Aubrey's POV
Ilang buwan na din kaming mag asawa ni Zion at katulad ng dati ay maaga akong gumigising upang walang sawa siyang pagsilbihan katulad ngayon na maaga pa lamang ay gising na ako. Agad akong nagtungo ng kusina upang ipagluto ng agahan ang aking asawa, kahit hindi nya kinakain ang niluluto ko ay hindi pa rin ako nagsasawang gawin ang obligasyon ko bilang asawa nya.
Kumakanta kanta pa ako ng maulinigan ko ang kaniyang pagbaba sa hagdanan kaya agad akong naglagay ng plato at kubyertos, nagtimpla na din ako ng kape at inilagay ko ito sa lamesa at nakangiti kong hinintay ang kaniyang paglabas.
"Hi. Good morning." Nakangiti kong bati sa kaniya ngunit tinignan lamang niya ako ng walang ekspresyon sa kaniyang mukha habang ako naman ay hindi pa rin inaalis ang matamis na ngiti sa aking labi.
"Ahm, nagluto kasi ako ng agahan, baka gusto mong dito ka na mag breakfast bago ka pumasok sa opisina, kung ayaw mo naman kahit yung kape na lang." Masigla kong turan sa kaniya at tinignan lamang niya ako. Gayunpaman ay nananatili akong nakangiti sa kaniya kahit na ba magmukha na akong tanga ay wala naman akong pakialam, Asawa na nya ako ngayon kaya gagawin ko ang obligasyon ko bilang asawa niya kahit na ikiagalit nya pa ito.
"Hindi ako gutom, kung gusto mo ay ikaw ang kumain nyan. Baka mamaya kung ano pa ang inilagay mo diyan." Wika nya habang patuloy lamang na lumalakad papalabas ng pinto, ngunit hindi ako susuko dahil alam kong kahit galit siya sa aking ginawang pamimikot sa kaniya ay namamahay pa rin sa kaniyang puso ang dating pagtingin nya sa akin nuon kahit kaibigan lamang ito.
"Zion, kahit ngayon lang." Malungkot kong wika ngunit.
"I SAID, I AM NOT FÙCKING HUNGRY." Malakas nyang bulyaw sa akin kaya nakaramdam ako ng takot kaya napasiksik ako sa isang sulok at nagsimula akong humagulgol dahil na rin sa takot na nararamdaman ko. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya, halos hindi ko maintindihan na ang kaniyang mga sinasabi dahil sa aking pag iyak lalo na ng sinipa nya ang upuan kaya pakiramdam ko ay ibang tao na ang kasama ko at pagkatapos ay lumabas na siya at pabalagbag itong isinara na gumawa ng malakas na ingay.
Napaluha ako dahil masyado nyang pinaparamdam sa akin na wala talaga akong halaga ni katiting man lamang sa kaniya. Pinunasan ko ang aking mga luha at pagkatapos ay nagsimula na akong kumain, para akong bata na humahagulgol sa pag iyak habang isinusubo ko ang pagkaing pinaghirapan kong lutuin para sa kanya. Mabilis ko lamang tinapos ang aking pag kain dahil marami pa akong gagawin dito sa bahay, maglilinis pa ako at maglalaba kaya kailangan kong kumain para magka energy naman ako.
Matapos akong kumain ay agad ko ding niligpit ang pinagkainan ko at hinugasan ito.
Walang patid ang aking mga luha habang sinasabon ko ang platong hawak hawak ko, bakit sya ganoon? Dati naman ay napaka lambing nya sa akin, sya nga ang laging nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin noon, bakit napakali ng ipinagbago mo Zion? Ganuon na ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Itinatama ko naman sana ang pagkakamaling iyon ngunit ikaw na mismo ang nagtuloy ng kasalang nangyari sa atin.
Mahirap ba akong mahalin? Kahit minsan ba ay hindi man lamang ba siya nakaramdaman ng pagmamahal para sa akin? Mali ba ang ginawa ko? Mga katanungan ng aking isip at puso na hanggang ngayon ay hindi ko masagot sagot.
Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maglaba ay nagluto ako ng kalderetang baka. Sabi kasi ni tita Moira ay paborito ito ni Zion kaya dadalan ko siya ng pagkain sa kaniyang opisina.
Matapos kong maluto ang ulam at kanin ay agad ko itong inilagay sa tupperware at pagkatapos ay umakyat ako sa aking silid at mabilis na naligo at pagkatapos ay nagsuot lamang ako ng isang simpleng bestida na hanggang itaas ng aking tuhod at isang itim na flat shoes.
Nagpaikot ikot ako sa aking malaking salamin at ng makuntento na ako sa simpleng make up at simpleng kasuotan ay agad na din akong bumaba at binitbit ang pagkaing niluto ko para sa aking asawa.
Habang nasa taxi ako ay napapangiti ako sa isiping matutuwa nito si Zion sa sorpresa ko sa kaniya.
Pinara ko ang taxi sa mismong tapat ng ZMS Airline corps Building at napatingala ako at namangha dahil sa sobrang taas nito. Kung hindi ako nagkakamali ay tila ba nasa tatlompong palapag ito.
"Wow!" Namamangha kong sambit habang nakatingala pa rin ako ng biglang may magsalita kaya nagulat ako at napatingin ako sa guard ng building.
"Good morning po ma'am, sino po ang sadya ninyo sa loob?" Wika ng guard na nakabantay sa salaming pintuan.
"Pupuntahan ko lang ang asawa ko." Nakangiti kong turan sa kaniya kaya napakamot naman ito ng kaniyang ulo.
"Eh ma'am sino po ba ang asawa nyo? Kailangan ko po kasi ng identification Card ninyo bago kayo pumasok sa loob." Mabait na turan naman ng guard kaya nagulat ako na kailangan ko pa pala ng ID para lamang makapasok ako sa loob.
"Ha? Kailangan pa ba ng ID? Naku! Kuya wala po kasi akong dalang ID dito pero tawagan nyo na lamang po ang asawa ko para siya na lang magsabi sa inyo kung sino ako." Nakangiti ko namang wika sa kaniya at napakamot siyang muli ng kaniyang ulo, bakit ba kamot siya ng kamot ng kaniyang ulo, may mali ba sa sinabi ko?
"Eh ma'am, hindi ko naman po kilala ang asawa ninyo. Saang departamento po ba siya naka assign para masabihan po namin at kailangan ko din pong malaman ang buo niyang pangalan." Kakamot-kamot ng ulo na turan nya sa akin kaya nagulat ako na hindi ko pa nga pala sinasabi sa kaniya kung sino ako at hindi rin naman nila alam na ako ang asawa ng may ari ng building na ito.
"Ay oo nga pala, naku pasensya na po kayo kuya guard ha. Zion Miguel Smith po, ako po si Aubrey Samaniego Smith." Nakangiti kong turan sa kaniya na ikinagulat nya na halos malaglag pa ang hawak-hawak niyang diyaryo kaya nag alala ako sa kaniya.
"Nakupo! Ma'am bakit naman po hindi agad kayo nagpakilala, panginoon ko huwag nyo po akong tatanggalan ng trabaho. Pasok po kayo ma'am at mainit dyan sa labas, pasok po." Natatarantang wika ni kuya guard na ikinatawa ko naman sa kaniya.
"Naku kuya guard okay lang po. Pinagluto ko po kasi ang aking asawa ng paborito nyang ulam. Kalderetang baka." Masigla kong turan ngunit natigilan ako ng makita kong tila namumutla at pinagpapawisan si kuya guard.
"Naku! Kuya guard, okay lang po ba kayo? May sakit po ba kayo?" Nag aalala kong wika sa kaniya habang siya naman ay tila ba hihimatayin na.
"Ba-baka po kasi mapatalsik ako dito ni sir kapag nalamang pinag hintay ko kayo dito sa labas." Natataranta nyang ani sa akin na ikinatawa ko.
"Naku kuya, huwag po kayong mag alala at hindi po ako mahilig mag sumbong at kasalanan ko din naman dahil hindi ako nagpakilala agad sa into." Nakangiti kong turan sa kaniya.
"Sige na po ma'am pasok na po kayo nasa ika tatlumpong palapag po ang opisina ni sir." Wika nya kaya agad din akong pumasok sa loob at tuloy-tuloy kong tinungo ang elevator.
Habang naglalakad ako ay naririnig ko pa ang ilang bulong bulungan sa aking paligid.
"Siya pala ang babaeng pumikot kay sir." Wika ng isang babae. "Desperada, pera siguro ang habol kay sir." Turan naman ng isang babae. "Ang bata-bata pa nya grabe ang landi-landi na." Bulong naman ng isa pang babae na sadyang ipinarinig sa akin ngunit hindi ko naman sila pinansin kahit hiyang hiya na ako ay nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad papasok ng elevator.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng elevator ay agad na nagtuluan ang aking mga luha. Ang sakit ng mga pananalita nila ay tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Ano ba ang alam nila? Hindi naman nila ako kilala para husgahan na lamang nila ako ng ganoon.
Nang bumukas ang elevator ay agad kong pinunasan ang aking mga luha at nakangiting lumakad papalapit sa isang cubicle na may nakaupong magandang babae.
"Miss nandyan ba si Zion?" Nakangiti kong wika sa magandang babae at tinaasan nya lamang ako ng niyang kilay at hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Sino po ba kayo miss? Sino po nagpapasok sa inyo dito, may appointment po ba kayo? Busy po kasi si sir dahil nandiyan ang kaniyang girlfriend sa loob." Pagkawika nya ay tila ba nanlambot agad ang aking mga tuhod kaya't agad akong napahawak sa table ng kausap ko upang alalayan ang aking sarili.
"Naku miss okay ka lang ba? Namumutla ka." Bigla ay nag aalala nyang turan sa akin.
"Pa-papasukin mo ako sa loob." Wika ko sa babae ngunit tila nag aalangan siya dahil hindi niya ako kilala.
"Miss papasukin mo ako." Malakas kong wika sabay nagtuluan ng aking mga luha.
"Pero miss wala ka pong appointment at bilin ni sir na walang iistorbo sa kanila ni Ma'am Margaret. Pagkarinig ko ng pangalan ni Margaret ay para ba akong unti-unting sinasaksak sa aking puso. Bakit Zion, bakit mo ginagawa ito sa akin?
"A-asawa ko si Zion." Pagkawika ko ay tila ba naestatwa ang babae sa aking harapan at tinignan akong muli.
"Ma-ma'am Aubrey?" Patanong na wika nya sabay tayo at agad na pinapasok ako sa loob ng opisina habang panay hingi nya ng paumanhin sa akin.
"Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang halos hubad na likod ni Margaret na nakakandong paharap sa aking asawa. "Zi-Zion?" Umiiyak kong tawag sa kaniya at agad siyang napatayo at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Wika nya habang si Margaret naman ay itinataas ang naka baba nyang strap ng kaniyang damit.
"I-ipinagluto ki-ta ng pa-paborito mong kaldereta, iiwan k-ko na di-dito, pa-pasensya na sa istorbo." Halos hindi ko na masabi ang mga katagang winika ko dahil tila ba may malaking bara sa aking lalamunan habang masaganang naglalandas ang mga luha sa aking mga pisngi, pagkalapag ko ng paper bag sa lamesa ay sabay talikod ko sa kanila at patakbo na akong lumabas ng pintuan habang hilam na hilam ng luha ang aking mga mata.
"Aubrey." Tawag nya sa aking pangalan ngunit hindi ko na siya nilingon pa at patakbo na akong lumabas ng kaniyang opisina. Ang gusto ko lamang ay ang makauwi ako dahil pakiramdam ko ngayon ay tila ba unti unting pinapatay ang aking puso sa aking nasaksihan.
Pagkabukas ng elevator ang lahat ng mata ay sa akin nakatingin at dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ng aking puso ay hindi ko na naiintindihan pa ang kanilang mga sinasabi at wala na din naman akong pakialam pa sa kung ano man ang kanilang mga inilalait sa akin. Wala ng sasakit pa sa tanawing aking nasaksihan kaya bale wala na sa akin ang masasakit nilang mga salita kaya tuloy tuloy lamang akong tumakbo papalabas ng building.
"Ma'am Smith?" Tawag sa akin ni kuya guard ngunit hindi ko na siya nilingon pa kaya't lakad takbo lamang ako sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Sobrang sakit na aking nararamdaman. Para akong pinapatay sa mga oras na ito kaya siguro kung masagasaan man ako ay wala na akong pakialam pa. Tuloy tuloy lamang ang ginagawa kong pag takbo hanggang sa bumuhos pa ang malakas na ulan kaya't basang-basa na ako ngunit wala pa rin akong pakialam. Mas mabuti pa yata ang mamatay na lamang ako kesa maramdaman ang kirot na nararamdaman ng aking puso. Bakit ganito ang ganti mo sa akin Zion? kaya kong tanggapin ang mga pagpapahirap mo sa akin kung yan ang gusto mo pero ang pagtaksilan mo ako ay hindi ko kayang lunukin. Bakit sinasaktan mo ako ng ganito? Zoran kung nasaan ka man pakiusap ko sa iyo magbalik ka na, kuhanin mo na ako at ilayo mo ako sa taong walang alam kung hindi ang saktan lamang ako na lubos na nagmamahal sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumatakbo lamang ako papalayo sa lugar kung saan nasaksihan ko ang kababuyan nila, naramdaman ko ang unti-unting pagbuhos ng ulan na tila ba nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko na inalintana ang malakas na ulan habang tumatakbo pa rin ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lakad takbo, sige lang Aubrey, kakayanin mo ito. Wika ng aking isipan.