PAGKARINIG sa ama na wala pa ang asawa ay agad na iginiya ni Sarah ang sarili papunta sa tinutuluyang condo nito. She knew na hindi na nanan ito makakarating. Never na binigyan ng chance ng asawa ang mga imbitasyon ng ama, at mas lalo na ang imbitasyon niya.
Aaminin niyang umasa siya kahit papaano na magbago ang isip nito. Akala niya makakarating ito sa family dinner nila. Pero nabigo lang siya.
Hindi pa man nakakalayo si Sarah sa subdivision nila ay namataan niya ang asawa na pababa ng sasakyan nito. Nakahinto na siya noon sa gilid para sana lapitan ito, pero napatigil siya nang makita ang babaeng bumaba sa kabilang pintuan.
It’s her. Again. Ang babaeng mahal ng asawa niya.
Bahagyang tinampal ni Sarah ang dibdib para pakalmahin ang sarili. Pero patuloy pa rin sa pagkirot kaya naman napayuko siya. Napapikit rin siya na sinabayan nang paglunok. Pag-angat niya nang tingin, nasa loob na ng kainang iyon ang asawa kasama ang babaeng iyon.
Kinapa ni Sarah ang telepono at dinayal ang numero nito. Sa pang-anim na tawag bago siya nito sinagot. Kalungkutan ang bumalot sa kanya dahil sa ginawa nito. Mukhang nainis niya ito kaya nito nasagot ang tawag niya.
“N-nasaan ka?” nauutal na tanong niya.
Nakatutok ang paningin ni Sarah sa asawa. Papalabas ito sa kainang iyon na nasa tainga ang telepono.
“I’m busy, Joanna. Fvcking busy!” angil nito sa kabilang linya.
Joanna. Yeah, that’s her second freakin name by the way. At iyan ang tawag nito sa kanya ever since.
“A-akala ko sa bahay ka kakain? S-sabi kasi ng secretary mo—”
“Enough, Joanna! Alam mong hindi ako darating. Never. ‘Wag kang umasa na magpapakita ako sa pamilya mo. And please, stop bothering my secretary about my whereabouts. Naiirita ako sa ‘yo.”
Akmang papatayin nito ang linya nang may ipahabol pa ang asawa.
“There's nothing more I'd want than an annulment from you.”
Hindi pa nga nakaka-recover sa mga naunang litanya ng asawa si Sarah, heto na naman ito sa second litanya nito. So straightforward.
Damn this man!
Pagkatapos ng kasal nila, hindi pa siya nito pinupuntahan para bisitahin. Kaya gusto niyang pumunta ito dahil gusto niyang makasama ito kahit isang beses. Pero hindi nito gusto ang ideyang iyon. It’s her fault. Aminado siya rito.
Hindi pa siya nakakasagot nang marinig na ang pagputol nito sa kabilang linya. Tumingin siya sa gawi nito, halata ang inis nang ilagay nito ang telepono sa bulsa nito saka tumalikod. Wala itong kaalam-alam na may nasasaktan ito ng mga sandaling iyon, at walang iba kung hindi siya.
Hindi na kayang makita ni Sarah na babalik ito sa loob, sa girlfriend nito, kaya nagpasya siyang umalis na lang.
Hindi pa man niya na nahahawakan ang gear knob nang biglang may bumangga sa likuran ng sasakyan niya na ikinagulat niya. Awtomatikong bumukas naman ang airbag, pero tuloy-tuloy ang pagbangga sa kanya hanggang sa tuluyang tumama sa concrete varier. Nagitgit na roon ang kinalulunanan niya dahil na rin sa malakas na impact ng bumangga sa sasakyan niya.
Walang ibang sinasambit si Sarah noon sa sarili kung hindi ang panalangin, na sana makaligtas siya. Dahil sa asawa niya kaya siya nasa sitwasyong ito. Kaya ang sabi niya sa panalangin niya sa Panginoon, hahayaan na niya ang asawa. Tutal naman pati ang langit ay mukhang hindi sang-ayon sa pag-iisang dibdib nila.
Tahimik ang buhay ni Sarah noon. Pero nang makita niya ang asawa, wala siyang ginawa kung hindi i-stalk ito. Na-inlove agad siya rito. Napag-alaman niyang anak ito ng kaibigan ng Daddy niya. Kaya hiniling niya sa ama na gusto niyang maging asawa ito. Ngayon, napagtanto na niyang mali siya nang desisyon na itali ang sarili sa lalaking hindi naman siya mahal.
NAPABALING sa labas ang nakaupong si Dennis nang makarinig nang sunod-sunod na pagbanggaan ng mga sasakyan sa labas. Napako ang tingin niya sa unahan, na siyang naipit na ng varier at ng isang sasakyang sumunod rito.
“Sh*t!” Mabilis ang kilos niya na tumayo at tinakbo iyon. Sadyang mabilis ang katawan niya kapag mga ganitong senaryo. Marami na ring naghulasan mula sa pwesto nila maging sa kabilang restaurant, kaya nagkagulo na.
“Dennis, saan ka pupunta?” sigaw ng kaibigang si Kristen na mabilis ding lumabas ng kainang iyon.
“Stay there!” baling ni Dennis dito, minuwestra pa niya ang dalawang kamay dito. Tumango naman ito kaya mabilis na binalik niya ang atensyon sa dalawang sasakyang nasa unahan.
Walang may nagtangkang lumapit kung hindi siya lang. Pero balewala sa kanya. Kailangan niyang mailigtas ang sakay niyon.
“Tumawag kayo ng ambulansya. Now!” sigaw niya sa ilang tao na papalapit. Kita naman niyang naglabasan ang mga ito ng cellphone para sundin siya.
“Kuya, baka sumabog ‘yan! ‘Wag ka munang lumapit!” Wala siyang pakialam, tumuloy pa rin siya.
Pilit na tiningnan niya ang van na bumangga sa kulay pink na sasakyan. Wala siyang maaninag dahil sa tinted ang salamin nito kaya iginiya niya ang sarili sa unahan. Medyo aninag ang loob kaya tinitingnan niya ang kalagayan ng driver.
“Fvck!” Kita niya ang dugo sa salamin ng sasakyan na iyon. Ibig sabihin, may tama ang babaeng driver! Yes, babae. Dahil sa mahabang buhok nito na nakita niya.
Saglit na natigilan si Dennis nang may maamoy. Sinilip niya ang ilalim.
“Sh*t! Sh*!” Wala siyang sinayang, sinira niya ang pintuan ng sasakyan gamit ang malaking tipak ng bato. Binasag niya muna ang salamin para mabuksan ang pintuan.
Nagkaroon naman ng proper training si Dennis sa mga ganitong klase nang pagsaklolo kaya maingat at maayos niyang nailabas ang lulan niyon. Kaya bago pa man sumabog iyon ay nakalayo na sila.
Napababa nang tingin si Dennis nang marinig ang pagdaing ng babae.
“A-ang k-kamay ko…” anito.
Imbes na makinig sa sinasabi nito, sa maganda at maamong mukha nito siya napatitig.
Oh, God! Bakit ang ganitong klaseng mukha pa ang naaksidente? Nakakapanghinayang kung mapahamak lang.
“I-It hurts…” daing nito ulit.
Ang kanang braso pala nito ang nasugatan. Akala niya ulo nito. Kaya hindi din naman siya masyadong natakot para sa babae. May airbag na sumalo sa mukha nito.
“Hussshhhh… Parating na ang ambulance. Alright? Hang on,” aniya rito, sabay haplos sa magandang mukha nito.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang dugo na dumikit doon. Nakaupo na rin siya noon para hindi mahirapan ang mga paa nito habang hinihintay ang saklolo.
Pagdating ng ambulansya ay agad na sinakay doon ang babaeng iyon. Sumama na rin siya hanggang sa ospital. Si Kristen, pinahatid niya sa kanang-kamay niya na laging nakabuntot sa kanya.
Agad na sinugod ito sa emergency room. Naghintay naman siya sa labas dahil wala itong kamag-anak. Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang pamilya ng babaeng iyon base sa plate number na nakuha ng CCTV.
Napatigil siya sa pag-iisip nang lumapit sa kanya ang isang nurse. Inaalam nito ang pangalan ng pasyente at pati kanya. At dahil hindi naman niya pwedeng gamitin ang pangalang Tristan, Dennis na lang. Minsan ibang apelyido ang gamit niya, depende sa kung ano ang ilalabas ng labi niya.
Tatlong pangalan kasi ang meron siya. Siya rin si Tristan Fontana at Tristan Jackson. Dennis Trinidad naman kapag nasa undercover siya. Pero ang codename niya sa Alleanza Oscura ay Greyhound.
Ang Alleanza Oscura ay isang private security organization na may hawak na magagaling na agent, at isa na siya roon. Never mind sa pagyabang niya, proven na ‘yan. Hindi na niya pwedeng bawiin. Galing na mismo ‘yan kay Supremo.
Pero kapag nasa alta sosyedad siya, ginagamit niya ang pangalang Tristan Jackson dahil isa siya rin siyang businessman. But the truth is, Tristan Fontana ang totoong pangalan niya. Anak siya ni Rinaldo Fontana. Isa mga makapangyarihan sa underworld. Kaya hindi niya magawang yakapin ang pangalang iyon. Ang pangalan na ’yan ang hindi niya magamit-gamit dahil sa maduming uri ng pamumuhay na meron ang totoong ama niya. Pero meron siyang foster parents na siyang mas mahalaga sa kanya. Sa kanya na kasi pinamana ng kinikilalang magulang ang kumpanyang pag-aari ng mga ito. Pero mayaman din naman ang totoo niyang pamilya— nga lang, mula naman sa masama ang perang pumapasok sa pamilya nila.
“Dennis Trinidad,” sagot niya sa nurse, na agad namang tinake-note nito.
Umalis din naman si Tristan sa ospital nang dumating ang stepmother ng pasyenteng tinulungan niya. Hindi na siya nagpakilala dito dahil naging abala na ito sa stepdaughter nitong inilabas na na sa emergency room.
Napag-alaman niyang ligtas na rin ang babae kaya panatag siya na umalis doon. Pero bago siya umuwi ng bahay niya ay dinaanan niya muna si Kristen sa bahay nito para kumustahin. Humingi rin siya nang paumanhin dahil mas pinili niyang samahan ang babae sa ospital kanina. Higit na mas kailangan kasi siya ng babaeng naaksidente.
Bumalik siya kinabukasan pero nakaramdam siya nang lungkot nang malamang nailipat na ito ng ospital. Hindi raw alam ng mga nurse dahil ang director ng ospital na iyon ang kausap ng magulang ng babae.
Sa totoo lang, hindi naman alam ni Tristan kung bakit bumalik siya. Nagsariling desisyon ang katawan niya. Nagulat na lang siya, nagpa-park na siya sa labas ng ospital. Para ba kasing may nag-uudyok sa kanya ng gabing iyon.