PROLOGUE
PROLOGUE
“April, are you sure about this?” my friend James asked.
I sighed and smiled at him.
“Yes, James. I am one hundred percent sure about this.”
“But you know how my brother hates you so much.”
Maliit akong ngumiti sa kanya at yumuko.
“Yes, I know. Pero hindi ako makakapayag na makasal lang siya sa iba, at hindi sa akin.”
Yes, I’m desperate. But I don’t have a choice, and I can’t leave like this. I know Juctril’s still in love with me, but he’s hurting because of what I’ve done in the past. Di bali nang magalit siya sa akin kada araw sa gagawin ko ngayon, pero hindi ako makakapayag na makasal siya sa iba.
“Tito, Tita, I want to marry your son.” Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga magulang ni Juctril at ni James.
Juctril is not her because he’s busy on his business trip in Hongkong.
“Hija, you know that we are not into arrange marriage, right?” Sabi ni Tita.
Bumuntong hininga ako at tumango.
“I know, Tita. Pero alam ko din na hindi kayo makakapayag na sa iba makasal si Juctril.”
Natigilan sila Tito Jerome at Tita Jane sa aking sinabi. Alam ko kung gaano nila ako kagusto para kay Juctril. Hindi lang dahil may relasyon kami ng kanilang anak noon, kundi sa negosyo din. Magka partners ang business ng aming pamilya sa Real family at mas lalago pa ang negosyo nila kung mag merge ang dalawang pamilya.
I don’t want to use my family’s connections, but I need to do this now.
Ngumiti si Tita Jane sa akin at nagsalita.
“Don’t worry, April, kami na ang bahala sa kasal niyo ni Juctril.”
Ngumiti ako at tumango.
“Yes, Tita. Thank you so much.”
Sana tama itong ginawa ko. Sana hindi ako magsisi sa padalos-dalos kong desisyon. Ayoko lang talaga na mawala sa akin si Juctril. Mahal na mahal ko siya, at pinagsisisihan ko na lahat nang aking ginawa noon.
“April, don’t do this, please!” pagmakakaawa ni Juctril sa akin nang pumunta siya sa aking condo unit.
Malamig ko lang siyang tinignan ngayon.
“Wala ka ng magagawa pa, Juct. Ikakasal na tayo bukas.”
Napailing siya at bahagyang napaatras.
Mapakla siyang tumawa.
“Akala mo magtatagumpay ka sa gagawin mo?”
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
“Hindi mo na maibabalik ang tiwala at pagmamahal ko sa’yo, April.”
Napayukom ako sa aking kamao at napakagat sa aking labi.
“Alam kong mahal mo parin ako, galit kalang sa akin.”
Napaiwas siya nang tingin at mapailing.
“Alam kong mahal mo parin ako, Juct! Nagbago na ako, hindi na ako ang dating April na nakilala mo. Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko noon. Patawarin mo na ako, please.” Pagmamakaawa ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
Napatingin siya sa akin at inalis ang aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay.
“Huwag mo akong hawakan, nandidiri ako sa’yo. Magtagupay ka man sa gagawin mo na pagpapakasal sa akin bukas, hindi ko hahayaan na sasaya ka. Gagawin kon miserable ang buhay mo hanggang sa ikaw na ang kusang umalis at magmakaawa na na itigil na ito. Huwag kang magpakampante na kaya mo akong ikulong sa’yo, dahil hinding-hindi kita ituturing na asawa.” Galit niyang sabi sa akin at umalis sa aking condo unit na walang paalam.
Nang makaalis na siya ay hina akong napasandal sa may pader at napapikit.
Galit siya sa akin, mas lalo pa siyang nagalit sa akin ngayon. Nagawa ko na ito, wala nang atrasan pa. Kailangan kong panindigan ang desisyon kong ito, at gagawin ko ang lahat para maiparamdam kay Juctril na nagkakamali siya.
Mapapatawad niya ulit ako, at babalik ulit kami sa dati.
I am April Rose Torres-Real. And I will do anything to prove my love for Juctril and that I am more than just an unwanted wife.