NAPAUNGOL at napapikit si Angel nang maramdaman ang maligamgam na tubig sa katawan niya pagkaupo niya sa loob ng bathtub. Masarap sa pakiramdam pero at the same time naging aware siya bigla sa lahat ng makirot sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung gaano karaming sugat ang nakuha niya mula sa nangyari kanina. Napadilat lang siya nang maramdaman niya ang mga kamay ni Jack sa bandang leeg niya. Nagulat siya kasi nakaluhod pala ito sa tabi ng bathtub at ang lapit ng mukha sa kaniya. “Isandal mo ang leeg mo sa gilid ng tub.” Inalalayan nito ang leeg niya hanggang makunteto sa posisyon ng ulo niya. It took her a moment bago niya narealize kung ano ang plano nitong gawin. Kinuha nito ang shower hose at binasa ang ulo niya. Kumuha ng shampoo at sinimulang hugasan ang buhok n