Episode 3-

2201 Words
Aubrey's POV Dumating ang araw ng Engagement party na inaantay ng lahat. Nakakatawang isipin na ang lahat ay masaya maliban lang sa akin. "Aubrey halika na sa mansion at tulungan mo kami ng tatay mo, mamaya ay napaka raming bisitang dadalo." Tawag ni nanay sa akin. Malungkot akong sumunod palabas ng bahay ng makasalubong namin sa pintuan si Zoran at si tita Moira. Nagulat ako sa kanilang pagdating dahil hindi naman namin inaasahan ito, ang pagkakaalam ko nga ay busy siyang umaasikaso sa mga ginagawa nilang paghahanda para sa gaganaping kasiyahan mamayang gabi, ngunit nandirito sila sa harapan ko at nakangiting nakatingin lamang sa nagtataka kong mukha. "Madam Moira, napadalaw po kayo?" Gulat na ani ni nanay sa mga bisita namin, kahit naman ako ay nagulat din dahil hindi namin sila inaasahan. "Naku! Pasok po kayo madam." Nagkakanda utal na ani ni nanay at hindi malaman kung saan pauupuin ang aming dalawang bisita. "Ano ka ba Lourdes, hindi ba at sinabi ko na sayo na Moira na lamang ang itawag mo sa akin?" Nakangiting sambit ni tita Moira sa aking ina habang ako naman ay nakatingin kay Zoran at sinesenyasan ito na kung bakit nandirito sila ng kaniyang ina at ngumisi lamang ito sa akin na tila ba nakakaloko. "A-ah si-sige Moira." Nahihiyang ani na naman ni nanay sa kaniya at pagkatapos ay ngumiti ito na tila ba naguguluhan. Napatingin akong muli kay Zoran at tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at pilit kong inaalam ang dahilan ng kanilang pagsadya dito sa amin kahit na ba napakabusy ng araw na ito para sa kanila, ngunit ngayon ay nandirito sila sa aming munting tahanan na ipinagtataka ko. "Ba-bakit nga po pala kayo napadalaw dito madam? Este Moira pala." Wika ng aking ina na naguguluhan ding katulad ko. Biglang nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ako ng takot ng maisip ko na baka sinabi ni Zoran kay Tita Moira ang aking plano kaya nakaramdam ako ng matinding takot na baka sila nandirito ay upang palayasin kami. "Ito kasing anak ko ay gustong maging kapareha ang anak mo ngayong gabi sa gaganaping engagement party ni Zion." Nakangiting ani ni tita Moira na kinalaki ng mata ko at ikinagulat naman ni nanay. Nagpasalamat pa rin ako na iba ang sadya nila at hindi ang naiisip ko. "Naku Moira! Wala kasing susuotin ang anak ko sa okasyon ninyo mamaya, nakakahiya naman kung pagsusuotin ko yan ng pantalong maong, o kaya naman ay ang pinaglumaan kong bestida." Wika ni nanay na ikinatawa naman ng ina ni Zoran. "Na-nakakahiya naman po dahil puro kilalang tao po ang dadalo sa inyong party at tama din po si nanay wala po akong susuotin." Wika ko naman na nahihiya at hindi na makatingin sa kanila. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ni Zoran at gusto pa akong makapareha mamaya sa party kahit alam naman niyang hindi ako nababagay sa mga ganoong mararangyang okasyon. Nakaramdam tuloy ako ng pagkainis sa kaniya, gusto pa yata akong mapahiya mamaya sa mga tao sa loob ng kanilang mansion. "Naku hija! Kaya nga kami naririto ni Zoran ay para ibigay sa iyo ang damit na ito, inorder ko pa ito sa Paris para lang sayo." Lalo ng nanlaki ang aking mga mata ng iabot sa akin ni Zoran ang isang napakalaking box na may nilalaman na isang kulay beige na napaka garang gown. Para akong nananaginip na ako si Cinderella at si Zion naman ang Prince Charming ko dahil sa sobrang ganda ng gown na hawak-hawak ko. Aaminin kong sa labing walong taong existence ko sa mundong ito ay ngayon pa lamang ako nakahawak ng gaito karangyang kasuotan kaya para akong napapasong naibalik ito sa kamay ni Zoran. "Hi-Hindi ko po matatanggap ang mga yan, wala po kaming pambayad ni nanay sa magarbonnkasuotan na yan." Ani ko na ikinatawa naman nila sa akin. "Bigay ko sa iyo iyan hija at kapag hindi mo iyan tinanggap ay magtatampo ako." Ani pa ni Tita sa akin kaya napalingon akong muli kay Zoran ng may iabot na naman ito sa akin. "Eto naman ang gagamitin mong sapatos, sinukat ko na yan sa lumang sapatos mo na nandyan sa labas ng pintuan ng bahay ninyo." Nakangising ani naman ni Zoran. Para akong nananaginip sa mga nyayari sa akin ngayon, totoo ba ang mga ito? "Hesusmaryosep, pa-parang napaka elegante naman po ng mga bagay na iyan, hindi po namin yan kayang bayaran madam. Este Moira pala." Halos nauutal na ani ni nanay habang titig na titig sa gown at sapatos na hawak-hawak ko. "Ano ka ba naman Lourdes, katuklad ng sinabi ko kay Aubrey na bigay ko yan sa napaka ganda mong anak, alam nyo naman na napakalapit ko sa batang ito at gusto rin siyang makapareha ni Zoran mamayang gabi kaya pagbigyan na natin ang mga bata." Nakangiting ani naman ni tita Moira sa aking ina habang ako naman ay parang naestatwa na nakatitig sa hawak-hawak kong gown at sapatos. "Mamaya ay pupuntahan ka ng isang make up artist para ayusan ka kaya magpahinga ka na para mas lalo kang maganda mamaya." Ani pa ni tita Moira na lalong ikinalaki ng aking mga mata, Ako? Aayusan ako mamaya ng isang sikat na make-up artist? Totoo ba talaga ang lahat ng ito? "Kundangan lamang at iba ang itinibok ng puso ni Zion, kung ako lang talaga ang tatanungin ay mas gusto kong ikaw ang mapangasawa ng isa sa aking mga anak." Nakangiting sambit ni tita Moira na ikinapula ng aking mukha at napatingin ako kay Zoran na nakangising nakatitig lamang sa aking mukha na tila ba may panunukso. "Ahem! Narinig mo ba yon Aubrey?" Pakli naman ni Zoran na inismiran ko lamang, malakas na tawa ang pinakawalan ni Zoran at tumayo siya sa tabi ko at pagkatapos ay binulungan niya ako. "Ang cute mo talaga lalo kapag namumula ka." Bulong nya sa akin kaya inirapan ko na lamang siya. Malakas na tawa muli ang pinakawalan ni Zoran at pagkatapos ay inakbayan ako at ginulo-gulo nya ang aking buhok at bumi=ulong sa aking tainga na ikinagulat ko at napatingin ako sa kaniya, Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa kaniyang sinabi o nagbibiro lamang siya sa akin ngunit ramdam ko ang kalungkutan sa bawat katagang kanyang sinabi. "Kahit ikamatay ng puso ko, maging masaya ka lamang Aubrey." Bulong nya sa akin na hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig sa akin kaya mataman ko lamang siyang pinagmamasdan. Nakangiti man siya sa akin ay batid kong may dinadala itong isang mabigat na problema at hindi ko alam kung ano ba talaga ito. "Ang ganda nilang tignan ano Lourdes?" Ngiting ngiting wika ni tita Moira. "O-opo." Tanging sambit ni nanay dahil alam kong nahihiya siya. "Oh sya kami ay aalis na at baka hinahanap na ako ni Zion. Aubrey, hija aasahan ka namin mamaya, susunduin ka dito ni Zoran eksaktong alas siyete ng gabi." Saad pa ni tita at tuluyan na silang lumabas ng aming tahanan. Pagka alis nila ay mabilis na isinara ni nanay ang pinto at nagkatinginan kaming dalawa. "Jusmiyo! Anak, napaka gara namang kasuotan niyan?" Nanlalaki ang mga mata ni nanay habang hinihimas himas ang napaka gandang gown dahil tulad niya ay hindi pa rin ako makapaniwala na gagastusan ako ng ganito karangya ng ina ni Zoran. "Magmumukha kang prinsesa mamaya sa party." Masayang wika ng aking ina, nababakas ko sa kaniyang mukha ang katuwaan dahil alam nyang ngayon ko pa lamang mararanasan ang makapag suot ng ganito karangyang gown. "Nanay, parang nahihiya po ako." Wika ko sa aking ina. "Huwag kang mahiya anak, hanggat wala kang ginagawang masama at nilalamangang tao ay hindi ka dapat mahiya kahit kanino, taas noo kang haharap sa kanila kahit salat man tayo sa yaman ay may mabubuti tayong puso." Pahayag nya sa akin na ikina tungo ng ulo ko. Para akong sinampal sa sinabi ni nanay. Kung alam lang nya ang pinaplano ko ay baka sya pa mismo ang mahiya para sa akin at itakwil nila ako. Pero buo na ang aking pasya dahil gagawin ko ang lahat mapa sa akin lamang ang taong minamahal ko, simula ng pagkabata pa lamang namin ay sya na ang itinitibok ng aking puso. Tanging si Zion Miguel Smith. Lumipas ang mga oras at nandirito na ang ipinadala ni tita Moira na make up artist. "Napaka ganda mo, mas maganda ka pa sa Fiancee ni Zion." Sambit nya na may paghanga sa akin. "Halika na Aubrey, pumunta na tayo sa silid mo at isuot mo na ang gown at gusto ko ng makita, nakaka tomboy ang kagandahan mo." Kinikilig nyang ani sa akin. "Salamat po." Nahihiya kong wika sa kanya. "Ano ka ba Aubrey, dapat lagi kang taas noo dahil ngayon pa lamang ay sasabihin ko na sa iyo na ikaw ang pinaka magandang babae sa party mamaya." Ngiting-ngiti nyang wika sa akin. "Naku! Ate bolera po pala kayo." Sambit ko sa kanya na natatawa na. "Sus hindi kita binobola, tignan lang natin mamaya kung ang groom to be sa party mamaya ay hindi malaglag ang panga kapag nasilayan ang kagandahan mo." Nakataas na kilay nyang ani na may ngiti sa kanyang labi. "Sa tingin nyo po?" Wika kong namumula na ang mga pisngi. Totoo nga kaya ang kaniyang sinasabi? Pero sa isang banda ay nakaramdam ako ng katuwaan sa kaniyang sinambit. Sana nga mamaya ayapansin na ako ni Zion at umatras na siya sa kasal nila ni Margaret. Tinulungan nya akong isuot ang gown at sapatos gulat na gulat ako dahil parang isinukat ito sa aking katawan, napaka ganda, napaka sexy and daring pero hindi malaswa. Napaka elegante kong tignan at napaka ganda ko sa kasuotang ito. Ang kalakihan kong dibdib ay nagmamayabang, ang mahahaba kong hita na makinis at maputi ay kitang kita sa slit na hanggang taas ng aking hita. ang kurba ng aking beywang ay hakab na hakab at hindi magpapatalo sa mga modelong rumarampa sa mga entablado. Napanganga ako sa harapan ng malaking salamin at hindi makapaniwala na ganito ako kaganda kapag naayusan at nabihisan. Ako ba talaga ito? Pakiramdam ko ay nakatitig ako sa isang napaka gandang prinsesa na nasa aking harapan. "Oh my god! Oh my god!" Paulit ulit na wika ng nag ayos sa akin na si ate Lena habang takip ng kaniyang dalawang kamay ang kaniyang bibig. "Napaka ganda mo! Ako din ang nag ayos sa bride to be pero walang-wala syang sinabi sa iyo, oh my god!" Muli nya pang wika na ginantihan ko ng ngiti. Mabibining katok ang pumukaw sa aming dalawa at sabay pa kaming napatingin sa pintuan ng aking silid. "Anak jusmiyo! Ikaw ba talaga yan? Napaka ganda mo naman anak?" Nakatakip ang bibig ni nanay ng dalawa nyang kamay habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at mula paa pabalik sa aking mukha. "Jusko anak, napakaganda mong tunay." Naiiyak na ani ni nanay kaya napayakap ako sa kaniya. "Salamat po nanay, si nanay talaga ang number one fan ko eh." Sabay yakap ko sa aking ina na ikinatawa na naming tatlo sa aking silid. "Oh sya anak nandyan na sa labas si Zoran sa labas at hinihintay ka na." Wika nya at iginiya na nya ako palabas ng aking silid. Paglabas ko ay napatingin sa akin si Zoran. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, ang mga titig nyang hindi ko kayang labanan. "A-Aubrey?" Hindi makapaniwala nyang ani habang hinahagod nya ng tingin ang kabuuan ko na may paghanga sa kaniyang mukha. "Nakupo! Mukhang may isa ng tinamaan ng pana ni kupido." Palatak ni ate Lena na ikinatawa din nya. "Zoran okay lang ba suot ko?" Ani ko sa kanya dahil nag aalangan ako sa kaniyang mga titig. Lumapit sa akin si Zoran at kinuha ang aking isang kamay at hinalikan ito, napatingin ako sa kung saan dahil nakaramdam ako ng hiya sa kaniyang ginawa. "Napaka ganda mong tunay Aubrey!" Wika nyang nakatitig lamang sa aking mukha. "Akin ka ngayong gabi at hindi ako papayag na may magtatangkang lumapit sa iyo." Ani pa nya na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kaniya at sa unang pagkakataon ay tila ba nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa kaniyang mga titig sa akin kaya't ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon. "Halika na at inaantay na nila tayo." Ngiting-ngiti nyang ani sa akin. Nagpaalam na din kami kay nanay at lola, inaalalayan at iniingatan ako ni Zoran na para bang babasaging crystal at iginiya na sa loob ng kanyang magarang sasakyan. Hindi ako sanay na tinatrato ako ng ganito ni Zoran, sanay lamang ako na nagkukulitan kami o kaya ay nag aasaran, masyadong bago para sa akin ang mga ipinakikita nyang pag aalaga sa akin at hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Habang binabaybay namin ang papuntang mansion na hindi naman kalayuan ay panay ang kabog ng aking dibdib. "Zoran, kinakabahan ako." Wika ko sa kanya. Ang t***k ng aking puso ay para bang mga kabayong nag uunahan sa pagtakbo at halos hindi na nga ako makahinga. "Don't be, dahil lahat ng babae na nanduruon ay kakainggitan ka at lahat naman ng lalake sa party ay kaiinggitan ako, kasama na duon si kuya Zion at si Margaret." Wika nya habang nakatitig lamang ng diretso sa dinadaanan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD