Episode 10-

2006 Words
Zion's POV Isang linggo ng mahigit mula ng mangyari ang tagpong dinatnan ni Aubrey sa aking opisina, hindi naman siya nagtanong at hindi na rin ako nagpaliwanag pa sa kaniya kahit na sa sulok ng aking isipan ay gusto kong sabihin sa kaniya na si Margaret ang biglang umupo sa aking kandungan at pilit hinuhubad ang kaniyang pang itaas na pinipigilan ko naman at yun ang tagpong kanyang inabutan. Simula ng mangyari yon ay kapansin pansin ang pananahimik niya at hindi na rin niya ako kinukulit pa sa mga bagay bagay kaya naninibago ako dahil tila ba nasanay na ako na pag gising ko ng umaga ay may isang Aubrey na nagluluto at nag gogoodmorning sa akin at kinukulit akong kumain hanggang sa mainis ako. Nagluluto pa rin naman siya ngunit hindi na ito tulad ng dati na aantayin nya ako sa kusina upang ayain nya akong kumain. Pag gising ko ay may pagkain na sa lamesa habang siya naman ay nagkukulong naman sa kaniyang silid at tila ba lalabas na lang kapag pumasok na ako sa opisina dahil pag uwi ko sa hapon ay malinis na ang buong bahay at may panibagong pagkaing bagong luto sa lamesa habang siya naman ay muling nagkukulong sa kaniyang silid. Ngunit tulad pa rin ng dati ay hindi ko kinakain ang pagkaing hinahain nya para sa akin, hinahayaan ko lamang ito at siya na rin ang kusang nagliligpit nito at pagkatapos ay magdadala siya ng pagkain sa kaniyang silid upang duon kumain. Tawag sa telepono ang pumukaw sa aking malalim na pag iisip at napakunot ang aking noo ng makita kong ang pangalan ng aking kapatid ang naka rehistro sa caller id kaya agad ko din itong sinagot. "Buhay ka pa pala. Akala ko hindi mo na kami kilala. Tagal mo ding hindi nagparamdam sa amin ah." Wika ko sa nasa kabilang linya. "Kuya Zion busy lang sa trabaho. Kamusta na kayo dyan? Si Aubrey kamusta na siya, inaalagaan mo bang mabuti ang iyong asawa? Tandaan mo kuya ang sinabi ko sa iyo nuon, hindi ako nagbibiro." Tugon naman nya at napangiwi ako bago ako sumagot. "Okay lang kaming dalawa, huwag kang mag alala Zoran dahil masaya ang asawa ko sa akin. Masaya kaming nag sasama ni Aubrey." Pag sisinungaling ko sa kaniya at pagkatapos ay nanahimik siya ng ilang minuto bago muling nagsalita. "Bukas ay babalik na ulit ako ng America, napatawag lang talaga ako sa iyo para mangumusta. Alagaan mo siyang mabuti kuya, huwag mo siyang pababayaan. Sige na kuya at magpapahinga na ako dahil maaga pa ang aking flight bukas." Wika nya at agad na tinapos ang aming pag uusap. Alam kong hanggang ngayon ay mahal nya ang asawa ko, pero asawa ko na si Aubrey at hindi ako papayag na pumagitna siya sa aming dalawa. Nahiga ako sa aking malapad na kama at ipinikit ang aking mga mata, kailangan ko pang gumising ng maaga dahil sa dami ng trabahong naka antabay sa akin sa aking opisina. Kinabukasan ay gising na ako ng alas singko pa lamang ng umaga. Bumaba ako upang gumawa ng kape ngunit laking gulat ko ng abutan ko si Aubrey na nagluluto ng agahan at mas lalo akong nagulat ng makita ko ang kaniyang kasuotan, isang manipis na pantulog lamang at wala siyang panloob na bra kaya malinaw kong naaaninag ang kaniyang kabuuan. Napatingin ako sa kaniyang pang ibaba at nakasuot lamang ito ng isang maigsing shorts na sobrang nipis din kaya tila ba ako itinulos sa kinatatayuan ko ng bigla siyang mapalingon sa akin at bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan. Napatingin ako sa niluluto nyang pritong itlog na iniwan niya at ang kalan na nakabukas pa kaya agad ko itong pinatay at pagkatapos ay umakyat din agad ako ng aking silid. Pagkasara ko ng aking pintuan ay napaupo ako sa sofa ng biglang lumitaw sa aking balintataw ang napaka gandang hubog ng katawan ng aking asawa. Agad kong ipinilig ang aking ulo ng paulit ulit at pagkatapos ay mabilis kong tinungo ang aking banyo at isa isang hinubad ang aking kasuotan. Napatitig ako sa nag uumigting kong pagkalalàke na ginising ni Aubrey kaya agad kong binuksan ang dutsa at hinayaang dumaloy sa aking katawan ang napakalamig na tubig na nagmumula dito ubang maibsan ang init na aking nararamdaman. Pagkatapos kong maligo ay agad na din akong nagbihis ng aking suit at pagkatapos ay mabilis na akong lumabas ng aking silid at handa na akong pumasok sa aking opisina. "Uhm hindi ka ba kakain?" Sa unang pagkakataon matapos ang insidente sa aking opisina ay kinausap nya akong muli ngunit tulad ng dati ay tinignan ko lamang ito at pagkatapos ay lumakad na ako papalabas ng aming tahanan. "Zion." Tawag nya sa aking pangalan kaya napahinto ako ngunit hindi ako humaharap sa kaniya at naghihintay lamang ako ng kaniyang sasabihin. "Mahal mo ba si Margaret?" Tanong nya sa akin na ikinagulat ko ngunit hindi ako nagpahalata kaya't agad kong sinagot ito. "Wala kang karapatang tanungin ako ng kahit na ano lalong lalo na kung sino ang aking mahal Aubrey, baka nakakalimutan mo kung sino sana ang babaeng pakakasalan ko bago mo ako pikutin." Wika ko sa kaniya ng walang kagatol gatol kahit labag man sa aking kalooban ang aking sinagot sa kaniya, alam kong nasasaktan siya ngunit mas masakit ang ginawa niya sa akin dahil pinangunahan nya ako at nagpaka desperada siya ng ginawa nya ang kaniyang plano nuong gabing iyon. Narinig ko ang kaniyang paghikbi kaya napakuyom ang aking kamao dahil aminin ko man o hindi ay nasasaktan akong makita siyang umiiyak. Muli na sa akong hahakbang palabas ng pinto ng muli itong magsalita at halos tumigil ang mundo ko dahil hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot sa kaniya. "A-ako ba kahit papaano ba ay nagka puwang ba ako sa puso mo? Kahit minsan ba ay nakaramdam ka ng pagmamahal sa akin o puro pagkasuklam lamang ang kaya mong ibigay? Gusto kong malaman Zion kung kahit kaunti ba ay nagkaroon ako ng pag asa dyan sa puso mo? Kahit ga tuldok lang ay panghahawakan ko ito upang mapanatili ko ang aking sarili sa bahay na ito" Tanong nya na mas lalo kong ikinagulat ngunit nagawa ko pa ring magpakatatag dahil ayokong makita nya na naaapektuhan ako sa mga nangyayari. "Hindi ka pa ba napapagod ha Aubrey? Hindi ka pa ba nagsasawa? Sinira mo ang buhay ko Aubrey kaya wala kang karapatang tanungin ako kung mahal ba kita dahil masasaktan ka lamang sa isasagot ko sa iyo. Kaya kung maaari lamang ay manahimik ka na o kaya ay maglahong parang bula ka na lang sa aking buhay." Litanya ko sa kaniya at nagsimula na akong muli sa aking paglalakad, gusto kong magalit sa sarili ko sapagkat ng dahil sa akin ay umiiyak na naman ang aking asawa. "Mahal na mahal kita Zion kaya ginawa ko ang lahat mapasa akin ka lamang. Alam kong mali pero wala na talaga akong maisip na paraan pa dahil natatakot ako ng sobra sa isiping ikakasal ka na sa iba. Pakiramdam ko ay ikamamatay kong makita kang ikakasal sa iba. Hindi ko kayang makita kang kapiling ng iba Zion kaya ko nagawang pikutin ka. Patawarin mo sana ako kung sa tingin mo ay nasira ko ang buhay ninyo ni Margaret. Ginawa ko lamang ang inaakala kong magpapasaya sa akin, ngunit naagkamali ako. Ngunit huwag kang mag alala, mapapagod din ang puso kong maghintay at isang araw ay matutupad ang lahat ng iyong kahilingan." Umiiyak nyang turan sa akin kaya nabitawan ko ang hawak kong bag at galit ko siyang hinarap. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang braso at galit na sinumbatan ko ang aking asawa. "Mahal? Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin na mahal mo ako kaya mo nagawang pikutin ako. Makasarili ang klase ng pagmamahal mo Aubrey. Hinding hindi kita mapapatawad sa kapangahasan mo. Huwag kang mag alala dahil antayin ko ang araw na ikaw mismo ang aalis sa buhay ko, ang araw na mapapagod ka na. Sa tuwing nakikita kita ay kumukulo ang dugo ko. Sinira mo ang buhay ko Aubrey, SINIRA MO." Malakas at galit na galit kong wika sa kaniya na ikinahagulgol niya at pagkatapos ay pabalagbag kong binitawan ang kaniyang braso at dinampot ko ang aking bag at saka ako tuluyang lumabas ng pintuan. Alam kong nasaktan ko siya sa mga binitawan kong salita ngunit dala lamang iyon ng matindi kong galit. Naririnig ko pa ang kaniyang pagtangis ngunit binale wala ko na lamang ito at tuloy tuloy na akong lumabas ng aming tahanan kahit pakiramdam ko ay gusto kong bumalik sa loob upang yakapin ng mahigpit ang aking asawa. Habang nakaharap ako sa aking laptop ay hindi maalis sa aking isipan ang binitawang salita sa akin ni Aubrey, aaminin kong may malaking takot akong nararamdaman ng sinabi nya sa aking ang mga katagang sa totoo lamang ay ayokong marinig. "Ngunit huwag kang mag alala, mapapagod din ang puso kong maghintay, at isang araw ay matutupad ang lahat ng iyong kahilingan." s**t Aubrey, para na akong nababaliw. Hindi ako makapag concentrate sa aking ginagawa dahil binabagabag ako ng kaniyang mga sinabi. Nakaramdam ako ng takot na baka isang araw pag gising ko ay wala na siya sa buhay ko. Napayuko ako at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha kaya agad ko din itong pinunasan ng biglang tumunog ang aking telepono kaya napatingin ako dito. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot. "Bro napatawag ka?" Ani ko sa kabilang linya. "Natanggap ko ang chat mo gago." Wika naman ni Luke kaya naalala kong nag chat nga pala ako sa kaniya tungkol sa sinabi sa akin ni Aubrey. "Huwag kang gago pare, kay tagal mong hinintay ang pagkakataong ito ngayong nasa kamay mo na ay kapatid mo pa rin ang iniintindi mo?" Ani nya sa akin kaya napabuntong hininga akong muli. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya dahil tama naman siya pero ayoko ring masaktan ang kapatid ko. "Bakit mo ba sya pinakasalan ha? Ano dahilan mo? Ikaw na rin ang nagsabi na siya na ang kusang umaatras sa inyong kasal at maging ang iyong kapatid ay handang pakasalan si Aubrey. bakit hindi mo na lang sila hinayaan kung talagang kapatid mo ang iniisip mo?" Mahaba nyang wika sa akin. "What? NO!" Agad kong ani sa kaniya at isang malakas na tawa ang pinakawalan niya sa kabilang linya "Ayusin mo yang buhay mo gago, bago pa mahuli ang lahat at pagsisihan mo yang ginagawa mo. Timbangin mo yang sarili mo kung ano ba ang mas pinaka mahalaga sa iyo, ang kapatid mo o ang taong kay tagal mong hinintay na maging sa iyo. Hawak hawak mo na pare, kasa kasama mo na, ikaw na lamang ang hinihintay nya. Yung sinabi nya sa iyo kanina ay isa ng palatandaan na hindi ka niya hihintayin habang buhay kaya mag isip-isp ka bago pa mahuli ang lahat. Tandaan mo na wala sa simula ang pagsisisi, lagi itong nasa huli." Litanya pang muli ng aking kaibigan kaya napasandal na lamang ako sa aking upuan at hinilot-hilot ko ang aking sintido. "Salamat bro, hayaan mo at pag iisipan ko ito." Ani ko at tuluan na naming tinapos ang aming pag uusap. Lalong gumugulo ang aking isipan at idagdag mo pa ang mga sinabi sa akin ni Luke sa akin. Okupado na ni Aubrey ang buong araw ko dahil hindi siya nawala sa aking isipan, wala man lamang akong nagawa sa aking opisina kung hindi isipin kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. napakalaking gago ko dahil sinasaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko. Bakit hindi ko masabi sa kaniya ang tunay na niloob ko? Bakit puro na lamang kapakanan ng aking kapatid ang nasa utak ko? Hindi ko na alam ang aking gagawin, masyado na akong nagiging tanga sa mga ginagawa ko. Tama si Luke, kailangan kong pag isipan ang lahat at baka pagsisihan ko lamang ang mali kong hakbang sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD