Humithit ako sa sigarilyong hawak ko. Napatingin ako kay Clem. Sabay naming ibinuga ang usok na nasa loob ng mga bibig namin. Nagkatawanan pa kami. “Musta ang loves mo?” nakangisi niyang tanong. Napasimangot naman ako. “Hmp! Nakakabanas.” “Nakakabanas?! In what way? Alam mo bang napakasuwerte mo? You got two of the most desired men in this school. Marami ang makikipagpatayan mapunta lang sa sitwasyon mo. Too bad, you do not realize it yet.” uminom ito ng beer na nasa harap namin. “Anong too bad I don’t realize it yet?! Hindi mo lang alam ang paghihirap ko sa dalawang iyon! Masyado nila akong linalaspag.” galit na sabi ko sa kanya. Akala ko ba close kami? Bakit tila nasa kambal na demonyo ang loyalty niya?! “You really do not have any idea how they changed since you came into their liv