THE UNWANTED WIFE
EDITED VERSION
KABANATA 1 (THE UNWANTED WIFE, APRIL)
APRIL'S POV.
“Kams, what happened to your face?! Baket namumula ‘yan? Don’t tell me gawa na naman iyan ng iyong asawa.” Sabi ng aking kambal na si Josie nang makalapit siya sa akin upang tignan ang aking mukha.
I have a twin sister, but we are not identical. We are both teachers here at Cuaventio Academy. I never thought Josie would see the bruise I was hiding on my face.
Ngumiti ako sa kanya at pumunta na sa aking table.
“Okay lang ako, kams. Clumsy lang ako masyado kasi nadapa ako kaya nakuha ko ang ganito sa aking mukha.” Pagpapalusot ko sa aking kambal at maliit na ngumiti.
Umirap siya sa akin na parang hindi naniniwala sa aking alibi at lumapit sa aking table.
“You know what, April, you won’t fool me. I am your twin, and we are together even though we are still in the womb of our mother. So, your alibi will not work on me.” Malditang sabi ni Josie.
Mahina akong napatawa at napailing. Bakit ko ba naisip na magsinungaling sa kakambal ko?
“Okay lang talaga ako, Josie. Kasalanan ko din naman kaya ako nagkakaganito.”
“Ayan ka na naman! Bakit ba palagi mo nalang pinagtatanggol ang lalaking ‘yun! Alam mo, gustong-gusto ko ‘yan si Juctril noong high school pa tayo para sa iyo, at botong boto ako sa relasyon niyo. Pero ngayon, pwe! ‘Yan lang talaga ng masasabi ko.” Gigil na sabi ni Josie at inirapan ako.
Kung artista lang sana ang asawa ko ngayon, si Josie ang leader ng anti Jucril at ang number one basher nito.
Alam ko naman na hindi tama ang ginagawa niyang pananakit sa akin. Pero kasalanan ko naman iyon, kasalanan ko kung bakit siya naging ganito.
Hindi ko nalang sinagot si Josie at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Nagpaalam na rin siya sa akin nang tumunog na ang bell, papasok pa siya sa kanyang class. Pumunta na rin ako sa aking class at nag focus nalang sa pagtuturo. Nang mag lunch break ay bumalik na si Josie sa faculty room at lumapit sa akin.
“Kams, punta daw tayo sa bagong bukas na restaurant ni Hannah sabi ni Cristy.” Nakangiti niyang sabi.
“Sige,” aking sagot.
Ayaw sana ni Juctril na magtrabaho ako at gusto niyang nasa bahay lang ako palagi. Pero pinilit ko siya kahit na ayaw niya pa rin na pumayag. Kung nasa balay lang naman ako ay wala akong magagawa roon, at paulit-ulit lang ang aking gagawin. Gusto ko na kahit ilang oras lang ay maging Malaya ako at malayo sa mga problema kong dinadala palagi. Masayang masaya ako habang nagtuturo sa mga bata at nawawala talaga ang mga iniisip ko kapag nagtuturo ako. Walang nagawa si Juctril kundi pagbigyan ako sa aking gusto pati na rin ang aking mga parents.
Gusto nang mga parents ko na mag trabaho ako sa kompanya pero hindi ako pumayag. Hindi ako magaling doon at hindi ko gusto ang ganun. Kaya wala rin silang nagawa kundi pagbigyan ako sa aking gusto na trabaho, pati ang aking kakambal na si Josie.
“April, what happened to your face?!” tanong ni Gellie nang makarating kami ni Josie sa restaurant ni Hannah.
Napaiwas ako nang tingin sa aking mga kaibigan at maliit silang tinignan.
“Wala, nadulas lang ako habang nag lilinis ako sa CR sa kwarto namin noong mga nakaraang araw.” Sabi ko sa kanila.
Hanggang ngayon ay nakatitig parin si Gellie sa akin na parang hindi naniniwala sa aking sinasabi ngayon. Alam niya ang nangyayari sa aking buhay, siya lang ang nakakaalam sa aking sekreto maliban kay Josie.
Tinignan ni Gellie si Josie at nakita kong tumango ang aking kakambal at umismid. Kaya hindi na nagtanong ulit si Gellie na parang na gets na kung ano ang nangyari.
“Ang tanga mo talaga kahit kailan, April!” sabi ni Hannah.
Maliit ko lang itong nginitian at umupo sa tabi nang isa pa namin na kaibigan na si Cristy.
“Sinabi mo pa! Siya na ata ang pinakatangang babae na nakilala ko!” sabi ni Josie at inirapan ako.
Alam kong may iba pa siyang pinapahiwatig sa kanyang sinabi ngayon. Ramdam ko pa rin na galit si Kams sa nangyari sa akin at sa nangyayari sa aking buhay ngayon. Inaamin ko, tanga talaga akong babae. Ako na ang pinakatangang babae sa buong Pilipinas. Hinahayaan ko nalang na sinasaktan ako nang emosyonal at kung magalit pa nang sobra ang asawa ko ay sasaktan niya ako pisikal. Kaya galit na galit sa akin ngayon si Josie.
Gusto na niya na makipaghiwalay ako sa aking asawa, pero ayaw ko.
Mahal ko si Juctril at Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Titiisin ko lahat nang sakit na binibigay niya sa akin at ibibigay niya pa sa akin para mapatawad niya lang ako, at mahalin ulit kagaya noong kami pang dalawa.
Pagkatapos akong pag-usapan nang aking mga kaibigan ay masaya na kaming kumain sa bagong restaurant sa aking kaibigan na si Hannah at nag-uusap kami ngayong magkakaibigan sa nalalapit nitong kasal.
Hindi ko namalayan na napasarap pala ang pag-uusap namin sa aking mga kaibigan at napagtanto na 10 PM na pala.
Kinakabahan ako ngayon at baka gising pa si Juctril, baka mapagalit niya ako.
Ayaw na ayaw niya na na la-late ako nang uwi galing paaralan. Kung kailangan ko naman talaga mag pa late kagaya nang kapag may meeting kami ay dapat muna akong magpaalam sa kanya upang payagan niya ako.
Nang makauwi ako sa bahay at na park ko na ang aking kotse ay lumabas na ako. Huminga muna ako nang malalim at nagdasal muna na tulog na si Juctril bago pumasok sa loob ng aming bahay.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na madilim na ang paligid at— natigilan ako nang bigla nalang umilaw ang paligid.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking asawa na nakasandal sa may pader habang nakahalukipkip at malamig na nakatingin sa akin ngayon. Nakasuot na siya nang kanyang pantulog na pajama at white sando.
“J-Juctril,” banggit ko sa kanyang pangalan habang kinakabahan parin hanggang ngayon.
“Bakit ngayon ka lang?” malamig niyang tanong sa akin.
Napalunok ako sa aking laway. Ayokong magalit ulit siya sa akin.
“April, tinatanong kita. Sabi ko bakit ngayon kalang?” ulit niyang tanong sa akin.
Malakas ang t***k nang aking puso ngayon. Pinagpapawisan na din ako.
“A-AH… kasi, ano…” sa aking kaba ngayon ay nahihirapan na akong magsalita.
Nakita ko ang pag-igting nang kanyang mga panga at matalim niyang tingin sa akin ngayon.
“Kasi, ano?! Nakikipaglandian ka na naman ba sa ibang lalaki, April?! Sino na naman ‘yan, ah. Iyon bang kasama mo sa faculty niyo, o ‘yung doctor?! Hindi ka ba talaga makontento sa isa, April?! Kailangan ka ba magbabago, kasal na tayo! Itigil mo na iyang kalandian mo.” Galit niyang sigaw habang namumula na ang mukhang nakatingin sa akin ngayon.
Napakagat ako sa aking labi upang hindi sana mapaiyak ulit kapag pinagsasabihan ako nang ganito ni Juctril, pero hindi ko mapigilang mapaiyak. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tingin sa akin ni Juctril, malandi at hindi ma kontento sa isang lalaki.
Naintindihan ko naman siya kung bakit siya ganito sa akin ngayon. Pero kailan pa ba mawawala ito? Ginawa ko naman ang lahat para lang maipakita sa kanya na nagsisisi na ako sa lahat nang aking ginawa.
“Juct, nagkakamali ka. Hindi ko gagawin ‘yan sa’yo, ikaw lang ang mahal ko. Sumama lang ako sa mga kaibigan ko ngayon at nakalimutan kong sabihin sa’yo. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo.”
“Liar! Kailan mo ba ititig ‘yang pagsisinungaling mo, April?! Kasi ako, sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo sa akin.” Gali niyang sabi at mahigpit na hinawakan ang aking balikat.
Napakagat ako sa aking labi at naramdaman ko nalang na nahihirapan ako sa aking pag hinga ngayon.
“Masakit,” mahina kong sabi.
Itigil mo na ito, Juct. Hindi ko na kaya, please.
“Masakit? Marunong ka palang masaktan, ah.” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa aking balikat at hinila ako papunta sa may couch at tinulak ako pahiga doon. Pumatong sa akin si Juctril at hinawakan nang mahigpit ang aking panga.
Napahikbi naman ako sa kanyang ginagawa sa akin ngayon.
“Tama na, Juctril, please… sorry na.” mahina kong sabi habang patuloy parin sa aking pag iyak.
Nahihilo na ako ngayon at nahihirapan parin sa aking paghinga.
Masyadong malapit ang mga mukha namin ngayon kaya kitang-kita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko mapigilang masaktan nang makita ko ang mga halo-halong emosyon sa kanyang mga mata.
Ang lungkot, puot, galit, at iba pa.
Tumawa nang malakas si Juctril at tinignan ako nang malamig.
“Tama na? Noon ba, tumigil ka ba noong sinabi ko na tama na? diba hindi, kaya huwag kang mag magaling!”
Umikot bigla ang aking paningin at napapikit. Hindi ko na masyadong naintindihan ang kanyang mga sinasabi ngayon kasi nahihirapan na talaga ako sa aking pag hinga ngayon.
“Huwag mo akong madala dala sa paiyak-iyak mo, April! Hinding-hindi na ako magpapaloko jan!”
Napahawak ako nang mahigpit sa kanyang balikat habang naninikip pa rin ang aking dibdib ngayon.
Natigilan siya at takang napatingin sa akin.
“Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya at napahawak sa aking balikat.
Magsasalita na sana ako nang bigla nalang ako nahilo at napapikit.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Juctril sa aking pisngi.
“April! Gumising ka!”
“APRIL!”
Huli kong narinig galing kay Juctril nang mawalan ako nang malay at hindi ko na alam ang susunod na nangyari sa akin.