*Kylie* “Okay ka lang ba, Nic?” tanong sa akin ni Rika nang makasapit palang siya sa pintuan namin. Nadatnan niya akong hihikab-hikab parin kahit alas nuebe na nang umaga. “Medyo antok pa ako pero keri na naman mag bantay ng shop.” ani ko habang sinusuklay ang aking buhok. Bagong ligo na ako at maya-maya lang paalis narin. Ako muna ang tatao sa shop dahil si Cha ay lumuwas ng Maynila. Hindi ko sinabi kay Rika kung ano ang dahilan ng aking antok. Sa tuwing naiisip ko ang nangyari kagabi naiirita lamang ako. Sino ba naman kasing matino na tatawag ng dis-oras ng gabi tapos sasabihing mag-uusap kami! Nakatulog na ako at lahat-lahat tapos inistorbo niya pa! Walang magawa sa buhay! “Bakit? Gabi ka na ba natulog?” tanong nito ulit at parang hindi talaga titigil hanggat hindi ko nasasagot ang