Aubrey's POV
Nakarating kami ng mansion. Nagulat ako sa napaka raming magagarang sasakyang nakaparada hanggang sa labas ng mansion.
Ipinarada na lamang ni Zoran ang kanyang sasakyan kung saan nakahilera ang iba pang mga sasakyan ng mga pauhin ng mga Smith.
Bumaba na si Zoran sa sasakyan nya at mabilis na umikot sa gawi ko at nakangiti nya akong pinag buksan ng pintuan.
Inalalayan nya akong lumabas at isinakbit nya agad ang aking kamay sa kanyang braso.
Taas noo syang nagsimulang lumakad papasok sa gate ng mansion. Tumingin sya sa aking mukha bago tuluyang pumasok sa napakalaking gate at itinaas ang mukha ko na naka yuko.
"Chin up my princess, you are the most beautiful and sexy woman in this party. Wala ng mas hihigit pa sa iyo." Wika nyang nagmamalaki kaya itinaas ko ang aking ulo at matuwid akong tumingin at nagsimulang sumabay sa kanyang paglakad.
"That's my girl." He said and smiled. Pag pasok namin kung saan ginaganap ang kasayahan ay nagsimulang kumabog ng napaka lakas ang aking dib dib, lalo na ng halos lahat ay sa amin na nakatingin.
Napatingin ako sa isang lamesa sa kung saan ay malapit sa stage at nakita ko na nakatitig sa amin si Zion habang si Margaret naman ay tinaasan ako ng kanyang kilay kaya nakaramdam ako ng pangamba at takot dahil tila ba hindi nya nagustuhan na nandirito ako.
Hinapit ni Zoran ang aking bewang at ngumiti sa lahat ng taong nakatingin sa amin at parang may pagmamalaking huminto sa gitna at ngumiti sa lahat, nagsimulang magkislapan ang mga ilaw ng camera at sunod sunod na bulungan ang aming mga naririnig.
"Who is that woman with Zoran?" Tanong ng isang gwapong lalaki na ngayon ay titig na titig sa akin at pagkatapos ay nginitian niya ako. "She is so beautiful" Ani naman ng isa pa at tulad ng nauna ay nginitian nya din ako kaya naman gumanti din ang ng isang matamis na ngiti kahit na nakakaramdam na ako ng hiya. "Bagay sila ni Zoran." Ani naman ng isang babae na sa tantiya ko ayindi naglalayo ang edad kay Zion. "Ang ganda ganda nya at ang gwapo gwapo ni Zoran bagay na bagay sila." Ilan lamang sa mga bulungang aming naririnig. napatingin akong muli sa gawi nila Zion at kitang kita ko kung paano nya ako titigan maging ang kamay ni Zoran na nakahawak sa aking baywang kaya mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailg dahil sa mga titig nyang tila ba may galit. "Oh my god hija napakaganda mong tunay." Masayang salubong sa akin ni tita Moira at humalik sa aking pisngi na ginantihan ko din ng halik sa kaniyang pisngi.
"Salamat po tita." Wika ko ng nakangiti sa kanya. "Come," wika nya at iginiya na nya kami ni Zoran kung saan nakaupo si Zion at Margaret. "Zoran, Aubrey." Sambit ni Zion habang sa akin nakatitig at ibinalik na muli ang tingin sa kamay ni Zoran na nakapulupot pa rin sa aking baywang.
"Ang muchacha nagmukhang tao. "Bulong ni Margaret na hindi nakaligtas sa aming pandinig kaya napayuko na lamang ako dahil sa pagkapahiyang naramdaman ko.
"MARGARET." Galit na ani ni tita Moira at tito Zayden sa kanya.
"Actually, she is the most beautiful woman in this party. The only ONE, hindi ba kuya?" Nakangising ani ni Zoran. "Indeed." Biglang wika ni Zion na ikinalingon naming lahat maliban na lamang kay Zoran. "What did you just say?" Galit na ani ni Margaret habang nagliliyab sa galit ang kaniyang a mata na nakatitig kay Zion. "Uhm, wala ang sabi ko excuse me kukuha lang ako ng maiinom." Wika nya at bigla na syang tumayo at pumunta kung nasaan ang bar area. "What can I get you my princess?" Wika naman ni Zoran sa akin. "Kahit ano na lang, hindi pa naman ako masyadong gutom." Wika ko at pagkatapos ay tumayo na si Zoran upang ikuha ako ng makakain.
"Mukha ka palang tao kapag naaayusan? Ang basahan pag nalabhan pwede pa rin pa lang maging maayos." Pang iinsulto sa akin ni Margaret na ikinayuko ng aking ulo. Ano ba problema ng babaeng ito at laki na lang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay galit sya sa akin wala naman akong ginagawang masama sa kanya, actually wala pa. Wika ng utak ko at napangiti ako ng hindi ko sinasadya.
Nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo at pag taas ng isang kilay.
"Ano ang nakakatawa?" Asik nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin at lalo pa akong napangiti na lalo nyang ikinainis.
Tumayo sya at kinuha ang hawak nyang kopita na may lamang alak at akma nya yong ibubuhos sa akin ng biglang may isang baritonong boses ang nagsalita sa likuran namin.
"Go ahead, subukan mo kung ayaw mong mapahiya ka dito sa sarili mong party, Margaret." Galit na ani ni Zoran habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Margaret. Marami na ang nakatingin sa gawi namin at pinag uusapan na rin kami kaya napayuko na lamang ako dahil ayokong gumawa ng eksena.
"Let's go my princess, duon tayo sa table na walang palaka, baka hindi ka pa ganahang kumain kapag may kaharap kang palaka." Wika nyang may pang iinsultong nakatingin kay Margaret. "What did you just call me? How dare you Zoran." Asik ni Margaret sa kanya habang kulang na lamang ay magwala siya sa sarili nyang party, ako tuloy ang nahihiya sa kaniyang ginagawa..
"Huh? May binitawan ba akong pangalan dito, ang sabi ko palaka, mukha ka bang palaka?" Wika nyang natatawa.
Biglang may ilang nagtawanan na mga nakikiusyoso kaya lalong nang galaiti si Margaret sa galit. Akma nya akong susugurin ng sampal kahit wala naman akong ginagawa sa kanya, at tahimik lang naman ako dito ng biglang may pumigil sa kanyang braso.
"Don't you dare hurt her, kung ayaw mong itigil ko ang lahat ng ito Margaret." Si Zion na ikinalaki ng aking mata. tama ba ang aking narinig na ako ang kaniyang kinakampihan at ako ang kaniyang ipinagtatanggol? Nakaramdam ng tuwa ang aking puso sa isiping mas pinapahalagahan nya ako kaysa sa kaniyang fiancee.
"Whaaaat? kakampihan mo pa yan eh pinapahiya nila ako dito." Asik nya kay Zion.
"I heard everything, ikaw ang nagsimula ng lahat, ikaw ang nanginsulto." Seryosong ani nya kay Margaret habang sa akin nakatingin. "Tsk lilipat na lang kami ng table masyadong toxic sa table na ito." Wika ni Zoran at mabilis na akong iginiya sa ibang table na hindi naman okupado.
Masaya kaming nag uusap ng biglang may nagsalita sa likuran namin. "Do you mind?" Si Zion na nakatitig kay Zoran habang may hawak hawak na bote ng alak. "No. I don't mind." Ani nya sa kanyang kapatid at agad naman siyang pumagitna ng upo sa amin.
"Where's your fiance? " Tanong ni Zoran habang palinga linga sa paligid at mukhang hinahanap si Margaret.
"She left." Maikli nyang ani habang tumutungga ng alak. "Bakit? Dahil nahihiya sya sa pag iiskandalo nya sa sarili nyang party?" Wika ni Zoran at tumawa ng pagak.
"Bakit ganyan ang suot mo Aubrey? Masyadong revealing." Napatingin ako sa aking suot, hindi naman revealing, sexy naman sya pero hindi naman malaswa. Tumingin ako sa kanya at napalunok ako ng makita kong nakatitig sya sa aking mukha.
Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib ng sinimulan nyang tunggain ang alak na nasa bote pa habang ang kaniyang mga mata ay sa akin pa rin nakatingin.
"Mukhang nagpapakalasing ka yata ha kuya Zion. May problema ka ba?" Saad ni Zoran habang sa akin naman nakatitig.
"May mga bagay na hindi mo maiintindihan Zion, sobra lang kitang mahal at ayokong masaktan ka kaya lahat ay gagawin ko maging masaya ka lamang." Wika nya kaya napatingin ako sa kanya at laking gulat ko dahil sa akin pa rin sya nakatitig kaya ibinaling ko ang aking ulo sa ibang direksyon. Ano ang ibig nyang sabihin sa kaniyang tinuran? bakit ganoon siya magsalita? May problema ba si Zion na hindi namin alam?
"Wait here, kukuha pa ako ng maiinom natin." Wika naman ni Zoran at mabilis syang tumayo at lumakad papuntang bar area.
"Kayo na ba ni Zoran?" Pakli nya sa akin na ikinatingin ko sa gawi nya ngunit hindi ko naman siya matitigan sa kaniyang mga mata dahil tila ba ito nagsusumamo sa akin.
Napatingin ako sa kanya, halos hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Masyado ng malapit ang kanyang mukha sa aking mukha kaya lalong pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito. Sa sobrang lapit nya ay kitang kita ko kung gaano sya ka gwapo, ang mga mata nyang halos mag kulay asul na at bilogan, ang mahahaba nyang pilik mata, at matangos nyang ilong na binagayan ng mapula at manipis na labi. Ang jaw line nyang parang hinubog ng isang iskultor. Napaka gandang lalaki ng taong itinitibok ng aking puso.
"Ah a-ano.. kasi.." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng dumating si Zoran. "Here Aubrey I got you a Margherita." Saad nya.
"Hi-hindi ako marunong uminom Zoran." Wika ko sa kanya habang inaabot nya sa akin ang alak na nasa kopita. "Isa lang." Dagdag nyang ani sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang inaabot nya sa aking alak.
"Lalasingin mo ba si Aubrey ha Zoran? Kung may binabalak ka man sa kanya ay hindi ka magtatagumpay habang nandirito ako." Asik nya kay Zoran na masama nyang tinitignan.
"Tsk, isang kopita lang naman na Margherita at hindi yan malalasing."Wika nya at pagak na tumawa si Zoran.
Kinuha ko ang kopita at sinimsim ang lamang inumin nito, sa simula ay napangiwi ako ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan ko na ito. "Can I have another one?" I asked Zoran. Tumawa sya at piningot ang aking ilong. "Sabi na at magugustuhan mo yan." Saad nya habang nakahawak sa aking ilong.
Nagulat kami ng biglang tinapik ni Zion ang kamay ni Zoran na nakahawak sa aking ilong. "What the fùck was that?" Asik nya sa kanyang kapatid na si Zion.
"May langaw." Simple nyang ani na nakatitig lamang sa hawak nyang bote. "Langaw?" Sambit ni Zoran at nagpalingon lingon na tila hinahanap kung nasaan ang langaw.
Ilang oras pa ang lumipas at halos hindi na makatayo at maidilat ni Zion ang kanyang mga mata sa sobrang kalasingan.
Tinignan ako ni Zoran habang unti unting inaalalayan si Zion. "Follow me to his room." Wika nya sa akin na ikinakabog ng malakas ng aking dibdib. Eto na, bahala na kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Ang mahalaga ngayon ay makuha ko siya at hindi matuloy ang kasal nila ni Margaret.
Tinignan ko si Zoran at nagulat ako ng mapansin kong parang may luha sa kanyang mga mata. Tumingin sya sa ibang direksyon habang inaalalayan ang kanyang kapatid na tila ba may itinatago sa kaniyang mukha.
"Zo-zoran?" Ngunit hindi nya ako nilingon at tuloy tuloy lang kaming pumapasok sa loob ng kabahayan mula sa likod ng bahay.
Wala ng mga tao, dis oras na rin kasi ng gabi kaya wala ng nakakita sa amin habang tinutungo namin ang silid ni Zion.
Nakarating kami sa silid ni Zion ng walang nakakita sa amin. Ibinaba sya ni Zoran sa kanyang kama at inayos ang higa nito, lasing na lasing na si Zion at ni hindi man lang nya namalayan na nasa silid na nya kami.
"Ikaw na ang bahala." Wika ni Zoran at ewan ko ngunit parang pumiyok sya at kahit madilim ay nababanaag ko na may luha sa kanyang mga mata.
"Zo-Zoran, okay ka lang ba?" Tumango sya at lumakad na palabas ng silid.
"Aubrey, ginagawa ko ito dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan ka, ngunit sana nga ay maging maging maganda ang kahihinatnan nito dahil kung sakali man na sasaktan ka nya ay hindi ako magdadalawang isip na kuhanin at bawiin kita mula sa aking kapatid." Wika nya at isinara na nya ang pintuan. Napamaang ako, ano ang ibig nyang sabihin sa kanyang inusal?
Tinitigan ko si Zion na natutulog sa kama, lumapit ako at isa-isa kong hinubad ang kanyang mga damit at wala akong itinira, ipinikit ko ang aking mata dahil hindi ko kayang makita ang kahubdan nya. Pagkatapos ay binalot ko sya ng kumot.
Tumayo ako at isa isa kong hinubad ang aking suot at wala akong itinira kahit na isa.
Humiga ako sa kanyang tabi, kinuha ko ang kanyang isang braso at iniyakap ko sa hubad kong katawan at saka ko muling ibinalik ang kumot. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahil na rin sa nakainom ako ay unti unti na ring namimigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.