Zion's POV
Nagpanting ang aking tainga ng marinig ko ang pangalang ibinulong ni Aubrey kaya sa sobrang galit ko ay bigla kong tinapakan ang preno ng aking sasakyan kaya't napasubsub na sya sa sobrang lakas ng paghinto ng nito. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman kong galit ng marinig mula sa kaniya ang pangalan ng aking kapatid. Asawa ko na sya, kasal na kami, bakity kailangan nya pang banggitin sa harapan ko ang pangalan ni Zoran?
Ngunit ang galit kong mukha ay naglaho ng makita kong dumudugo ang kanyang ulo at nakaramdam ako ng takot na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko, agad ko siyang hinawakan sa kaniyang mukha at mas matinding takot ang naramdaman ko ng makita ko siyang unti-unting pumipikit. "Du-dugo, Zion, du-dugo." Wika nya sa akin.
"Aubrey, don't close your eyes baby." Wika ko ng makita kong unti-unti ay nawawalan na sya ng ulirat.
"Aubrey baby, huwag mo akong takutin, please open your eyes baby." Wika ko ngunit unti-unti na nyang ipinipikit ang kanyang mga mata kaya takot lamang ang aking nararamdaman ng makita kong tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.
"Aubreeeeey." Sigaw ko ngunit tuluyan na siyang nawalay ng malay kaya sa sobrang pagkataranta ko ay pinasibad ko ang aking sasakyan at dumiretso na ako sa pinaka malapit na hospital.
Pagkaparada ko ay agad ko syang binuhat at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng hospital at sumisigaw lamang ako upang agad kaming asikasuhin.
"Nuuurse, tulungan nyo ako madali kayo. Iligtas ninyo ang asawa ko." Wika ko na may takot sa aking puso.
"Ano po ang nangyari sa kaniya sir? " Tanong ng isang nurse na sumalubong sa akin.
"Please help my wife, naumpog sya sa loob ng sasakyan at nagdurugo ang bahagi ng kanyang ulo, please do something, iligtas nyo asawa ko, wala akong pakialam sa gagastusin gawin nyo lang ang lahat mailigtas nyo lang siya." Natataranta kong ani at mabilis ko ng inihiga ang aking asawa sa stretcher at agad ay itinulak nila ito papasok ng emergency room.
Diyan na lamang po kayo sir hindi po kayo maaaring sumama sa loob." Pagpigil sa akin ng isang nurse ng akma akong papasok sa loob ng room kaya nakaramdam ako ng galit.
"Asawa ko ang nandyan sa loob, hindi ako mapapakali dito kung wala sya sa tabi ko ng hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya." Galit kong wika ngunit hindi pa rin nila ako hinayaang makapasok sa loob, kaya matiyaga akong nag hintay dito sa labas at naghihintay na lamang ng paglabas ng doctor.
Makaraan ng mahigit na kalahating oras ay lumabas na din ang doctor kaya agad ko itong nilapitan at kinausap.
"Doc kamusta na po ang asawa ko? Ligtas na po ba sya? Ano po ba ang nangyari at nawalan ng malay ang aking asawa?" Sunod-sunod kong tanong sa doctor na kalalabas lamang mula sa emergency room.
"Tinahi na namin ang kanyang sugat, mababaw lang naman ito at siguro ay first time syang nakakita ng dugo at sa bandang ulo pa kaya nawalan sya ng malay tao, pag gising nya mamaya ay maari na din kayong makauwi. Wala din kaming nakitang kahit na anong fracture o namuong dugo sa bahaging ulo nya kaya ligtas na siya." pahayag ng doctor na ikinaluwag ng aking paghinga.
Sobrang kaba, takot at pag aalala ang samot saring emosyong aking naramdaman ng makita ko syang nawalan ng malay kanina. Para akong natauhan sa isang pagkakamali ng makita ko itong nawalan ng malay tao.
Hindi rin nagtagal ay nagkamalay na din si Aubrey at bakas sa kaniyang mukha ang takot at gulat ng makita niyang nasa isang silid siya ng hospital.
"Zion?" Rinig kong tawag ni Aubrey sa nanginginig na boses na tila ba iiyak na kaya napatingin ako sa kanya.
"Zion, Zion?" Muli ay tawag nya na mistulang natatakot at tuluyan na ngang tumulo ang kaniyang mga luha kaya agad ako lumapit upang mawala ang kanyang takot. "I'm here." Wika ko sa kaniya habang nakatitig lamang ako sa nalilito nyang anyo.
"Na-nasaan ako? Anong nangyari?" Ani nya na naguguluhan habang umiiyak.
"Dinala kita sa hospital dahil nawalan ka ng malay. Kung sasakay ka ng sasakyan ko sa susunod ay mag seatbelt ka, idadamay mo pa ako kapag may nangyaring masama sa iyo." Inis kong turan sa kaniya na ikinalungkot ng kaniyang mukha at pagkatapos ay pinahid ang kaniyang mga luha.
"U-uwi na tayo." Wika nya na tinanguan ko lamang.
Inasikaso ko na ang dapat bayaran at pagkatapos ay umuwi rin kami agad sa aking condo.
Pagkarating namin sa condo ay nauna na akong lumakad at hinayaan ko na lamang syang sumunod habang bitbit ang kanyang mga gamit. "Dito ka sa silid na ito." Wika ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanyang mukha.
"This one is my room and you are not allowed inside." Saad kong muli at tinalikuran na sya. "Zion." Tawag nya sa akin kaya huminto ako sa pag hakbang at hinintay na lamang na magsalita siya.
"Hi-hindi ba tayo matutulog sa iisang kwarto?" Tanong nya sa akin na ikina ngisi ko.
Humarap ako sa kanya at mataman ko syang tinitigan.
"Kung iniisip mo na may mangyayari sa atin dahil kasal na tayo pwes Aubrey nagkakamali ka. Naikasal lamang tayo dahil pinikot mo ako. Iisang babae lamang ang gusto kong makasama at makasiping at hindi ikaw yun. Tandaan mo ito Aubrey, hinding hindi ka magiging masaya na kasama ako, hihintayin ko ang araw na ikaw mismo ang susuko at aalis sa pamamahay ko. Tandaan mo yan." Mahaba kong litanya sa kanya at pagkatapos ay tuluyan ko na syang tinalikuran.
Habang naglalakad ako patungo sa aking silid ay narinig ko ang mabibini nyang hikbi, napahinto ako saglit at pagkuwan ay dumiretso na rin ako sa paglalakad. Pumasok ako sa aking silid at pabagsak akong umupo sa kama.
"That dàmn woman." Inis kong bulong sa aking sarili.
"Ginago nya ako, sinamantala nya habang lango ako sa alak upang magtagumpay ang kanyang plano, ang nakapag tataka ay paano ako nakarating sa aking silid, imposible namang sya ang umalalay sa akin." bulong ko sa aking sarili.
Napailing ako ng maalala ko kanina na gusto na niyang umatras sa aming kasal na hindi ko pinayagan, para ano? Makita ng lahat na tinakbuhan ako ng isang babae sa araw mismo ng kasal ko? Hindi ko hahayaang ipahiya niya ang aking pangalan kaya pinigilan ko siya sa kaniyang plano. Ngunit ano ba talaga ang nagtulak sa akin upang pakasalan siya, nanduon na nga sa punto na siya na ang umaayaw ngunit ako naman ang nagpumilit na maituloy ito. 'Aubrey, kung alam mo lang.' Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang maganda niyang mukha habang papalapit siya sa akin bago kami ikasal kanina ng isang pagtawag sa aking pangalan at pagkatok sa pintuan ang nagpalingon sa akin sa gawi ng pinto.
"Zi-Zion?" Tawag nya na nagpa angat ng aking ulo. "What do you want?" Asik ko sa kanya habang nakatitig lamang ako sa aking pintuan.
"Gu-gusto mo bang ipag luto kita ng hapunan?" Nauutal nyang ani sa akin ngunit nakaramdam ako ng kakaiba, bakit parang kay sarap pakinggan na ipagluluto nya ako ng pagkain. Napapikit ako at muling nagsalita.
"I am not hungry, kung gusto mo magluto ka ng para sa iyo, wala akong pakialam kahit ano gawin mo kaya pwede ba huwag mo akong istorbohin dahil gusto kong magpahinga." Galit kong ani sa kanya at inihiga ko ang aking katawan sa malaking kama at pagkatapos ay hinilot-hilot ko ang aking sintido. Tumingin ako sa table na nasa gilid ng aking kama at nakita ko ang larawan namin ni Margaret kaya kinuha ko ito.
"Patawad Margaret kung sa ganitong paraan natapos ang relasyon natin, patawarin mo ako." Wika ko at muli kong ibinalik ang aming larawan sa maliit na table na nasa gilid ng aking kama. Nahiga ako at tumitig lamang ako sa kisame at muling inalala ang takot na naramdaman ko kanina ng makita kong duguan ang kaniyang ulo.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako marahil ay sa sobrang pag iip at sa pagod na rin.
Naalimpungatan ako ng gising kaya napatingin ako sa aking orasang pambisig.
Mag aalas dos na pala ng madaling araw kaya tumayo ako at lumabas ng aking silid at tumungo ng kusina. Napadaan ako sa harapan ng silid ni Aubrey ay pinakiramdaman ko ito, idinikit ko ang aking ulo sa kaniyang pintuan at hinimas ito, gusto ko sana siyang katukin ngunit napabuntong hininga na lamang ako at nagtuloy na ako sa pagpunta ng kusina.
Nagbukas ako ng refrigerator upang maghanap ng pwedeng kainin dahil ngayon pa lamang ako nakaramdam ng gutom kaya kailangan kong kumain.
May nakita akong nakalagay sa isang tupperware na may nakadikit na sticky note kaya mabilis ko itong dinampot at binasa ko ito.
"Just in case lang na magutom ka Zion ay initin mo na lamang itong niluto kong tinolang manok at kanin. Good night and sweet dreams." Napangiti ako sa aking nabasa kaya kinuha ko ito at binuksan ang takip, ininit ko ito sa microwave pati na rin ang kanin. Habang iniinit ko ito ay naglabas na ako ng isang plato at kubyertos.
Habang kumakain ay napapangiti ako dahil sa totoo lang ay hindi ko alam na marunong pala siyang magluto.
"Hah! Masarap naman pa lang magluto, at least may pakinabang sa kanya." Bulong ng aking isip.
Naubos ko ang kanin at ang tinolang manok kaya pagkatapos kong kumain ay bumalik na akong muli sa aking silid at dumiretso na sa banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lamang ako ng pantulog at nahiga na akong muli sa aking kama at itinuloy na ang naudlot kong pagtulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya mabilis akong naghanda para sa pagpasok ko ng opisina, batid kong ang lahat ay magugulat dahil ang alam nila ay nasa honeymoon ako ngunit walang honeymoon na mangyayari sa amin ni Aubrey.
Nagulat pa ako ng inabutan ko si Aubrey na nagluluto ng agahan sa kusina kaya't dinaanan ko lamang ito at hindi ko na sana siya papansinin pa ng magsalita ito.
"Good morning Zion." Pagbati nya sa akin na hindi ko naman pinansin at tuloy-tuloy lamang ako sa aking paglalakad papalabas ng condo upang pumasok na sa opisina.
"Nagluluto ako ng agahan antayin mo na ito para makakain ka bago ka pumunta ng opisina mo." Wika nya sa akin ng nakangiti.
"Hindi ako kakain." Maikli kong wika sa kanya ng hindi ako tumitingin. "Kahit konti lang." Saad nyang muli.
"I am not hungry." Wika ko na naiinis na sa kaniya. "Pero Zion.." I cut her off.
"I SAID, I AM NOT FÙCKING HUNGRY." Bulyaw ko sa kanya sabay sipa ko sa isang silya kaya bumagsak ito.
"Kung gusto mo ay kainin mong lahat yan wala akong pakialam." Muli kong sigaw sa kaniya at nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Napasiksik sya sa sulok ng kusina at tuluyang napaluha.
"So-sorry kung nakukulitan ka sa akin. Gu-gusto ko lang namang pagsilbihan ka." Sambit nya habang patuloy na umiiyak.
"Buti alam mong nakukulitan ako sayo? Hindi ko kailangan ang pagsisilbi mo." Muli kong bulyaw sa kanya.
"Kahit ano ang gawin mo kaylanman ay hinding hindi kita mamahalin. Ikaw ang sumira sa buhay ko, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa buhay ko ang babaeng pinaka mamahal ko." Dagdag ko pang asik sa kanya at pagkatapos ay mabilis na akong lumabas ng aking condo.
"Bwisit!" Sigaw ko habang papalabas ng aking condo. Tulad ng sinabi ko ay hindi ko sya hahayaang maging masaya sa piling ko.
Hindi ko lubos maisip na sa kainosentihan nya ay kaya nyang gawin ang ganitong mga bagay. Naging desperada sya kaya hindi ko sya hahayang maging masaya. Aaminin kong nasasaktan ako sa mga ginagawa ko sa kanya ngunit hindi sapat yon upang palagpasin ko na lamang ang ginawa nya sa akin.
Bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Zion bago nya tuluyang nilisan ang mansion bago ang araw ng kasal namin ni Aubrey.
Napapikit ako ng aking mga mata at napahinga ng malalim.
"Zoran, hindi ko hahayaang mapa saiyo ang asawa ko, kasal na kami ni Aubrey at wala ka ng magagawa pa duon.' Bulong ko sa aking sarili at pagkatapos ay tuluyan ko ng nilisan ang condo habang naririnig kong umiiyak si Aubrey.