1 YEAR LATER…
Tiningnan ni Dennis dalawang kalaban. Kapwa nang nakatingin ang mga ito sa kanya ng seryoso at hinihintay ang kanyang move.
Pitong baraha ang hawak ng mga ito, samantalang siya ay tatlo na lang. Isa na lang at hits na naman niya. Lipas na ang sapaw ng mga ito kaya pwede na siyang mag-draw. Kaso hindi pa niya mabasa ang card na hawak ng mga ito.
Tumingin siya sa nasa kanang bahagi niya. Nakangiti ito, habang ang nasa kaliwa naman niya ay kunwa’y malungkot at nagsisisi. Alam na niya ang strategy ng mga ito dahil ilang beses na siyang nanood ng laban ng mga ito. Kaya tinaas na lang niya ang kilay. Mukhang nag-usap ang dalawa dahil siya ang nasipa ng nasa kaliwa niya imbes na ang nasa kanan niya. Napangisi siya.
Hinawakan niya ang baraha na nasa gitna at kumuha ng isa, pero hindi niya pa ito binubuksan. Ngumiti siya nang makitang parehas na nagbago ang ekspresyon ng dalawa.
Huli!
Binalik ni Dennis ang baraha sa gitna at nag-draw na siya. Gulat ang mga ito sa sinabi niya. Matagal na magdesisyon ang mga ito kung lalaban ba o hindi, kaya naiinip na ang nasa kabilang linya.
“Fvck you, Grey! Bilisan mo at paparating na ang mga pulis!” dinig niyang sambit ni Fox sa kabilang linya. “Bibigyan na lang kita ng pera, please lang umalis ka na!”
Alam naman niya. Kailangan pa bang ipaalala? Sayang ang mapapanalunan niya! Ay, mali. Hindi naman sa pera siya nae-excite kapag naglalaro ng baraha, sa pagkapanalo. Achievement na ‘yon para sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Basta kakaiba ang sayang nadarama niya kapag nananalo siya. Gustong-gusto niyang naglalaro talaga ng baraha ever since. Nagsimula ito nang bata siya dahil sa kaibigan. Card game kasi talaga ang kinahiligan nilang magkaibigan. Pero maagang nawala ito sa mundo kaya naghanap siya ng makakalaro lagi.
Minsan nga, kakaisip niya sa baraha, nayaya niya ang secretary niya pumasok sa loob ng opisina para lang makipaglaro. At mga ilang beses yata ito nangyarai. Basta ang huli niya, nang dumating ang inorder niyang baraha mula pa sa Macao. Kung hindi pa ito magkunot ng noo o ‘di kaya tatanungin siya kung may lagnat ba siya ay hindi siya babalik sa kamalayan, na hindi siya si Dennis ng mga sandaling iyon. Kaya ang ginagawa niya kapag nangangati ang kamay, tinatawag niya ang assistant niya para makipaglaro lang sa kanya. Lagi tuloy siyang late sa conference nila minsan bilang si Tristan.
Muling nagsalita si Fox sa kabilang linya kaya napakit siya. Tiningnan niya ang dalawang kalaban nang masama, at nakuha nga ang mga ito sa tingin. Nilapag ng mga ito ang baraha na kakamot-kamot.
Tumayo siya at mabilis na inipon ang mga chips at inilagay sa supot.
“Ang daya mo naman! Aalis ka na agad?” reklamo ng isa.
Nginitian lang niya ito pagkalagay ng chips sa bulsa ng jacket nita. Kinapa niya ang bagay na nasa kabilang bulsa ng jacket niya at inihagis ang smoke hand grenade. Kasunod niyon ang pagbalik niya hood ng jacket niya at pagsibat niya sa nagkakagulong pasugalan na iyon.
Hilot-hilot ni Grecco ang noo nang makita siyang nagbibilang ng chips galing sa casino na kasalukuyang nire-raid.
“I won,” pagbabalita niya
“Damn you, Grey? Hindi pwedeng ipalit ‘yan sa ibang casino. You know that. Kaya bakit mo dala-dala ‘yan?”
Napataas si Dennis ng kilay. “Hindi mo ba ako narinig? Nanalo ako, at ito ang prize. May halaga ito sa akin kaya inuwi ko. Another achievement sabi nga nila.” Sabay ngisi ni Dennis sa kaibigan.
“Alam ko. Pero hindi ba nakapuno ka ng ilang sako niyan sa storage mo? Anong gagawin mo naman do’n?”
“Wala ka na do’n.” Sabay sakay na na ng sasakyan. Nakikialam ‘to sa ginagawa niya. Kani-kaniyang trip lang ‘yan!
Akmang isasara niya ang pintuan nang may naalala. “Ang pagiging babaero mo ba pinapakialaman ko? Hindi, ‘di ba?”
“Iba naman ‘yon, Grey!” sigaw nito sabay kat0k.
Napailing na lang siya. Talagang kumatok? Ba’t ‘di kaya pumunta sa driver seat?
Nagpahatid lang siya kay Grecco sa condo para kumuha ng ilang damit at gamit na dadalhin sa Palawan. Kailangan niyang bumalik ng Alleanza headquarters ngayon din. May general meeting sila at doon iyon gaganapin.
“Sir, kanina pa kayo pinapatawag ng Daddy niyo,” salubong sa kanya ni Rogelio. Pero tinampal lang niya ang napanalunang chips sa balikat nito, na agad namang nasalo nito nang bitawan niya. Alam na nito ang gagawin doon. Hindi na niya kailangang ulitin pa ang sarili rito.
“Sabihin mo, wala pang balita,” aniya.
Tungkol sa kapatid niya ang tinatanong nito. Actually, kung meron man siyang alam, hindi niya ipapaalam. Baka ipasok lang din nito sa negosyo nitong illegal.
Normal na sa kanya makinig ng mga litanya ni Rogelio— ang ibig niyang sabihin, ang report nito tungkol sa kumpanya. Dapat, alam niya pa rin kahit na madalas na wala siya. Kahit nasa loob siya ng banyo, nagsasalita ito. Nakabukas naman ang ang pintuan. Hindi naman siya sanay kasi na isara ang pintuan. Kahit na tumae pa siya dyan, hindi iyon nakasara. Anong ginagawa ng exhaust fan? Damn!
Pagkatapos niyang maligo ay pinirmahan na niya ang mga dapat. Mga mahahalagang dokumento ito na kailangan ng mismong pirma niya.
Nagpahatid siya kay Rogelio sa headquarters mayamaya. Magkasabay lang silang tatlo nila Axel at Akilah na dumating. Si Grecco kasi dito na ito dumiretso pagkahatid sa kanya.
SA KABILANG BANDA, napasigaw ang matanda nang makita ang alaga nito sa pinakadulo ng bangin na iyon. Tubig ang huhulugan mo, hindi lupa.
“‘Wag mong gagawin ‘yan, ma’am!” sigaw ng matanda sa dalagang nag-aamba nang tumalon.
Narinig na ng dalaga ang sigaw ng matanda, subalit balewala lang sa kanya. Basta kailangang tumalon na naman ang dalaga. Satisfaction. Parang ganoon ang nararamdaman niya sa t’wing ginagawa ito. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit laging ganoon siya. Lagi siyang dumadating sa punto na ito. Nawawala siya sa sarili. At napapadalas na ito. Kaya matindi kung magbantay ang matanda.
“Nardo, bilis!” sigaw ng matanda sa lalaking palapit sa kanya. “S-si Ma’am!”
Bago pa man makalapit ang tinawag na nardo ay tumalon na ang dalaga sa tubig. Pero agad ding sinundan iyon ng matanda, tumalon din ito para sagipin ito. Kahit na napapagod na ito sa kakasagip sa amo, patuloy pa rin ito sa ginagawa. Dahil sa awa.
Dahil malalim sa parteng tinalunan ng amo, nahirapan na naman siyang hanapin ito sa ilalim ng dagat. Pero hindi rin naman nagtagal ay nahanap niya ito. Mulat pa ang mata habang nasa ilalim na bahagi. Kung ibang tao lang ang tumalon para sagipin ito, sasabihing wala na itong buhay dahil natatangay. Inakay niya ito pataas hanggang sa makaahon sila. Medyo nahirapan siyang buhatin ito pero kinaya pa rin ng matanda.
“Ma’am, naman. E! Papatayin mo yata kami sa pag-aalala.” Alam kasi nito na ayos lang ito. Hindi alam ng matanda kung paano nito nagagawang umahon na parang wala lang.
Hindi umimik ang babae, tumayo ito at iniwan ang matanda. Binaybay nito ang daan paakyat ulit. Pero dahil nagtawag na kanina si Nardo ng magdadala sa dalaga sa may malaking bahay ay hindi na ito nakaulit.
Mangiyak-ngiyak naman ang matandang si Guadalupe nang salubungin ang dalaga. Sa loob ng pitong buwan niya rito, napamahal na siya sa dalaga. Tinuturing niya itong anak kaya ganoon na lang lagi ang pag-aalala niya rito.
“Ikaw talagang bata ka!” anito. Pero wala lang reaksyon ang dalaga. Patuloy lang ito sa pagpasok sa malawak na bakuran.
Akmang maghuhubad ito nang pigilan ng matanda.
“‘Di ba, sabi ko, sa loob ka maghuhubad. Hindi dito. Maraming lalaking makakakita sa hubad mong katawan.” Binalik ng matanda ang pagkakalilis ng damit na huhubarin sana ng dalaga. Inakay din nito agad papasok.
Ang matanda ang nagpaligo sa dalaga hanggang sa pagbibihis. Kaya ang ikinakatakot ng matanda, paano kung bigla siyang mawala sa buhay nito? Sino ang gagawa nito? Kaya araw-araw niyang kinakausap ito tungkol sa bagay na iyon. Na sana matuto ito. Pero walang reaksyon lang ito. Habang tumatagal, lumalala ang sakit nito.
Ngatutuyo ang matanda ng buhok ng dalaga nang pumasok na naman ang isang lalaking nakasumbrero, may dala itong gamot para dalaga. Hindi ito umaalis hangga’t hindi nasisigurong nainom na nga iyon.
Dahil sa gamot na nainom ng dalaga ay nakatulog din ito agad. Iyon naman ang sinasamantala ng matanda para makapagpahinga o ‘di kaya kumain.