“Alam kong masarap titigan lalo na ang kainin si Janus pero ‘wag na ‘wag mo siyang titingnan ng ganyan lalo na kapag nasa paligid si Master.” napatingin ako kay Clem mula sa paninitig ko kay Janus. Oo, aminado nga akong masarap titigan si Janus lalo na ngayong namumula na parang mansanas ang mukha nito at namumungay na ang mga mata to think na nakakadalawang bote pa lang ito ng Tanduay Ice. Pero hindi sa dahilang iyon kaya ako nakatitig kay Janus ngayon. Ang totoong dahilan ay gusto kong makakita kahit na munting pagsisisi sa mukha niya dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Marcus. In short, gusto kong makasilip ng konting pagsisisi sa pagpasok niya sa isang bawal na relasyon. Pero mula kaninang matino pa siya hanggang ngayong lasing na siya ay wala akong nakita. Bagkus ansaya niya. Masaya