EPISODE 2

1534 Words
TUW KABANATA 2 APRIL'S POINT OF VIEW. Masakit ang aking ulo, para itong mababasag sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Hinay-hinay kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa aking paligid. Where am I? bakit puro puti lang na pintura ng mga pader ang nakikita ko? Napatingin ako sa aking sarili at nakitang nakasuot pala ako ng isang hospital dress. Na hospital pala ako? Sino ang nag dala sa akin dito? "April!" Napatingin ako sa may pintuan nang aking tinutuluyan na hospital room ngayon. Napangiti ako nang makita ko ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko talaga ng sobra. "James!" Nang makalapit siya akin ay agad niya akong niyakap at hinagkan sa aking pisngi. Napaupo siya sa aking tabi at napatingin sa akin ngayon. Napakunot ang aking noo ngayon habang naguguluhan pa rin kung bakit ako nandito ngayon sa hospital. "Anong ginagawa ko dito, James?" aking tanong sa kanya. Magsasalita na sana si James nang bumukas muli ang pintuan ng hospital room at hindi ko mapigilang magulat ng bahagya nang makita ko si Doctor Sy na siyang aking private doctor. Ngumiti si Dr. Sy at lumapit sa akin upang ma check ang aking temperature at pulse rate. Pagkatapos niya itong gawin ay humarap siya sa akin. Nagtanong naman agad ako sa kanya. "Anong ginagawa ko dito, Doc?" naguguluhan ko pa ring tanong at napasulyap ulit kay James na nasa aking tabi ngayon. "Kamusta ang pakiramdam mo, April? May masakit ba sa'yo ngayon?" tanong niya. "Sumakit lang po ang aking ulo kanina pag gising ko, Doc. Pero maayos lang naman po ako." Napatango naman si Doctor Sy at tinitigan ako. Napakunot ang aking noo sa kanyang uri ng pagtitig sa akin hanggang sa tinignan siya si James na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Lihim akong napatango at napatingin sa aking kaibigan. "James, pwede bang kausapin ko muna si Doc nang kami lang dalawa?" Agad na napatayo si James at tumango. "Sure. Hintay nalang ako sa labas at eh process ko lang ang mga documents mo at mga bills dito sa hospital para makalabas na tayo." Nakangiting sabi ni James at lumabas na ng kwarto. Nang makalabas si James ay muli kong hinarap si Doctor Sy at tinignan nang seryoso. "Ano po ang ginagawa ko rito, Doc? Wala po akong maalala," tanong ko sa kanya nang makalabas na si James. Seryoso niya akong tinignan ngayon, "Sinugod ka rito ng asawa mo, hija. Buti nalang talaga at ako ang naka assigned noong araw na iyon at agad kitang naasikaso. Kung hindi ako ang naka assigned noong araw na iyon ay baka nalaman na ni Juctril ang iyong sakit," seryosong sabi ni Doctor Sy. Napakagat ako sa aking labi at napayuko. Tama. Nawalan nga pala ako nang malay noong nagkasagutan kaming dalawa ni Juctril sa aming bahay. "Magdamag nga siyang nakabantay sa iyo rito sa hospital, hija. Kanina lang siya umalis dahil may importante pa raw itong gagawin sa kanyang trabaho," sabi ni Doc. Hindi ko mapigilang magulat sa kanyang sinabi ngayon. "P-Po?" Si Juctril ang nag bantay sa akin dito habang tulog ako? parang hindi naman kapani-paniwala iyon. Ngumiti si Doctor Sy at tumango. "Yes, April. Totoo ang sinabi ko na ang asawa mo ang nagbantay sa iyo rito," sabi niya. Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon. Napakurap ako sa aking mga mata at huminga nang malalim bago muling tumingin kay Doctor Sy at nag tanong sa kanya. "Hindi niyo naman po siguro sinabi kay Juctril ang totoo, diba?" mahina kong sabi kay Doc. Maliit siyang ngumiti at hinawakan ang aking kamay. "Hija, alam kong ayaw mong ipaalam sa pamilya mo ang sakit mo ngayon kaya wala akong sinabi na kahit ano sa asawa mo. Ni re-respeto ko ang iyong desisyon na hindi ipagsabi ang sekreto mo, pero sana naman ay alagaan mo rin ng mabuti ang sarili mo, April," sabi ni doctor Sy. "Sorry po," mahina kong sabi at napayuko ulit. Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga. "April, alam kong akala mo ay okay ka na, pero hindi. Kailangan mo pa rin ingatan ang sarili mo at inumin ang mga gamot mo dahil hindi na iyan mawawalang sakit mo," seryosong sabi ni Doc. Tahimik akong napatango sa sinabi ni Doctor Sy at hindi mapigilang mahiya ulit sa kanya ngayon. May sa ako sa puso. Bata pa lang ako ay mahina na ang puso ko at kailangan ko palaging mag ingat sa aking sarili. Una naming na diskubre ng aking mga magulang na may sakit pala ako sa puso ay noong sumali ako noong high school ako ng badminton. Habang nasa competition ako noon ay bigla nalang sumikip ang aking dibdib at nahihirapan na akong huminga kaya agad nila akong sinugod sa hospital at doon nalaman na may sakit pala ako sa puso. Agad inaksyonan ng mga magulang ko at inoperahan ako. Akala namin ay magiging maayos na ulit ako kasi hindi na sumasakit ang dibdib ko hanggang sa isang araw ay nahimatay ulit ako at doon ko na nakilala si Doctor Sy na naging private doctor ko na at siya na rin ang tumulong sa akin para hindi pa mas grumabe ang aking sakit. Tinulungan niya rin ako na itago ang aking sakit. Ayoko kasing malaman ng mga magulang ko ang kalagayan ko ngayon dahil akong ma stress na naman sila at mamrplema sa akin. Kaya ko na ang aking sarili kaya napag desisyonan ko nalang na pa sekretong magpapagamot kay Doctor Sy. Kahit noong kasal na kaming dalawa ni Juctril ay pumupunta pa rin ako rito sa hospital para sa aking regular check-up at wala ni isa sa mga mahal ko sa buhay ang may alam sa ganitong sekreto ko. "Inumin mo ang mga gamot mo at huwag na huwag mong kakalimutan, April! Hindi pwedeng ma late ka sa pag inom ng mga irereseta ko sa iyo, maliwanag ba?" sabi ni Doc. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Opo, doc. Sorry talaga kung naging pasaway ako sa mga nagdaang araw," sabi ko. Bumuntong hininga siya. "Matitiis ba kita? Ayoko lang na bumalik ulit iyong nangyari sa iyo, April," mahina niyang sabi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti. "Wala ng mangyayaring masama sa akin, Doc." Ngumiti siya at tumango. "Dapat lang! kasi kapag naulit ito, sasabihin ko na talaga sa asawa mo ang totoo," panakot niya sa akin. Nang matapos n akaming mag usap ni Doctor Sy ay muling bumukas ang kwarto rito sa aking tinutuluyan sa hospital. Pumasok naman si James ngayon na may dalang mga papel. Hindi pa rin ako makapniwala nandito si James ngayon. Si James Lloyd Real ang nakakabatang kapatid ng asawa ko na si Marc Juctril Real. Si James din ay isa sa mga closest friend ko since high school. Si James ang una kong nakilala kaysa sa aking asawa. "Lalabas na ako, April. Pwede ka na palang umuwi ngayon, basta huwag kang magpakapagod, a? kailangan mong matulog sa tamang oras," paalala ni Doctor Sy bago nagpaalam sa amin ni James na aalis na. Nang makaalis na si Doctor Sy ay muli akong napatingin kay James ngayon na parang seryosong binabasa ang kanyang hawak na papel. "James?" tawag ko sa kanyang pangalan. Mabilis siyang napatingin sa akin. "Yes, April?" sabi niya. "B-Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. Ngumisi siya at umupo sa may couch habang nakatingin pa rin sa akin ngayon. "Hulaan mo muna!" sabi nito. Hindi ko mapigilang mahinang mapatawa sa kanya. "Bakit nga?" tanong ko habang may ngiti pa rin sa mukha ngayon. Napahawak siya sa kanyang baba na parang nag iisip ngayon. "Ah! Pinakiusapan lang naman ako ng aking beloved brother, April Rose," sabi nito sa akin. Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi ngayon. "P-Pinakiusapan ka ni Juctril?" "Yes, babe! Busy kasi ngayon si Kuya dahil may business conference na ginagawa ngayon sa kompanya. Hindi naman ako kasali sa meeting na iyon kaya ako ang pinaki-usapan niyang mag process sa mga papers mo at mag hatid na rin sa iyo sa inyong bahay," sabi ni James. Napakurap ako sa aking mga mata at hindi nakasagot sa sinabi ni James ngayon sa akin. Napangisi siya ng mapang-asar. "Gulat ka 'no?!" Hinay-hinay akong napatango. "H-hindi ako makapaniwala," mahina kong sabi at napayuko. Naramdaman ko ngayon ang pamumula sa aking mukha. "Ay! Shuta ka! Bakit namumula ang mukga mo diyan?! Don't tell me kinikilig kang bruha ka?" tanong ni James sa akin ngayon. Mabilis akong napahawak sa aking mukha at napaharap kay James habang nanlalaki ang mga mata. Umiling ako. "H-Hindi!" "Alam mo, hindi ka marunong magsinungaling, e! Tignan mo nga iyang isang kamay mo, hindi mapakali," sabi ni James at napanguso sa isa kong kamay na gumagalaw ngayon. Ganito ako kapag nagsisinungaling, gumagalaw ang isa kong kamay kaya madali lang nilang malalaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Napayuko nalang ako at hindi nakasagot kay James. Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga ngayon. "Ang martyr mo talaga kahit kailan, April. Si kuya pa rin ba?" seryoso niyang sabi. Napatingin ako kay James ulit ngayon. Hinay-hinay akong tumango at malungkot na ngumiti sa kanya. "Yes, James. Si Juctril pa rin ang mahal ko hanggang ngayon at hindi na mababago iyon," mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD