THIRD PERSON POV.
Galit na bumalik si Juctril sa may sala at iniwan si April na naka kulong sa madilim na basement.
Napahilamos sa mukha si Juctril at hindi mapigilang hindi mapamura.
“f**k!”
Alam niyang takot si April sa madalim na lugar pero hindi niya mapigilang magalit ng sobra!
Nakita niya ito sa mall na kasama ang ex-boyfriend na si Raven Ramos na masayang magkausap.
Hindi siya makapaniwalang hindi parin kayang makontento ni April sa isang lalaki kaya hindi niya napigilan ang kanyang galit.
Napahilamos sa mukha si Juctril at aakmang babalikan si April sa may basement nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Nawala lahat ng galit niya nang makita kung sino ang tumatawag.
Jessica Calling...
Ang babaeng hindi siya iniwan no’ng walang-wala siya. Ang babaeng tanggap siya kung ano siya ay mahal na mahal siya.
“Hello.”
“H-hon, I need you.”
Kinabahan bigla si Juctril sa sinabi nito.
“What happened to you?”
“N-nag away na naman sila Mom at Dad. Ako lang mag-isa dito ngayon kasi umalis si Cathy. Natatakot ako, Hon.”
“Don’t worry papunta na ako jan. Please ‘wag ka na umiyak. Baka umatake na naman ang sakit mo,” alalang sabi ni Juctril.
“Y-yes, Hon.”
Kinuha ni Jutril ang susi sa kotse niya at lumabas ng bahay.
Nangako siya kay Jessica noon na hindi niya ito pababayaan kaya hindi mapakali si Juctril. Mahalaga sa kanya ang babae kasi malaki ang naitulong nito sa kanyang buhay at si Jessica lang ang nag-iisang babae na hindi siya niloko at sinaktan.
JAMES POV.
Bakit kaya hindi sinasagot ni April ang mga tawag ko? Nasa bahay kaya siya ngayon? May sasabihin pa naman sana akong sekretong malupit sa kanya.
Matagal ko na itong tinatago at gusto kong may masabihan ako sa sekreto ko kahit si April man lang.
Sasabihin ko na sa kanya na isa akong bakla.
Yes, I’m a Gay and no one knows about my darkest secret. Sasabog na ako kaya kailangan kong masabi kay April ‘to. She’s my bestfriend kaya malaki ang tiwala kong hindi niya ako babaliktarin.
I can’t tell my parents even my brother about my real self. Alam ko kasi na magagalit sila kapag nalaman nila ang totoo. Walang bakla sa pamilya namin kaya nakakahiya kapag nalaman ng lahat na bakla ang bunsong anak ni Jerome Real.
Nang makarating na ako sa bahay nila April ay nagmadali akong bumaba sa aking kotse at pumasok sa gate. Napasulyap ako sa may garahe at nagtaka nang hindi ko makita ang kotse ni kuya.
Saan kaya ‘yun? Don’t tell me umalis silang dalawa ni April? Pero imposible naman.
“April, nandiyan ka ba?”
Saan kaya si April? At bakit ang tahimik ng bahay?
Binuksan ko ang pintuan ng bahay nila at pumasok sa loob.
Bahagya akong nagulat ng makita ang kalat sa paligid. Anong nangyari dito? Bakit parang dinaanan ng bagyo?
Imposible naman na umalis silang dalawa para mag date. My kuya hates April so much.
Kung maibabalik lang sana ang nakaraan.
Napabuntong-hininga nalang ako at muling hinanap si April.
“April?”
Hinanap ko siya sa may kwarto nila pero wala, pati sa kusina wala rin.
Natigilan ako nang may marinig akong humihikbi sa may basement.
Wait, dont tell me may mumu sa basement?! Juskomaria! Takot pa naman akesh sa mumu!
Hinay hinay akong naglakad papunta sa may basement at pinakinggan kung saan nanggagaling ang narinig kong pag hikbi.
“M-may tao ba jan?” Mahina kong sabi.
Tumigil bigla ‘yung pag hikbi. Bigla naman akong kinabahan , juskomaria!
“T-tulong..” natigilan ako nang makarinig ako ng boses ng isang babae.
“S-sino yan?” mahina kong sabi at unti-unting lumapit.
“P-palabasin niyo na ako..”
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung kaninong boses iyon.
Dali dali akong lumapit sa may pintuan ng basement at kinatok ito.
“April! April ikaw ba ‘yan?!”
“J-james..” mahina nitong sabi.
Napamura ako at napasabunot sa aking buhok.
Tangina!
Bakit siya nakulong sa loob?! Sinong gago ang gumawa sa kaibigan ko nito! Bigla kong naalala si kuya.
Napasipa ako sa pintuan sa aking galit. Tangina! Susuntukin ko talaga si kuya kapag nakita ko siya.
“April, ‘wag kang mag-alala tutulungan kita makalabas jan!”
“f**k!” Muli akong napamura ng makita kong naka padlock pala ang pintuan.
Tangina! Hindi ko na maintindihan ang kapatid ko! Sukdalan na ba talaga ang galit niya at nagawa niyang ikulong si April sa loob ng madilim na basement?! Alam niya naman na may Phobia si April sa madilim.
Sinira ko ang pintuan. Nang masira ko na ang pintuan ay nakita ko kaagad si April na naka handusay sa sahig habang namumutla ang mga labi.
Dali dali ko itong nilapitan.
“April! April gumising ka.” Napamura ulit ako ng hawakan ko ang kamay niya na ang lamig lamig.
Kailangan ko siyang maidala sa hospital.
Makakatikim talalaga ng malakas na suntok si kuya sa ginawa niya sa kaibigan ko.
APRIL POV.
“Ang kapal ng mukha niya! Pagkatapos siyang tanggapin ng pamilya namin, sasaktan niya lang ang kapatid ko?! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!”
“Kumalma ka, Josie.”
“Kumalma?! Jp, sinaktan niya ang kapatid ko!”
Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Hinay hinay kong binuksan ang aking mga mata at unang nakita ang puting kisame.
“Gising na si April!” boses ni Gellie.
Napatingin ako sa aking paligid at nakita ang mga kaibigan ko pati ang kapatid ko at ang kanyang asawa na si Jp. Nakita ko rin sa gilid si James na tahimik lang habang nakahalukipkip.
“Nasaan ako?” mahina kong sabi.
“Nasa hospital ka, April.” Sagot ni Raihana.
“Okay ka na ba, April? May masakit ba sa’yo?” Tanong ni Shane sa akin.
Ngumiti ako. “Okay lang ako Shane, ‘wag kang mag alala.”
“Okay lang? Talaga ba, April?”
Napalingon ako sa aking kapatid na masama ang tingin sa akin ngayon.
Ngumiti ako at tumango.
"O-okay lang ako kams, K-kulang lang siguro ako sa-"
“Mag sisinungaling ka na naman ba April?! Pag tatakpan mo na naman ang ginawang kahayupan sa’yo ng asawa mo?! Nakakainis na ang pagiging tanga mo April!” sigaw niya.
Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa sinabi ng kakambal ko.
“M-mahal ko siya..”
"Mahal?! Putang inang pag mamahal ‘yan, kams! Nang dahil sa bwesit na pagmamahal na ‘yan muntik kanang mamatay! Kams, maawa ka naman sa sarili mo. Kahit ngayon lang, unahin mo muna ang sarili mo.”
Umiiyak siya ngayon habang nakatingin parin sa akin. Niyakap siya ni JP at hinagod ang kanyang likuran.
Napayuko ako at humagulgol sa pag iyak.
“A-alam kong mali na itong ginagawa ko, Josie. Pero may tiwala parin ako, magbabago siya. Mamahalin niya ulit ako at papatawarin. Nararamdaman ko ‘yun, Kams.” Desperada kong sabi.
Nakita kong napaiwas ng tingin ang mga kaibigan ko sa akin ang iba naman ay tinignan ako na parang kawawa na talaga ako.
“Ano pa ba ang magagawa ko, eh desisyon mo naman ‘yan.” Malamig na sabi ni Josie.
“Sa bahay ka nalang muna namin tumira, April.” Sabi ni Jp.
“H-huh, bakit?”
“Ayaw mong hiwalayan ang asawa mo diba? Pwes, sa bahay ka muna tumira. Baka maulit pa ang nangyari at mapatay ko na si Juctril sa ginawa niya sa’yo.”
“Tama si Josie, April. Ako na ang bahala kay Kuya. Mas mabuti muna kung do’n ka muna sa kanila tumira.” Sabi ni James.
Nakita kong sumang-ayon rin ang mga kaibigan namin.
Wala akong magawa kundi umuo nalang.
Siguro tama rin itong lumayo muna sa kanya para makapag-isip ako ng mabuti. Baka magkasakitan ulit kami at ayaw kong malaman ulit nila Josie.
Baka pilitin niya na talaga akong makipaghiwalay sa asawa ko. Hindi ko kaya ‘yun, mahal ko si Juctril.
Kahit sa papel ko lang nararamdaman na mag-asawa kami.