“f**k you! f**k you very much! Ah-ha-ha-ah!” Hindi ako nakikipag-away. Kumakanta ako. Sa dinami-dami ng kantang alam ko, ito ‘yung tanging liniya ng kanta na lumalabas sa bunganga ko. Mula sa paglabas ko sa Torture Room kung saan ko iniwan si Clem na nag-eemo hanggang sa pagpasok at paglabas ko ng elevator at maging sa paglalakad ko sa hallway hanggang sa makarating ako sa tapat ng suite namin, nginangawa ko ang liniya ng kantang iyon. ‘Langyang Clem iyon, nilasing ako ahuhu. Pero iba ‘yung gaan ng pakiramdam ko ngayon kahit na parang lumilindol habang naglalakad ako. Naduling-duling nga ako kanina nang pindutin ko ang button para makarating sa floor namin. Pakiramdam ko nga ay akin ang mundo. Feel na feel ko pa ang kumanta. “f**k you! f**k you very much! Ha-ah-hah-hah! f**k you! f**k yo