Zion's POV
"Aubreeeey!" Malakas na tawag ko habang naglalakad ako sa tinuro ng guard ngunit hindi ko naman siya mahanap hanap kaya inisip ko na lamang na baka sumakay na siya ng taxi para umuwi ng aming condo kaya bumalik ako sa aking opisina at kinuha ko ang susi ng aking sasakyan.
"Babe, saan ka pupunta?" Tawag sa akin ni Margaret at napakunot ang aking noo.
"Umuwi ka na Margaret, sinabi ko na sa iyo na kasal na ako at hindi na tayo pwede." Sambit ko sa kaniya at akmang tatakbo na ako papuntang elevator ng pigilan nya ako sa aking braso.
"Babe, pabayaan mo na siya. Ako ang mahal mo, pinikot ka lang nya kaya pwede kang mag file ng annulment." Turan pa nyang muli sa akin.
"Hindi ko pwedeng gawin sa kanya yon." Mahina kong wika sa kaniya na ikinagalit nya.
"Bakit Zion ha, umamin ka nga sa akin, mahal mo ba ang babaeng yon ha? Nuon ko pa napapansin na kapag nasa mansion ninyo siya ay panay ang pasimple mong titig sa kaniya. May gusto ka ba sa kaniya ha?" Galit na galit nyang asik sa akin.
"Tumahimik ka Margaret. Wala ako sa mood makipag talo sa iyo, hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko ngayon kaya kailangan ko siyang hanapin." Galit kong balik sa kaniya dahil nag aalala na ako ng sobra.
"No! Dito ka lang dahil hindi pa tayo tapos mag usap. Yung phone mo, minsang naiwan mo yang nakabukas habang naliligo ka, may mga nakita akong larawan ni Aubrey sa phone mo, mga nakaw na kuha mo. Walang hiya ka." Bulyaw nya sa akin habang galit na galit ang kanyang anyo na tila ba gusto ng magwala at isang sampal ang dumapo sa aking mukha.
"Tumahimik ka Margaret baka mapikon ako sa iyo. Umuwi ka na at kailangan ako ngayon ng asawa ko." Asik ko sa kaniya at hindi ko pinansin ang pagkakasampal nya sa akin dahil sa sobrang pag aalala ko para sa aking asawa. Aalis na lamang ako ulit ng muli nyang hawakan ang aking braso at nagsalita siya.
"Kaya ba sa tuwing sasabihin ko sa iyo kung gaano kita kamahal ay ngiti lamang ang itinutugon mo sa akin dahil nuon pa man ay si Aubrey na ang gusto mo? Si Aubrey lamang ang laman ng puso mo? Ginawa mo lang ba akong panakip butas katulad kung paano ako paringgan ng iyong kapatid ha? Kapag magkasama sila Zoran at Aubrey ay nakikita ko ang matatalim mong titig sa iyong kapatid. Nuon ay binabale wala ko lamang yon ngunit ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. In love kayong magkapatid kay Aubrey." Umiiyak nyang wika sa akin, hindi ko alam pero tanging awa lamang ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.
"I have to go Margaret, kailangan ako ngayon ng aking asawa, baka kung saan na napunta yon." Wika ko sabay alis ng kaniyang kamay na nakakapit sa akin ngunit mas hinigpitan nya pa ito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Pareho kayong tangang magkapatid na umiibig sa isang alila." Wika nya na ikinapanting ng aking tainga at piniga ko ang kaniyang kamay na humahawak sa akin kaya agad nya akong nabitawan. Bakas sa kaniyang mukha ang sakit na idinulot nito sa kanya.
"Umalis ka na Margaret at baka makalimutan kong babae ka ay kung ano pa ang magawa ko sa iyo." wika ko habang nagtitimpi ako ng galit na aking nararamdaman.
Mabibining hagulgol ang kaniyang pinakawalan, ngunit binale wala ko lamang ito dahil ang importante sa akin ngayon ay ang mahanap ko si Aubrey.
Pagkapasok ko ng aking sasakyan ay pinasibad ko agad ito at mabilis na tinungo ang aming Condo.
"Aubrey!" Tawag ko sa kaniyang pangalan habang pumapasok ako sa loob ng condo.
Mabilis kong naakyat ang kaniyang silid ngunit walang bakas na Aubrey akong nadatnan kaya mas lalo akong nag aalala ng bigla kong marinig ang malalakas na kulog at kidlat kaya napasilip ako sa bintana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Fuuuuuck, Aubrey nasaan ka ba?" Wika ko sa aking sarili. Agad akong kumuha ng payong at bumalik sa aking sasakyan, pupunta muna ako sa mansion ng aking mga magulang at baka duon umuwi si Aubrey o kaya ay sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Hindi rin nagtagal ay nakarating ako sa mansion at gulat na gulat na mukha ng aking ina ang sumalubong sa akin.
"Zion, napadaan ka, kasama mo ba si Aubrey?" Wika nya na ikinagulat ko kaya napamura ako.
"Tang-na." Sambit ko ng hindi ko namamalayan dahil mas lalo akong nakaramdam ng pagkabahala at takot dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang aking asawa.
"Zion ano ba ang nangyayari ha?" Naguguluhang ani ng aking ina at siyang dating naman ng ina ni Aubrey na may bitbit pang malaking payong na tila ba galing sa kanilang bahay.
"Hijo kasama mo ba si Aubrey, namimiss na namin ang batang yon, hindi pa kasi nya kami nadadalaw man lamang." Nakangiting wika naman ng nanay ni Aubrey sa akin.
"Ah eh hindi po, Nasa bahay po kasi siya at nagpapahinga." Pagsisinungaling ko sa kanila at tumingin ako sa ibang direksyon upang hindi nila mahalatang nagsisinungaling lamang ako.
"Ah ganoon ba, paki sabi naman na dalawin niya kami at namimiss na namin siya. Hinahanap hanap na rin siya ng kaniyang lola." Wika pang muli ng kaniyang ina. "Sige po, makakarating po nanay. Sige po at aalis na ako, naghihintay po kasi sa bahay ang aking asawa." Sambit ko naman at humalik na ako sa aking ina.
"Aalis ka na agad?" Gulat nyang turan sa akin. "Malakas po ang ulan walang kasama si Aubrey." Muli ay pag sisinungaling ko at agad na akong lumabas ng pintuan at hindi na hinintay pang sumagot ang aking ina.
Habang nagmamaneho ako ay puno ng pagkabahala ang aking isip, kanina pa ako nag aalala kung saan na napunta ang aking asawa.
"Shiiiiiiiiit! Aubrey, nasaan ka ba?" Wika ko sa aking sarili. Nakakaramdam na ako ng takot dahil hindi ko alam kung saan ko ba hahanapin si Aubrey.
Bumalik ako sa aming condo upang tignang muli kung nakauwi na ba siya ngunit bigo pa rin ako kaya muli akong nagmaneho kahit napakalakas na ng ulan.
Babalik ako sa aking opisina upang kausapin ang guard kung saang gawi ba talaga nagtatatakbo si Aubrey kaya muli kong pinasibad ang aking sasakyan patungo sa ZMS Building.
"Sir duon po siya nagtatakbo, hahabulin ko nga po sana dahil umiiyak ang inyong asawa kaya lamang po ay hindi pa nakababalik ang kasamahan ko kanina na nag lunch." Wika nya kaya agad kong kinuha ang payong at nagsimula na akong lumakad.
"Kumuha ka ng payong at sumunod ka sa akin. Hahanapin natin ang asawa ko." Utos ko sa kaniya at nauna na akong maglakad lakad upang hanapin ang aking asawa. Malayo na ang aking nararating ngunit kahit saan ako mapatingin ay wala akong Aubrey na makita, bawat fast food chain na madaanan ko at convenience store at pinapasok ko dahil nagbabakasakali akong nagpapalipas ito ng malakas na ulan ngunit bigo pa rin ako.
"Aubreeeeey!" Tawag ko ngunit wala namang sumasagot.
Malayo na ang nararating namin ngunit hindi ko pa rin makita kita ang aking asawa kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot na baka may nangyari na dito na hindi maganda. Hinding jindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon ngang may nangyaring masama sa kaniya.
"Sir malayo na po nararating natin, bumalik na po tayo at sobrang lakas po ng ulan. Baka naman po umuwi na sa inyong bahay si ma'am. " Wika sa akin ng guard na kasama ko, ngunit hindi ko siya pinansin at patuloy ko lamang tinatawag ang pangalan ng aking asawa.
"Aubreeeeey!" Muli ay malakas kong sigaw ngunit wala pa rin, hindi ko pa rin makita ang aking asawa kaya nagpasya na ako na irereport ko na ito sa munisipyo upang matulungan nila akong hanapin ang aking asawa.
"Bumalik na tayo, hihingi na ako ng tulong sa mga pulis." Wika ko sa aking guard dahil sobra sobra na akong nag aalala sa kaniya.
Pabalik na sana kami ng mapatingin ako sa isang waiting shed at nagulat ako ng may nakita akong babaeng nakahiga sa upuan na basang basa at bakat na bakat ang katawan sa basa nyang kasuotan at kahit nakatalikod pa ito ay kilalang kilala ko ang aking asawa kaya agad akong napatakbo sa waiting shed na ikinagulat ng aking guard.
"Aubrey baby?" Halos inisang hakbang ko lamang ang patungong waiting shed at agad kong hinawakan si Aubrey at nagulat ako ng maramdaman kong nagbabaga ang katawan nya sa sobrang taas ng kanyang lagnat kaya agad kong hinubad ang suot suot kong coat at ibinalot ito sa kaniyang katawan at pagkatapos ay binuhat ko ito.
"Itawag mo ako ng taxi bilisan mo." Utos ko sa aking guard at agad din siyang naghintay na may mapadaang taxi, hindi rin nagtagal ay may huminto din sa aming tapat at mabilis akong nakasakay dito at nagpahatid sa aking condo. "Baby, wake up!" Tawag ko sa kaniya habang tila ba naiiyak na ako. "Baby, please wake up please." Wika ko pang muli sabay halik sa kaniyang labi. "Sir nandito na po tayo." Pagkawika ng driver ng taxi ay agad ko siyang inabutan ng isang libo at hindi ko na kinuha pa ang sukli.
"Keep the change." Wika ko sabay labas ng taxi at muli kong binuhat ang aking asawa. "Naku sir, maraming salamat po." Wika nya na hindi ko na pinansin at nagmamadali akong pumasok sa loob ng building at pumasok sa nakabukas na elevator.
Agad ko siyang inihiga sa kama sa kaniyang silid at pagkatapos ay binihisan ko siya kahit wala siyang malay tao.
"Nanginginig ang buo kong katawan habang nararamdaman ko ang malambot nyang balat sa aking mga kamay kaya't pilit kong pinaglalabanan ang init ng katawan na aking nararamdaman para sa aking asawa.
Matapos ko siyang mabihisan ay agad ko siyang binalot ng blanket at pinunasan ng bimpo sa kaniyang mukha.
"Hey, wake up! Please wake up," Pabulong kong wika sa kaniya.
Dumilat ang kaniyang mga mata kaya agad akong kumuha ng gamot at tubig upang mapainom ko siya.
"Please drink this. Nilalagnat ka at makabubuti ito para bumaba na agad ang iyong lagnat." Sambit ko sa kaniya habang matamlay lamang siyang nakatingin sa akin ngunit nagpapasalamat pa rin ako na tinanggap nya ang gamot at pagkatapos ay nakatulog siyang muli kaya pinatay ko na ang ilaw at isinara ng bahagya ang kaniyang pintuan at iniwan ko na siya sa kaniyang silid upang makapag pahinga na siya ng maayos. Galit na galit ako sa aking sarili, paano kung hindi ko agad siya nahanap at may ibang mga masasamang tao ang nakakita sa kaniya, baka kung ano na lamang ang gawin nilang hindi maganda sa aking asawa, baka ikapahamak pa nya ito ng dahil sa akin. Kung nagkataon ay hinding hindi ko mapatawad ang aking sarili. Pumunta ako ng kusina at naghanap ako ng mailuluto ko para sa kaniya. Nakakita ako ng elbow macaroni at ibang gulay sa refrigerator kaya napag pasyahan ko na lamang na magluto ng sopas para pag nagising siya ay makakain na agad siya.
mabilis kong inilabas sa refrigerator ang lahat ng rekado at matyaga kong pinag hihiwa ang lahat ng ito at pagkatapos ay sinimulan ko ang pagluluto ko para sa aking asawa. Sana ay magustuhan nya ito, kaylanman ay hindi ako nag aaksaya ng oras ko para ipagluto lamang ang isang babae, kay Aubrey ko lamang ito ginawa.
Umakyat ako sa itaas at muling sumilip sa kaniyang silid ngunit tulog pa rin ito kaya bumaba akong muli upang tignan ang aking niluluto. Nang makaluto ako ay agad kong tinikman ang lasa at napangiti ako sa naging resulta nito. Tamang tama siguradong magugustuhan ito ni Aubrey mamaya.
Umakyat na ako sa aking silid at naligo na ako dahil nararamdaman ko na ang lamig sa aking katawan at pagkatposong maligo ay lumabasong muli at sinilip kung gising na ba siya ngunit tulog pa din ito kaya't marahan akong pumasok sa loob at sinalat-salat ang kaniyang noo at nakahinga ako ng maluwag na maramdaman na bumababa na ang kaniyang lagnat, kaya't muli akong nagbalik sa aking silid at marahil sa sobrang pagod na rin ay tuluyan na akong nakatulog.