APRIL POV
Isang linggo na akong nandito sa pamamahay ng kapatid ko. Namimiss ko na si Juctril pero hindi ko siya pwedeng tawagan o makita man lang. Pinagbawalan ako nila Josie at hindi ako papayagan ni James. Naging mahirap ang isang linggo kong pamamalagi rito pero nakayanan ko naman.
Kumusta na kaya siya? Hinanap niya kaya ako? Sinabi kaya ni James kung nasaan ako at anong nangyari sa akin?
“Kams, handa ka na ba sa party na pupuntahan natin?” Masiglang sabi ni Josie sa akin at umupo sa tabi ko.
Ngumiti ako at tumango.
“Oo naman, engagement party yun ni Hannah.” Sabi ko at ngumiti.
Masaya ako kasi may kaibigan na naman akong ikakasal sa lalaking mahal nila. Masaya ako kasi nahanap na nila ang lalaking magiging kasama nila hanggang sa pagtanda.
Nakakainggit kasi mahal sila ng lalaking papakasalan nila. Samantalang ako ay hindi, sinasaktan pa lagi. Sana maayos na ang lahat para maging masaya na kami pareho.
“Kams, okay ka lang?”
Napatingin ako sa kambal ko. Ngumiti ako at tumango.
“Oo naman.”
“Iniisip mo na naman siya?” Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga.
“Hindi maiiwasan ‘yun, kams. Pero alam ko naman na wala siyang paki-alam sa akin, eh.”
Hinawakan ni kams ang balikat ko.
“Nakita ko si Juctril no’ng nakaraang araw.”
Mabilis akong napatingin kay Josie.
“Kasama niya si Jessica,” malungkot niyang sabi.
Napangiti ako ng malungkot.
Si Jessica, ang babaeng papakasalan sana ni Juctril. Kung hindi lang sana ako umeksina ay baka mag asawa na sila ngayon. Pero masaya naman ako sa ginawa kong pag sira sa relasyon nila kasi naging akin naman si Juctril kahit sa papel lang.
“April, hindi ka ba napapagod?” Tanong ni Josie sa akin.
Ngumiti ako bago sumagot.
Parang tanong lang ni Juctril.
“Syempre napapagod na rin ako. Pero hindi ako susuko, kams. Alam ko, ramdam ko, mapapatawad rin ako ni Juctril at magiging masaya ulit kami.
“Omg, April! I'm glad you came.” Sabi ni Hannah at niyakap ako.
"Congrats, Hannah! Ikakasal kana talaga kay Ian.” Masayang sabi ko.
“Oo nga, eh! Parang kailan lang hinahabol ko pa ‘yun pero ngayon magpapakasal na kami!” Bumingisngis siya.
Nagpaalam na muna si Hannah sa akin at pumunta sa ibang bisita kaya naiwan na ulit kami ni Josie rito kasama ang asawa niya.
“Kams,” tawag ni Josie.
Napatingin ako sa kanya. “bakit?” tanong ko.
“May pupuntahan lang kami saglit ni Jp, kams. Dito ka muna huh? Balik lang kami.”
“Sige, okay lang ako dito.”
Naiwan na ako mag-isa sa tinatayuan ko kaya napatingin ako sa paligid at hinanap ang iba ko pang kaibigan. Nasaan na kaya ang mga ‘yun? Sigurado akong may mga date ang mga ‘yun, samantalang ako ay wala.
“April!”
Mabilis akong napalingon at nakita si Raven na papalapit sa akin.
Napangiti ako at nilapitan siya.
“Raven!” finally, may kakilala na talaga ako dito.
“Bakit mag-isa ka lang?” tanong niya.
“Iniwan ako ng kapatid ko rito. At isa pa, wala rin akong date,” pabiro kong sabi.
“Ako nalang ang date mo!” masigla niyang sabi.
Mahina kong sinuntok ang balikat niya.
“Sus! Baka magalit ang date mo.”
“Wala akong date, April. Kaya tayo nalang!” at kinindatan ako.
Ngumiti ako at tumango.
“Let’s go?” sabi niya at hinawakan ako sa aking beywang.
Nagsimula na kaming maglakad at naghanap ng bakanteng table.
Nang makaupo na kami ay tinanong agad ako ni Raven.
“Balita ko do’n ka na nakatira ngayon sa bahay nila Josie, totoo ba?”
“Oo, pero temporary lang. Babalik rin naman ako sa amin.”
“Bakit ka pa babalik? Sasaktan ka rin naman ulit ng demonyo mong asawa.” Galit na sabi niya.
Nalaman ni Raven ang ginawang pag kulong ni Juctril sa akin sa may basement at galit na galit si Raven nang malaman niya ‘yon, alam niya din kasi na may phobia ako sa madilim.
"H-hindi naman sa ganun-"
“Speaking of your demonyong asawa, look who's here.”
Napatingin ako kung saan nakatingin si Raven ngayon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Juctril na naka suit na may kausap na matandang lalaki at hindi nakaligtas sa paningin ko ang babaeng nakahawak sa braso niya ngayon, walang iba kundi si Jessica Ignacio.
"At kasama pa talaga niya ang kabit niya ah?" Sabi ni Raven at ngumisi.
Napaiwas ako ng tingin at biglang tumayo.
"R-raven, uuwi na ako pakisabi nalang-"
"No, hindi ka uuwi. Lets go." Sabi ni Raven at bigla nalang akong hinila.
Nanlaki ang mga mata ko nang papunta ang direksyon namin sa pwesto nila Juctril at Jessica.
"Raven, ano ba-"
"Hey, Marc Juctril Real!"
Namutla ako nang batiin bigla ni Raven si Juctril.
Napatigil si Juctril sa pakikipag-usap sa matandang lalaki at napatingin sa amin. Nakita ko ang pagdilim sa mukha ni Juctril nang makita niya kami ni Raven na magkasama. Nakita ko rin na napasulyap si Jessica sa amin.
Bahagya akong lumapit kay Raven at binulongan siya.
"R-raven, umalis na tayo dito please."
Hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako. Bahagya akong nagulat ng hapitin ako ni Raven sa bewang at mas nilapit sa kanya.
"What are you doing here, Ramos?" Malamig na sabi ni Juctril habang nakatingin ng masama kay Raven.
Ngumisi si Raven bago sumagot.
"Invited ako at isa pa date ako ni April ngayon." Nakangising sabi ni Raven at kinindatan ako.
Nakita ang pag yukon ni Juctril sa kanyang mga kamao.
Bumaling ang tingin ni Juctril sa akin at tinignan ako ng masama.
"Lumayo ka sa lalaking yan, April."
"J-juct..”
“Why, Mr. Real? Kaano-ano mo ba si April? Bakit mo siya pinapalayo sa akin? Hindi ka ba nahihiya sa date mo ngayon,” nakangising sabi ni Raven at sinulyapan si Jessica.
Napatingin si Juctril kay Jessica at mukhang natauhan sa sinabi ni Raven.
Hindi parin kasi alam ni Jessica na mag asawa na kami ni Juctril. Ang alam niya lang ay Ex ako ni Juctril.
"Ano, hindi ka makasagot, Mr. Real?” Nakangising sabi ni Raven.
“Back off, Ramos.”
“April is mine.” Sabi ni Raven at hinala ako papalapit sa kanya.
Natigilan ako nang pigilan ako ni Juctril at hinawakan ang wrist ko. Napatingin ako sa kanya na may halong pag tataka.
“Juctril..”
“We need to talk,” sabi niya habang nakatingin sa akin.
"P-pero-"
"Hon, ano ba? Hayaan mo na si April at Raven." Sabat ni Jessica.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilain ni Juctril at hinatak palayo kay Raven.
Nag simulang mag lakad si Juctril habang hatak parin ako. Narinig kong tinawag ako ni Raven at ang boses ni Jessica na tinatawag si Juctril. Wala akong ibang nagawa kundi magpa hatak nalang, gusto ko din siyang makausap. Miss na miss ko na siya at gusto ko ng makauwi sa bahay namin.
"Sakay,” hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa may parking lot ng hotel na pinuntahan namin.
Wala akong angal na sumakay sa kotse. Pumasok na din si Juctril at pinaandar na ang kotse.
Hindi ko alam kung saan kami pupunt. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana at siya rin na nagdadrive ngayon. Nag taka naman ako bigla ng makita na puro puno nalang ang nakikita ko sa labas, napatingin naman ako kay Juctril na seryosong nag dadrive.
"J-juct-"
“Don’t talk! Hindi pa ako tapos sa’yo!”
"Juctril, ano ba! Hinay hinay ka nga sa pag dadrive.” Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt ko.
Biglang tinigil ni Juctril ang kotse sa gitna ng daan.
Napatingin ako kay Juctril.
Nanlilisik ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin.
“Kaya ka ba nawala ng isang linggo at walang pasabi sa akin kasi nakikipaglandian na sa ex mo?! Siya ba ang dahilan kung bakit ka umalis, April?! Sagutin mo ako!”
Hindi ko mapigilang hindi siya sampalin.
"Hindi ako malandi! Ilang ulit ko bang sasabihin ‘yan sa’yo ha! Oo, 1 week akong nawala kasi nilayo muna ako ng kapatid ko sa’yo, kasi alam niya ang lahat ng mga pinag gagawa mo sa akin! Si Raven, Oo ex ko siya! Pero kaibigan ko parin siya, kaibigan ko lang siya! Ikaw lang ‘yung mahal ko. Kahit na lagi mo akong sinasaktan, mahal na mahal parin kita.”
Tumulo ang kanina ko pang pinipigilang mga luha sa aking mga mata.
Nakita kong natigilan si Juctril at napaiwas ng tingin. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay pinaandar niya ulit ang sasakyan.
“Sana lumayo ka nalang talaga.” Mahina niyang sabi pero narinig ko parin ito.
Pinunasan ko ang aking luha at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Makalipas ang ilang oras ay tinigil na rin ni Juctril ang sasakyan. Napatingin ako sa labas, may nakita akong lumang bahay pero hindi katulad no’ng mga nasa horror movies.
"Labas,” hindi ko namayalan na nakalabas na pala si Juctril.
Dali dali akong lumabas at inayos ang suot kong Dress.
"J-juctril, nasaan pala tayo?" Tanong ko.
Napasulyap siya sa akin.
“Nandito tayo sa bahay ko, and from now on dito kana titira.” Sabi niya na ikinagulat ko.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Dito na ako titira? Hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon! Hindi ko nga alam kung anong lugar ito. Ang alam ko lang ay malayo ito sa Manila pero hindi ko alam kung nasaan ako.
"April!"
"N-nadiyan na," patakbo akong lumapit kay Juctril hanggang sa makapasok na kami sa bahay.
Napatingin ako sa paligid. Hindi siya katulad ng ibang lumang bahay na madumi at maraming mga alikabok. Dito, Maayos ang mga kagamitan at parang laging nililinisan.
"Juct, wala bang ibang tao dito kundi tayo lang?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin.
"No, nandito sila Manang Bebeng at Tatay Bobong na nag aalaga sa bahay.”
Tumango tango ako at umupo sa couch.
"J-juct-"
"What?!" Inis nitong sabi.
Napayuko ako at nahiya ng mag tanong.
“W-wala.”
"Dito ka na titira sa ayaw at sa gusto mo.”
"P-pero malayo ito sa Manila.”
"Alam ko, kaya nga dito kita dinala." Sabi nito at ngumisi.
"P-pero ‘yong trabaho ko."
"Hindi kana mag ta-trabaho.” Sabi niya.
"H-huh?! A-anong.. hindi pwede!”
“If I say no, It’s already a no, April!”
Natahimik ako at hindi na nagsalita.
Nilapitan ako ni Juctril at hinawakan ng mahigpit ang panga ko.
“Ito ang parusa mong pag alis sa bahay ng walang paalam at pag landi sa ex mo. Dito kalang, bawal Cellphone at bawal lumabas.” Nakangising sabi ni Juctril at marahas na binitawan ang pagkakahawak sa panga ko.
Iniwan niya akong mag isa dito sa Living room ng bahay niya.
Tumulo ulit ang aking mga luha sa sakit. Parusa na naman?hanggang kailan ba matatapos ito?
Pagod na pagod na ako sa buhay na ito, pero hindi ako pwedeng sumuko. Hangga't buhay ako, kakayanin ko.
Para sa pag mamahal ko kay Juctril at kapatawaran.