Ngayon ko napatunayan na ang bilis ng oras. Parang kahapon lang pinaplano ko pa kung paano ako makakalaya mula kina Winter at Summer pero sa isang iglap lang, heto at malaya na nga ako. Wala na sila sa buhay ko. Iginala ko ang mga mata ko sa dating kuwarto na tinirahan ko noong bagong pasok pa lang ako dito sa Martenei. Oo, hindi na ako sa 7 Demons building titira. Bakit pa? Break na kaming tatlo, ‘di ba? Napatingin ako sa bawat sulok ng silid. Dito sa loob ng silid na ito nagsimula ang kuwento naming tatlo na nagtagal din ng isang taon na sa isang kisapmata lang ay natapos. Malaya nga ako pero hindi ko maiwasang manibago at makadama ng kahungkagan. Hmm. Siguro ngayon lang ito. Masasanay din akong mag-isa. Inabala ko ang sarili ko sa pagsasaayos ng mga kagamitan ko noong gabing iyon dahi