Aubrey's POV
Araw ng aming kasal. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng puting dress na tinernuhan ng isang kulay beige na 2 inches heels na ibinigay sa akin ni tita Moira. Ngunit kahit simple lamang ito ay makikita mo ang pagiging elegante nito at tunay namang napakaganda nito.
Simpleng make up lamang din ang aking inilagay at inilugay ko lamang ang aking mahabang buhok na umaabot hanggang sa aking bewang.
"Anak napaka bata mo pa para ikasal, baka hindi mo kayanin ang buhay may asawa." Wika ng aking ina na may lungkot sa kanyang mga mata. "Paano na ang iyong pag aaral?" Wika nya pang muli sa akin. Alam kong sobrang nag aalala ang aking mga magulang dahil kaka disi-otso ko pa lamang talong buwan lamang ang nakakaraan. Wala silang kaalam-alam na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari ngayon.
"Sabi po ni Zion ay ipag papatuloy ko pa rin daw po ang aking pag aaral kahit mag asawa na kami." Saad ko sa aking ina at hinimas nya naman ang aking mukha. Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagsisinungaling ko sa kanila. Nasabi ko na lamang yon upang huwag na silang mag alala pa sa akin. Ang dami ko ng kasalanan sa kanila at sana balang araw ay mapatawad nila ako kapag nalaman nila ang buong katotohanan.
"Napaka ganda mo anak, sana ay maging maligaya ka sa piling ni Zion, kapag sinaktan ka nya ay huwag kang mag atubiling magsabi sa amin at babawiin ka namin sa kanya ng ama mo." Saad pa nya sa malungkot na tinig.
Yumakap ako kay nanay at hinalikan ko sya sa kanyang pisngi. Gusto kong humingi ng kapatawaran sa kanila ngunit walang lumalabas na kahit na ano sa aking bibig.
"Huwag po kayong mag alala nanay mabait po si Zion." Wika ko at inaya ko na si nanay na lumabas na dahil kanina pa nila kami hinihintay sa garden.
Lumabas na ako at nagtungo na kami ng aking ina sa garden kung saan ay gaganapin ang simpleng kasal namin ni Zion. Nanduon na halos silang lahat maliban lamang kay Zoran, kaya nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko makita si Zoran.
"Nanay nakita nyo po ba si Zoran?" Wika ko sa aking ina habangbtingin pa rin ako ng tingin sa aking paligid.
"Kagabi pa sya umalis ng umakyat ka na sa guest room, hanggang ngayon ay hindi pa s'ya bumabalik." Saad naman ng aking ina.
Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil pakiramdam ko ay nasasaktan ko sya.
Mahal ko si Zoran ngunit bilang isang kapatid lamang.
Nagtuloy kami sa paglalakad at natanaw ko si Zion na nakatayo sa tabi ng isang judge at matamang nakatitig lamang sa kawalan.
Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib, parang may libo libong kabayo ang nagkakarerahan sa sobrang lakas at bilis ng kabog nito. Napahawak ako sa aking dibdib na animoy hindi ako makahinga.
Alam kong labag sa kalooban nya ang pagpapakasal sa akin dahil si Margaret lamang ang itinitibok ng kanyang puso, ngunit gagawin ko ang lahat upang mahalin nya rin ako at makalimutan nya si Margaret.
Nilapitan na kami ni tita Moira ng nakangiti at iginiya na nya ako sa tabi ni Zion.
"Kung akala mo na nagwagi ka ay nagkakamali ka. Ngayon ay mararansan mo kung paano mabuhay sa impyerno." Bulong nya sa akin na ikinatulos ko sa kinatatayuan ko.
Biglang nag tuluan ang aking mga luha at mabilis ko itong pinahiran upang hindi makita ng aking mga magulang.
Lumingon ako sa kanila at nginitian ko sila ng napakatamis dahil ayokong makita nila ang lungkot sa aking mga mata.
"Magsaya ka na ngayon dahil pagkatapos nito ay ipaparamdam ko sayo ang sakit ng ginawa mong ito sa akin." Saad nya pang muli, halos mangatog ang aking mga tuhod at parang gusto ko ng umatras at tumakbo ngunit hindi ko naman magawa.
Nagpalingon lingon ako upang hanaping muli si Zoran ngunit hindi ko sya mahanap. "Zoran." Mahinang bulong ko na hindi nakalagpas sa pandinig ni Zion na ikina tagis ng kanyang mga bagang at tinapunan ako ng nakamamatay na mga titig.
Nakaramdam ako ng takot kaya bumulong akong muli habang nanginginig ang aking buong katawan sa takot na aking nararamdaman. "Zoran, nasaan ka?" Bulong kong muli at ipinikit ko ang aking mga mata.
Naramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na humawak sa aking mga kamay, Pagdilat ko ay si Zion ito na masamang nakatingin sa akin. "Ikakasal ka na lang sa akin ay ibang lalaki pa ang tinatawag mo?" Wika nya na may galit sa kanyang tinig.
"A-ayoko ng ituloy ang kasal. Uuwi na sko sa amin Zion." Bulong ko sa kanya at ngumisi lamang sya sa akin.
"Too late my dear, sa ayaw at sa gusto mo tuloy na tuloy na ito." Saad nya pang muli kaya napapikit ako ng aking mata at takot na lamang ang tangi kong nararamdaman, gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko naman magawa dahil ayokong gumawa ng eksena na ikapapahiya ng mga Smith. "I-ituloy nyo na lang ni Margaret ang kasal nyo, ta-tatawagin ko na si nanay at u-uuwi na ako." Nauutal kong ani at masama nya akong tinitigan at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
Ako na nga ang umaatras upang makapag pakasal na sila ni Margaret, ngunit bakit gusto pa rin nyang ituloy ang kasalang ito? Ano ba talaga Zion? Wala naman siyang pagmamahal sa akin kaya nga hangga't maaga pa ay ako na ang aatras at kung kinakailangang umamin ako aking nagawa ay gagawin ko huwag na lamang matuloy ang kasalang ito.
"Ngayon ka pa aatras kung kailan nandito at nakaayos na ang lahat? Hindi ka na makakatakas pa sa akin Aubrey." Wika nya at iniharap na nya ako sa judge at nagsimula na ang seremonyas, para akong hihimatayin sa takot sa tuwing pinipisil ni Zion ng madiin ang aking palad upang mapasunod lamang sa kaniyang kagustuhan, kaya wala na din akong nagawa at nakapag I do rin ako sa pari kahit na ba ngayon ay tila ba labag na ito sa aking kalooban. Hindi rin nagtagal ay natapos ang aming kasal na inabot lamang ng mahigit beinte minutos.
Kaunting salo-salo lamang ang tumapos ng araw na ito at para sa akin ay tila ba isang pangkaraniwang araw lamang ito, nasa tabi ko nga si Zion ngunit hindi asawa ang tingin nya sa akin, hindi ko alam kung ano pero may takot akong nararamdaman.
"Sa condo na kami tutuloy ngayong gabi mom, dad." Wika ni Zion sa kanyang mga magulang kaya napatingin ako sa kaniya, bakit doon? Bakit hindi na lang dito sa bahay ng kaniyang mga magulang para malapit lamang sa aking mga magulang. Muli ay nakaramdam ako ng takot, sa condo nya ay hindi nila malalaman kung sasaktan ba ako ni Zion o pahihirapan. Ayoko na yata, hindi ko na kaya ang takot na nararamdaman ko.
"Alagaan mo ang iyong asawa at paka mamahalin. Huwag mo syang pahihirapan at sasaktan." Wika ni tita kay Zion na tinanguan nya lamang.
"Anak mag iingat ka duon ha, pag may problema ka magsabi ka lamang at kahit ano ang mangyari ang darating kami ng tatay mo." Wika naman ni nanay na umiiyak. Wala naman ako magawa kung hindi tanguan na lamang ang aking ina upang mapanatag ang kaniyang kalooban.
"Aubrey hija, pag may ginawang kalokohan ang asawa mo ay huwag kang mag atubiling magsumbong sa amin ha. Masayang masaya ako na ikaw ang napangasawa ng aking anak na si Zion. Matagal ko ng ipinagdadasal na sana ay isa sa mga anak ko ang magkagusto sa iyo, kahit si Zoran ay gustong-gusto ko para sa iyo." Wika ni tita sa akin at nagyakapan na kami.
"MOM." Malakas na ani ni Zion na ikinapitlag ko at napatingin ako sa kanya at nakita ko kung anong galit ang lumukob sa kanya kaya nakaramdam ako muli ng takot.
"Let's go at baka gabihin tayo sa daan." Malamig na ani naman ng aking asawa at hindi na pinakinggan pa ang sinasabi ng kanyang ina at nagsimula na itong maglakad.
Naglalakad na si Zion papuntang sasakyan nya habang kasunod nya lamang ako, nag aatubili ako dahil wala ako kahit na anong gamit kaya tinawag ko si Zion kahit abot-abot hanggang langit ang takot na nararamdaman ko para sa kanya.
"Zi-Zion, ano kasi, wa-wala akong dala kahit isang damit at gamit ko." Wika kong nakatungo lamang ang aking ulo na hindi makatingin sa kaniyang mga mata.
"Dadaan na lang tayo sa inyo upang makakuha ka ng mga gamit mo." Malamig nyang wika sa akin at patuloy lamang sa kanyang paglalakad kaya nagmamadali na din akong sumunod sa kanya kahit halos patakbo na ako dahil sa sobrang laki ng kaniyang mga hakbang.
Matapos naming dumaan sa bahay ng mga magulang ko ay umalis din kami agad upang hindi na kami gabihin pa sa daan. Nakatitig lamang ako sa malayo ng magsalita si Zion.
"Masaya ka na?" Malamig nyang ani sa akin ngunit hindi naman ako kumibo dahil alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin. Alam na alam ko kung ano ang kanyang tinutukoy. Napalunok na lamang ako at namutla sa kaba na hindi ko malaman kung sasagot ba ako sa kanya ngunit mas pinili ko na lamang ang manahimik.
Lumingon siya sa akin habang nagmamaneho at nagliliyab na mga mata ang sumalubong sa aking paningin.
"Sinira mo ang buhay ko Aubrey, sinira mo ang mga plano ko, ngayon ikaw naman ang sisirain ko." Galit nyang ani na ikinaiyak ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ngayon ko napagtanto kung ano ang ginawa ko kaya wala akong maramdaman kung hindi takot lamang dahil sa pagbabanta ni Zion.
"Huwag mo akong daanin sa iyak mo." Asik nya sa akin.
Yumuko ako upang itago ang aking mga luha ngunit hindi ko na napigilan pa ang pag alpas ng mga hikbi ko. Bakit ganon, umaatras na nga ako kanina upang maituloy na nila ang kasal nila ni Margaret tapos ayaw nyang pumayag. Kaya nga ng tinanong ako ng judge kanina ay gusto ko ng tumakbo at umayaw ngunit mahigpit nya akong hinawakan kaya napa I do na rin ako sa takot ko sa kanya.
"GOD DÀMN IT!" Bulyaw nya sa akin at hinampas nya ang kanyang manibela na ikinagulat ko kaya mas lalo akong napahikbi.
Napapitlag ako sa takot at pilit isiniksik ang aking sarili sa gilid ng kanyang sasakyan.
"HUWAG MO AKONG IYAKAN AUBREY." Singhal nya sa akin kaya pinilit kong pigilan ang aking pag iyak. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang aking bibig at tumingin sa labas ng bintana habang tumutulo ang aking mga luha. Hindi ito ang Zion na kilala ko, ang Zion na minahal ko, dahil ang Zion na nagpatibok ng aking puso ay malambing, mabait, maasikaso at higit sa lahat hindi nya ako sinisigawan at tinatakot.
Bigla na lamang pumasok sa isip ko si Zoran at ang mga ibinulong nya sa akin kagabi.
"Kapag hindi mo na kaya, kapag nahihirapan ka na, kapag nasasaktan ka na, tawagan mo lamang ako at darating ako para ilayo ka." Bulong nya sa akin bago ako pinaakyat ng mommy nila sa guest room upang magpahinga na.
Bakit pakiramdam ko hindi ko na kaya, bakit pakiramdam ko nahihirapan na ako at bakit pakiramdam ko rin ay nasasaktan na ako?
Ipinikit ko ang aking mga mata at sa hindi sinasadya ay nabigkas ko ang pangalan ni Zoran.
"Zoran." Bulong ko sa hangin na kahit ako ay nagulat.
Malakas na pag preno at isang pagtama ng aking ulo sa gilid ng bintana ang nagpa igik sa akin.
"Ahhhh." Sigaw ko na hindi naman kalakasan dahil sa kirot na aking naramdaman.
"God dàmn it Aubrey, ako ang kasama mo ngunit ibang lalake ang ibinubulong mo? Fùck you." Galit na galit nyang sigaw at mura sa akin. Ngayon lamang ako natakot ng ganito kay Zion, pakiramdam ko ay ibang tao ang aking kasama. Kahit kailan ay hindi nya ako pinagsalitaan ng hindi maganda ngunit bakit ganito nya ngayon ako tinatrato?
Nakaramdam ako ng sakit sa aking ulo kaya napahawak ako dito ng maramdaman kong may mainit na likido akong nahawakan.
Tinignan ko ito at napatigil ako habang nakatitig lamang ako sa aking palad na may bahid ng dugo at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.
"Du-dugo?" Sambit ko na nakatingin kay Zion.
Nakita ko ang pagbabago ng anyo ni Zion na biglang may pag aalala at mabilis nya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at tinawag ang aking pangalan.
"Aubrey?" Tawag nya sa akin ngunit unti-unti ng nagdidilim ang aking paningin.
"Aubrey baby......."
Ngunit halos hindi ko na marinig pa ang kanyang sinasabi dahil nagsimula ng mas lalong magdilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman at naipikit ko na ang aking mga mata.
"Aubreeeeey." huling tawag na aking narinig.