligoy ito. Naitawag na kasi nila ito kanina, kaya agad nitong pinakita ang isla na sinasabi nito sa pamamagitan ng footage. Actually, sakop pala nitong barangay na ito. At nasa kabilang side pa iyon. Kaso kailangan ng bangka rin pagtawid papunta sa isla na iyon. Mga minuto lang naman daw ang biyahe. Ilang sandali lang ay nagbigay na ito ng presyo. Hindi niya maiwasang ngumanga nang sabihin nitong 80 million. Napa-react naman si Rogelio sa kabilang linya. “50M, last price.” Napaangat nang kilay si Dennis. 1530 sqm ang laki ng lot na iyon, dulong bahagi. Kailangan pang bumaba na abutin ng limang minutong lakad. Pero maganda na para sa kanya dahil nag-iisang bahay lang. Saka mukhang tahimik. Hindi naman dagat ang dahilan kung bakit niya gustong bumili dito. Pero sobrang taas ng presyo para sa kanya. Kaya balak niyang imbestigahan muna bago mag-decide. Though gusto niya ang spot na iyon, kung pagbabasehan ang footage nito. “Kung gusto mo, sir, may lot din kaming binebenta. 1.2M lang.” “Okay. May picture ka ba or video?” “Hindi pa namin nakuhaan ng mga picture, sir. Pero ang sabi ng amo ko, ibebenta niya rin iyon, e. Tawagan ko po siya mamaya at kung sure nga. Tofollow na lang ang pictures. Or balikan mo ako bukas?” “Sige-sige. Ganoon na lang siguro” Tumayo siya. “Hintayin na lang namin.” Okays sana ang unang inaalok nito sa kanya. Sa isip niya kasi pwede nang 30-35M ang pwedeng presyo. Sobrang taas na ng 50 Million. Hindi niya direct na sinabing siya ang bibili, si Rogelio ang kausap nito kanina sa kabilang linya. Nakikinig lang siya. Pero nasa kanya ang huling sagot pa rin. Alam ni Rogelio kung mura or mahal sa kanya ang inaalok na property. “Sure, sir. Pero sana ma-convince mo siya. Included na ang mga gamit ng bahay sa unang property na binanggit ko.” Ngumiti pa ang lalaki sa kanya. “I will. Thanks.” Tumayo din ito para ihatid siya. “Anyway, dito niyo na lang i-send ang mga pictures at video,” aniya kapagkuwan. Binigay niya ang calling card dito, at kinuha naman agad nito. Tumingin ang lalaki sa babaeng kasama nito. “Heart, paki-send na lang sa din sa kanila kapag pumayag si boss.” Kinuha naman ng babae ang calling card mula dito at inilagay sa bag nito. Nagpaalam na rin silang dalawa ni Mang Alimar. Kailangan niyang makabalik din. Hindi pa man sila nakakahakbang nang may dumating na lalaking hingal na hingal. “Ginawa na naman niya, boss!” anito sa lalaking kausap nila kanina. “Ano?!” pa-sigaw naman na sagot ng lalaki. “Oho. Kaya humingi na nang tulong ang matanda.” Tinanguhan lang sila nito at bumalik sa loob ng bahay nito. Malapit na sila sa pinasukang eskinita kanina nang bumuhos ang makalas na ulan. Napilitan silang sumilong sa bahay na tindahan. Kailangan nilang magpatila muna dahil walang bubong ang bangkang gamit nila. Mahigit kalahating oras din bago iyon tumila. Agad din naman silang umalis para makauwi na. Hindi nila akalaing sasama ang panahon ng mga oras na iyo. Expected na nilang maalon pagdating sa parteng iyon ng dagat. Nang papunta pa lang sila ay maalon na. Pero hindi nila akalaing mas malakas pa kesa kanina. Walang ibang daan kung hindi doon lang sa bahaging iyon. Tatlong malakas na hampas pa ng alon bago tuluyang tumaob ang kinalulunan nila. Mabilis ang langoy niya pataas. Nang hindi niya makita ang matanda bumalik siya sa ilalim ng tubig para hanapin ito. Mabilis niyang hinila ang matanda pataas para ito’y makahinga. Pilit niya ring inabot ang nakitang life jacket na nagmula sa sinakyan nila at sinuot sa matanda. Hindi na nito kayang lumangoy pa dahil sa edad at lakas ng current. Hindi inaasahan ni Tristan ang sumunod na sandali. Isang napakalakas pa na alon ang nagpahiwalay sa kanila. At mas lalong hindi niya inaasahan pagtama ng likuran niya sa isang bagay na naging dahilan para siya’y mawalan ng malay, kaya mas lalo siyang tinangay ng malakas na alon. SA kabilang banda, sunod ang katok ni Nardo sa silid ng asawang si Guadalupe. “May nangyari ba kay Ma’am?” “Wala naman. Pero may nakita ako sa pampang. Tulungan mo akong dalhin siya rito. Mukhang buhay pa.” “Nardo! Alam mong kailangan natin ng permiso mula kay boss bago magdala ng ibang tao rito.” “Alam ko. Pero hindi ko kayang hayaan siya doon. Kailangan niya nang tulong natin. Mukhang sakay siya nang sasakyang pandagat at nadali ng malakas na alon.” Napatitig sa kanya ang asawa. Alam niyang naalala na naman nito ang anak nilang hindi na umuwi. Ang huling balita nila ay tumaob ang bangkang sinasakyan nito. At kahit na ang katawan nito ay hindi na nakita. Limang taon na rin ang nakakaraan. “S-sige, gagawa ako nang paraan para maitago siya rito kung sakali.” Sa totoo lang, ilang beses na silang tumulong sa mga taong nakikita sa pampang na napapadpad dahil sa malalakas na alon. Lalo na kapag malakas ang ulan. Palihim na dinala ng dalawang matanda ang lalaking nakita nila sa pampang. Marami itong natamong sugat— lalo na ang likuran nito. May mga tusok pa ng mga shells gawa siguro nang ihampas na ito ng alon papunta sa pampang. Hindi maiwasang maawa ni Guadalupe nang makita ang likuran ng lalaki. Narinig niyang dumaing ito nang hawakan niya ang sugat. Buhay nga talaga ito. Kaya naman agaran niyang inasikaso ito. Magdamag niya ring binantayan kaya hindi siya nakapasok nang maaga sa malaking bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD