Episode 5-

2135 Words
Zion's POV Isang sigaw ang gumulantang sa masarap kong pagkakatulog kaya agad akong napaupo sa aking higaan at ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko na may mga taong nakatayo sa may pintuan. "ZION, ANONG KATARANTADUHAN ITONG GINAWA MO?" Galit na galit na sigaw ni daddy sa akin at hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin. Pupungas pungas ang aking mga mata at muling tumingin sa mga taong nakatayo sa pintuan ng aking silid. Nagulat akong makita si Zoran, si mommy at daddy at si Margaret na nakatunghay sa akin. Napatingin ako sa mukha ni Margaret na tumutulo ang masaganang mga luha, Bakit sya umiiyak, ano ba ang nangyayari? "Babe, bakit kayo naririto sa silid ko?" Wika ko at biglang lumapit sa akin si Zoran sabay suntok sa aking mukha na ikinagulat ko. "Tarantado ka kuya Zion." Asik nya sa akin dahilan upang magsigawan sina mommy at si Margaret sanhi ng pagkagising ng babae na natutulog sa aking tabi. Mabilis na lumapit si daddy at inilayo si Zoran sa akin habang ako naman ay nakatitig lamang sa babaeng kagigising lamang na nasa aking tabi. Nabigla ako ng makita ko ang mukha ni Aubrey na bagong gising at nuon ko lamang napagtanto na wala pala akong saplot at ganon din sya at magkatabi kaming natulog. "Bigla kong nahablot ang kumot upang itakip sa katawan namin ni Aubrey. "LABAS, MAGSILABAS KAYONG LAHAT." Galit na galit kong ani. Hindi ko alam kung galit ba ako dahil sa nangyayari ngayon o galit ako dahil nakita nila ang ilang bahagi na parte ng katawan ni Aubrey. "Magbihis kayo at mag uusap tayo, ipapatawag ko din ang mga magulang ni Aubrey." Madiing wika ng aking ama at mabilis nilang isinara ang pinto, ngunit bago pa man ito isinara ay nagsalita si Zoran. "Gago ka kuya Zion. hindi kami papayag na hindi mo pananagutan si Aubrey." Wika nya at isang malakas na sigaw ang narinig namin. "NO! Hindi ako papayag." Malakas na sigaw ni Margaret at tuluyan ng sumara ang pintuan ng aking silid. Nagtatagis ang aking mga bagang ng hinarap ko si Aubrey. "Sinadya mo ba ito ha? Galit kong sigaw sa kanya. "Hi-hindi Zion, hi-hindi ko rin alam kung ano ang nangyari." Nauutal at naiiyak nyang wika sa akin. "LIAR." Sigaw ko sa kanya at napapiksi sya sa sobrang gulat. Napayuko siya ng ulo at mabilis na akong tumayo, sinadya kong hindi takpan ang hubad kong katawan at nakita kong napalunok sya at napayuko. "Magbihis ka na. Bilisan mo at naghihintay sila sa atin." Wika ko at hinagisan ko sya ng aking isang boxer, pajama at malaking tshirt. Dumiretso ako sa banyo upang maligo at pagkatapos ay lumabas din agad ako ng naka roba na. Dinaanan ko lamang si Aubrey na naka tungo ang ulo at hindi ko pinansin. Pumasok ako sa malaki kong walk in closet at nagbihis na ako. Paglabas ko ay umupo ako sa gilid ng kama at kinausap si Aubrey. "Bakit mo ginawa ito?" Tanong ko sa kanya na hindi sya tinitignan sa mukha. Wala akong narinig na kahit na anong kasagutan at pag kuwan ay mabibining pag iyak ang aking narinig. "Hindi mo ako makukuha sa pag iyak mo Aubrey, tinatanong kita kung bakit mo ginawa ito." Galit kong ani. "Sagutin mo ang tanong ko bakit mo ito ginawa sa akin? Alam mong ikakasal na ako kay Margaret, sa tingin mo ba kahit na may nangyari sa atin ay pakakasalan kita?" Pigil ang galit na wika ko sa kanya. "Wa-wala akong ginawa, pareho tayong nalasing." Wika nya at tumawa lamang ako ng pagak. "Akala mo ba mapapaniwala mo ako ha?" Asik ko sa kanya. "lam kong plinano mo ito. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano ako nakarating sa aking silid dahil imposibleng mabuhat mo ako sa laki ng katawan kong ito." Galit kong wika sa kaniya habang siya naman ay nakayuko lamang. "Tumayo ka na at sumunod ka sa akin sa labas, paniguradong nandyan na rin ang mga magulang mo." Wika ko sa kaniya at pagkatapos ay tumayo ako at nagsimulang lumakad, pinihit ko ang seradura ngunit nararamdaman kong hindi pa rin sya tumitinag kaya nilingon ko siya. "Ano pa ang hinihintay mo ha? Second round?" Wika ko na ikinataranta nya at mabilis na tumayo. Tumawa ako ng pagak at binuksan ang pintuan ng silid at nauna na akong lumabas. Habang pababa kami ng hagdanan ay dinig na dinig ko ang pagtangis ni Margaret, napakuyom ang aking mga kamao at nagtagis ang aking mga bagang sa sobrang galit na aking nararamdaman. Napansin nila ang presensya namin. Nakita ko ang mga magulang ni Aubrey at nakikita kong nagpipigil ng galit ang kanyang ama habang umiiyak naman ang kanyang ina. Napatingala ako at napapikit ng aking mga mata. Gusto kong ipagsigaqan sa kanila na wala akong kasalanan ngunit hindi ko naman magawa. Sinalubong kami ni Margaret at mabilis akong niyakap. "Baby, huwag kang papayag sa plano nila, ipapakasal ka nya sa babaeng yan. Sabihin mo sa kanilang nilandi ka lang ng babaeng yan kaya may nangyari sa inyo." Malakas nyang sigaw habang tumatangis at dinuduro duro si Aubrey. "Huwag mong duduruin si Aubrey, Margaret kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng mansion namin. Wala kang karapatang pagsalitaan si Aubrey ng kahit na ano dahil kung tutuusin ay mas katanggap-tanggap siya kaysa sa iyo." Galit na wika ni Zoran. Tumingin ako kay Zoran at nakita ko ang lungkot, sakit at galit sa kanyang mukha. Gumanti ako ng yakap kay Margaret at hinimas-himas sya sa kanyang likuran upang pakalmahin. "Babe, please ikakasal na tayo hindi ba? Huwag kang pumayag sa gusto nilang mangyari." Muling pagtangis sa akin ni Margaret. "Zion, Aubrey lumapit kayo dito at may pag uusapan tayo." Maawtoridad na utos ng aking ama. Bumitaw ako kay Margaret at lumapit kami sa kanila at umupo kami sa upuang itinuro ng aking ama. "Bukas na bukas din ay ikakasal kayo, isang simpleng kasalan lamang ang mangyayari, tayo-tayo lang ang dadalo at saka na nating pag usapan ang marangyang kasalan kapag naidaos na ang kasal nyo bukas. Sa ngayon ay kailangan mo munang panagutan si Aubrey." Maawtoridad na pahayag ng aking ama at hindi ako tumugon, hindi rin ako tumangi. Tahimik lamang akong nakikinig habang si Margaret ay malakas ng humahagulgol. "Malandi kang babae ka, sinadya mong akitin si Zion upang may mangyari sa inyo para ikaw ang pakasalan. Hindi mo matanggap na ako ang pakakasalan nya kaya pinikot mo syang malandi ka." Bulyaw nya kay Aubrey at humagulgol na rin si Aubrey habang umiiling iling. "Hi-Hindi, hindi totoo yan." Wika nya at nilapitan sya ni Zoran at lumuhod sa harapan nya at hinimas-himas ang mukha nito habang pinapahid ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mukha. "Shhh tahan na my princess, please ayokong makita kang umiiyak." Wika nya at hinalikan nya ito sa ulo. Nagkuyom ang aking kamao at tumingin na lamang ako sa malayo. "Tumahimik ka Margaret at baka magdilim ang paningin ko sayo ay makalimutan kong babae ka." Galit na ani ni Zoran. "Zoran huwag mong pagsasalitaan si Margaret ng ganyan at baka makalimutan kong kapatid kita." Asik ko sa kanya at naglabanan kami ng masasamang titig sa isat isa. "ENOUGH!" Sigaw ng aming ama na nagpatigil sa aming pagbabangayan. "Sa ayaw at sa gusto nyo ay ikakasal kayong dalawa bukas." May pinal na salita ng aking ama. "Baby. please say No." Umiiyak na ani ni Margaret. "Babe, hayaan mo muna kaming magkausap ng aking ama, Ipahahatid na muna kita at tatawagan na lamang kita mamaya." Wika ko at hinalikan ko sya sa labi sa harapan nilang lahat. "Hindi ko yata kakayanin na makitang ikakasal ang aking anak sa isang tao na iba ang kahalikan, nag iisa lamang naming anak si Aubrey at hindi namin hahayaan na may mga taong mananakit at lalamangan sya." Wika ng kanyang ama na matalim na nakatitig sa akin habang nagtatagis ang kanyang mga bagang at naka kuyom ang mga kamao. "Ako ang fiance, ako ang mahal, ang anak nyo nilandi lang ang fiancee ko." Galit na ani ni Margaret. "Margaret, hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Umuwi ka na at usapang pamilya ito." Galit na ani ng aking sa aking fianceè. "Mom." Saway ko sa aking ina. "Ano Zion, hahayaan mo syang pagsalitaan nya si Audrey ng ganyan ha?" Galit na ani naman ng aking ina. "Kung ayaw pakasalan ni kuya Zion si Aubrey, nakahanda akong panagutan si Aubrey. Pakakasalan ko siya kahit ngayon din." Sambit ni Zoran na nagpagulat sa akin. "Gagawin mo yon anak? Wika ng aking ama nanagulat sa sinambit ng aking kapatid. "Lahat ay kaya kong gawin para kay Aubrey." Pakling muli ng aking kapatid kaya tumayo na ako. Dahil sa kanyang sinabi ay agad akong nakapag desisyon kaya nagsalita akong muli. "Itutuloy natin ang kasal namin bukas, kung kinakailangan kong panagutan si Aubrey dahil sa nangyari sa amin ay gagawin ko. Bukas na bukas din ay ikakasal kami." Wika ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat. "No baby. Paano ako, ang mga pangako mo? Ako ang fiancée mo at nilandi ka lamang ng babaeng yan kaya mo sya naikama. Malandi kang babae ka bumalik ka na sa pinanggalingan mong basura." Galit na galit nyang wika habang dinuduro si Aubrey. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha na nagpatigil sa pagwawala ni Margaret. "T-tita Moira?" Wika nya habang sapo-sapo ang pisngi nyang sinampal ng aking ina. "MOM" Asik ko naman sa aking ina. "Pauwiin mo na ang babaeng yan, hindi ko kailangan ng isang matapobreng nilalang sa pamamahay ko." Sambit ng aking ina habang pinandidilatan ako ng mga mata sa sobrang galit nya. "Ihahatid ko lang sya mom, dad, tita, tito. Pasensya na po kayo, babalik din po ako agad upang makausap kayo ng masinsinan." Wika ko sa kanila at hindi ko tinapunan ng tingin si Aubrey. Kasalanan nyang lahat ng ito, ginulo nya ang buhay ko kaya sisiguraduhin kong hindi sya magiging masaya sa piling ko. Tumalikod na ako at inakay si Margaret palabas ng mansion habang umiiyak ito. "Siguraduhin mong babalik ka agad Zion kung ayaw mong sunduin ka ng mga bodyguards mo." Sambit ng aking ama at itinaas ko na lamang ang aking kamay at tuloy tuloy-tuloy na kaming lumabas at umalis ng mansion. Hinatid ko si Margaret sa kanila at sinalubong ako ng kaniyang ama ng isang malakas na suntok. Inaasahan kona na mangyayari ito at tinanggap ko lamang ito. Halos ayaw akong bitawan ni Margaret at nagmamakaawa siyang huwag kong pakasalan si Aubrey at hayaan ko na lamang na panagutan ni Zoran ang nangyari sa amin ni Aubrey ngunit hindi ako pumayag. Galit na galit siyang sinampal ako ngunit katulad ng pagsuntok ng ama nya sa akin ay tinanggap ko lang din ito. "Ang sabi mo ay ako ang pakakasalan mo, bakit ngayon ay parang ikaw pa ang atat na atat pakasalan ang malanding babaeng yon ha Zion?" Malakas niyang sigaw sa akin ngunit nakatitig lamang ako sa kaniya at nananatiling tikom ang aking bibig. "Matagal ko ng napapansin ang panakaw mong tingin sa kaniya. Umamin ka sa akin Zion, mahal mo ba ang malanding babaeng yon ha?" Muli nyang sigaw sa akin ngunit katulad ng mga sinabi nya sa akin kanina ay nananatili lamang tikom ang aking bibig. "Hayop ka Zion. Ginamit mo lang ba ako?" Umiiyak nyang sigaw sa akin kaya agad ko siyang hinablot palapit sa akin at mahigpit ko siyang niyakap habang wala siyang tigil sa pag suntok sa aking dibdib. "Mahal mo ba ako ha? Minahal mo ba ako?" Umiiyak na ani ni Margaret ngunit walang salitang lumabas sa aking bibig kaya't malakas nya akong itinulak palayo sa kaniya. "Bakit mo ako inalok pakasalan kung hindi mo ako mahal ha? Bakit Zion?" Galit na galit nyang ani sa akin. "Please Calmn down, Margaret." Wika ko kaya napatingin siya sa akin. "Margaret? Ngayon Margaret na lang ang tawag mo sa akin? Bakit Zion ha? Dahil mapapasaiyo na si Aubrey kaya Margaret na lang ang tawag mo sa akin ha?" Galit na galit nyang asik sa akin ngunit hindi na ako nagsalita pang muli at tumalikod na ako at agad na sumakay sa aking sasakyan. "Fuuuuuck." Malakas kong mura sabay hampas sa aking manibela. Nakita kong pilit siyang ipinapasok ng kaniyang mga magulang papasok sa loob ng kanilang tahanan habang nagpupumiglas siya. "Zioooooon." Tawag nya sa akin ngunit pinaandar ko na ang aking sasakyan at mabilis na pinasibad ito palayo sa kanang lugar dahil nasasaktan lamang ako sa nangyayari sa kaniya. Nagtatagis ang aking mga bagang sa galit dahil sa ginawa ni Aubrey sa akin. "Aubrey, bakit mo ito ginawa sa akin?" Sigaw ko habang patuloy lamang akong nagmamaneho. "Aaaaah!!!" Malakas kong sigaw at ipinarada ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada at iniyukyok ko ang aking ulo sa aking manibela at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD